Rosalinda
Rosa!Bakit hindi kapa lumalabas jan sa lungga mo ng masimulan mo nang maglinis ng bahay ang kalat na ng kusina!Walang hiya ako na nga nag saing dahil ang tagal mong dumating!Ngayon naman dumating ka ang tagal mo lumabas ano ba!!!!
Hoy! Namatay kana ba! Sabihin mo lang at itatapon ka namin sa ilog pasig gaga ka!
Tuloy tuloy na bunganga ni mama, Nakalimotan niya ata na nasa davao na kami,Bakit sa ilog pasig niya pa ako itapon? Pwedi naman sa Matina River niaalang,O Eh kong saan malapit dito na river ,Matina River lang kasi sikat dahil Sa Bahain,O di kaya jan nalang sa dagat,Lalakad nalang siya eh,!
Ay mali jan nalang pala. sa dagat ko itatapon ang bangkay mo,Nandito na pala tayo sa davao,Akala ko sa pasig pa tayo!Ano lalabas kaba o Sisirain ko tong pinto mo?
Ganyan niya ako kamahal,"
Sandali!
Prince,Dito kalang ha,Wag na wag kang lalabas, Kukuha lang ako ng pagkain natin, Maliwanag?
S-syopaw..
Very good..
Umalis na ako at agad binuksan ang pinto,Nasa may kabinet ko iniwan si prince pero hindi naman nakasarado.Baka kasi dudungaw si mama makita pa niya kong nasa higaan kolang siya..
Pagbukas ko ng pinto walang tigil parin si mama kakaputak..
Letseng buhay to oh,May anak ka nga na may trabaho wala naman kwenta,Ipapakasal ko na to kay Mr Mendez..
Yon ang naabutan kong bunganga niya,Si Mr Mendez na naman..
Ma,!Hindi niya namalayan nakabukas na dahil nakatalikod na siya habang nag bunganga,Daig pang armalayt ang bunganga nito rat ng rat!..
Ay,Ang animal nag bukas na!Ano bang tinatago mo jan ang tagal mong nagbukas,Letse ka!
Pagkatapos niyang sabihin yun binuksan niya ang pinto at Tiningnan ang loob pero wala siyang nakita kaya nakahinga ako ng maluwag,Sabi ko na dudungaw eh..
Maglinis kana doon puro kalat, Bwesit!Bukas ka magpaganda ka dadalaw si Mr Mendez dito kaya umayos ka..
Maglilinis na po ako..
Basta bukas ha,Wag mo akong bibiguin kong hindi malilintikan ka sa akin!
Bahala siya hindi talaga ako papayag makasal sa lalaking yon,Mainam pang maging matandang dalaga kaysa makasal sa kanya..
Habang naglilinis biglang sumulpot si papa,Ano na naman kaya to,Baka kay Mr Mendez na naman..
Hoy," Rosa bukas ha magpaganda ka,At ayusin mo yang panamit mo kong maari humiram ka muna kay Rossi ng damit mo marami yong damit na magaganda,Para naman magmuka kang tao bukas,At mainlab sayo si Mr Mendez..Di ayos Milyunaryuu na tayo!
Nanaginip ng gising,Hindi ko na siya pinansin dahil busy ako sa paglilinis..Nagiisip din paano ako makaktakas bukas,para hindi ko makita si Mr Mendez..
Hoy, Rosa!Nakikinig kaba!
Napapitlag ako sa boses ni papa akala ko nakaalis na to,Abala ako sa pagiisip ng paraan paano makaalis bukas..
Po?Opo...
Umayos ka!Banta pa niya,Bago umalis..
Nang matapos nga ako bumalik na ako sa kwarto bitbit nag pagkain namin ni prince,Pretong isda at kanin ito ,Mabuti nga't may natira himala talaga to..
Prince kain na..
S-syopaw..
Oo,Ito na.Habang kumakain nga kami tuwang tuwa naman si prince dahil siguro nag salo kami, Hehehe ako din naman, Prince wag kang magbago ha kong bumalik kana sa katinuan..Habang sinasabi ko yon Hindi ko mapigilan umiiyak,Hindi ko alam iyakin na pala ako ngayon,Si prince nalang kasi ang meron ako.Napitlag ako ng may biglang kumatok sa pinto..
Rosa!Kinain mo ba ang pagkain ng kapatid mo?!
Ha?Kay Rossi pala to.. Akala ko talaga akin..
Rosa!
©M.A Stories