Chapter 55: THE DAY THE COLD WAS BORN

2412 Words
SA MAHABANG SOFA ay nakaupo si Maya doon habang nakahiga sa kaniyang hita si YoRi na nakadukmo ang mukha nito sa kaniyang tiyan at nakayakap ang isang kamay nito sa bewang niya, habang hinahaplos ni Maya ang malambot nitong buhok. Ngayon lang nakita ni Maya si YoRi na umiyak, na magpakita ng kahinaan dahil nakilala niya ito bilang cold, may attitude at malakas na tao. Hindi alam ni Maya pero nararamdaman niya ang takot kanina sa iyak ni YoRi, pero nawala din ito ng kumamalma ito, pero hindi na ito bumitaw sa kaniya. Napalingon si Maya sa may hagdanan kung saan tahimik na nakasilip ang quadruplets sa kanila na ikinangiti niya sa mga ito, after kumain ng mga ito ay sinabihan sila ni Alexei na tumaad muna sa kanilang kuwarto. Sina Valerius, Alexa at Alexei ay nasa labas lang ng bahay upang bigyan ng space ang dalawa. “Do you know what is fear, Dailyn?” tanong ni YoRi habang nakadukmo parin ito sa tiyan niya. “Fear? May dalawang ibig sabihin ang takot, ang isang takot ay sa mga bagay, tao o hayop na puwedeng maging panganib sayo. Ang isang takot naman ay ‘yung may mawala sayo na importante, na ayaw mong mawala sayo. Bakit mo naitanong?” “I have this fear Dailyn, which I kept inside me. It turns out that it was my weakness, I want to take this fear out of me, but I thought I should let this fear stay on me.”pahayag ni YoRi na dahan-dahan na bumangon sa pagkakahiga nito sa sofa at umupo habang nakatingin sa kaniya si Maya. “Ano ba ang takot na nararamdaman mo?” tanong ni Maya na ikinalingon ni YoRi sa kaniya. Tahimik lang si YORi na nakatitig kay Maya, hindi naman alam ni Maya kung bakit may bigla siyang naramdaman na bahagyang nagpasikip sa kaniyang puso. “Yo…” “When I take this fear out of me, maaring mawalan na ako ng pakialam and somehow I don’t want to make that happen.” Mabining sambit ni YoRi na walang kalamigan sa boses nito at dinala ang kanang kamay niya sa pisngi ni Maya na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. “Do you trust me, Dailyn?”tanong ni YoRi na ikinahawak ni Maya sa kamay ni YoRi na nasa pisngi niya at tumango sa tanong nito. “Sobra…” “Do you like to hear a story?” sambit na tanong ni YoRi. “Story? Tungkol saan?” “About how the sun falls in love with the moon, but he’s just only have a chance to glimpse the moon before he goes down? The Sun mesmerize by the beauty of the moon, but whatever he did, he won’t ever meet the moon. Just only a glimpse from a far, even the sun wants to rise together with the moon, there’s his fear that he might burn her down by his heat. That’s why the sun never had a chance to meet with the moon up in the sky. What do you think about that story.” Pahayag na kuwento na masasabi ni Maya na isa sa pinakamahabang salita na nanggaling kay YoRi. “Malungkot ang sitwasyon ng araw dahil minahal niya ang buwan na kahit kailan hindi niya malalapitan o makakatagpo.”sagot ni Maya na ikinatitig ni Maya kay YoRi ng bahagya siyang ngitian nito. “That’s right, but sometimes even you can come closer and met one another still, if that love is not right it will just go in vain.”ani ni YoRi na hindi alam ni Maya kung bakit bigla niyang hinawakan ang braso ni YoRi at walang salitang lumabas sa bibig niya na ikinababa ng tingin ni YoRi doon. “Even if you hold tight…” “Yo, is there something wrong?” putol na ani ni Maya kay YoRi na ikinahila nito sa kaniya at hinalikan siya sa noo niya. “Will you hate me if I hurt you?” sambit na tanong ni YoRi kay Maya matapos niya itong halikan na ikinasalubong ng mga mata nila sa isa’t-isa. “Bakit tinatanong mo sa akin ‘yan? Bakit Yo? Sasaktan mo ba ako?” tanong ni Maya na pakiramdam niya ay gusto niyang umiyak sa mga oras na ‘yun pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil wala siyang maisip na dahilan bakit ganun ang nararamdaman niya. “I’m not perfect Daily, sometimes I do things that will hurt people around me. And if there will be a time that I will hurt you, I want you to hate me, Dailyn.”pahayag ni YoRi na bumalik na ang kalamigan sa tinig nito bago ito tumayo sa kinauupuan nito at walang masabi si Maya sa mga narinig niya kay YoRi. “You already met my adopted parents, and I want you to meet the other people involved in my life.” Ani ni YoRi na ikinalahad niya ng kamay niya sa harapan ni Maya. Agad na inabot ni Maya ang kamay niya kay YoRi at hinila na siya patayo, bago lumingon si YoRi sa quadruplets na gulat na napatayo at nataranta kung paano magtatago. “Junwei. “Yes kuya Yo!” agad na sagot at tumayo ng tuwid si Junwei na ginaya ng tatlo niyang kambal. “You always said that you are the eldest, right?” malamig na ani ni YoRi. “Yes Kuya Yo!” “Then as the eldest, you also their leader, remember that. Bring down all the futons here, we’ll sleep here in the sala tonight.” Ani ni YoRi na hinila na si Maya palabas ng bahay at iniwan ang quadruplets na nakatayo lang sa may hagdanan ang nakatingin sa kanila hanggang makalabas na sila ng pintuan kung saan agad napalingon sa kanila sina Valerius, Alexa at Alexei. “Go inside the car.”sambit ni YoRi kay Maya na ikinatango nito bago nilapitan ang tatlo. Inilagay ni Maya ang kaniyang kanang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib dahil may part sa kaniya na kinakabahan sa hindi malaman na dahilan. Pero inalis nalang niya iyon sa kaniyang isipan at naglakad papuntang kotse ni YoRi at sumakay doon. Nang makita ni YoRi na nasa loob na ng sasakyan si Maya ay malamig niyang ibinalik ang tingin niya sa tatlo na bahagyang yinuko ang mga ulo sa harapan niya. “Valerius, it’s time to take down the empire in china who stole the crown to the quadruplets. Take Alexei and Marco, finish it now.”malamig na utos ni YoRi. “Yes your highness.”sagot ni Valerius na ikinalingon naman ni YoRi kay Alexa. “Alexa, stay here with the quadruplets.”malamig na utos ni YoRi kay Alexa na tumango nalang sa utos niya. “Sire, why are you making your plan to give back the throne to the quadruplets in a hurry?” seryosong tanong ni Alexei na malamig na tingin ang ibinigay ni YoRi sa kaniya. “Because I have no time to spare.” Malamig na sagot ni YoRi bago naglakad na palapit sa kotse kung nasaan si Maya. Pagkasakay ni YoRi sa kotse ay agad niyang hiningi kay Maya ang kamay nito na agad namang binigay ni Maya. Pinaandar na ni YoRi ang kotse niya paalis sa village at iniwan na sina Alexei. “When our highness say he had no time to spare, is that mean…” “Yeah, he will nedd to come back to the hell.” Seryosong ani ni Alexei na ikinalingon nila kay Alexa ng bigla itong umiyak. “I-Ibig sabihin mahihiwalay na din tayo kay kuya Yo? Iiwan na din niya tayo?” iyak ni Alexa na patakbong yumakap kay Alexei. “Aish! You’re not a kid anymore, Alexa. Stop crying.”sita ni Alexei na tuloy parin si Alexa na umiyak. “Pag dumating ang araw na pabalikin na si kamahalan sa palasyo, we cannot come with him right? After all, we’re his guard from the family of Levev that the king hated.” Ani ni Valerius na hindi ikinaimik ni Alexei. MATAPOS ANG isang oras at kalahati na biyahe nina Maya ay nakarating na sila sa tapat ng isang malaking bahay na nakikita ni Maya sa may bintana. Hindi maiwasan ni Maya na humanga dahil nakikita niya na maraming mga bantay sa may gate palamang. “Nasaan tayo Yo?” tanong ni Maya kay YoRi ng makalapit na sila sa gate at agad silang pagbuksan ng gate at pumasok na sila sa loob. “In my auntie’s house.” Sagot ni YoRi na bahagyang natigilan si Maya sa sagot ni YoRi. Miya-miya pa ay nakarating na sila sa parking area ng malaking bahay, nauna ng lumabas si YoRi sa kotse at umikot sa kabilang bahagi upang pagbuksan si Maya. “Let’s go.” “Y-Yo, ba-bakit dinala mo ako dito?” tanong ni Maya na may kaunting gulat sa mukha nito na bahagyang ikinayuko ni YoRi upang silipin siya sa loob ng kotse. “Why not? She’s blood related to me. Nanay and tatay already knew you, she’s the only blood related to me that’s here in this country.” Malamig na paliwanag ni YoRi na hinawakan na si Maya sa kamay nito at inalalayan na palabas ng kotse. “Bi-Biglaan kasi, sana pinag-ayos mo muna ako.” “You’re beautiful whatever you are wearing, you being simple makes you wonderful, just be yourself.” Malamig na ani ni YoRi na bahagyang nag-init ang mukha ni Maya sa pagpuri niya dito. Hinawakan na niya ang kamay ni Maya at hinila na papasok sa malaking bahay, dere-deretso lang sila habang si Maya ay kinakabahan. Nang makapasok na sila sa loob ay agad silang binati ng mga katulong, hindi maiwasan ni Maya na igala ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng loob ng bahay. “Yo?” Agad na napalingon si Maya sa mabining boses na tumawag kay YoRi, agad niyang nakita ang isang middle age woman pero may taglay paring ganda at sopistikada ang dating na pababa ng hagdanan. “Hindi ko inaasahan na dadalaw ka dito sa bahay, masaya akong makita ka ulit. Kamusta k—oh! May kasama ka pala?” saad nito ng mapansin si Maya na nasa tabi ni YoRi na agad na payukong bumti. “He-Hello po, magandang araw po sa inyo.” “Sino siya Yo?” tanong ni Mrs. Santos kay YoRi ng magulat si Maya ng itaas ni YoRi at ipakita dito ang magkahawak nilang kamay na ikinagulat din naman ng ina ni Lu. “I came here so you can meet her, she’s Dailyn, my woman.” Malamig na pagpapakilala ni YoRi sa kaniya. “Y-Your woman? Ang ibig mo bang sabihin Yo, nobya mo?”tanong ni Mrs. Santos. “Our relationship has no label, but she’s my woman.” Ani ni YoRi na ramdam ni Maya ang pamumula ng kaniyang mukha. “Oh! Hi Dailyn, I’m sorry sa reaksyon ko. This is the first time my nephew brought a woman here and introduced to me as his woman.”ngiting ani ni Mrs Santos. “O-Okay lang po, hi-hindi ko rin po kasi expected na pupunta kami dito. Ako po pala si Maya Dailyn Paraon, ma’am.”pakilala ni Maya na bahagyang nahihiya sa harapan ng tiyahin ni YoRi. “Drop the ma’am, just call me tita Irene. Halika have a seat.” Ngiting aya ni Mrs Santos na kinuha si Maya kay YoRi at hinila ito papunta sa sala. “Honestly magkahalong tuwa at gulat ang nararamdaman ko knowing na ang pamangkin ay may babaeng ng nagpatibok ng kaniyang puso. She’s pretty Yo, and you match very well to her.” Ngiting pahayag nito. “Can I talk to you for a minute? Privately.” malamig na tanong ni YoRi kay Mrs. Santos. “Sure, okay lang ba na iwan natin dito si Dailyn mag-isa?” ani ni Mrs. Santos. “Naku okay lang po, huwag niyo po akong isipin.”ani ni Maya na ikinalapit ni YoRi sa kaniya. “We will be back.” Ani ni YoRi na hinalikan si Maya sa noo nito na hindi naiwasang ikinangiti ng ina Lu sa unang pagkakataon na may babaeng pinakikitaan ng ganitong gesture ni YoRi. Nauna ng naglakad si YoRi, ngiting kumaway si Mrs. Santos kay Maya bago ito sumunod kay YoRi, naiwan si Maya sa sala mag-isa ng mapalingon si Maya sa isang picture frame sa may side table na ikinalapit niya dito at tiningnan. Nakikita niya sa litrato si Mrs. Santos, isang batang babae, at sa pagkakatanda niya ay isa sa kaibigan ni YoRi at isang middle age na lalaki na naka uniporme ng pang pulis na hawig ng kaibigan ni YoRi, at isa pang middle age man na naka uniporme din na hindi napigilang ikinatitig ni Maya dito. “Bakit pamilyar ang mukha niya sa akin?” tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng mapalingon siya sa may hagdanan at makita ang isang teenager na sa tingin niya ay nasa edad na dose na bumababa ng hagdan na hawig ng batang babae na nakita niya sa picture na napalingon sa kaniya. Agad na binaba ni Maya ang litrato na hawak niya at ngiting kinawayan ang teen ager. “H-Hi!” “Are you a visitor of my mom?” tanong nito na ikinalakad nito palapit sa kaniya. “Hindi, ang kasama ko ay si Yo.”sagot ni Maya na ikinagulat nito sa kaniya. “You mean si Kuya Yo? Ano ka po ni Kuya Yo? Girflriend?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya na ngumiti na sa kaniya. “Ako po pala si Lily, kung nobya po kayo ni kuya Yo masaya po akong makilala kayo.” Ani nito na agad lumapit sa kaniya at hinila siya paupo. “Asan po si kuya Yo?” “A-Ahm, ka-kausap siya ng mom mo.”sagot ni Maya na mas ikinangiti ni Lily. “Perfect, dahil nobya ka po ni kuya Yo matutulungan niyo akong mag-isip ng puwede ko pong iregalo kay kuya Yo sa birthday niya. Secret lang po ah.” Excited na ani nito na bahagyang natigilan si Maya. “Birthday?” “Opo, birthday po ni Kuya Yo sa darating na martes. Hindi niyo po alam?” tanong ni Lily na hindi nakaimik si Maya dahil ngayon niya na realize na wala pa siyang masyadong alam sa personal details ni YoRi. Kaarawan ni Yo sa November 21? Ngayong darating na martes?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD