PARANG gusto kutusan ni Mashyana ang sarili dahil sa kung ano-anong kabalastungan ang iniisip niya. Akala kasi talaga niya hahalikan siya ni Ice iyon pala may kinuha itong nalaglag na palikmata niya. Kung wala lang ang lalaki sa tabi niya baka napapadyak na siya sa inis at pangkahiya. Nagising ang katawang lupa niya nang bigla na namang lumapit sa kaniya si Ice at matagal siyang tinitingan.
“Namumula ka, huwag mong sabihi—”
Mabilis na napahawak siya sa kaniyang mukha. “Mali ang iniisip mo, hindi ko iniexpect na haha—”
Naputol ang sasabihin niya nang inangat ni Ice ang kamay at nilagay ang palad sa noo niya. Pakiramdam niya parang nauupos na kandila ang tuhod niya sa kaba na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
“Hindi ka naman mainit ah.”
Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. “Hindi nga…”
“Ano ka ba naman self! Kailang beses mo ba balak ipahiya ang sarili mo sa harap ng lalaking ito?” tahimik na kastigo niya sa sarili.
“Heto na pala ang bus, tara na,” anyaya ng lalaki at hinawakan bigla ang kamay niya at hinila siya.
Napatulalang napatingin lang siya kay Ice habang nakikipag-usap na ito sa conductor ng Bus, napadako ang tingin niya sa kamay nilang magkahawak. Hindi niya alam pero parang tumalon ang puso niya sa sobrang kaligayan nararamdaman. Pakiramdam niya na buhay muli siya dahil ngayon niya lang naramdaman ang kakaibang sigla at kasiyahan.
“Tara, pasok na raw tayo,” biglang sabi ng lalaki naki kurap-kurap naman niya.
“P-paano ang sasakyan mo?” hindi niya maiwasang itanong at tumingin sa sasakyan nito.
Ngumiti sa kaniya ang lalaki. “Huwag ka mag-alala, may tinawangan na ako para kumuha niyan.”
Napatango na lamang siya sa sinabi nito at walang imik na umakyan sa bus habang inaalayan siya ni Ice. Pinaupo siya nito sa may bintana banda habang ito naman ay nasa gilid niya. Ikatlo sila sa pinakahuling upuan. Nilibot niya ang tingin sa paligid, napangiwi siya nang mapansing kay rami ng pasahero. Mabuti nga lang at nandito sila sa pinaka huli puwesto. Napabalik ang tingin niya sa labas ng bintana at hindi niya maiwasang mapangiti nang bumukad sa kaniya ang langit. Palubog na ang araw nang mga sandaling iyon, kaya kay ganda ng langit pagmasdan dahil nagiging kulay red na parang orange ito.
“Gusto mo ba?”
Napatingin siya sa gawi ni Ice nang magsalita ito at napa-angat ang gilid ng labi niya nang makita niyang inaalok nito sa kaniya ang isang santol na may kalakihan.
“Saan mo iyan nakuha?” nakangiting tanong niya.
Akala niya susungitan siya ng lalaki na rati nitong ginawa pero mali siya dahil ngumiti ito at ng kamot ng batok.
“Doon sa nagtitinda,” sagot nito sabay turo sa isang Ginang na nakaupo sa katapat ng upuan nila.
Napa tango-tango naman siya. “Ah, mahilig ka pala diyan…”
“Hmm…hindi naman, mas mahilig rito si Amara, she used to harass me to buy her these,” sagot nito.
Matagal niyang tinitingan ang lalaki na ang mga mata ay nasa santol. Bakit gano’n? Para kasing tinutusok puso niya sa binitiwan ng lalaki na salita.
“Hindi mo ba naalala? Noong mga bata pa tayo, merong puno ng santol sa likod ng bahay niyo,” dagdag nito.
Napatango naman siya at bahagyang ngumiti. “Oo, meron nga, doon ang paborito kong tambayan sa taas ng puno ng santol.”
Tumingin sa kaniya ang lalaki. “Halata nga, para ka ngang unggoy noon sa liksi mo kung umakyat.”
Natawa siya. “Oo nga, kabaliktawaran ng kakambal ko.”
“Yeah, mahinhin kasi si Amara, babaeng-babae.”
“Kaya mo nga siya na gustuhan kasi babaeng-babae siya,” gusto niyang idugtong sa sinabi ng binata pero baka isipin nito may hinanakit siya rito kahit na iyon naman ang totoo.
“Natahimik ka?”
Napa-angat siya ng tingin. “Wala may iniisip lang.”
Minasdan siya nito. “Ang laki talaga ng pinagbago mo, parang hindi ako sanay na ganiyan ka na manamit at kumilos.”
Bumuka-sara ang labi niya sa gulat sa sinabi ng lalaki. Hindi niya lang kasi inexpect na kay Ice iyon mangagaling. Noong umalis kasi siya sa bayan nila at pumunta sa ibang bansa, she tried her best to change herself at so far naging matagumpay naman ang glow-up niya.
“Ako pa din naman ito kahit ng bago na pananamit ko,” mahinang sabi niya.
“Atleast ako nagbago lang. ‘E iyong kakambal ko ngang mahal na mahal mo ng hanap ng bago,” parang gusto niyang idagdag pero baka magalit si Ice sa kaniya kaya’t tinikom na lamang niya ang kaniyang bibig.
“Sabagay,” maikling sabi nito.
Natahimik na silang dalawa. Binaling niya muli ang tingin sa labas at sa pagkakataong ito ay dumidilim na ang paligid at ilang saglit pa ay napayakap siya sa sarili nang biglang bumuhos ang ulan. Sinira niya rin ang bintana, at napabaling sa katabi niyang nakatingin pala sa kaniya.
“Are you okay? Bakit parang namumutla ka?” nag-alalang usisa nito.
Ganito kasi talaga siya pag umuulan lalo na kung nagbabayahe siya. May phobia kasi siya sa ganitong sitwasyon dahil noong nagbabayahe siya papunta sa manila ay na aksidente siya, sa kabutihang palad ay nakaligtas naman siya pero iyong phobia niya narito pa rin.
“Hey, Yana—”
“A-ayos lang ako, huwag mo akong pansinin,” maagap na sagot niya kahit pa naninikip na dibdib niya sa kaba.
Napapikit siya at napasisik sa tabi ng lalaki nang bigla na lamang kumidlat. Napamulat ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang inakbayan siya ng lalaki at may lumapat na malambot na bagay sa kaniya.
“Shh, huwag ka nang matakot, narito lang ako. Babantayan kita, Yana,” masuyong bulong ng lalaki at hinawakan ang ulo niya para ilagay sa dibdib nito.
Habang hindi naman siya makapagsalita sa gulat. Pangarap nga niya ito noon ang makulong sa bisig ng lalaki, hindi niya akalaing matutupad ito ngayon.
“Ang init ng dibdib niya, kay sarap pala sa pakiramdam makulong sa bisig ng lalaking mahal mo,” sa isip-isip niya at pasimpleng sumiksik pa sa lalaki.
“Natatakot ka ba sa kidlat?”
Napa-angat ang ulo niya sa tanong ng lalaki. Tumingin rin ito sa kaniya, hindi niya maiwasang mapababa ng tingin sa labi ng lalaki.
“Oo…” sagot niya at sinandal muli ang ulo sa dibdib nito.
“Nanginging ka,” puna nito.
Kinakabahan talaga siya at kung wala ito sa tabi niya malamang ay nawalan na siya ng malay.
“P-pwede mo ba hawakan ang kamay ko?” mahinang pakiusap niya.
Hindi umimik ang lalaki kaya’t pumikit siya. “Kung ayaw mo, ayos lang naman—”
Naputol ang sasabihin niya nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki na hinawakan ang kamay niya.
“Salamat…”
Hindi umimik si Ice. Mamaya pa ay nakadama siya ng antok kaya’t pinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling lamunin ng antok.
***
NAGISING siya nang maramdaman niya ang mainit na palad ng lalaki na tumapik sa kaniyang pisngi. Rinig niya rin ang mga boses na mga taong nagkakagulo, kumurap-kurap ang kaniyang mga mata. Nilibot niya rin ang tingin sa paligid at napansin niyang tumigil ang bus at mukhang nasa isang terminal sila.
“Ayos na ba pakiramdam mo?”
Napatingin siya sa lalaki nang marinig niya ang boses nito at pag alis nito ng braso sa balikat nito.
“Oo, medyo okay na ako, maraming salamat pala…”
Ngumiti ang lalaki. “Wala iyon, paunahin na lang natin ang ibang makalabas saka na tayo lumabas.”
Tumango siya bilang sang-ayon sa sinabi ng lalaki. Wala naman kasi siyang planong makipagsiksikan sa mga taong mukhang nagmamadaling lumabas.
Ilang saglit pa ay, tumayo na si Ice kaya’t tumayo na rin siya. Nauna itong naglakad papunta sa may labasan habang walang imik na naka sunod naman siya.
“Maraming salamat po,” pasalamat ni Ice nang tulungan sila ng conductor na ibaba ang mga dala nila.
Nilibot niya ang tingin sa paligid, oo nasa labas na sila ng bus. Napatingin siya sa kaniyang relo at napansin niyang alas nuwebe na pala ng gabi. Ginabi sila sa haba ng byahe, napakapit siya kay Ice nang bigla na lamang kumidlat ng malakas.
“Hey, it’s okay, I’m here,” masuyong alo nito at niyakap siya.
Binaon naman niya ang ulo sa dibdib ng lalaki sa tindi nang kabang sumidlit sa pagkatao niya. Hinaplos-haplos ni Ice ang kaniyang likuran, marahil ay upang pakalmahin siya.
“Mas mabuti siguro kung bukas na lang tayo magpatuloy sa pagbyahe, bukod sa masama ang panahon, gabi na rin ngayon at delikado magbyahe.”
Napa-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ni Ice. “Mabuti pa nga, ngunit dito ba tayo magpapalipas ng gabi.”
“Of course not, sweetheart, mag-h-hotel tayo.”
Hindi niya alam pero parang umakyat ata ang lahat ng dugo niya sa may mukha niya sa narinig. Mag-h-hotel sila? Ito ang unang beses niyang pumunta sa hotel na may kasamang lalaki, hindi niya alam pero kinakabahan siya. Kung ano-anong kalaswahan na kasi ang pumasok sa utak niya, kunsabagay kasi lalaki pa rin naman si Ice, paano kung pag-iintresan nito ang katawan niya? Papalag ba siya o hahayaan ito sa nais—
“Yana! Yana, nangyari sa iyo, ba’t natulala ka at namumutla ka?”
Napabalik siya sa katawang lupa niya nang maramdaman niyang inalog siya ng lalaki. Wala sa sariling tinampal niya ang noo niya at umiling-iling siya, nagbabasakaling mawala ang kung ano mangkalaswaang iniisip niya.
“Hey, what are doing?”
“HINDI! Hindi, lubayan niyo ako—”
Ngunit paano kung sasabihin ni Ice na mag-share na lang sila ng iisang kwarto tapos, tapos gagapangin siya nito—
“Ay, gusto ko iyan!” gulat na bulalas niya nang pitikin ni Ice ang noo niya.
“Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig riyan, ano ba kasi iniisip mo at tila wala ka sarili at namumula ka pa, kanina lang ‘e namumutla ka ngayon naman daig mo kamatis sa pula,” komento ng lalaki na titig na titig sa kaniya.
Umiwas naman siya ng tingin. “Huwag mo na lang akong pansin, naiinitan lang ako,” katwiran niya at tinalikuran ang lalaki.
Pagsakay nila sa taxi ay siniksik niya talaga ang sarili at pilit na kinakalma ang kaniyang puso dahil pabilis nang pabilis ang t***k nun. Nang dumating sila sa tapat ng hotel ay tila siyang tood na nakatayo lang at hindi man lang kumukurap.
“Yana, sigurado ka bang ayos ka lang?” nag-alalang tanong ni Ice at kinulong ng dalawang kamay nito pisngi niya.
“A-ayos lang ako,” nabubulol na tugon niya at lumayo sa lalaki.
Bumuntong hininga si Ice. “I’m sorry if kinailanga mo pa pagdaanan ang mga pangyayari ngayon but don’t worry, I will do all my best para maihatid ka bukas.”
Tumango na lamang siya. Ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng hotel, naka upo siya ngayon sa may gilid habang si Ice naman ang kumausap sa receptionist. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng hotel at napansin niyang may kalaparin ang loob nun at halata mong tanging may mga malalaking pera lang ang makaka-afford na mag-stay rito.
“We have a problem, Yana.”
Napa-tingala siya nang marinig niya ang boses ni Ice. Magkasalubong ang kilay nito at halatang hindi nito nagustuhan ang resulta ng pakikipagusap nito sa receptionist.
“Wala na bang bakante?” tanong niya.
Bumuntong hininga ang lalaki at umiling-iling. “No, meron ngunit…”
Tinignan siya nito habang siya ay napa-kunot ang mga noong napatitig sa lalaki. “Ngunit?”
Nagkamot muna ito ng batok tapos huminga ng malalim napinagtaka niya. Ano kaya ang sinabi ng receptionist bakit mukhang hirap na hirap ang lalaki sabihin sa kaniya.
“Isa lang raw ang bakanteng kwarto.”
“Gano’n ba— teka ano sabi mo?” gulat na bulalas niya.
Bumuntong hininga muli ang lalaki. “Isang kwarto na lang daw ang available dahil fully book sila ngayon gabi. Maybe dahil sa hindi maganda ang panahon, marami ang na stranded,” paliwanang nito.
Habang siya hindi alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Loading pa rin utak niya sa mga hindi inaasahang pangyayari sa kaniya ngayon araw, akala niya wala nang may titindi pa sa biglaan pagkikita nila ng lalaki kanina at ito pa ang sumundo sa kaniya. Iyon pala umpisa pa lang iyon at ngayon ay nasa exciting part na, matutulog sila ng lalaki sa iisang kwarto at malamang ay iisang kama rin sila matutulog.
“Jusko! Makakaya kaya ito ng puso at pempem ko—teka bakit nasali ang pempem ko sa usapan? Ah basta! Kinakabahan ako.” Sa isip-isip niya habang tinatahak na nila ng lalaki ang daan patungo sa silid na maaring nilaan para sa kanilang ngayong gabi.
To be continued…
Binibining Mary