Napamaang siya sa isang bagay na napagtanto. Hanggang sa unti-unting naglaro sa isipan ang kakaibang nasaksihang nangyari sa lalaki. "Hindi kaya—" aniya sabay tutop sa bibig. Ngunit hindi pa rin ma-process sa isip kung papaano ang isang doktor, malusog, mayaman at may kakayahang kunin ang lahat ng babaeng naisin at may sakit na tinatago. Napaupo sa harap ng mesa at binuklat-buklat ang ilang files na naroroon. Pero ang lahat ay tumutukoy sa isang partikular na karamdaman. Parkinson's disease. Doon ay naalala ang makailanf ulit na nakitang panginginig ng lalaki. Hanggang sa mapako ang mata niya sa isang writing pag na may nakaipit na ballpen. Hindi niya alam kung bakit tila iniengganyo siya nito na buklatin iyon at nakita ang ilang nakasulat roon. "I hate my life. If I could have a chan