Chaptee 52: SUDDEN PROPOSAL

3042 Words
KATULAD NG unang punta ni Maya sa bahay ni YoRi ay hindi siya makakilos ng ayos dahil sa mga matang nakatingin sa kaniya, matapos siyang iwan ni YoRi sa bahay nito ay biglang nakaramdam ng kaba si Maya. Nakaupo lang siya sa mahabang sofa habang nakatingin parin sa kaniya ang quadruplets, si Valerius na nakasandal sa may pader paharap sa kaniya, si Alexa na nakaupo malapit sa tabi niya na nakadungaw pa para titigan siya, at si Alexei na bored na nakaupo sa pang-isahan na sofa. Nagpaalam na sa kanila si Marco at ShaSha para bumalik sa pagbabantay sa mga adopted parents ni YoRi na sina Aling Luisita sa may burol. Hindi na naman alam ni Maya kung paano kikilos sa harapan ng mga kasama niya sa bahay ni YoRi. “Anong relasyon niyo ni kuya Yo? Bakit ka niya hinalikan sa noo?” mga tanong ni Junwei kay Maya na hindi nito alam paano sasagutin ang tanong nito. “A-Ano kasi.” “She’s your kuya Yo’s woman, in short quadruplet’s interesado sa kaniya ang kamahalan.” Bored na pahayag ni Alexei na hindi sanay na nananatili bahay at hindi nakasunod kay YoRi na dapat niyang binabantayan mula sa malayo bilang bantay nito. “Hindi ‘yun ang tingin ko, Antonovich, may ibang term sa interesado ang nakita ko sa kinilos ni kamahalan sa kaniya.”kumento ni Valerius. “Girlfriend ka ba ni kuya Yo?” naka pout na tanong ni Alexa na nakaramdam ng pressure si Maya sa tanong nito dahil kahit siya ay hindi alam kung anong itatawag niya sa relasyon nila ngayon ni YoRi. “Kung nobya ka ni Kuya Yo ibig sabihin magiging ate ka na namin?” ani ni Junhao na bahagyang hinampas ni Junwei sa balikat nito. “Ano bang sinasabi mo? Huwag mong isipin na nobyo siya ni kuya Yo, I’m sure hindi ‘yun ang relasyon niya kaya kuya.” Kahit naman kasi ako hindi ko alam kung anong tawag sa relasyon namin, may nangyari sa amin. Inisip kaya ni Yo na easy to get akong babae dahil binigay ko agad ang sarili ko sa kaniya? Tanong ni Maya sa kaniyang isipan na ngayon lang niya naisip. “Don’t pressure her, our majesty left us a command not to be rude on her.”paalala ni Alexei sa mga kasama niya ng lingunin siya ng kaniyang kapatid. “Pero kuya, hindi ba bawal mag---“ hindi natuloy ni Alexa ang sasabihin niya ng seryoso siyang tinginan ni Alexei na agad niyang nalaman ang ibig sabihin ng matalim na tingin na ‘yun, kaya napanguso nalang si Alexa at inalis ang tingin kay Alexei. Nakatingin lang si Maya kay Alexei ng magsalita ito ng ibang lenggwahe na wala siyang naintindihan, pakiramdam niya siya ang laman ng sinabi ni Alexei, pero ayaw niyang mag conclude kaya bahagyang napailing si Maya. “Laro nalang tayo! Junhao, kunin mo ‘yung baraha na binili ni kuya Valerius.” Utos ni Junpei na walang angal na ikinatakbo paakyat ni Juhao sa hagdanan. “Wala ako sa mood maglaro---“ “Sasali ka sa laro kuya Alexie, tsaka si kuya Valerius at Ate Alexa, at siya.”ani ni Junpei na tinuro pa si Maya na napaturo sa kaniyang sarili. “You can’t say no to the quadruplets, Antonovich, their words are absolute as our highness told us to do.” Ani ni Valerius na naglakad palapit sa quadruplet at umupo sa tabi nito. “Aish! Hindi dapat ako nagbabantay ng isang babae, pero narito ako makikipaglaro pa sa magkakamukha na ‘to.” Naiiling na ani ni Alexei na tumayo na sa kinauupuan nito at tumabi na kay Valerius. Tumayo narin si Alexa at tumabi sa kaniyang kuya habang si Maya ay hindi makakilos sa kinauupuan niya. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ba ako napapayag tumira ni Yo dito sa bahay niya. Ani ni Maya sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kina Alexei na pumoporma na ng pabilog na upo ng makababa na si Junhao dala-dala ang bahara na gagamitin nila. “Oy ate, kasali ka dito.” tawag ni Junrei kay Maya na muling ikinaturo ni Maya sa kaniyang sarili. “A-ako ba?” “Sino pa ba? May nakikita ba si Junrei na iba? Pasalamat ka nga sinasali ka namin, upo ka na dito.” sita ni Junwei na walang nagawa si Maya kundi ang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa mga ito na nakatuon ang tingin niya sa kaniya. Nang makalapit na siya sa puwesto ng mga ito ay dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Junwei na mapanuring nakatingin sa kaniya. “Nobya ka ba talaga ni Kuya Yo? Parang ang layo mo kasi sa mga naiisip kong matitipuhan ng kuya namin, wala naman akong nakikita na espesyal say—“ “Junwei, if you don’t want your kuya Yo get mad at you stop being rude to her.” Putol na sita ni Alexei kay Junwei na agad nagtakip ng bibig, siya namang nagpambuntong hininga kay Valerius. “Quadruplets listen to Antonovich, but they’re always not behave when I’m left with them.” Naiiling na ani ni Valerius. “Anong lalaruin natin quadruplets?” tanong ni Alexa sa apat. “Pair cards tayo, kung sinong may matirang baraha siya ang talo at lalagyan ng lipstick sa mukha.” Paliwanag ni Junhao sa kanila. “May lipstick ba kayo?” tanong ni Alexa kay Junhao na biglang natahimik at nagkatinginan pa silang apat. Napapailing na tumayo si Alexa sa pagkaka-upo niya sa sahig at nilapitan ang purse niya na nasa sofa at kinuha ang pulang lipstick niya doon bago bumalik sa puwesto niya at ipinakita iyon sa lahat bago nilagay sa gitna nila. “Let’s start.” Ngiting ani ni Alexa na ikinatuwa ng quadruplet at nagsimula na si Junhao na magbigay ng baraha sa lahat. Hindi pa alam ni Maya paano siya makikipaglaro sa mga kasama niya lalo pa at naiilang pa rin siya sa mga ito, pero habang tumatagal ang kanilang paglalaro ay nagiging maingay na sila dahil pinaka nalalagyan ng lipstick sa mukha ay si Alexei na napipikon na. “Damn it! Bakit ako na naman ang talo? I’m sure all of you are cheating!” pikong angal ni Alexei na natatawa na ang kambal sa itsura ni Alexei ganun din si Alexa na kinuha ang lipstick at nilagyan na muli ang mukha ni Alexei, na ginawa na din ni Valerius at ng quadruplets. “Ate Maya ikaw naman, may space pa sa noo ni kuya Alexei.” Ngiting ani ni Junrei kay Maya at inabot dito ang lipstick. Kahit papaano ay may lipstick na sa mukha ni Maya, kinuha ni Maya ang lipstick bago nilingon si Alexei na seryosong nakatingin sa kaniya. “Bilisan mo, maglagay ka na bago pa magbago isip ko.”seryosong ani ni Alexei na bahagyang ikinangiwi ni Maya. “Ka-kaunti lang ilalagay ko.” “Habaan mo naman ate Maya, huwag kang matakot sa titig ni kuya Alexei dahil hindi makakaangal ‘yan.” Ani ni Alexa. “Make a heart drawing lady Maya, bagay sa mukha ni Antonovich.” Ngising ani ni Valerius habang nakatingin kay Alexei na sinamaan siya ng tingin. “Fvck you.” “Ate Maya, mas better kung sa labi mo lagyan si Kuya Alexei, bagay naman sa kaniya---“ “I heard you Junwei.” Putol na sita ni Alexei na bahagyang nagtago sa likuran ni Maya na ikinabuntong hininga ni Alexei bago nilingon si Maya. “Bilisan mo na, we have more play to go.” Seryosong saad ni Alexei na paluhod na ikinalapit ni Maya sa harapan ni Alexei. Seryosong nakatingin lang sa kaniya si Alexei habang siya ay kinakabahan pa dito, gumagaan na ang loob ni Maya sa iba maliban lang kay Alexei na alam niyang ayaw sa kaniya. Bahagyang humingi ng malalim si Maya bago nilapat ang lipstick sa noo ni Alexei at sinimulan ng guhitan ang noo nito. Nagitla nalang si Maya ng hawakan ni Alexei ang braso niya na hindi niya naiwasang makipagtitigan sa seryosong mga mata ni Alexei. “You’re making it long, lady Maya.” Seryosong ani ni Alexei habang nakatingin sa kanila ang quadruplets At sina Valerius at Alexa. “So-sorr—“ Hindi natuloy ni Maya ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone ni Alexei kaya binitawan na nito ang braso ni Maya at kinuha ang cellphone nito. Bumalik naman na si Maya sa puwesto niya na bahagyang nilapitan ni Junwei. “Dapat sa may labi niya ate Maya.” Bulong ni Junwei. “Pero baka magalit kasi siya, safe ako pag sa noo niya.” Balik na bulong ni Maya kay Junwei na napatango sa sinabi niya. Napangiti si Maya dahil kahit papaano ay sa tingin niya ay good terms na siya sa quadruplets at sa dalawa maliban kay Alexei. Natigilan si Maya at napalingon kay Alexei ng ilahad nito ang cellphone nito sa kaniya. “Take it, it’s a call for you.” Ani ni Alexei na kinuha ni Maya ang cellphone niya bago Inilagay iyon sa tenga niya. “H-Hello…” “What are you doing, Dailyn?” Bahagyang natigilan si Maya ng makilala niya ang boses ni YoRi sa kabilang linya na agad nagpatibok sa kaniyang puso at agad sumilay ang ngiti niya sa kaniyang labi. “Yo! Naglalaro kami ngayon ng baraha.” Excited na sagot ni Maya habang nakatingin sa kaniya ang quardruplets at ang tatlo sa kaniya habang kausap niya sa kabilang linya si YoRi. “Playing cards with them?” “Oo, pair card ang nilalaro namin tapos ang matatalo lalagyan ng lipstick ang parte ng mukha.” “Are you enjoying?” Bahagyang binigyan ng tingin ni Maya ang mga kasama niya na malapad niyang ikinangiti dahil naiilang man siya at hindi pa alam paano makikibagay sa bago niyang makakasama sa iisang bubong, sa laro nila kanina ay masasabi niyang nag-enjoy siya “Oo, nag-enjoy ako super. Bakit ka nga pala napatawag?” tanong ni Maya ni ikinatayo na ni Valerius at Alexa at umupo nalang sa mga sofa. “Nothing in particular, I just want to hear your voice, does it bad?” Agad na naramdaman ni Maya ang pag-iinit ng mukha niya sa sinabi ni YoRi, simula ng may mangyari sa kanila kahit naroon parin ang coldness nito ay masasabi niyang may pinagbago sa relasyon nilang dalawa kahit hindi niya alam anong label nilang dalawa. “Hindi ka naman magtatagal di’ba? Uuwi ka kaagad dito?” ani ni Maya. “Yeah, enjoy playing with them.” “Mag-iingat ka.”pahabol na ani ni Maya na akala niya ay pagpapatayan na siya ni YoRi. “Mag-iingat ako.” Sagot ni YoRi bago ito nawala sa kabilang linya. Ibinaba na ni Maya ang cellphone na hawak niya at inabot na ‘yun kay Alexei na agad naman na kinuha sa kaniya. “Salamat.”ani ni Maya bago walang imik si Alexei na tumayo sa pagkaka-upo niya at naglakad papuntang banyo upang maghilamos ng mukha nito. Agad naman na nagpunta sa harapan ni Maya ang quadruplets na bahagya niyang ikinagulat. “Tama ba narinig namin? Dito uuwi si Kuya Yo?” tanong Junhao na ngiting ikinatango ni Maya. “Oo, dito na rin siya madalas na uuwi.” “Talaga?! Makakasama na natin si kuya Yo dito sa bahay!” natuwang ani ni Junpei na makikita ni Maya ang tuwa sa mga mukha nito. “Dito na lagi uuwi si Kuya Yo at dahil ‘yun kay Ate Maya, dapat hindi na tayao magsungit sa kaniya, Junwei.” Ani ni Junhao sa kambal niya na itinuro ang sarili. “A-Ako? Hi-hindi ko naman sinusungitan si ate Maya ah.” Tanggi ni Junwei na agad inasar ng kaniyang mga kapatid. “Nagugutom na ba kayo quadruplets? If you’re hungry then I’ll start cooki---“ “No!” sabay-sabay na sigaw ng quadrupelts kay Valerius na ikinatawa naman ni Alexa. “Ayaw nila ng luto mo, Val, paano naman kasi luto ka ng luto hindi naman para sa tiyan, para sa basurahan yata.” Pang-aasar ni Alexa na ikinaingos lang ni Valerius ng bahagyang itaas ni Maya ang kaniyang kanang kamay. “A-ako nalang ang magluluto ng lunch natin, o-okay lang ba?” alok ni Maya na ikinalingon ng mga ito sa kaniya. “Let her, she’s a chef. I’ll eat whatever she cooks rather than Valerius awful food.” Ani ni Alexei na kakalabas lang ng banyo. “Tss! Damn you Antonovich.”mura ni Valerius kay Alexei. “Gusto namin ng pasta! Lo Mein Noodles!” sabay-sabay na request ng quadruplets na hindi inasahan ni Maya na ganung klaseng pagkain ang ipapaluto ng mga ito sa kaniya. “Chinese noodles?” “They are Chinese ate Maya, lahat ng gusto nilang kain ay Chinese food.” Pagbibigay alam ni Alexa ng may maalala ito. “Wala na pala tayong noodles para sa pagkain na gusto nila, hindi pa nakakapag grocery si Val.” “Ako nalang ang bibili ng noodles, tsaka gusto ko din bumili ng ibang ma-i-stock na pagkain maliban sa Chinese food. A-ayos lang ba ‘yun? Kung hindi naman---“ “Do what you want, you’re not a visitor here anymore.” Ani ni Alexei na hindi napigilang ikangiti ni Maya. Agad na nagtungo si Maya sa sa banyo upang maglinis ng kaniyang mukha, nang maalis na niya ang lipstick sa mukha niya ay agad na siyang lumabas at kinuha ang bag niya na nasa sofa. “Hindi ako magtatagal, babalik din ako. Pero baka dumaan muna ako sa apartment ko para kunin ang mga gamit ko.” saad ni Maya ng mapalingon siya kay Alexei na nakatayo na sa tabi niya. “You don’t need to get your things on that cheap apartment, Alexa already brought you everything you need and it’s now on your room.”seryosong ani ni Alexei na ikinagulat ni Maya. “H-Ha?” “Let’s go, kung mamimili ka ng lulutuin mo sa quadruplets, we better move now.”saad ni Alexei bago nauna ng naglakad palabas ng pintuan. “Our highness appointed Antonovich to be your guard, you might not use to that pero wala kang magagawa dahil utos iyon ng aming kamahalan. But don’t worry, ang pagbabantay ni Antonovich ay ginagawa niya ng palihim kaya hindi ka maiilang.”paliwanag ni Valerius na ikinalakad na ni Maya palabas ng bahay. Pagkalabas niya ay may susi na pabagsak sa kaniya na agad niyang sinalo, pagkatingin niya ay susi iyon ng isang kotse na ikinalingon nito kay Alexei na nakasaky na sa itim na motor nito. “Use the one car our highness has, alam mo naman magmaneho hindi ba?” ani ni Alexei na ikinatango lang ni Maya bago tiningnan ang kotse na sasakyan niya ng makita niyang bagong labas na BMW ang imamaneho. “I-Ito ang dadalhin ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Maya klay Alexei. “May nakikita ka pa bang iba?”balik tanong ni Alexei na ikinasuot na nito ng helmet sa ulunan nito. “Ano pang ginagawa mo?” sita ni Alexei na agad ikinalapit ni Maya sa kotse at sumakay na doon. Hindi makapaniwala si Maya na ngayon lang siya makakapag maneho ng mamahalin at ganitong kagandang kotse na sa mga magazine niya lang nakikita. Hindi maiwasan ni Maya na humanga sa design ng kotse ng marinig niya ang pagbusina ni Alexei. “Ang sungit ng isang ‘to, sabagay nagmana sa kamahalan niya.” Ngiting kumento ni Maya na pinaandar na ang makina ng kotse bago lumabas na at deretsong nagmaneho na palabas. Kalahating oras ng makarating si Maya sa malaking grocery store na hindi naman ganun kalayuan sa village ng bahay ni YoRi. Agad itinigil at ipinarada ni Maya ang kotse sa parking lot bago lumabas. Agad syang napalingon sa paligid at hindi niya makita si Alexei. “Tama si Mr. Valerius, hindi ko makita si Alexei kung nasaan siya. Ganito rin niya ba bantayan si Yo?” ani na pahayag ni Maya na naglakad na papunta sa grocery store. Nang malapit na siya sa pintuan ng grocery store ay tningnan ni Maya kung nasa loob ng bag niya ang kaniyang wallet ng matigilan siya ng may makita siyang bron envelop na kunot noo niyang kinuha. “Sa pagkakatanda ko wala namag brown envelop sa bag ko? Ano kaya ‘to?” takang tanong ni Maya sa kaniyang sarili ng tingnan niya ang laman ng envelop kung saan nanlaki ang mga mata niya dahil makapal na pera ang nasa loob nito na agad niyang binalik sa bag niya ang envelop. “Omg! Pa-paano nagkaroon ng ganung kadaming pera sa bag ko? Saan galing ‘to?” gulat na naguguluhang ani ni Maya na dahil sa biglang kaba dahil sa malaking halaga ng pera na nasa bag niya ay mabilis na siyang naglakad muli papasok sa loob ng Grocery store, at papasok palang siya ay napadaing siya ng bumangga siya sa isang matipunong katawan na ikinahawak niya sa kaniyang ilong. “So-sorry po, hi-hindi ko po kayo napansin.” Agad na paghingi ng tawad ni Maya sa nakabanggaan niya na bahagya niya pang ikinayuko dito. “Are you hurt?” baritinong boses na narinig ni Maya na agad niyang ikinalingon dito kung saan tumambad sa harapan niya ang isang matangkad na lalaki na guwapo at seryoso ang mukhang nakatingin sa kaniya. “Me-medyo pero okay lang, kasalanan ko naman.”ani ni Maya ng mapansin niya pa na may dalawang malalaki ang katawan na nasa likuran ng guwapong lalaki na sa itsura palang ng mga ito ay nakakatakot na. “So-sorry po ulit.” Ani ni Maya na akmang lalagpasan ang guwapong lalaki sa harapan niya ng bigla naman itong humarang sa kaniya na bahagyang gulat na napalingon si Maya dito. “May I know your name? You’re the kind of pretty woman that attract me, do you want to be a queen?” deretsahang ani nito kay Maya na hindi maiwasan na mapatunganga si Maya sa sinabi nito sa kaniya. “Eh? Q-Queen?” sambit ni Maya ng mas magulat siya ng kunin nito ang kanang kamay niya at halikan iyon. “Bud' moyey korolevoy. (Be my queen.)”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD