She was puzzled about what she saw. Alam niyang may dapat siyang malaman tungkol kay Sebby. Naroroon pa rin siya at ngayon lang niya naalala ang kanyang sitwasyon. Agad siyang napakapit sa sanga ng mangga na hindi namalayang naakyat pala. "What the—" inis niyang turan nang hindi malaman kung papaano bababa. Napabuntong-hininga na lamang siya habang iniisip kung paano siya bababa. Matindi ang kapit habang inihahanda ang sarili sa pagbaba nang gulantangin siya ng pagtunog ng kaniyang cellphone. "Shockz! Muntik na ako doon ah!" aniya dahil sa kabiglaan. Agad na binunot ang cellphone sa bulsa. "Hello!" inis na sabad sa natawag sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ito dahil hindi niya na tinignan ang pangalan dito. "Wooooo! Relax lang babae. Galit ka yata?" gagad namang turan ng kasamahang