Chapter 03- Ruckus in the Market

3109 Words
PAGKA-INIS ang makikita sa mukha ni Maya habang nakasilip siya sa bintana ng restaurant niya at masamang tingin ang binibigay sa La Cuisine Russiano na nakikita niyang pinipilahan na naman ng mga costumers, samantalang sa restaurant niya ay mabibilang sa daliri ang napunta para kumain. Hanggang ngayon, matapos ang ginawang panghuhusga ni YoRi sa mga putahe na hinahain nila dito ay hindi pari mawala ang inis at pagka-pikon ni Maya para kay YoRi. Tutulog nalang siya kagabi pero ang pagka-inis niya kay YoRi at ang panghuhusga nito sa mga niluto nila ang hindi mawala sa isipan niya. At hindi makalimutan ni Maya ang huling sinabi ni YoRi bago ito umalis sa restaurant niya. ‘Yo Ringfer is my name, if you want to beat me then enhance your skill in cooking.’ “I will show to you Mr. Taong yelo na ako ang magpapabagsak sayo, lalamangan ko ang restaurant mo at mas dadayuhin ang mga niluluto namin. Hambog, mayabang!” inis na inis na sambit ni Maya sa mahinang boses niya habang ginagawan pa niya ng aksyon gamit ang dalawang kamay niya na parang dinudurog ang restaurant ni YoRi. Natigil lang si Maya sa pagdurog ng La Cuisine Russiano sa kaniyang isipan ng makatanggap siya ng may kalakasang hampas sa kanang balikat niya at paglingon niya ay si Misha. “Honest review ko sayo? Para kang baliw sa ginagawa mo diyan, baka pag napansin ka ng iilang costumer natin sa ginagawa mo dito baka umalis sila dito. Nagluluto ka dapat sa kusina at hindi dinudurog ang kalaban nating restaurant diyan sa loob ng isipan mo, alam kong naiinis ka sa owner ng La Cuisine Russiano dahil sa mga critic niya sa mga luto natin. Kaya lang hindi mo siya malalagpasan kung tatayo ka lang dito, don’t let him get into your nerves, Maya.”pahayag na sermon na may halong page-encourage ni Misha kay Maya na napabuga ng hangin. “Hindi kasi mawala sa isip ko mga panglalait niya, hindi ko matatanggap na critic ‘yun dahil for sure nilalait niya ang mga niluluto natin. Nauna lang siya sa ganitong business, nahuli lang ako pero ako ang tatalo sa kaniya.”determinadong pahayag ni Maya na ikinabuntong hininga ni Misha. “Maya, nakalimutan mo ba ang naging usapan niyo ni Leroi kagabi ng dumaan siya dito? Baka nawala sa isipan mo, alalahanin mo muna. Tapos pag naalala mo na, balik ka na sa kitchen, trabaho tayo nuh.”ani ni Misha na mahina siyang hinampas sa balikat niya bago ito naglakad papunta sa kusina. Ibinalik ni Maya ang tingin niya sa La Cuisine Russiano ng magbalik tanaw siya sa napag-usapan nila ni Leroi kagabi ng dumaan ito sa restaurant niya kasama si Devin. *FLASHBACK* “So? Mukhang punong-puno ng costumer ang restaurant niyo, Maya ah.” Kumentong ani ni Devin na ikinapoker face ni Maya sa bagong dating nilang bisita sa kanilang bagong bukas na restaurant na sumapit na ang gabi ay isa o dalawa lang ang napasok sa restaurant nila, at ang mga ito pa ay dahil walang choice dahil wala nang makuhang reservation ang mga ito sa katapat nilang restaurant. “Iisipin kong hindi ko narinig ang sinabi mo Devin.”ani ni Maya na ngising ikinatikom ng bibig ni Devin. Kasama ni Maya sa isang mesa sina Leroi at Devin, pumuwesto sila sa malapit sa transparent na bintana kung saan makikita agad ang restaurant ni YoRi. Nagpangalumbaba nalang si Maya na binaling ang kaniyang tingin sa restaurant ni Yo na hanggang ngayon oras ay dinadayo parin ng mga costumers. “Siguro may potion na nilalagay ang taong yelo na may-ari ng restaurant na ‘yan, parehas lang naman na Russian dish ang hinahain namin kaya bakit kailangan pang makipagsiksikan ang ibang costumers kung pwede naman sila dito sa restaurant ko.”angal ni Maya. “I told you on the phone, don’t compete with the owner of that restaurant.”seryosong ani ni Leroi na agad na ibinaling ni Maya ang tingin niya dito. “I wasn’t at first, pero nang sadyain niya ang restaurant ko at laitin ang way ng pagluluto namin hindi pwedeng tatahimik lang ako. That ice-man challenge me Leroi, kaya ipapakita ko sa kaniya na malli siya ng minaliit na babae.” “Kung ako sayo Maya, don’t let your peaceful life involved with the owner of that restaurant. Hindi natin masisisi ang mga taong kumakain sa restaurant niya dahil masarap naman talaga ang hinaha---“ “Sinasabi mo ba Devin na hindi masarap ang mga niluluto namin dito?” putol na sita ni Maya kay Devin na natatawang umiling sa kaniya. “Wala naman akong sinasabing ganiyan, ang advance mo Maya ah. I’m just saying that your experience in cooking is not enough to beat him.”saad ni Devin na ikinataas ng isang kilay ni Maya. “Kung sabihin mo sa akin ‘yan Devin parang kilala moa ng taong yelo na may ari ng restaurant na ‘yan ah.” “Do your own work and don’t let him provoke you, focus on your goal not on competing in a person that’s more ahead in you.”seryosong saad ni Leroi na bahagyang ikinabagsak ng balikat ni Maya. “Bakit ganiyan ka Leroi, dapat ine-encourage mo ako. Kung sabihin niyo ako ni Devin parang kilala niyo ang may ari ng restaurant na ‘yan, dapat ako ang pinapanigan niyo.”angal na reklamo ni Maya sa dalawa ng isangn tray na may pagkain ang lumapag sa mesa nila na agad ikinalingon ni Maya kay Misha na tumabi ng upo sa kaniya. “Pagsabihan niyo ng maagi ang babaeng ‘to, tinuturing niya ng karibal ang may-ari ng La Cuisine Russiano na hindi naman dapat dahil kung tutuusin sa ganitong industry maituturing na senior namin sila. Besides, sa for my perspective binibigyan niya lang tayo ng tips to impro---“ “Don’t tell me napo-pogian ka sa taong yelo na ‘yun kaya nasa kaniya ang side mo, dapat mainis ka Misha! That ice-man insult our foo---awww Misha! Bakit mo ako binatukan?!” angal ni Maya na hindi natapos ang sasabihin niya dahil sa pambabatok ni Misha sa kaniya na pigil si Devin na mapatawa. “Hindi niya ininsulto ang niluto natin, sinabi niya lang ang kung anong sa tingin niya ay kulang. He’s also a chef at masakit man sa pride aminin, hindi pa ako ganun kagaling magluto. Tsaka FYI, gwapo naman talaga ang may ari ng La Cuisine pero hindi dahil doon kaya hindi ako naiinis. Huwag mo kasing personalin ang mga sinabi niya.”ani na singhal ni Misha kay Maya na napasimangot na napanguso nalang sa kinauupuan nito. “I will tell you again, Maya. Don’t involve with him, do your own business while he’s doing his. Learn to improve the things that your lack, reduce your stubbornness also.” Ani ni Leroi. “I’m not stubborn!” “Yes you are, once your stubbornness activated you do things that harm you.”saad ni Leroi na ikinaasar sa kaniya ni Devin. *END OF FLASHBACK* “Hindi parin maalis sa akin na pang-iinsulto ang ginawa niya sa restaurant ko, makikita mo taong yelo. Iguguhit ko ang pangalan ng restaurant ko at lalamangan kita, tandaan mo ‘yan.”pahayag na deklara ni Maya na ikinalingon niya kay Caloy na lumapit sa kinatatayuan niya. “Bossing, pangalawang araw na natin pero wala parin tayong costumer.” “Huwag tayong mawalan ng pag-asa Caloy, nagsisimula palang naman tayo eh. Hindi dapat tayo ma-discourage, may time din na makikilala ang restaurant natin.”ngiting ani ni Maya sa tauhan niyang nakikita niyang nadi-discouarage sa nagiging resulta ng restaurant nila. “Parang mali ang desisyon mo bossing na dito itayo ang pangalawang branch ng Rad Sluzhit’, ang lakas ng kalab---“ Hindi natapos ni Caloy ang sasabihin niya ng makatanggap siya ng hampas kay Maya sa balikat niya. “Bawal ang negative dito Caloy, fine! Sige sabihin na natin na malakas ang kalaban natin pero hindi tayo dapat nagpapadaig.”ani na sermon ni Maya na napalingon sa pintuan ng may pumasok na apat na lalaking dere-deretsong pumasok sa loob at umupo na sa pwestong napili ng mga ito na ikinalawak ng ngiti ni Maya. “See, kailangan lang natin ng kaunting patience.”ani ni Maya na inayos ang sarili bago siya na ang kusang lumapit sa limang bagong dating na costumer niya upang asikasuhin. Habang papalapit si Maya sa mesa ng mga ito ay masasabi niyang nag-gagwapuhan ang mga ito, sa porma din ng mga ito ay mukhang mga businessman at hindi napigilan ni Maya na ma-kyutan sa kambal na nakikita niya. Gustong-gusto ni Maya na nakakakita ng mga kambal, it makes her feel joy seeing twins at tinitingnan niya ‘yun as good omen. “Good day mga sir, welcome to Rad Sluzhit’ Restaurant where fine dine Russian food are serving here.” Magalang at polite na paglapit ni Maya sa limang costumers nila na agad na dumating si Mikoy upang ilapag ang menu sa mesa ng mga ito. “Are you guaranteed master Silas that the food here is same in Ringfer’s dishes?” rinig ni Maya na tanong ng isa sa limang gwapong mgma lalaki na dahan-dahan na ikinawalan ng ngiti ni Maya. “Lagyan mo ng ng filter ‘yang bibig mo, Thunder, your saying those words na parang walang nakakarinig sayo na staff dito.” sita ng isang lalaking malawak ang ngiting lumingon kay Maya. “Sorry for his manners, we’re just planning kasi na mag take ng lunch namin sa La Cuisine yet puno na daw at wala ng vacant and we see this restaurant. Parehas naman na Russian cuisine ang hinahain niyo kaya for sure parehas lang ang lasa nila.”saad nito na hindi alam ni Maya kung matutuwa siya dahil hayag na sinasabi ng dalawa sa limang costumers niya na second option ang pagpunta sa restaurant nila. “Kumain nalang tayo master Silas gutom na gutom na ako.”’saad ng isa sa kambal na akmang idudukmo ang ulo sa mesa ng mabilis itong pigilan ng kambal nito. “Don’t slum your head on the table, Ignite. Find your manners.” “I’m just hungry Shade, huwag mo akong sungitan ngayon.” “I’m sorry, we will choose our orders.”ngiting saad na ani na sa tingin ni Maya ay boss ng apat na kasama nito dahil sa pagtawag ng mga ito dito. Inalis nalang ni Maya ang isipin na second option sila kaya binalik niya ang polite niyang ngiti, binigay na din ng lima niyang costumer ang mga order nila na agad sinusulat ni Makoy sa dala nitong papel. “…that’s all.”ngiting saad ni Silas bago binaba ang menu booklet. “Ihahanda na namin ang mga order niyo.”ngiting saad ni Maya. “Okay, but don’t rush. We love to eat food na hindi minamabilis ang pagluluto.”sagot ni Silas na ikinatango ni Maya bago mabilis na nagpunta sa kitchen kung saan naabutan niya ang dalawa niyang chef na busy sa mga pagluluto ng mga ito. “We have costumers, ito ang order nila.”saad ni Maya na ikinalingon ni Misha at Nikolai sa kaniya na inilapag ang papel kung saan nakalagay ang order na pagkain ng mga costumers niya. “Kahit second option lang ang pagpunta nila sa restaurant natin, still costumer natin sila. And let’s make sure na magiging loyal costumer natin sila.”pahayag ni Maya. “Ayan ka na naman, Maya, your too transparent. Mukhang nagka amnesia ka sa sinabi ni Leroi sayo kagabi.”punang sita ni Misha. “Sa industry ng pagluluto hindi pwedeng hindi mo ituturing na kalaban ang mga katulad ng taong-yelo na ‘yun.”paliwanag ni Maya na buntong hiningang ikinailing nalang ni Maya. “But I have a bad news to you, Maya.” Ani ni Nikolai na ikinakunot ng noo ni Maya. “Bad news? Anong bad news?” “Hindi dumating ang order natin na vegetables for this day, and as I can see sa order na dala mo. They order Vinaigrette Salad, at wala pa tayong stocks ng gulay. I think you forgot to put the label in this dish that it’s not available.”pahayag ni Nikolai na ikinalaki ng mga mata ni Maya. “Ano?!” Agad na dinampot ni Maya ang papel at hinanap ang order na sinasabi ni Nikolai, bahagyang nalambot ang tuhod niya ng makita niyang umorder ang mga dish na hindi pa available. “Oh s**t! Why did I forget it?” bulaslas ni Maya na bahagyang nataranta. “Balikan mo nalang sila at sabihin mo na palitan ang order nila dahil unavailable ang Vinai—“ “No! Baka ma-dissapoint agad sila sa atin, bakit kasi hindi dumating ngayon ang order nating mga magulay!”pahayag ni Maya. “Maya, mas madi-dissapoinnt sila kung hihintayin nila ang order nila na wala naman.”sermon ni Misha na bahagyang nagulat ng may kalakasang ituon ni Maya ang dalawang kamay niya sa counter. “I’ll take care of this, iluto niyo na ang ibang order nila.”pahayag ni Maya na mabilis na nagtatakbo palabas ng kusina. “Hoy! Maya saan ka pupunta?!” “Let her, she doesn’t want to disappoint our customers, she’s a good boss.”ani ni Nikolai na sinimangutan ni Misha. “Aish! She’s our boss pero minsan talaga sakit siya sa ulo.”angal ni Misha na bahagyang nag-alala kay Maya. “Magiging okay lang kaya si Maya?” Pagkalabas ni Maya sa restaurant niya ay agad siyang sumakay sa luma niyang kotse, nagpapasalamat siya dahil hindi ngayon tinoyo ang makina ng sasakkyan niya. Agad siyang umalis at naghanap ng malapit na palengke upang bumili ng mga gulay na kakailanganin niya. Nang makakita si Maya na palengke tatlong kanto ang layo sa restaurant niya ay agad siyang tumigil doon at agad na bumaba sa kotse niya. Mabilis ang kilos na pumasok siya sa loob ng palengke at naghanap ng gulayan na may mga fresh na tinda at kung saan kumpleto. “Kailangan kong bilisan!” ani ni Maya sa kaniyang sarili. Agad siyang naghanap at bumili ng mga gulay na main ingredients ng Salad na order ng costumers nila, walang sinayang na oras si Maya, pero nag-umpisa siyang mataranta ng wala siyang makitang beetroot na hindi pwedeng mawala sa pagluluto ng Vinaigrette Salad. Inikot ni Maya ang paligid ng palengke hanggang makarating siya sa dulo at huling stall ng gulayan. Nang puntahan niya iyon ay akmang dadamputin niya ang huling sangkap na kailangan niya ng malakas siyang masanggi ng isang may katabaan na lalaki dahilan upang bumagsak siya sa sahig at ikinalaglag ng mga dala niya. “Ang sakit…”mahinang daing ni Maya dahil may kalakasang napatuon ng pwitan niya sa sahig. “Sa susunod babae, huwag kang haharang-harang!” Napalingon si Maya sa matabang lalaking may tatlong kasama pang lalaki na sa itsura palang ng mga ito ay nakikita na ni Maya na hindi gagawa ng mabuti. “Nasaan na ang per ako, Aling Pacita.” Saad ng matabang lalaki sa may katandaang tindera. “Wa-wala pa naman akong kita, Banjo, wala pa akong maibibigay sa inyo.” May takot na sagot ng matanda na hindi nagustuhan ng matabang lalaki. “Wala kang maibibigay?!” singhal nito na ikinagulat ni Maya ng isa-isang itapon ng matabang lalaki ang paninda ng matandang babae. “Hindi pwedeng wala kang ibibigay, Aling Pacita!” “T-tama na Banjo, hu-huwag ang mga paninda ko.”pagmamakaawa ng matandang babae na agad ikinatayo ni Maya sa pagkakasalampak niya sa sahig at malakas na tinulak ang matabang lalaki na natigil sa pagkakalat na ginagawa nito at napatingin sa kaniya. “Banjo, mukhang lalaban si Ms. Beautiful sayo.”saad ng isa sa kasama nitong lalaki habang masamang tingin ang binibigay ni Maya sa matabang lalaki. “Sinisira mo ang kabuhayan ni nanay, kung kailangan niyo ng pera maghanap kayo ng trabaho at huwag kayong manikil.”sitang sermon ni Maya. “Bakit ka nangingielam?! Gusto mo bang masaktan ha? Teritor---“ Hindi natapos ng matabang lalaki ang sasabihin nito ng may pumagitna sa kanila na may gulat na ikinalingon ni Maya dito. “Do you have some pickles?” malamig na tanong nito sa matandang babae. “O-oo ka-kaya lang na-natapon na sa sahig.” Nakatingin lang si Maya sa lalaking nasa harapan niya na binaba ang tingin sa mga pickles na nalaglaga sa sahig na naapakan nito. Napakunot ang noo ni Maya sa pagtatanong kung anong ginagawa ng kinaiinisan niyang lalaki na may-ari ng katapat niyang restaurant. “Hoy! Kung namimili ka pumunta ka sa iba kung ayaw mong madamaya sa inis ko.”sigaw ng matabang lalaki na tinulak si YoRi paalis sa gitna nila at agad na kinuwelyuhan ng matabang babae si Maya. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” singhal ni Maya na pinaghahampas ang braso ng matabang lalaki. “Hindi ka dapat nangielam babae, matagal na kaming kumukuha ng pera sa mga tinder dito at nagbibigay naman sila ng maayo kaya huwag mong pakielaman ang trabaho----“ Hindi na naman natuloy ng matabang lalaki ang sasabihin niya ng mapalingon sila parehas ni Maya kay YoRi na nakatayo sa tabi nila at nakahawak sa braso ng matabang lalaking kinukwelyuhan si Maya. “Sinabi ng huwag kan---“ Naputol na naman ang sasabihin ng matabang lalaki ng ilagay ni YoRi ang kanang kamay nito sa leeg ng matabang lalaki at malakas na patulak na itinilapon ito dahilan upang bumagsak ito sa isang tindahan ng mga prutas na nasira. Napakapit naman si Maya sa braso ni YoRi dahil muntik na siyang mawalan ng balanse. “You're ruining the vegetables I need.” Malamig na pahayag ni YoRi na walang emosyong ikinabagsak ng tingin nito kay Maya na agad napabitaw ng pagkakakapit sa kaniya, ng mawalan na naman siya ng balanse dahil sa sayote na naapakan nito na aksidenteng napahawak siya sa kamay ni YoRi dahilan upang masama niya ito sa pagbagsak sa sahig. Napadaing si Maya ng kaniyang likuran dahil sa kaniyang pagkakabagsak pero dahan-dahan siyang natigilan ng makita niyang nasa ibabaw niya si YoRi na nakatuon ang dalawang kamay sa sahig na hindi niya naiwasang mapatingin sa malamig at walang emosyon nitong mga mata. I will tell you again, Maya. Don’t involve with him… Biglang pumasok sa isipan ni Maya ang sinabi ni Leroi sa kaniya pero kahit malamig at walang emosyon ang nakikita niya sa mga mata ni YoRi, hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang maialis ang tingin niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD