Kabanata 4

2126 Words
MUNTIK na mapatalon sa gulat si Mashyana nang bigla na lamang sinira ni Ice ang pintuan ng kwartonng pansamantalang uukupahan nila. “Sorry, mukhang nagulat kita.” “A-ayos lang,” pabulong na tugon niya at humakbang na. Napatigil siya nang makita niya ang kama, may kalakihan iyon. Ang kinagulat niya na halos mapanganga siya nang makita niya kung ano ang nasa ibabaw noon. Meron kasing naka-heart shape na mga petals ng red-rose sa ibabaw noon. Hindi niya magawang lingunin si Ice sa may likuran niya, dahil alam niyang kasing kulay na ng red-rose ang mukha niya nang mga sandaling iyon. Iba kasi pumasok sa utak niya habang tinitignan niya ang mga iyon, para kasing mag-h-honeymoon sila ni Ice sa itsura ng kama. “Aherm, nagugutom ka ba—” Napabitin sa eri ang sasabihin niya nang paglingon niya’y wala si Ice sa likuran niya kundi nasa may gilid kung saan meron sofa na may kalakihan. “Hubarin mo na iyang damit mo.” Kumurap-kurap ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. Bakit siya nito pinahuhubad? May plano ba itong angkin siya? Ngunit wala naman silang relasyon at ngayon pa nga lang sila muli nagkasama. Parang ang bilis naman ata kung gugustuhin na ni Ice na mag-isa ang katawan nila. Huminga siya ng malalim. “Pero, Ice—” “Hubarin mo na iyan, hindi ba’t nabasa ka kanina? Baka magkasakit ka paghintay mong matuyo iyan,” seryosong turan nito. Habang siya ay napatitig lamang sa lalaki. Hindi siya makapaniwalang kailang beses na niya sana ipahiya ang sarili niya sa lalaki. “Kung nahihiya ka sa akin, doon ka na lang magbihis sa banyo at maligo na rin para huwag ka sipunin bukas.” Tinampal niya ang kaniyang noo sa pagiging assumera niya na halos daig niya pa isang manunulat kung makagawa ng mga senaryo kaniyang utak. “Yana?” Kumurap-kurap ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ni Ice at nilingon niya ang lalaki. “Yes?” “Nasa gilid ang banyo hindi diyan,” seryosong sabi nito. Ngunit huli na ang binata sa pagsaway sa kaniya dahil binuksan na niya ang pintuan dahilan para mabasa siya dahil sumalubong sa kaniya ang malakas na ulan at hangin na halos mapa-atras siya. Sa sobrang gulat niya’y napatayo lang siya at nanginginig ang mga tuhod niya sa sobrang kabang nadama niya. “s**t! Yana, are you, okay?” rinig niyang tanong n Ice bago siya nito hinapit sa bewang at sinira ang pintuan. “Yana! Yana! Do you hear me?” Hindi niya alam pero umatak ang luha sa kaniyang mga mata at napayakap siya sa lalaki sa tindi ng takot na lumukob sa pagkatao niya nang mga sandaling iyon. “Shh, it’s okay, it’s okay, I’m here,” masuyong pag-aalo nito sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likuran at binalot rin siya ni Ice ng kumot. Sa ginawa nito ay medyo kumalma siya at ilang saglit pa ay bumitaw siya sa pagkayakap sa lalaki at tumingin sa mukha nito. “Ayos na ba pakiramdam mo?” nag-alalang tanong nito. Hindi siya umimik, minasdan niya lamang ang lalaki. Bakit hindi ka na lang maging akin, Ice? Ikaw lang ang minahal ng puso ko, ikaw lang ang nagpapatama sa akin ng ganito. Bakit hindi na lang ako, Ice? Ikaw lang kasi ang nagpapatibok nito. You made me feel that I’m also a woman, who needs a man, who can protect her and love her. Kumurap-kurap ang mga mata niya nang maramdam niya ang kamay ni Ice na pinunasan ang mga luhang nalaglag sa mga mata niya. Lumayo ang lalaki sa kaniya. “Kung maayos na ang pakiramdam mo ay, magbihis ka na dahil magkakasakit ka pag hinayaan mong ganiyan ka ng matagal.” Tumango siya at tumayo. “Paano ka?” Napatitig sa kanya si Ice tapos tumawa ito ng mahina na pinagtaka niya dahil wala namang nakakatawa sa tinanong niya. “Are you trying to invite me to bath with you?” Namula siya sa tinanong ng lalaki at napagtanto niyang hindi niya dapat tinanong ito ng gano’n kaya naman pala natawa ito. “H-hindi iyon ang ibig kong sabi—” “Alam ko, binibiro lang kita,” nakangiting putol nito sa pagpapaliwanang niya. “Oh, bakit natigilan ka diyan? Huwag mong sabihin natakot ka din maligo mag-isa—” “H-HINDI!” pahiyaw na putol niya sa sinasabi ng lalaki. Natawa ang lalaki habang siya’y namumula na sa pagkahalong pagkahiya at pagka-inis sa lalaki. “Huwag ka magalit, gusto ko lang patawanin ka,” naka ngiting sabi nito. Bumuka-sara ang kaniyang labi sa sinabi ng lalaki. “Sige na, maligo ka na. Habang ako ay tatawagan ko muna si Amara.” Nang marinig niya ang pangalan ng kakambal ay bigla na lamang nag iba ang mood niya. Gusto sana niyang tanungin ang lalaki bakit pa nito kailangan tawagan ang kakambal? Ngunit na alala niyang wala siyang karapatan para tanungin ito kung ano ang gagawin nito at kung sino ang kakausapin nito. Ilang saglit pa ay napatingin siya sa kung saan nakatayo si Ice habang hawak-hawak ang cellphone, nababasa niya ang kasiyahan sa mukha ng lalaki na animo’y isa itong teenager nakikipag-usap sa nobya nito. Napakagat siya ng ibabang labi niya at napa-iwas ng tingin sabay walang imik na pumasok sa loob ng banyo. Pagpatak ng tubig sa kaniyang mukha ay kasabay noon ang paglaglag rin ng luha sa mga mata niya. Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa isipang mahal pa ni Ice ang kakambal kahit pa ikakasal na ito sa iba, higit pa roon, kahit pa siya na ang kasama nito pero tila si Amara pa rin ang mahal nito. Ano ba ang dapat niyang gawin para mapansin siya ni Ice? Hindi pa ba sapat na binago na niya ang sarili para makita siya nito bilang babae? Hindi isang kaibigan o kapatid ng babaeng mahal nito. “Bakit hindi na lang ako, Ice? Kung ako sana ang pinili mo baka ikakasal na rin sana tayo ngayon o baka may anak na tayong kamukhang-kamukha mo o kamukhang-kamukha ko…” *** PAGLABAS niya’y naka sout ng roba si Ice at napansin niyang may mga nakahain na pagkain sa ibabaw ng isang maliit na lamesa. Nang binalik niya ang tingin sa lalaki ay parang gusto niyang bumalik sa banyo dahil nakikita niya ang kakaibang ngiti na naglalaro sa mga labi nito habang may kausap sa cellphone na alam niyang ang kakambal niya iyon. Sapagkat si Amara lamang ang nakakagawang pangitian ng gano’n si Ice, mula pa ng mga bata sila. Huminga siya nang malalim at tumingala upang pigilan ang namumuong luha sa kaniyang mga mata na nagbabantang malaglag. “Nandito na si Mashyana, I will call you again later, papakainin ko muna siya…. yes, of course, dadating kami diyan bukas….hahaha, I miss you too.” Tumingin ito sa gawi niya saglit tapos sinyas itong maupo siya sa may malapit sa lamesa. Nagbaba siya ng tingin at walang imik na sumusunod sa sinabi ng lalaki. Pagkaupo niya at tumingin uli siya sa gawi nito, kausap pa rin nito ang kakambal niya na animo’y magkasintahan na sabik sa isa’t-isa. Nang tumingin muli sa gawi niya si Ice ay ngitian niya ito ng tipid at pasimpleng kinakalma ang sarili. “Ang kulit na talaga ni Amara, para tuloy nagkapalit na kayo ng personalities, ikaw na naman ngayon ang tahimik—” “Kain na tayo na gugutom na ako ‘e,” putol niya sa sinasabi ng lalaki pagkatapos nitong ibaba ang tawag. Hindi niya kasi maiwasang isipin na pinapakisamahan lang siya nito dahil nakikita nito si Amara sa kaniya. “May masakit ba sa iyo? Ba’t matamlay ka?” usisa ng lalaki na siyang dahilan kaya’t napabalik siya sa katawang lupa niya. Tumingin siya sa lalaki ng diretso at may kumirot muli sa puso niya nang mabasa niya ang pag-alala sa mga mata nito. Gusto niyang sumbatan ang lalaki pero alam niyang wala itong kasalanan siya lang talaga itong assumera at tanga. “Hey, kanina ko pa napapansin ang tahimik mo ata…may inaalala ka ba?” “Meron, inaalala ko ang puso at sarili ko na baka lumala pa itong kabaliwan ko sa iyo,” sa isip-isip niya. Bumuntonghininga siya. “Wala, naninibago lang siguro ako at pagod sa byahe, huwag mo na lang ako pansinin…” Matagal siyang minasdan ng lalaki tapos bumuntong hininga ito at umupo sa harap niya. Walang imik na binuksan niya ang takip ng nakahain na pagkain sa kanila. Bumukad sa kaniyang paningin ang isang mainit-init na lomi at pizza. Bigla siyang nakaramdam ng gutom lalo pa’t naamoy niya ang mabagong amoy ng mga pagkain. “Nag-order ako ng mga iyan kasi alam kong gutom ka na at masarap kumain ng lomi pag umuulan,” giit ng lalaki kaya’t napatingin siya rito. Tumango siya at nag umpisa ng sumadok at nilagay sa bowl niyang maliit habang walang imik rin si Ice sa kakamasid sa ginagawa niya. ILANG saglit pa ay nakahiga na siya sa kama habang naroon naman sa may sofa na may kalaparan si Ice naka-upo. Humingi ito sa kaniya kanina ng unan at kumuha ng extra kumot at tumungo sa may sofa. Gusto niya sana itong pigilan na roon matulong sa may sofa dahil alam niyang mahihirapan ang lalaki pag dun ito matutulog ngunit inunahan siya ng hiya at kaba kaya hindi siya nakapagsalita hanggang sa isang malakas na kidlat ang pumukaw sa kaniya. Napabalikwas siya ng bangon at napatulala, tumayo siya at umupo sa may gilid at niyakap niya ang kaniyang mga tuhod at niyuko ang ulo roon para itago ang kaniyang mukha. Madalas niya iyon ginagawa pag may mga ganitong eksena, sa gano’n paraan kasi siya kumakalma. “Yana? Ano nangyari bakit nandiyan ka?” Napa-angat siya ng ganiyang ulo ng marinig niya ang boses ni Ice na ngayon ay nasa harap na niya. “Natatakot ka ba ulit?” Parang batang tumango siya at niyakap ang tuhod, nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya nakahanap siya nag taga pagligtas niya. “Gusto mo bang tabihan kita kahit hanggang makatulog ka lang?” Tumango siya. “K-kung ayos lang sana…” Kinuha nito ang kamay niya at inalalayan siya patayo habang siya’y walang imik na sumusunod sa ginagawa ng lalaki. Pinaupo siya nito sa kama at dahan-dahang hiniga at kinumutan pagkatapos ay umikot ito sa kabila. Napabalik siya sa kabila nang maramdaman niyang humiga na rin si Ice, ngitian siya nito. “Huwag ka na matakot nandito na ako, babantayan kita,” masuyong giit nito at inayos ang kumot niya. “Matulog ka na, maaga pa tayo bukas,” dagdag pa nito at pumikit. Ngunit hindi niya magawang sundin ang sinabi ng lalaki dahil hindi talaga siya dinadalaw ng antok, nakatitig lang siya sa lalaki. Kumidlat uli ng malakas sinundan ng kulog na siyang naging dahilan kaya’t napasiksik siya sa lalaki. Nakatihaya ito ng higa habang nasa mga mukha ang braso ngunit tumagilid ito ng sumiksik siya rito at dahil mataas ito sa kaniya ay nasa dibdib nito ang kaniyang ulo. Akala niya ay itutulak siya ng lalaki pero napa-angat siya ng tingin ng maingat nitong inangat ang ulo niya at inilagay sa braso nito. Tumingin siya sa mukha nito nang marahan nitong tinapik ang braso niya na tila ba inaalo siya nito. “S-salamat,” mahinang aniya. Yumuko ito. “Wala iyon, matulog ka na…” Tinignan niya muna ito bago tumango at pinikit ang mga mata. Ang init na nagmumula sa lalaki ay nagsilbing kumot niya. Hindi niya alam pero kumalma ang puso niya pag niyayakap siya nito. Hindi niya tuloy maiwasang hilingin na sana’y tumigil ang oras at huwag na dumating ang umaga, dahil pagdating ng bukas, hindi na niya makakapiling ng ganito ang lalaki. Oo siya na ang tanga at ilusyonadang umaasa sa mga wala kabuluhan na bagay. Ngunit masisi ba siya kung iyon ang sinisigaw ng baliw na puso niya. “Bakit hindi na lang ako, Ice? Kaya ko rin maging babaeng-babae para sa iyo, kaya kitang alagaan at mahalin kahit walang kapalit na salapi o kung ano pa man. I only want you, sana’y maramdaman mo ring hindi lang si Amara ang may abilidad na mahalin at pasayahin ka,” tahimik na hinaing ng puso niya at sumiksik pa sa lalaki. Alam niyang gising pa ito dahil hindi malalim ang pag hinga nito, parang gusto niyang tignan ito ngunit natatakot siya na baka umalis ito sa tabi niya dahil baka isipin nito okay na rin naman siya. Pinilit niya na lamang matulog kahit pa hindi iyon ang gusto ng puso niya, ilang saglit pa ay nilamon na siya ng antok ngunit bago mangyari iyon narinig niyang nagsalita si Ice. He whispered “Goodnight” in her ear. … Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD