Narinig pa yata ng ginang ang sinabi niya. "May sinabi ka ba, hija?" gagad na tanong nito. "Ha? W—wala po, Tit—ta. Sabi ko po sige tatawagin ko na lang po kayong, Ma—ma,” nabubulol na wika niya. "Ganyan nga, hija. Naku, nakakatuwa naman at may maayos ng kasintahan iyang si Sebby. Alam mo hija, hindi ako kampante doon sa Felicity na iyon dahil feeling ko maganda lang ang pakisama kapag nakaharap kami. Sana naman ay bigyan niyo kami ng maraming apo,” anito na walang preno sa pagsasalita na tila ba gustong-gusto siya. "Huh!" aniya na halos mabulunan siya sa sariling laway. Nakailang lunok tuloy siya dahil sa sinabi nito. "Naku, hija okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa nito nang mapansin ang pagkabalisa niya. "Opo, Ti—Mama. Nabigla lang po ako sa huli niyong sinabi,” aniya rito at do