Rosalinda
Kinain mo?!Tanong ni mama ng buksan ko ang pinto..
Oo ma,Gutom na gutom ako eh ..
Pagkatapos mong Kumain kaninang umaga sa karenderya ni aling sising,Gutom kapa?Ang kapal ng muka po para kainin ang pagkain ng kapatid mo!Paano na yan?Ano na ang kakainin niya?
Ma,May bente po ako diti bilhan nalang po ng sardina-Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng sumabat agad si mama..
At pakakainin mo ng sardinas kapatid mo?Kaylan ko pa pinakain ng sardinas yan?Nakita mo ba?Alam mong hindi kumakain yang ng sardinas kong Kakain ng isda yan pinireto lang!
Ma-Kasi-ah-ku-kuwan kanda utal utal na ako kasi wala na akong maisip na ipakain sa kapatid ko lalo na't gabi narin..
Ano!!!
Ah,Pan -Cit canton nalang mama..
Gaga ka!
Pak!
pak!
Kaliwat kanan na sampal na naman ang natamo ko mula sa kanya,Pag ang kapatid ko naubusan ganyan sila,Pag ako parang wala lang parang masaya pa sila na hindi ako nakakain ng pagkain sa buong araw kahit nanginginig na ang katawan ko sa gutom,Baliwala yon sa kanila..
S-syopaw!
Nanlaki ang mata ko ng bigla ng salita si prince, Nakalimotan kong nandito pala sa sa loob ng kwarto ko..
Wala sa sariling na ibagsak ko papasara ang pinto ng kwarto ko at dali daling lumapit kay prince, Nanginginig ako habang humarap sa kanya.
Prince bakit ka nagsalita!Diba sabi ko tahimik lang pagbubuksan ko ang pinto,tingnan mo tuloy nagalit na naman si mama..
S-syopaw..
Tok! Tok!
Ano ba Rosa! Buksan mo ang pinto kong ayaw mong gigibain ko to!Nagpapasasok ka pala ng lalaki dito yong may sayad pa ha!
Rosa!
Rosalinda!!!
Si ma-ma-ma pr-rince ga-galit na paano tayo ngayon?Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ..
Ros-Ano ba Angie at ang ingay mo!
Si Rosa Berting may kasamang lalaki jan sa loob, hindi lang lalaki yong may sayad pa!
Yong sinabi ko kasama niya kumain sa karenderya?
Yon na nga!Ang kapal ng mukha talaga ng rosa na yan,Nagmana sa pinagmanahan!Ano pang tinayo tayo mo jan?
Ano!
Buksan muna,Gibain muna yang pinto ng gaga!
Sigurado ka Angie!
Oo!Kupad eh!Tatanong tanong pa!
Alis jan!
Dinig ko ang lahat,Kaya nanginginig ako sa takot ngayon,Iniisp ko palang anong pweding gawin ni mama sa akin.May pasok pa ako mamayang eleven sa call center..Ano na..
Boghs!
Boghs!!!!!!
Ughs! Bwesit ang sakit!
Halika ditong babae ka!Gaga ka talaga!Saan kana nagtago!?
Nandito ako sa cabinet kong saan iniiwan ko si prince,Katabi ko siya..
Ayon,Nakita din kita..Halika dito!
Ahhhh,Mama masakit! Huhuhu
Hila hila ni mama ang tenga ko patayo!
S-syopaw..
Yan pala ang lalaki mo!Si papa nakatingin kay prince..
Umiling iling ako, Huwag nyu siyang sasaktan parang awa nyu na,Ako nalang.. Please..Wala siya sa katinua-Aghs! Huhuhu..Ang sakit ng tiyan ko..Sinuktok ni mama.Ahhh,Tama na!
Pak!
Pak!
Pinagsasampal na niya ako,Kaya napaluhod na ako sa sakit ng tiyan na sinuntok niya kanina..
Tama na ma, Argh!Aray! Huhuhu hawak ang tiyan at labi ko na pumutok dahil sa sampal niya..
S-syopaw.Boghs!!Boghs!
Papa wag!
Bakit yan si Rosa ang ginugilpi mo,Paano na si Mr Mendez niyan!Makikita niya ng putok ng labi niya..Gaga ka talaga Hindi nagiisip..
Huwag.Papa!Kahit nang hihina tinulak ko si mama,At agad pumunta sa harapan nita.. Prince..Hindi kumikibo si prince kahit binubogbog na siya ni papa kaya mas lalo akong Naaawa dahil hindi niya alam ang nangyayari sa kanya.
S-syopa-paw.Umubo na siya ng dugo kaya niyapos ko siya bahala na sa akin mapunta lahat ng sakit, Ughs,!Aray tay, Huhuhu tama na ho.. Huhuhu..
Tang ina,Palayasin mo yan gaga ka!Kong ayaw mo kayong dalawa ang mapapalayas!Tayo!Ilabas mo yan,Bago ko mapatay yan,!
Papa, Wala siyang mapunta-tahan pa-parang a-awa nyu na.. Please..
Wala kaming awa!Ialis mo yan ngayon din!!!!!!
Dali dali akong tumayo,Pinatayo si prince hinila ko siya palabas kahit masakit ang buong katawan ko dahil sa bogbog ni mama, putok na ang laki ni prince dahil sa sampal ni papa at suntok kanina hindi ko agad siya nalapitan.
S-S-Syopaw..
Oo prince,ililigtas kita sa pamilya ko,Hindi ka nila mapapatay.Prince sana kong saan kita iiwan doon kalang kasi para hindi ka masaktan at pagsinabi ko wag kang magsalita, huwag kang magsalita.Yan tuloy nahuli tayo,Saan kana ngayon tutuloy?
Habang hila hila ko si prince umabot kami dito sa may park,Kong saan madadaanan ko kong pupunta ako sa pwesto malapit lang din sa bahay namin.Harap nito ang comelec office,Tabing dagat naman na pweding tambayan.Bihira lang tao dito dahil may guard,Bawal pumasok pag gabi na kaya safe dito si prince..
Huminto kami sa may upuan na semento may bobong naman na masilungan,Kaya safe siya kong uulan.
Prince,Dito ka muna ha? Please wag na wag kang aalis,Babalik ako pagnakahanap ng pagkakataon,Dadalhan kita dito ng food,Ha?
S-syopaw.
Prince very good ka diba? Makikinig ka sakin?
S-syopaw.
Huhuhu hindi ko mapigilang umiiyak,Naawa ako sa kalagayan niya,Paano kong saktan siya ng taong nandito,? Pero no choice ako ito na ang malapit sa akin,At gabe narin wala akong maisip na pwedi niya matulogan sa ganitong oras..
Dahan dahan akong Umalis sa harapan niya ng hindi inaalis ang mata sa gawi niya gayon din siya nakatingin sa akin,Habang papalayo ako panay din tulo ng luha ko,Hindi ko mapigilan parang ang sakit sakit malayo sa piling niya.
S-syopaw.
Jan kalang!Huwag na huwag kang aalis ha?
Pagkatapos kong sabihin yon, Tumakbo na ako papalayo sa kanya ng makalayo lumingon ulit ako,at nakita kong nakatingin parin siya sa akin, Tumakbo na ulit ako at lumingon na naman at nakita ko nakatingin parin kahit malayo na ako.Napahagulgol nalang ako ng hindi kinaya ang bigat ng dibdib ko.
Ng malapit na ako sa bahay,Pinunasan ko ang aking mukha at dumiretso ako sa kwarto ko,Sa sobrang pagod kakaisip kay prince hindi ko namalayan nakatulog na pala ako, Nagising nalang ako ng malakas na katok sa pinto ko!
Rosa!
Dalidali akong pumunta sa pinto at binuksan, Pagbukas si mama.
Tangina mo bilisan mo maligo, magbihis magpaganda, dahil anjan na sila!
Nagmamadali akong naligo at nagbihis pero hindi magpaganda.Pagbukas ko ng pinto mukha ni mama bumungad sa akin ..
Letse!Ang tagal!
Hinila niya ako at pinaharap kay Mr Mendez..
Malaki ang ngiti ng lalaki pero ako poker face lang,'..
Siya si Rosalinda Mr Mendez.
©M.A Stories