PAGKARATING ng Phantoms sa Bangkok ay agad silang kumuha ng hotel room na ang gamit ay ang card ni Tad since ito ang natalo sa palabunutan na ginawa nila bago sila bumaba ng yate na dala nila. Hindi maipinta ang mukha ni Tad dahil alam niya ang mangyayari sa account niya sa mga susunod na oras ng pananatili nila sa Bangkok, habang hindi pa nila nakakaharap at nakaka-usap si Li Jinshi.
“Quit that face of yours Han, tanggapin mo nalang na malas ka ngayong araw. Besides. We will take care of your precious atm card, it is in good hand.” Ngising ani ni Paxton na ipinakita kay Tad ang atm nito na siya ang humahawak.
Bahagyang nakasimangot ang mukha ni Tad habang nakatingin kay Paxton na alam niyang mag-eenjoy sa paghawak sa card niya. Kapapasok lang nila sa magiging kuwarto nila, at malaking suite ang kinuha ni Paxton upang magkasya silang labing tatlo.
“Good hand my ass, kilala ko na kayo mga gago! Alam ko ang balak niyo dahil mga kupal kayo pagdating sa ganitong gastusan, enjoy using my fvcking card because it will fvcking never happened again.” Angil ni Tad.
“Salamat Han, dalawang araw na gastos lang naman ang gagawin natin dito sa Bangkok. Once makausap na natin si Mr. Li Jinshi, tahimik na ibabalik ni Ignacio sayo ang atm mo.”ngising ani naman ni Demon.
“Ngayon palang Han, ang masasabi ko sa uulitin.” Pang-aasar ni Travis na ikinadampot ng unan ni Tad at malakas na binato kay Travis na natatawang nasambot lang nito.
“Don’t tease Han, be grateful dahil hindi niya pinagdadamot ang atm niya.”ngiting ani naman ni Balance na poker face na ikinalingon ni Tad sa kaniya.
“Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo, Kiosk?”
“Walang masama sa sinabi ni Kiosk, utang na loob ng Phantoms na pinagamit mo ang atm mo sa mga gagastusin natin ngayon.” Pahayag ni Shawn na sa kaniya naman bumaling ang naiinis na tingin ni Tad.
“Ang sabihin mo Torres, deep inside na gago ka masaya ka dahil wala kang gagastusin kahit isang singkong butas!”
“Well, I can’t argue about that.” Natatawang sagot ni Shawn.
“Pero infairness, Ignacio, talagang sinusulit mo. Mahal yata ang suite na kinuha mo para sa atin.” Kumento ni Sergio habang nililibot nito ang kabuuan ng suite nila.
“Praise me Phantoms, nadala na ako sa mga ganitong lakad kaya kailangan nating mag-upgrade.” Ani ni Ignacio na nilingon si Devil.
“What can you say to your brother-in-law Mondragon I?”
“Fvck you!” poker face na sagot ni Devil na ikinatawa lang ni Paxton.
“Tagos sa dibdib ko ang sagot mo, fvck you too men!”
“Tama na ang biruan, isantabi na muna natin ang bardagulan may oras para diyan. May misyon tayo na dapat nating matapos dito.”sita ni ToV na nakadekwatrong nakaupo sa sofa.
“We need to find and have some chit fvcking chat with Li Jinshi about the fvcking syndicate na pinaiimbistegahan ni Valdemor.”seryosong ani naman ni Lu.
“Why don’t we rest for a bit, we have a long travel a while ago. And I think, all of us are starving.”ngiting suhestiyon ni LAY na ikinatakip ni Tad ng kanang kamay niya sa kaniyang sinabi.
“Salamat sa suggestion mo Yvanov, gastos ang gusto mong mangyari.”ani ni Tad na ngising ikinapunta ni Ignacio sa telepeno upang tumawag ng food service.
Wala nalang nagawa si Tad kundi ang magpambuntong hininga dahil isa sa usapan nila na walang magiging reaksyon, o hindi kokontra ang may ari ng card na mabubunot sa kahit anong gastusin nila sa mission nila.
“Wala namang masama kung saglit muna tayong magpapahinga, look at Ringfer. Kakaupo niya lang sa sofa tulog na agad.”ngiting kumento ni Ford habang nakatingin ito kay YoRi sa sofa na kinauupuan nito malapit sa may transparent wall ng suite nila.
Sunod-sunod naman na binalingan ng tingin nina Demon si YoRi sa kinauupuan nito.
“Baka nakapikit lang si Ringfer, lagi naman ganiyan ang isang ‘yan pag nakaupo.”ani ni Travis.
“Nah, I think he’s tired. You can see that in his breathing, mukhang may pinagpaguran si Ringfer kaya nakatulog siya ngayon.”ani ni Tad ng sabay-sabay silang magkatinginan lahat maliban kay Devil, Lu at LAY.
“Napagod? Saan maaring napagod si Ringfer? Hindi ba sabi ni Gozon, magkasama sila kagabi ni Maya sa hide out nil---“ hindi natapos ni Sergio ang sasabihin niya ng hampasin ni ToV ng unan ang mukha niya na masamang tingin ang ibinaling niya dito.
“Ano ba?! Pinalaki ka bang mabuti ng mga magulang mo?! Nagsasalita akong gago ka, anong problema mo?”
“Ang dumi kasi ng utak mo, sa tingin mo gagawin ni Ringfer ang manamantala ng babae? Sabihin na natin na nasusundot ni Presidente ang malamig na puso ni Ringfer, sa tingin mo iisipan niyang mag take advantage kay Maya? Sira ulo k aba o inaamag na naman ‘yang utak mo.” Singhal na sita ni ToV kay Sergio.
“Wala pa naman akong sinasabi ah?!”
“Pero iniisip mo? Tama o mali?” ngising ani ni Demon na ikinatikom ng bibig ni Sergio.
“Aysus, pinapalinisan mo ba minsan sa isang buwan ‘yang utak mo, Fritz? Nagiging berde aba, anong akala mo kay Ringfer si Rosales? Si Mondragon II, si Yvanov, si Santos at si Han na nag home bas---“ natigilan si Travis sa mga sasabihin niya ng apat na unan ang lumipad sa mukha niya ng sunod-sunod.
“Better fvcking zip your mouth, Amadeus, boring ba ang s*x life mo kaya name-mention mo ang sa amin? Pesteng ‘to, nag name drop ka pa talaga.” Singhal ni Demon.
“What do you think Phantoms? Is Ringfer really capable of falling in love?” tanong ni Paxton na kakatapos lang mag-order ng pagkain na kakainin nila.
“Tao lang si Ringfer, kung si Taz nga nakayang magmahal despites sa mga pinagdaanan niya, tayo we take love us virus and tries to avoid it pero nagmahal parin tayo. We all capable of falling in love since were just humans, at hindi exempted si Ringfer.”pahayag ni Balance sa lahat habang nakatingin sila kay Ringfer.
“Sa tingin niyo, si Maya ang magiging susi para mas mag-open si Ringfer sa atin? Tulad ng sinabi ni Gail, Ringfer is in love pero sa tingin ko he was trying to restrain that feelings dahil sa mga unknown agenda ng isang isang ‘yan. At isa sa dahilan bakit pinipigilan niyang mas mahulog kay Maya ay dahil sa sinasabi niyang aalis siya.” Ani ni ToV.
“Ako lang ba Phantoms? I have this fvcking feeling that Ringfer is having a hard fvcking time, a heavy burden in his chest, rather on his shoulder. I didn’t notice that before, pero simula ng marami ng weird na sinasabi ang isang ‘yan, that’s I thought that something is happening on him.” Seryosong ani ni Lu na ikinabuntong hininga niya.
“Were blood related, but he’s stranger to me. He’s part of our family, he’s our friend, but he’s far from us even if we tried to catch up with him.” Ani pa ni Lu.
“Kung may nararamdaman na din siya kay Maya, bakit sinabi niya na pigilan natin siya? Inihahabilin pa niya sa atin.” Takang ani ni Sergio.
“Maybe because ayaw niyang masaktan si Maya ng dahil sa mga magiging desisyon niya, I believe kahit gustuhin natin na pigilan siya, I have this fvcking feeling na hindi natin siya mapipigilan.”seryosong ani ni Balance sa lahat.
“Fvck! Thinking na hindi papapigil si Ringfer sa mga gagawin niya ay nagpapabigat sa loob ko, tapos wala tayong idea kailan niya gagawin ang pag-iwan sa atin.” Ani ni Tad na ikinaalis nila ng tingin kay YoRi.
“Hindi man natin siya mapigilan, but we will make sure na ibabalik natin siya. Nang buwagin ni Westaria ang Phantoms noon, lahat tayo walang say sa desisyon niya. Pero iba ngayon, binuo muli ni Westaria ang grupo, he treats us as a family now, kaya hindi puwedeng mabuwag ang pamilyang ito.” Pahayag ni Paxton ng ibalik nila ang tingin nila kay YoRi na dahan-dahan na nagmulat at umayos sa pagkakaupo nito.
“Napagod ka ba sa biyahe Ringfer kaya hindi mo napigilan na makatulog?” tanong ni Demon kay YoRi ng lingunin sila ni YoRi na ikinatigil nilang lahat sa mga puwesto nila dahil sa kakaibang emosyon na nababasa nila sa mukha ni YoRi na ngayon lang nila nakita sa kaibigan nila.
“I want to see her, is that bad?” deretasahang ani ni YoRi na ikinatunganga nilang lahat dito, at hindi exempted si Devil dahil hindi niya rin inasahan ang straightforward na sinabi ni YoRi sa kanila.
“Tang ina! Parang aatakihin ako sa puso sa sinabi ni Ringfer.” Ani ni Demon na napahawak sa dibdib niya habang plain at bumalik na sa kalamigan ang tingin ni YoRi sa kanila.
“There’s nothing wrong missing the woman you love, Ringfer.” Kalmadong ngiting ani ni LAY kay YoRi na ikinasalubong ng kilay nito.
“Love? Am I in love with her?” malamig na tanong ni YoRi na ikinalakad ni Paxton, at ToV sa harapan ng kinauupuan ni YoRi na napatingin sa kaniya.
“You want to see her right?” tanong ni ToV.
“I am wanting to see her.”malamig na sagot ni YoRi.
“Ibig sabihin hinahanap-hanap mo na siya, ibig sabihin niya nahuhulog ka na talaga sa kaniya Ringfer.”saad ni Paxton.
“Am I?” walang emosyon na ani ni YoRi na parehas ikinabuntong hininga ni Paxton at Demon.
“Bakit hindi mo siya tawagan ngayon? We’re not yet busy, later on you will have no time for that because we will be busy in our mission here.” Ani ni Shawn kay YoRi na bahagyang walang salitang lumabas sa bibig nito.
Nakatingin lang sila dito hanggang kinuha nito ang cellphone nito, sandaling may hinanap bago Inilagay sa tenga nito ang cellphone nito habang nanunuod ang Phantoms sa kaniya.
“Did he really do what Torres suggested?” bulong ni Travis kay Ford.
“Nakikita mo naman diba? Hindi pa man aware si Ringfer sa nararamdaman niya, his feeling is leaking at his action. Bagong view na makikita natin kay Ringfer.” Ani ni Ford.
“Give your phone to her.”rinig nilang ani ni YoRi ng bahagyang mapaatras sina Paxton at Demon sa biglang pagtayo ni YoRi sa kinauupuan nito bago humarap sa transparent wall kung saan makikita ang ibaba ng syudad ng Bangkok.
Walang salitang lumalabas kina Paxton habang pinapanuod si YoRi, ngiting tumayo naman si LAY sa kinauupuan niya at naglakad sa may pintuan dahil sa narinig niyang doorbell kung saan dala na ng isang staff ang mga inorder ni Paxton na kakainin nila.
“What are you doing, Dailyn? Playing cards with them? Are you enjoying? Nothing in particular, I just want to hear your voice, does it bad? Yeah, enjoy playing with them. Mag-iingat ako.”
Laglag ang panga nina Paxton sa nakikita at naririnig nila kay YoRi habang kausap nito si Maya sa kabilang linya, minsan na nilang marinig magtagalog si YoRi pero matagal ng panahon simula ng marinig nila ulit ito. At ngayon, kahit two words lang ay narinig nilang magtagalog ito, at hindi sila makapaniwala sa way kung paano nito kausapin si Maya sa kabilang linya. May coldness parin sa mga salita nito, pero lahat sila ay may parehas na naramdaman na iba pang emosyon sa tinig ni YoRi na bago sa Phantoms.
Hindi maalis ng Phantoms ang tingin nila kay YoRi maliban kay LAY na ngiting nagsisimula ng kumain ng pagkain nila, nang lingunin sila ng malamig na tingin ni YoRi.
“I just called her.” Malamig na pagbibigay alam ni YoRi kina Paxton.
“We heard it, Ringfer.” Sagot ni Lu na ikinalakad ni YoRi papuntang banyo na ikinasunod ng tingin nina Paxton hanggang makapasok ito at magsara ng pintuan, at iniwan sina Paxton na parang may dumaan na anghel dahil sa katahimikan na nanahimik sa kanila. Parang may kuliglig na maririnig sa ambiance ng Phantoms habang nag-eenjoy si LAY sa kinakain niya.
Miya-miya ay nagsalubong ang mga tingin nina Paxton na parang may iisang salita na pare-parehas na lumabas sa mga isipan nila dahil sa nasaksihan nila, at narinig nila kay YoRi kani-kanina lang.
“He’s fvcking in love!” sabay-sabay na bulaslas nila maliban kay Devil na naka get over na sa pagkagulat nito kanina at tumayo sa kinauupuan nito upang saluhan na si LAY sa kinakain nito.