CHAPTER 3: TETANO

1193 Words
Tuesday "Tuesday, nag-report ka na kay Sir Pacifico?" Kinalabit ako ni Grace sa balikat. "Kanina ka pa niya hinahanap." Lumingon ako saglit dito. "Ha? Hindi pa, eh. Bukas na lang." Sabay balik ng paningin sa kinakalikot kong bagong biling A6500 Camera. "Ano na naman 'yan?" Naupo si Grace sa katabing upuan ko. Narito kami ngayon sa pantry ng office. "Ah, camera?" wala sa loob kong sagot. Napakamot sa batok si Grace. "Alam kong camera, bago na naman 'yan. Nasaan iyong dati mong camera?" "Nakita ko itong camera sa suki kong online shop. Ang ganda, di ba? Maraming idinagdag na features, mas sharp ang photos, interchangeable lense, continuous shooting." Itinapat ko ang camera sa mukha ni Grace saka ko ito biglang kinuhanan ng litrato. Ipinakita ko sa kanya ang shot ko. "What can you say? Ang ganda for my OOTD!" "Yeah, I get it. Maganda kang kumuha ng larawan at maganda ang camera, paniguradong maganda ka rin diyan pero sigurado akong mahal itong nabili mo. Saan ka kumuha ng pinambili mo?" Alanganin ang ngiti ni Grace sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Kinatok ko gamit ng mga daliri ko ang camera na parang nagpi-piano ako bago ko sinagot ang tanong ni Grace. "Iyong salary loan ko, ginamit ko muna." "What?! Are you crazy?" Nakaawang pa ang bibig ni Grace, anytime ay pwede itong pasukan ng langaw dahil ayaw itikom ang bibig. "I can ask money from my Papa kapag kinapos." Ibinalik ko ang tingin ko sa camera. "Alam kong hilig mo ang online shopping at mag-flaunt ng OOTD mo sa social media, pero hindi naman yata tama na unahin mo 'yan at ubusin ang loan mo riyan. Utang pa rin 'yon at may interest," sermon ni Grace sa akin. "Ang ganda kasi eh, naka-sale pa. Halos 20% off na." Itinutok ko ang camera ko sa lalaking padaan sa amin at kinuhanan ito ng litrato. Naalala ko na ito ang nababungguan ko sa elevator at inakala yatang virus ako kaya naligo sa alcohol. Napaismid ako nang maalala na naman iyon. Mukha namang clown ang itsura. Napaismid ako saka ko ibinalik ang tingin sa camera ko. Buburahin ko na sana ang picture ng clown nang magsalita ito sa harap ko. Napatingin ito sa gawi ko. "Hey." Nagmuwestra pa ang lalaki at gumawa ng tunog na parang pito ng referee sa basketball. "Ikaw 'yung nakabangga sa akin last time sa elevator. Be careful next time." "Pasensya na ho," iyon na lang ang nasambit ko. Napahawak ako sa batok ko sa pagpipigil ng inis ko. Kinalikot ko ang camera at binura ang litrato niya. "Akala mo kung sinong guwapo," bulong ko sa sarili. Tumalikod na ito saka lumapit sa coffee dispenser habang bumubulong pa rin. Kasunod nito ang alalay na may bitbit na wet tissue at alcohol. Inabutan nito ng wet tissue ang maarteng lalaki saka ipinunas nito ang tissue sa pindutan ng coffee dispenser bago nag-punch doon. Daig pa ang babae sa kaartehan at katarayan. "Ganito pala ang kape rito? Bumaba na lang tayo para bumili sa coffee shop." Ibinuhos nito sa lababo ang kape saka itinapon sa basurahan ang paper cup. Tumayo ako at binitbit ang backpack ko saka nagpaalam kay Grace. "Bukas na tayo mag-usap. Bukas na rin ako magre-report kay Sir. Uuwi na ako para maabutan ang online sale. Masarap um-order habang nakaplakda sa kama. Isa pa, may masamang hangin din dito." Inirapan ko muna ang hambog na lalaki bago ako nagmartsa palayo. Kung mamalasin ka nga naman, ang ganda-ganda ng araw ko tapos sisirain lang ng lalaking 'yon. Nagtungo muna ako sa restroom para mag-freshen up umuwi. Naglakad na ako palabas ng banyo patungong elevator. Kailangan ko na ring makauwi para maka-order sa flash sale mamaya. Abala ako sa pag-aayos sa camerang nakasabit sa leeg ko habang naglalakad nang may makabungguan na naman ako. I fell hard on the floor and I almost dropped my camera! "Holy , s**t!" napamura ako dahil ang pinakamamahal kong camera ay muntik ko nang mabitawan. Mabuti na lang at nakasabit ito sa leeg ko. Ang lakas pa naman ng impact ng babaeng bumangga sa akin. "Araaaay!" Ungol ng lalaking nasa lapag din at bumagsak dahil sa pagbabanggaan namin. Nakangiwi ito habang sapo ang balakang. "Watch where you are going!" bulyaw ko dito. Napanganga ito pagkakita sa akin. "Ikaw na naman?" "I-I'm sorry. I-I was in a hurry...." paghingi ng paumanhin nito kahit nakangiwi pa rin. "Sorry? Bakit ka kasi hindi tumitingin sa dinaraanan mo?" Paninita nito sa akin. Marahan akong tumayo kahit hirap. Napilayan yata ako. Tumayo na rin ang lalaki habang hinihilot-hilot nito ang sariling balakang. Inalalayan ito ng kasama na nakagwantes pa. Inabutan siya nito ng alcohol saka nag-spray sa sarili. "I-I am really in a hurry. I'm sorry." Ika-ika akong lumakad palayo sa akin. "Hoy! Mga babae talaga lampa!" singhal nito sa akin kahit malayo na ako. Naramdaman ko ang kirot sa balakang ko. Ano ba namang araw ito? Ang malas-malas ko naman at lagi kong nakakabanggaan ang clown na lalaking iyon! Nakauwi naman ako agad kahit na iika-ika ako sa paglalakad. Mabuti na lang at naabutan ko ang sale sa online shop na paborito ko. Nakadapa ako sa kama habang umoorder dahil masakit pa rin ang balakang ko. Hindi kasi ako nagbalanse sa pagbagsak para maprotektahan ang bagong biling camera ko. *** "Tuesday," pukaw sa akin ni Mama. "Come in, Mom," I replied casually as I rubbed my behind. "Halika sa kama mo at dumapa ka, lagyan natin ng yelo 'yan." Itinuro nito ang kama ko. Sumunod na lang ako para hindi na kami magtalo. Baby talaga trato sa akin ni Mama. Inililis ni Mama ang shorts ko at tumambad sa kanya ang namumulang bahagi ng balakang ko. "Nabugbog lang ito. Napalakas siguro ang impact ng pagbagsak mo. Mag-iingat ka na sa susunod." "Opo, Mama." Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at naghintay ng malamig na yelo sa bandang puwitan ko. Nakaramdam ako ng magkahalong sakit at ginhawa habang iminamasahe ni Mama ang yelo sa akin. "Thanks, Mama." Mas okay na ang pakiramdam ko kaysa kanina. "Sige na, magpahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng dinner mamaya." Tumayo na ito para lumabas ng room ko. Napatili ako bigla nang mag-flash ang sale sa online shop. Pinindot ko agad ang check out button dahil nireserba ko na agad ang mga gusto kong bilhin para hindi ako maubusan. "Yes!" Napatigil ako nang may kumatok sa pinto. "Sino 'yan?" tanong ko. "Shane," tipid na sagot ng nasa labas ng silid ko. Marahan akong tumayo para buksan ang pinto at silipin kung ano na naman ang kailangan ng tetano naming tenant. "Anong kailangan mo?" masungit na tanong ko rito. Padabog na inabot sa akin ang isang malaking supot. "Bilhin mo na kaya lahat ng tinda sa online shops?" Halos mapaupo ako dahil sa bigat ng inabot nito. "Aray, ano ba? Ang bigat nito tapos 'di mo inabot nang maayos?" Hindi ito kumibo saka tumalikod at naglakad pababa ng hagdan. "Tetano!" Iningusan ko ito kahit nakababa na saka ko malakas na isinara ang pinto. "Gastadora!" sigaw nito mula sa baba. "Heh!" singhal ko pabalik kahit alam kong hindi na niya ako rinig. "Panira ng mood!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD