CHAPTER 34: FAILED PLANS

1031 Words

DARIUS Alam kong walang pasok si Tuesday ngayon kaya papasyalan ko siya. Kailangan kong kumilos nang mabilis para mangyari ang gusto ko. Mahirap na at baka masingitan ako ng tenant nila. May itsura pa naman ang isang iyon. "Saan ka na naman pupunta? Kauuwi mo lang halos galing sa duty mo. Wala ka pa ngang tulog," sambit ng tatay ko. Napansin siguro na todo ang porma ko na ginagawa ko lang kapag may target akong matrona. Naka-long sleeves na gray polo ako at black slacks, tinernuhan ko pa ng black leather shoes. Sino ang mag-aakalang isa lang akong gwardya sa pawn shop? "Magkakasakit ka sa ginagawa mong 'yan." "Aakyat ho ako ng ligaw," sagot ko. Inaayos ko ang buhok kong may gel habang nakaharap sa salamin na nakasabit sa dingding. "Ayos ba ang itsura ko, 'Tay? Sasagutin na ba ako ng pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD