Kabanata 2

2157 Words
LUMIPAS ang limang taon na natiling dalaga si Mashayana hindi dahil walang nanliligaw sa kanya kundi dahil wala lang talaga siya matipuhan sa mga manliligaw niya. Hindi pa rin makalimot ang puso niya, sa unang lalaking minahal niya na baka ngayon ay isa nang mister at ama ng mga anak ng kakambal niya. Napabalikwas siya ng bangon nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya nasa gilid ng kama niya. “Hello?” kaagad na bati niya sa tumawag. “Mash, ikaw ba iyan?” Kumunot ang noo niya dahil pamilyar sa kanya ang boses ng tumawag sa kanya pero hindi niya lang matukoy kung sino. “Yes, it’s me, sino ito?” Nang magpakilala sa kanya ang tumawag ay nanlaki ang kanyang mga mata pero mas nagulat siya nang ibinalita ng kakambal na ikakasal na ito at hindi kay Ice kundi sa ibang lalaki nakinabigla niya. Panget man pakinggan pero natuwa siyang malaman hindi nagkatuluyan ang mga ito, hindi na niya kailangan lumayo sa kakambal at hindi na niya kailangan huwag umattend sa kasal nito. “Nandyan ka pa ba, Mash?” Napakurap siya. “O-oo, ano nga ulit iyong sinabi mo?” Narinig niyang napabuntong hininga ang kakambal sa kabilang linya. “Sabi ko, ginawa kitang bridesmaid sa kasal ko kaya kailangan umuwi ka rito, bukas na bukas din para matulungan mo ako.” “Ahmm—” “Opss, bawal humindi, hindi mo ba ako na miss, Mash?” Natahimik siya, naninibago lang siya kasi sa inaasta ng kapatid, noong nakaraang taon pa ito kulit nang kulit sa kanya na umuwi siya, ang lagay tuloy ito na ang madaldal sa kanilang dalawa. “Mash, uuwi ka diba?” Huminga siya ng malalim. “Oo, pero huwag mo ipagsabi sa iba.” “YES! Thank you, Mash.” “You’re welcome,” tugon niya bago ibinaba ang tawag. *** NILIBOT ni Mashayana ang tingin sa labas ng airport, sumalubong sa kanya ang mga taong lumalakad papasok at ang iba ay palabas. Tumingala siya sa langit at linanghap ang kakaibang simoy ng hangin ng Iloilo. “Nakauwi na nga talaga ramdam ko na ang init ng Iloilo e,” giit niya at inalis ang suot na sun glasses. Napa-atras siya nang may tumigil na SUV sa kanyang harapan, luminga-linga siya sa paligid sa takot na baka bigla na lang siya hilalin ng kung sino papasok sa SUV. Pagbukas ng driver seat at lumabas ang isang lalaking mahigit anim na pulgada ang taas at naka-sun-glasses ito, mahaba ang buhok na naka tali. Bumuka-sara ang mga labi niya nang magka salubong ang mga mata nila ng lalaki. Heto na naman nararamdaman na naman niya ang pamilyar na bilis ng pag pintig ng puso niya at mainit na lumulukob sa kalamnan niya na animo’y may kuryenteng dumadaloy mula sa titig ng lalaki na pumapasok sa kalamnan niya. “I-ice?” nanlalaki ang mga matang bulalas niya ng tumigil ang lalaki sa kanyang harapan at inalis nito ang sun glasses. Ngumiti sa kanya ang lalaki na rati-rati ay hindi nito ginawa sapagkat pag nagkikita sila, magkasalubong lagi ang kilay ng lalaki na animo’y nakakita ng nakakasira ng araw nito, and she assumes na siya iyon. “Ako nga, I’m glad that you recognize me immediately habang ako ay…” binitin nito sa eri ang sasabihin at minasdan siya. “You changed a lot…” mahinang sabi ng lalaki habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi niya maiwasang mapakagat labi sapagkat naiilang siya sa ginawang pagsusuri ng lalaki sa kabuuan niya na kahit sa panaginip ay hindi niya maimagine na gagawin nito. Tumikhim siya para mawala ang pagka-asiwang nararamdaman at para na rin kunin ang atensyon ng lalaki. “B-bakit ka pala narito? May susunduin ka ba?” mahinang tanong niya. Tumango ang lalaki. “Oo, may susunduin ako.” Tumango-tango siya. “Ah ganun ba—” “Ikaw ang susunduin ko, Yana.” Ngumiti sa kanya ang lalaki at kinuha ang maleta niya. Napakurap-kurap siya sa gulat habang ang lalaki ay nilagay na nito ang kanyang maleta sa likod ng sasakyan na dala nito. “Get inside.” Napabalik siya sa katawang lupa niya ng marinig niya ang seryosong boses ng lalaki at ang paghawak nito sa siko niya at pagbukas nito sa pintuan ng driver seat sabay alalay sa kanya paupo sa upuan roon. Hindi kaya tanggapin ng utak niya ang mga nangyayari sa kanya ng araw na ito. Pagkaupo ng lalaki sa driver seat ay doon niya lang talaga napagtanto na hindi siya nananaginip dahil na amoy niya ang pamilyar na amoy ng lalaki at ang pagtama ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng sasakyan ng lalaki. “Mabuti na naman at naisipan mo umuwi,” basag ng lalaki sa katahimikan ng nasa byahe na sila. “Kinukulit kasi ako ni Amara,” sagot niya. “Hahahaha, gano’n ba. Makulit talaga iyon…kamusta ka na pala?” nakangiting tanong ng lalaki. Tumititig siya sa lalaki. “Ayos lang naman ako, ‘e ikaw ayos ka lang ba?” Sumulyap sa kanya ang lalaki tapos pinaandar nito ang makina ng sasakyan. Bumaling naman siya sa bintana dahil batid na niyang hindi siya nito sasagutin. Malamang kasi nasaktan ito dahil hindi ito ang naging groom ng kakambal niya. “Ayos lang naman ako.” Napatingin siya agad sa gawi ni Ice nang magsalita ito. “Talaga? Mabuti naman kung ganun…” Tumawa ito ng mahina. “Bakit gan’yan ang reaction mo? Para naman akong namatayan niyan.” “Hindi ba?” gusto niyang itanong rito ngunit wala siyang lakas ng loob kaya’t tinikom na lang niya ang bibig. “Sino may sabing uuwi ako ngayon?” mahinang tanong niya. Para kasing hindi siya makakahininga kung tatahimik silang dalawa. “Sinabi sa akin ni Amara,” sagot nito na ang mga mata ay nasa kalsada. “Mabuti naman ay okay pa rin kayo matapos—” Mahinang natawa ang lalaki. “Oo naman, matagal na naman kami wala…” “Kailan pa?” hindi niya maiwasang itanong. Tumigil ang sasakyan dahil sa stop light kaya’t tumingin sa kaniya si Ice. “After mong umalis…” Bumuka-sara ang kan’yang labi sa narinig. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang sasabihin niya ng mga sandaling iyon. “B-bakit?” sa wakas ay na tanong niya. “Ako ang may kasalanan kaya nga’t, I’m happy to know nakahanap na ng lalaking papakasalan si Amara because she deserves to be happy,” seryosong giit ng lalaki. Bakit gano’n? May nahihimigan siyang lungkot sa boses nito. Nababasa niya rin sa mga mata nitong hindi iyon ang gusto ng puso nito. Kinagat niya ang ibabang labi sapagkat ramdaman niyang papatak na mamaya lang ang luhang namumuo sa mga mata niya. Siya kasi ang nasasaktan para rito. Huminga siya ng malalim at tumingala. “Eh, ikaw? Nahanap mo na ang lalaking hinahanap mo?” Napatingin siya sa lalaki na tumingin rin sa kaniya. “Ang totoo ay, nakita ko na matagal na. Iyon lang hindi ako ang mahal niya.” Gusto niyang isagot ngunit baka magtanong ito kaya’t tinikom niya ang kan’yang bibig. “Oh, ba’t na tahimik ka? Nahihiya ka bang sabihin sa akin?” Umiling siya. “Hindi naman…” “So, may boyfriend ka na ba, Yana? Paniguradong meron, sa ganda mo ba namang iyan hindi na iyon nakakapagtaka.” Tumango na lamang siya kahit pa ang totoo ay wala naman siyang napupusuan maliban rito. “Talaga? Kasing gwapo ko ba?” pabirong tanong nito. Tumititig siya kay Ice. Lumipas man ang panahon pero ang kagwapuhan nito ay hindi kumupas lalo pa’t naging mas lalaking-lalaki na ang itsura nito dahil mahaba ang buhok nitong nakapusod. Napabuntonghininga na lamang siya dahil mukhang baliw pa rin siya sa lalaking ito. “Bakit pala ikaw sumundo sa akin?” pag-iiba niya ng usapan. “Ayaw mo ba?” balik tanong nito. “H-hindi naman nagtataka lang ako,” mahinang sagot niya. “Kinulit ka ba ng kakambal ko?” tanong niya nang mapansing hindi umimik ang lalaki. Bumuntonghininga ito. “Let’s just say na parang ganun nga.” Hindi niya alam pero may tumusok sa puso niya. Siguro dahil kahit na wala na ang mga ito ay mukhang mahal pa rin ni Ice ang kakambal. “Huwag ka malungkot diyan, hindi niya naman ako pinilit. Nagkusa na rin ako kasi papunta na rin naman ako doon sa location,” mamaya ay sabi nito. “Gano’n ba…saan nga pala ang location?” “Sa islang pagmamay ari ko,” mabilis na sagot nito. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maawa sa lalaki. Ganun ba nito kamahal ang kakambal niya para i-provide nito ang pagmamay-ari nitong isla at tulungan pa si Amara sa kasal nito. “Bakit kasi hindi na lang ako, Ice?” sigaw ng puso niya. “Oh, bakit ganiyan ka makatingin?” natatawang giit nito. Umiwas siya ng tingin. “Wala lang…” “Alam mo, Yana. Muntik na kita hindi makilala kanina, ang laki kasi ng pinagbago mo. Para ka na ring si Amara kung mag-damit, siguro kung magtatabi kayo mahihirapan na kaming alamin kung—” “Ilang oras ang byahe natin papunta sa isla mo?’ putol niya sa sinasabi nito. Pakiramdam niya kasi nagiging mabait lang ito sa kaniya kasi kamukha na niya talaga ngayon ang kakambal niya. “Hmmm matagal-tagal rin kung napagod ka ay pwede ka munang umiglip at kung gutom ka naman may mga binili akong pagkain diyan sa likuran sabihin mo lang at titigil tayo.” “Paano ako makakatulog kung kasama kita? Paano ako makakain kung nakikita kitang nahihirapan?” Sa isip-isip niya habang nakatingin sa lalaki. Hindi na siya umiimik at nagpasyang ibaling na lamang ang tingin sa labas ng bintana. *** NAGISING si Mashyana nang maramdaman niyang tumama sa mukha niya ang silaw na nanggaling sa labas at ramdam niya ring hindi na gumagalaw ang sasakyan kaya’t napabalikwas siya ng bangon. Luminga-linga siya nang mapansing tumigil nga sila at wala na sa driver seat si Ice. Napa-awang ang labi niya nang makita niya si Ice na walang pang-itaas habang may kung anong inaayos sa sasakyan. Binuksan niya ang pintuan para lapitan ang lalaki at tatanungin kung bakit tumigil sila. “Bakit tayo tumigil?” malumanay na tanong niya. Umaayos ang lalaki ng tayo at tumingin sa kan’ya. “Oh, gising ka na pala. Nasiraan tayo kaya’t tumigil muna tayo.” Hindi siya makapagsalita sa narinig. Tumingin siya sa kan’yang relo, alas tres na ng hapon. Mamaya lang ay didilim na ang paligid hindi niya tuloy maiwasang mag-alala. “Pasensya ka na ah, kasalanan ko ito. Sana ang bago kong kotse na lang dinala ko—” “Ayos lang, hindi mo naman alam na mangyayari ito ngunit paano pag dumilim na ano gagawin natin?” “Don’t worry mamaya lang ay may dadaan na bus rito. Sasakay tayo roon at sa tingin ko ay kailangan muna natin magpalipas ng gabi sa isang hotel pagdating natin sa kabilang bayan.” Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na sinira ng lalaki ang front compartment at lumakad ito papuntang likuran. Naiwan siyang napasunod na lamang ang tingin sa lalaki. Ano ba itong nangyayari sa buhay niya? Mali ba ang pasya niyang umuwi sa bayang ito? “Yana, halika, tulungan mo akong kunin ang mga dala natin,” giit ng lalaki. Bumuntonghininga siya at lumapit sa gawi ng lalaki. Binigay nito kaagad sa kaniya ang may hindi kalakihang maleta niya. Mabuti na lang talaga hindi siya nagdala ng maraming bagahe dahil baka nahirapan sila pag nagkataon. Ilang saglit pa ay naka tayo na sila ng lalaki sa gilid ng sasakyan. “Bakit parang wala kang dala gamit? Ihahatid mo lang ba ako tapos babalik ka?” hindi niya maiwasang itanong. “Bakit gusto mo bang magtagal rin ako roon?” pabirong balik tanong nito. Napalunok naman siya. “H-hindi naman sa ganun—” “Hahaha, ang kyut mo talaga pag namumula ka,” natatawa na giit ng lalaki. Napa-iwas siya ng tingin at mabilis na tinago ang pisngi gamit ang palad niya. Napa-atras siya nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila nito para maalis iyon sa mukha niya. Nang magtama ang mga mata nila ay pakiramdam niya’y tumigil ang pag-inog ng mundo niya. Oo, ganun katindi ang epekto ni Ice sa kan’ya. “T-teka, Ice, bakit ka lumalapit?” kinakabang tanong niya nang nilapit ng lalaki ang mukha nito sa mukha niya. Napa-pikit siya nang mapansing walang plano ang lalaki na sagutin siya at wala rin naman siyang lakas na itulak pa ito. “There, nakuha ko rin.” Napamulat siya ng tingin nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Napakurap-kurap pa siya nang binitiwan siya nito. “Ano gusto mo i-wish?” nakangiting tanong nito. “Huh?” iyon lamang ang kan’yang sinabi sa tindi ng pagkagulat na nararamdaman niya at pagkahiya ng mga sandaling iyon. To be continued… Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD