CHAPTER 02- COLD-HEARTED RIVAL

3952 Words
EXCITEMENT ang nararamdaman ni Maya sa mga oras na ito dahil dumating na ang araw ng opening ng kaniyang restaurant na dating pangalan parin ng inalisan niyang building ang ginamit niya, ang Rad Sluzhit’ Restaurant. Naghahanda na ang kaniyang mga tauhan na excited na rin sa kanilang opening, sinisigurado ni Maya na magiging ayos ang lahat, bago ang opening nila ay nakapag invite na siya through social medias na ginawa niya at personal din siyang namigay ng leaflets sa mga daan. Positibo si Maya na maraming pupunta sa opening ng restaurant nila, kaya gusto niyang maging maayos ang lahat. “Mikoy, ayos na ba ang lahat?” tanong ni Maya sa kaniyang tauhan na isa sa mga waiter na malawak ang ngiting nag okay sign sa kaniya. “Ayos na bossing, nakaready na kami nina Totoy, Caloy at Pauline para paglingkuran ang mga costumers natin. Ready na din sina Chef Misha at Chef Nikolai, syempre alam ko bossing ready ka na din na ipatikim ang best dish mo ang Pelmeni ala Maya.” “Ikaw talaga Mikoy, huwag mo ng dagdagan ng ala Maya ang Pelmeni na niluluto ko, baka mawirduhan ang mga costumers’ natin hindi pa nila orderin ‘yun.” Ngiting ani ni Maya na bahagyang ikinatawa ni Mikoy at napakamot nalang sa ulunan nito. “Pasensya na po bossing.” “Maya! Kailangan ka na namin ni Chef Nikolai dito sa kusina.” Tawag ni Misha mula sa may pintuan ng kusina na ikinatango ni Maya. “Okay!” sagot niya bago muling nilingon si Mikoy. “Malapit na tayong mag bukas, tell to others to give their warmest smile sa mga costumer na papasok sa restaurant natin, okay?” “Okay bossing, kaya lang kaya ba talaga nating ungusan ‘yung katapat nating restaurant? Punong-puno sila ng mga costumers, kanina napahaba ng pila nila kahit hindi pa nagbubukas ang restaurant nila.”saad ni Mikoy na bahagyang diskumpyado dahil sa katapat nilang restaurant na kilala sa buong Asia at marami ng branch sa iba’t-ibang bansa. Nilingon ni Maya ang La Cuisine Russiano na sa ilang araw na pag-aayos niya sa restaurant niya ay hindi ito nawawalan ng costumer, laging puno at pinagkakaguluhan. Buntonng hiningang binalikan ng tingin ni Maya si Mikoy at malakas itong hinampas sa braso nito na bahagyang napangiwi sa ginawa niya, at napahawak sa braso niyang hinampas ni Maya. “Bawal sa restaurant natin ang nega okay? Tsaka kahit gaano kakilala ang La Cuisine Restaurant na ‘yan hindi tayo dapat magpatalo, hindi man natin sila mapantayan ngayon, mauungusan din natin sila. Kaya bawal ang napanghihinaan ng loob okay ba ‘yun?” suway at pahayag ni Maya upang hindi ma discourage ang mga tauhan niya na ngiting ikinatango nito. “Tama ka bossing, makikilala din ang restaurant natin.” “That’s the spirit! Mag ready na kayo.” Ngitinga ni Maya na ikinatakbo na nito papunta sa kusina kung saan pagpasok niya ay abala na ang dalawa niyang Chef na nagluluto ng mga ihahanda nila sa mga restaurant nila. “Ang dami nating gawain sa kusina Maya, wala dapat tayong oras na dapat aksayahin. Hindi dahil boss ka namin eh magsu-suspervise ka lang, tandaan mo Chef ka din.”sermon ni Misha na bahagyang ngiting ikinangiwi ni Maya habang sinusuot niya ang apron niya. “Sorry Misha, magtatrabaho na po.”saad ni Maya na kinuha na ang mga gagamitin niya at ingredients sa lulutuin niya. “Sapalaran ang ginagawa natin ngayon laban sa La Cuisine Russiano, hindi dapat tayo maging kampante.”ani ni Misha habang nagluluto ito. Nakilala niya at naging malapit na kaibigan niya si Misha sa training camp sa Russia na pinuntahan niya, natarayan siya sa unang pagkikilala nila pero naging malapit din sila sa isa’t-isa at sabay na nangarap na makapagpatayo ng restaurant na silang dalawa ang chef. “We’re not in a battle, Misha, we should not see La Cuisine Russiano as our rival. In their state and standing as a well-known Russian restaurant, we’re just little to them.”seryosong pahayag ni Nikolai na bahagyang ikinagitla ni Maya ng marinig niya ang malakas na pagbagsak ni Misha sa hawak nitong kutsilyo na ikinalingon niya sa dalawa. “We’re not little as you said, Niko! We’re in a business at kalaban natin ang La Cuisine Russiano, hindi dapat tayo magpatalo!” pahayag na sita ni Misha kay Nikolai na ikinabuntong hininga nito. “My ne na voyne, Misha, ty tozhe ne soldat.( We are not at war, Misha, you are not a soldier either.)” “Bakit ba kontrabida ka lagi diyan ha!”pikong singhal ni Misha kay Nikolai na agad ikinalapit ni Maya sa dalawa. “Huwag na kayong magtalo, magluto nalang tayo.” Awat ni Maya sa dalawa na ikinalingon ni Nikolai sa kaniya. Sa training camp niya din nakilala si Nikolai, kahit may bahagyang pagkatahimik at seryoso ito ay naging kaibigan nila ito ni Misha. Inaya ni Maya si Nikolai na maging chef sa restaurant na itatayo nila na walang angal na ikinapayag nito agad. Half-Russian-American si Nicolai at marunong itong magtagol, hindi lang nito madalas ginagamit. At dahil magkakaibigan sila, iisang apartment ang tinitirhan nilang tatlo. “I’m cooking here, Maya, tell Misha to focus on her cooking.”saad ni Nikolai sa kaniya na ikinabalik na nito sa pagluluto na ikinaingos lang ni Misha at nag focus na din sa niluluto nito na bahagyang ikinabuntong hininga ni Maya. Sa kanilang tatlo, si Misha at Nikolai ang madalas na nagkakasagutan kahit si Misha ang nauuna minsan. Naiiling na binalikan ni Maya ang kaniyang lulutuin at nagsimula na din dahil miya-miya lang ay marami ng costumer ang dadating sa restaurant nila. Naging seryoso na si Maya sa pagluluto niya ng kaniyang dish, gusto niyang magustuhan at balik-balikan ng mga magiging costumers niya ang mga lulutuin niya at ihahain niya sa mga ito. Nangako din si Leroi sa kaniya na dadaan ito sa restaurant niya kasama si Devin, nilingon ni Maya ang wall clock nila at hindi niya mapigilang maghalo ang kaba at excitement dahil ilang minuto nalang ay magbubukas na sila. “Excited na ako, gusto ko ng matikman ng mga magdadatingan na costumers natin ang mga luto natin.” Malawak na ani Maya. “Magugustuhan talaga nila ang mga niluluto natin, magagaling na chef din tayo nuh. Pag natikman nila ang mga putahe na ihahain natin sa kanila, I’m sure babalik-balikan nila ang Rad Sluzhit’ Restaurant.” Pahayag na sagot ni Misha. “Ona snova khvastayetsya. (She boasts again.)” kumentong puna ni Nikolai na kakatapos lang sa niluluto nito na sinamaan ng tingin ni Misha. “Anong sabi mo Niko! Huwag mo kong simulan, at talaga naman hindi tayo matatapos pag nagsimula akong mapikon sayo.”singhal ni Misha na ikinabuntong hininga nalang ni Maya sa dalawa. “Bossing!” Sabay-sabay na napalingon sina Maya kay Mikoy na natatarantang sumilip sa kusina na ikinangiti ni Maya dito. “May mga costumer na bang nagdadatingan? Kumuha na ba sila ng mga order nila sa menu natin?” excited na mga tanong ni Maya kay Mikoy na bahagyang ikinawalan ng ngiti ni Maya ng mapansin niya ang pag-aalala sa mata ni Mikoy. “Ayun nga ang problema bossing, nilagay na namin ang sign natin na bukas na tayo kaya lang, ‘yung mga costumer natin nang makita nilang katapat natin ang La Cuisine Russiano mga nagsipuntahan sila doon.” Pagbibigay alam ni Mikoy na ikinabitaw ni Maya sa hawak nitong sandok bago ito mabilis na lumabas ng restaurant niya na ikinabuntong hininga ni Nikolai. “This is what I’m saying, we’re little and un famous compare to La Cuisine.” “Huwag ka munang mag comment Niko pwede? Bantayan mo niluluto ko ha!”singhal na sita ni Misha na agad ding lumabas ng kusina kasunod si Mikoy at iniwan si Nikolai na napalingon sa kasasara lang na pintuan ng kusina. Nang makalabas na si Maya sa labas ng restaurant niya ay nakikita niya ang mga tao na pupunta sana sa restaurant nila pero ng makita nila ang La Cuisine ay nag-iiba na sila ng lakad at doon nagpupunta. “Hindi pwede ‘to…”mahinang sambit ni Maya na nagpakahirap mag invite sa kalsada at pinagpuyatan niya ang pag gawa ng social media nila pero ganito ang mangyayari, pakiramdam ni Maya ay may umaagaw sa pangarap niya. “Hindi ‘to pwedeng mangyari.”muling pahayag ni Maya na agad na nilapitan at hinarangan ang mag-ina na akmang pupunta sa La Cuisine na nagulat ng humarang siya. “Hello po, baka gusto niyo pong subukan ang restaurant namin. Masasarap din po ang mga pagkain namin at Russian Cuisine din po kami, magugustuhan niyo po ang mga pagkain namin nakakasigurado po ako.” Pagiimbita ni Maya sa mag-ina na nilingon ang restaurant niya. “Tsaka, too crowded na po ang restaurant na pupuntahan niyo. Baka hindi pa kayo maasikaso sa dami ng kumakain sa kanila, dito nalang po kayo sa restaurant namin and we will be happy to serve you po.” Magiliw na pag-anyaya ni Maya na ikinalingon ng mag-ina naman sa La Cuisine Russiano. “Mommy, gusto ko na doon tayo kumain. Sika tang restaurant na ‘yan tsaka may gusto akong makita eh, tara na.”ani ng dalaga sa ina nito na hinila ang ina papunta sa La Cuisine Russiano na hindi na napigilan ni Maya. “Subukan niyo naman po ang restaurant namin!” sigaw ni Maya na walang pumapansin sa kaniya na nilalagpasan lang siya na naasar na ikinapadyak niya sa kinatatayuan niya. “Wala tayong magagawa kung ayaw nila, hindi naman natin sila pwedeng pilitin Maya. I’m sure may ibang costumer na papasok at kakain sa atin.”ani ni Misha na nakalapit na kay Maya na ikinalingon nito sa kaniya. “Pero Misha…” “Naiinis din ako na pinipilit nilang magsumiksik sa La Cuisine Russiano na ‘yan gayong ang dami ng pumapasok sa loob, pero wala tayong magagawa kung gusto nilang magsumiksik diyan.”ani ni Misha na ikinahawak na nito sa braso niya at hinila siya pabalik sa loob ng restaurant nila. “Ano ba kasing meron ang restaurant na ‘yan at dinadayo ng mga tao! Kahit crowded na pinupuntahan pa din! Naiinis ako dahil ayaw man lang nilang subukan ang restaurant natin, Russian cuisine din naman ang ihahain natin sa kanila ah!” naiinis na reklamo ni Maya ng makapasok na sila sa loob ng restaurant nila. “Don’t lose hope, may costumer din na papasok sa atin. Huwag tayong magpapakita ng panghihina sa kung sino man ang may-ari ng La Cuisine na ‘yan.” Pagpapalakas ng loob ni Misha kay Maya. “Sa tingin ko bossing, hindi lang mga pagkain ang dinadayo ng mga tao sa sikat na La Cuisine.” Pahayag ni Pauline na sabay na ikinalingon ni Maya at Misha sa kaniya na nakatayo kasama ang iba pa. “Anong ibig mong sabihin Pauline?” tanong ni Maya na tinuro mula sa bintana nila ang La Cuisine Restaurant na ikinalingon din nina Maya doon. “Tingnan niyo bossing, 75% ng mga costumers diyan puro kababaihan. Maliban sa mga putahe na niluluto nila, isa sa pinupuntahan diyan ay ‘yung may ari ng restaurant na ‘yan.”paliwanag na sagot ni Pauline na ikinabalik ng tingin ni Maya dito. “Bakit pati may ari ng restaurant na ‘yan ay dadayuhin nila? Makakain ba ang kung sino mang may-ari ng restaurant na ‘yan? I’m sure matandang hukluban lang naman ang may-ari niyan.”saad ni Maya na ikinailing ni Pauline. “Naku bossing hindi po, napakagwapo po ng may-ari ng La Cuisine at sa tingin ko po ay isang taon lang ang tanda sa inyo. Sa nababalitaan ko po, hindi lang siya may-ari ng restaurant niya, tulad niyo isa din po siya sa main chef at mismong siya ang nagse-serve ng special dish na ito sa mga costumers nila.”pahayag ni Pauline na nakikita ni Maya ang admiration sa mga mata nito. “Huwag mong hangaan ang kalaban natin Pauline.”bahagyang sita ni Maya kay Pauline na agad ikinayuko nito. “Sorry po bossing.” “Ano naman kung gwapo ang may ari ng restaurant na ‘yan at chef din? Hindi niya pwedeng gamitin ang gwapo niyang mukha para lang dayuhin ng mga costumers!” singhal ni Maya ng may biglang maisip. “Bakit kaya hindi natin ilabas si Nikolai? Gwapo din kaya si Nikolai at I’m sure makakakuha din siya ng atens---arayyy! Misha…” “Kalokohan na ang naiisip mo Maya, kahit ilabas natin si Nikolai hindi siya makakakuha ng atensyon ng mga cotumers. Ang boring kaya niyang tingnan, tsaka tulad ng sabi ko huwag mong problemahin ang katapat nating restaurant. Magkaka costumer din tayo, pinagpapala ang mga naghihintay.”saad ni Misha na ikinapatong ng kanang kamay nito sa ulunan ni Maya. “Bumalik na tayo sa kusina, madami pa tayong gagawin.”ani pa ni Misha na nauna ng ikalakad nito pabalik sa kusina habang si Maya ay ibinalik ang tingin sa La Cuisine Russiano. “Hindi ako basta-basta mawawalan ng pag-asa dahil lang hindi kami pinuntahan ng mga tao sa opening namin, makikita mo sa kung sino man ang may-ari ng La Cuisine na ‘yan. Sa Rad Sluzhit’ mapupunta ang huling halakhak!”pahayag ni Maya na ikinapalakpak sa kaniya ng tatlo niyang tauhan na ikinangiti niyang ikinalingon sa mga ito. “Tama si Misha, for sure magkaka costumer din tayo. Hindi pa naman tapos ang araw na ‘to kaya magtiwala tayong may papasok at papasok na cost---“ “Bossing costumer…” Agad na nilingon ni Maya ang kakapasok at kauna-unahang costumer ng restaurant nila na ikinangiti niya pero ikinawala din agad ng mamukhaan niya ang lalaking malamig pa sa yelo ang presensya na nililibot ang tingin sa kabuuan ng restaurant niya. Anong ginagawa ng lalaking na ‘to sa restau---hindi kaya susubukan niyang kumain dito? ani ni Maya sa isipan niya na ngitig agad niyang ikinalakad palapit dito na natigil sa paglalakad ng tumigil siya sa harapan nito. “Welcome to Rad Sluzhit’ Restaurant, regular costumer ka ng La Cuisine hindi ba? Narito ka ba para subukan ang mga pagkain namin?” nakangiting ani ni Maya dito na malamig ang tingin na binibigay sa kaniya. “Don’t smile like that to your costumer, it’s creepy.” Walang emosyon na ani nito na nilagpasan si Maya at umupo sa isang upuan na bahagyang ikinapikon ni Maya dito, pero kinalma niya ang sarili niya dahil costumer ito. Huminga ng malalim si Maya at pinuntahan niya ang mesa na pinili nitong upuan. “Isa ako sa chef sa restaurant namin, at dahil ikaw ang unang costumer namin ngayong opening namin, swerte mo special service ang ibibigay namin sayo.”ngiting pahayag ni Maya na nilingon sina Mikoy at sinenyasan na ibigay sa kaniya ang menu nila na agad naman na ikinakilos nito. Nang maibigay na ni Miko yang menu nila ay inilapag niya ito sa harapan ng gwapong costumer nila na hindi niya maiwasang ikapikon dito. “What’s your orde---“ “No costumers? Only me?”malamig na ani nito na pilit ikinakalma ni Maya. “Ikaw lang ang nandito diba? So yes, ikaw palang ang costumer namin, but don’t worry may mga darating din na ibang costumers maliban sayo. Pili ka lang diyan sa nasa menu, my staff will be happy to serve you.”ngiting saad ni Maya na agad nitong ikinasimangot at tinalikuran na ito. Nagsimula ng maglakad si Maya pabalik sa kusina at sina Mikoy na ang nagtanong sa kung ano ang oorderin nito. Pagkapasok ni Maya sa kusina ay nakapamewang siyang hinarap sina Misha na nagluluto ng panibagong putahe. “May isa na tayong costumer.”pagbibigay alam ni Maya. “That’s good news.”ani ni Misha. “Hindi ‘yun good news Misha, mukhang regular costumer ni La Cuisine ang kakain sa restaurant natin upang pagkumparahin ang mga niluluto natin. Makikita niya, after niyang kumain dito babalik at babalik siya para dito na kumain.”pahayag ni Maya na ikinalingon ni Misha sa kaniya at pinalakpakan siya. “That’s the spirit, babe. Now, magluto ka na.”ani nito bago bumalik sa pagluluto nito. Agad na hinarap ni Maya ang lutuin niya at tinaas ang manggas ng suot niya at hinawakan na ang kutsilyo niya. “Makikita ng taong yelo na ‘yun, hindi man halata pero I’m sure minamaliit niya ang restaurant ko, kaya maghintay lang siya. Patitikimin ko siya ng mga putahe namin na kahit pangalan niya makakalimutan niya.”determinadong pahayag Maya na ikinasimula na niyang iluto. Miya-miya pa ay pumasok na si Mikoy upang sabihin sa kanila ang unang order ng una nilang costumer. “Bossing, Borscht po ang una niyang inorder.” Agad na ginawa ni Misha ang order ng una nilang costumer, ginandan nito ang plating bago binigay kay Mikoy upang dalhin sa costumer nila. Wala pang isang minuto ng bumalik si Mikoy na dala ang Borscht na wala masyadong bawas. “Bossing, pinabalik niya. Ang sabi niya hindi daw balance ang sweet-to-sour balance ng Borscht natin, kulang daw sa Beets sour ‘yun po ang sabi niya. Tapos, umorder po ulit siya. Shchi naman daw po ang oorderin niya.” Pahayag ni Mikoy na agad tiningnan ni Misha ang niluto nitong Borscht. “Paano niyang nasabi na hindi balance ang sweet-sour nito? Parang okay naman nung tikman ko kanina ah?” takang ani ni Misha. “Misha, ibigay mo na ang pangalawang order ng critic nating costumer.”pigil nap ikon na ani ni Maya na wala ng kumento si Misha na ginawa ang order nito. Nang matapos na ni Misha ang pangawalang order ng costumer nila ay agad nitong binigay kay Mikoy na agad din na lumabas upang ibigay ang pangalawang order nito. “Ano bang problema ng taong yelo na ‘yun? Anong akala niya sa sarili niya, food critic?” singhal na reklamo ni Maya napahigpit ang hawak sa sandok niya. Miya-miya pa ay muling bumalik si Mikoy na bahagyang nakangiwi na dala muli pabalik ang Shchi na order ng costumer nila. “A-ang sa-sabi niya po, k-kulang daw sa pagka fermented ‘yung cabbage at tinipid daw po sa beef broth na nagbibigay ng flavor sa soup.”pahayag ni Mikoy. “What?” Naguguluhan si Misha sa kung anong problema ng mga niluluto nila at sinasabi ng kanilang costumer na nagkukulang sila sa pagluluto. “M-May bago siyang o-orde---“ “Ano ang bago niyang order na iki-critic?” seryosong putol na ani ni Maya na kita ni Miko yang pagkapikon sa mga mata ni Maya. “Ang gusto niya pong order ay ‘yung best main dish daw po natin, ‘yung Pelmeni niyo bossing.”sagot ni Mikoy na naiinis na ikinangisi ni Maya. “Okay, fine!” pahayag ni Maya na agad hinanda ang order ng mas kinaiinisan niyang costumer nila. Naka focus lang si Maya sa pagluluto niya at ng matapos niya na ay maingat at inayos niya ang plating sa niluto niyang Palmeni. Nang maihanda na niya ay inalis niya ang apron na suot niya na ikinatingin lang nina Mikoy sa kaniya ganun din si Nikolai na natigil sa ginagawa nito. “Maya…” “Bossing…” “Ako na ang magse-serve sa critic nating costumer, tingnan ko lang kung may masabi siya.”inis na pahayag ni Maya na agad binuhat ang tray at naglakad palabas sa kusina dala-dala ang order ng una niyang costumer. Nang malabas siya ay agad niyang itinuon ang mga mata niya sa lalaking prenteng nakaupo sa pwesto nito na bahagyang ikinasama ng tingin niya dito. Nang makarating siya sa mesa nito ay inilapag na niya sa harapan nito ang order nitong Pelmeni. “Ayan na ang order mo, ako na ang nag serve. Enjoy your food.”ani ni Maya na hindi umalis sa harapan nito na walang salitang tinikman na ang special dish niya. Nang isubo na nito ang isang Pelmeni ay wala itong imik habang ngumunguya, hindi kumikilos si Maya na kinatatayuan niya habang hinihintay ang sasabihin nito na nakita niyang ikinababa na nito sa kutsara nito. “So anong maki-critic mo? I’m sure wala dahil special recipe ko ‘yan, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng apog mong i-critic ang mga naunang orderin mo. Dahil ba lagi kang nakakakain ng ganiyan sa La Cuisine at kinukumpara mo ang luto nila sa luto namin? Ano bang alam mo sa pagluluto ha?”singhal na reklamo ni Maya habang nakatingin lang sina Pauline sa kanila ganun din si Mikoy, Misha at Nikolai na nasa pintuan ng kusina. “The dough of your Pelmeni is thick, to sour and not enough of flavored of meat. So, this is your special dish?” malamig na ani nito na hindi na napigilang malakas na hampasin ni Maya ang mesa nito na hindi man lang natinag ang gwapong lalaking nasa harapan niya. “Bakit ba imbes na kumain ka nalang eh pinupuna mo kung anong kulang o mali sa luto namin ha? Sabihin mo nga, nagpunta ka lang ba dito para maliitin ang restaurant namin ha?! Kung makapag bigay ka ng critic mo akala mo chef ka! Chef ka ba?!” hindi na napigilang bulyaw ni Maya dito na malamig ang tingin na nakatingin sa kaniya. “Yeah, I’m a chef.”walang emosyon na sagot nito na ikinawalan ng imik ni Maya na ikinatayo nito sa kinauupuan nito. “I’m the owner and executive chef of La Cuisine Russiano, so this are the dish that you will compete on mine. Trash.” Malamig na kumento nito na ikinagulat ni Maya at ng mga kasama niya maliban kay Nikolai na seryosong nakatingin lang dito. “A-ano? I-ikaw a-ang may ari ng L-La Cuisine?” hindi makapaniwalang sambit ni Maya na agad na ikinasama niya ng tingin dito. “Kaya ba nagpunta ka dito sa restaurant namin ay para maliitin kami ha? Ang lakas pa ng loob mong laitin mga niluto namin palibhasa dinadayo ang sa’yo! Sino ka ba sa akala mo ha?! Alam mo naiinis na ako sayonng taong yel---“ Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng isubo ng lalaking kaharap niya ang isang Pelmeni dumpling sa bibig niya. “I'm not insulting your food, I'm just saying what's missing from what you cook. If you want to compete with my restaurant then before you serve all your dishes, make sure it’s perfect taste to serve.”malamig na ani nito na nagpamulsang tinalikuran na si Maya na bago pa ito tuluyang makalabas ay huminto ito sa paglalakad pero hindi nilingon si Maya na hindi makakilos sa kinatatayuan niya habang nakasunod ng tingin dito. “Yo Ringfer is my name, if you want to beat me then enhance your skill in cooking.” Walang emosyon na pahayag nito bago tuluyang umalis sa restaurant nila na naiinis na ikinadampot at ikinabato ni Maya na deretsong tumama sa kasasara lang na pintuan. “Nakakabwishit shaaaa!” pikong sigaw ni Maya na nginuya ang Pelmeni na isinaksak ni YoRi sa bibig niya na agad niyang nilunok at mabilis ang lakad na pumunta sa pintuan at binuksan iyon. “Bossing!” tawag nina Mikoy sa kaniya. “Huwag ka ng babalik dito! Makikita mo, hindi ako magpapatalo sayong taong yelo ka!” sigaw na singhal na sigaw ni Maya sa inis na kita niya lang na dere-deretsong ikinalakad ni YoRi na bago pa makapasok sa restaurant nito ay itinaas nito ang kanang kamay bago tuluyang pumasok sa loob na naiinis na ikinapadyak ni Maya sa kinatatayuan niya sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD