"Oh, bakit mukhang nakakita yata kayo ng multo?" tawang wika ng inang papalapit sa kanila. "Ma?!” awat ni Sebby sa inang tila natutuwa pa. "Anak, normal lang naman iyon. ‘Di ba Miles?" baling ulit nito. "Ha—eh!” aniya sabay tingin kay Sebby na humihingi ng saklolo. "Ma, nasaan pala si Papa? Baka hinahanap ka na po niya,” yakag ni Sebby sa ina. Napansin niya kasing naiilang na si Miles sa ginagawang pagtatanong ng ina. Habang akbay ang ina ay pasimpleng nilingon si Miles at nagtama ang paningin nila. Nakasunod pala ito sa kanila pabalik sa kasiyahan. Ngumiti siya rito saka muling yumuko at agad na hinanap ang kinaroroonan ng kaniyang yaya Belinda. Habang palalim ng gabi ay tila lumalalim din ang kasiyahan. Naroroong sumayaw pa ang mag-asawa kahit medyo hirap tumayo ang senyor ay pinil