HINDI lang basta matalik na magkaibigan sila ni Amara kundi, kambal na magkamukha ngunit magkaiba manamit at kumilos. Kung gaano kahinhin kumilos si Amara ay gano’n naman siya ka siga kumilos. Mabait din naman siya, may pagkapilya nga lang. Madaldal siya at madalas makikita kung saan may disco o pageant kabaliktaran naman ni Amara, mas gusto kasi nito manatili sa kanilang bahay at magbasa na lamang ng mga aklat. Kaya’t mas marami ang nagkakagusto sa kanyang kakambal kaysa sa kanya kasi raw mas lalaki pa siya kumilos sa mga lalaki. Wala lang naman sana iyon sa kanya ngunit dumating ang araw na hindi niya inaasahang iibig ang puso niya at sa kasamaang palad hindi siya ang niligawan ng lalaki kundi ang kakambal niya.
Masakit man sana tanggapin ay pinilit niyang maging masaya para sa dalawa at itago na lamang ang pagtingin niya sa lalaki. Umasa na lamang siya na sana’y kahit papaano ay maging kaibigan niya ito ngunit ang pag-asa niya’y naglaho nang inumaga sila ni Amara sa disco ikinagalit ni Ice, hinila nito si Amara sa likod ng kanilang bahay sa pag-alalang baka saktan nito ang kapatid ay sumunod siya sa mga ito kahit pa nanginginig ang tuhod niya sa kaba.
“Hindi ba’t pinagbawalan kita sumama sa kakambal mo? Bakit tumuloy ka pa rin, Amara?” galit na tanong ng lalaki sa kaniyang kakambal.
“Alam mo namang hindi ko matiis si Mash, Ice—”
“I know pero sana nagsabi ka para sinamahan ko kayo paano kung nabastos ka roon? Isa pa ayaw kong sumasama ka kay Mashayana lalo na sa mga gano’n lugar, you are so innocent for that. Ang kakambal mo kasi ay parang lalaki kaya’t hindi nakakapagtaka kung walang may mag-iisip na bastusin siya.”
Hindi umiimik si Amara habang siya ay napakagat labi na lamang upang hindi lumabas ang hikbi mula sa kanyang bibig.
“Mapapahamak ka lang pag-sumama ka pa uli sa kanya, sweetheart. Alam ko kakambal mo siya pero kasi wala siyang maidudulot na maganda sa iyo. Ayaw ko mapariwara ka din, ayaw ko sirain niya ang ka-inosentihan mo.”
Ang mga salitang lumabas sa bibig ng lalaki ay hindi niya makakalimutan, tumatak ito sa isipan at puso niya. Mula ng araw na iyon ay sinikap niyang iwasan na lamang ang kakambal kahit pa miss na miss niya ito araw-araw. Ayaw niya magalit pa si Ice sa kanya at mapagalitan pa nito muli si Amara. Ngunit mukhang mapaglaro yata ang tadhana dahil mas dumalas pa ata ang pagkikita nila ni Ice dahil isa ito sa mga volleyball player ng eskwelahan nila at siya ay isang manager.
“Ba’t tulala ka riyan, Mash?”
Napakurap-kurap siya at nag-taas ng tingin nandito siya ngayon sa gym ng eskwelahan nila. Sabado iyon at may practice ang volleyball team nila at bilang manager ay bumabalik rin siya sa eskwelahan nila.
“Hoy!”
Muntik na siya malaglag sa kinakaupuan niya nang may gumulat sa kanya. Napa-simangot siya nang makita ang mukha ng isa sa mga player nila si Akkun.
“Pisting yawa ka talaga, Akkun!” asik niya at umayos ng upo.
Tumawa ang lalaki at inakbayan siya. “Ikaw kasi kanina pa ako rito sa tabi mo pero hindi mo man lang ako pinapansin, nakatulala ka lang na parang ewan.”
Bumuntonghininga siya. “Gano’n ba? Pasensya na, ano ba kailangan mo sa akin?”
Ginulo nito ang buhok niya kaya’t napasimangkot na lamang siya. “Wala naman, gusto lang kita makausap total wala pa naman si Coach.”
“Ginawa pa akong taga-aliw niya,” mahinang reklamo niya.
Ngumiti ang lalaki. Gwapo si Akkun, isa din sa mga heartthrob na kinababaliwan ng mga babae sa kanilang eskwelahan, ito rin ang pinaka-close niya sa mga player nila. Bibo kasi si Akkun, ngiti pa lang nito ay mabibighani ka talaga pero hindi iyon nangyari sa kanya. Kaibigan lang talaga ang nararamdaman niya sa lalaki at wala nang iba pa.
“Alam mo, Mash. Mas bagay sa iyo kung nakalugay ang buhok mo, nagmumukha ka kasing tomboy sa uri ng pag ayos mo ng buhok mo at bakit kasi puro jersey ng panlalaki sinusuot mo o `di kaya pantalon na maong? Hindi kita nakitang magsuot ng pambabaeng damit—”
“Ano naman sa iyo kung ganito ako manamit?” inis na tanong niya.
Tumawa ang lalaki. “Wala naman pero kasi sayang ang ganda mo pag-tinago mo iyan, hindi ka naman siguro tomboy talaga diba?”
Matagal niyang minasdan ang lalaki, tulad nito ay iyon din ang laging sinasabi ng mga tao sa paligid niya pero ano magagawa niya kung ganito siya manamit at kumilos. Napa kurap-kurap siya nang mahagip ng mga mata niya ang kakambal na lumalakad patungo sa pwesto ni Ice na nakatingin pala sa gawi nila. Nagbawi ito ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Nagbaba siya ng tingin nang niyakap ng kakambal niya ang lalaki at hinalikan ni Ice ang kakambal niya sa labi.
“Ba’t ka umiiyak?”
Napahawak siya sa kanyang pisngi basa nga iyon. Mabilis na pinahid niya ang pisngi at tumayo siya para lumayo sa lugar na iyon. Bakit hindi pa rin siya nasasanay kung tutuusin ay araw-araw niya nakikita ang eksena ng dalawang iyon. Bakit kahit sakit lang ang binigay sa kanya ng lalaki ay hindi niya pa rin magawang kamuhian ito? Gano’n din ang kakambal niya na para bang wala lang rito ang pag iwas niya.
“Sandali, Mash!”
Napatigil siya sa paglalakad ng may humawak sa braso niya. Nagbaba siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ng lalaki ang luha sa kanyang mga mata.
“B-bitawan mo ako, Akkun. K-kailangan ko pumunta sa banyo, babalik din agad ako—”
“Samahan na kita,” giit ng lalaki at hinila siya palabas sa gym.
***
PAGDATING ng lunes ay pumasok siya naka lugay ang kanyang buhok, naglagay din siya ng kunting liptint sa labi at sinuot niya ang maikli nilang palda na kailanman ay hindi pa niya na isusuot. Gusto niya lang subukan kung kaya ba niya maging ordinaryong babae lang. Nagulat siya ng pagpasok niya sa may gym nila ay naroon si Ice. Maaga pa kasi kaya’t naisipan niyang dumiretso muna rito, mukha hindi nito na pansin ang pagpasok niya kaya’t nakahininga siya ng maluwag. Akmang tatalikod na sana siya para maiwasan ang lalaki nang may humawak sa kamay niya kaya’t napalingon siya.
“Goodmorning, sweetheart, ang aga mo ngayon ah, saan ka pala pupunta?”
Napa kurap-kurap siya ng marinig ang malambing na boses ni Ice at ang nakangiting mukha nito na kay Amara lang nito pinapakita. Bumuka-sara ang labi niya para sabihin ritong hindi siya si Amara pero napasinghap siya nang hinapit siya ng lalaki sa bewang at hinuli ang kanyang labi. Pakiramdam niya nanigas siya sa kinatatayuan niya, kay bilis din ng t***k ng kanyang puso na animo’y gustong lumabas.
“Ang kyut mo talaga pag namumula ka, sweetheart,” bulong ng lalaki sa tenga niya nang bitiwan na nito ang labi niya.
Imbis na kilingin ay kumirot lamang ang puso niya kasi alam niyang hindi iyon sasabihin sa kanya ng lalaki kung alam nitong hindi siya si Amara at hindi siya nito hahalikan kung alam nitong siya si Mashayana na kinaiinisan nito. Huminga siya ng malalim at marahang tinulak ang lalaki at umatras siya para lumayo rito.
“What’s wrong?” nag alalang tanong nito.
“Hindi ako si Amara,” mahinang sabi niya at niyuko ang ulo.
“What?” gulat na tanong ng lalaki.
“Ako si Mashayana, Ice, kaya’t bitawan mo na ako, tulog pa kanina ang kakambal ko pag-alis ko,” giit niya.
“Dammit it! Pinaglalaruan mo ba ako, Mashayana?”
Umiiling siya. “Hindi, bakit ko naman gagawin iyon.”
“s**t! Nevermind, kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko kanina at ang ginawa ko,” malamig na turan nito at tinalikuran siya.
Inangat niya ang ulo at mapait na ngumiti. “Bakit hindi na lang ako, Ice?” mahinang tanong niya bago tumalikod.
***
NANG makapagtapos na sila sa college ay nag desisyon siyang umalis sa kanilang bayad, sa kadalihang ayaw niyang masaksihan pa ang pag iisang dibdib ng kanyang kakambal at ng lalaking lihim niyang minamahal. Nag-pla-plano na kasi ang mga itong magpakasal, iyon ang ikwento sa kanya ng kakambal niya nang mag-usap sila kung ano plano nila pagka-graduate nila. Sinabi nitong hindi ito aalis sa bayan nila dahil pag pinamana na kay Ice ang bangko at kompanya ng pamilya nito ay magpapakasal na ang mga ito. Nasaktan siya sobra pero tinago niya na lamang at pinilit na maging masaya para sa dalawa gaya ng dati. Matapos ang nangyari sa gym noon ay mas lalo pa naging mailap sila ni Ice sa isa’t-isa, nakinalungkot niya pero naisip niyang iyon din ang makakabuti. Bukas na ang alis niya at ngayong gabi ginanap ang simpleng salo-salo sa kanilang simpleng tahanan, habang nagkakakagulo ang mga bisita nila ay pinili niyang tumambay na lang sa likod ng bahay nila kung saan meron maliit na hardin kung saan doon sila rati naglalaro ni Amara at doon niya rin unang nakita si Ice.
“Bukas ay magiging alala na lamang ang lahat, sana’y sa pag-alis ko ay iiwan rin rito ang sakit na namumuo sa dibdib ko at sana sa lugar na pupuntahan ko merong lalaking tatanggap sa kung ano man ako. Merong lalaking gagawin din akong prinsesa kahit pa kilos prinsipe ako.” Tumawa siya at pinahid ang luhang nalaglag sa kanyang pisngi.
“Ano ba naman ‘yan bakit ako umiiyak? Pero sana nga, makahanap din ako ng lalaking mamahalin ako at aalagaan. Sasamahan ako sa hirap at saya, hanggang sa pagtanda siempre—”
“Bakit ka narito?”
Napatalon siya sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran niya. Mabilis na pinahid niya ang luha kanyang pisngi.
“Nagpapahangin lang,” mahinang tugon niya.
Napatingin siya sa lalaking umupo sa tabi niya na hindi niya inaasahang gagawin nito.
“Bakit ka aalis?”
Napatitig siya sa lalaki sapagkat hindi niya inaasahang kakausapin siya nito at tinanong pa talaga siya nito kung bakit siya aalis. Tumingin ito sa kanya kaya’t nagtama ang kanilang mga mata pero nagbawi siya ng tingin sa takot na baka mabasa nito ang iniisip niya.
“Saan mo na laman?” mamaya ay tanong niya.
“Kay Amara, sinabi niya sa akin,” sagot ng lalaki.
Bumuntong hininga siya dahil wala sana siyang planong ipaalam sa lalaki ang pag-alis niya at lalong wala siyang planong makipag-usap rito at baka magbago pa ang isip niya.
“Dahil ba kay Akkun?”
“Huh?” gulat na bulalas niya.
“Kaya ka ba aalis para maiwasan siya? Nag-break ba kayong dalawa?” usisa nito na pinagtaka niya.
“Hindi,” sagot niya.
“Hindi?”
“Oo, dahil hindi ko naman naging boyfriend si Akkun, magkaibigan lang kami,” giit niya at tumingala sa langit.
“Kung gano’n bakit ka aalis?”
Tumingin siya sa lalaki, hindi niya alam kung bakit siya nito inu-usisa ngayon. Bumuntonghininga siya at nagbaba ng tingin.
“Aalis ako kasi…”
“Kasi ayaw kong makita kayo ng kakambal ko magpakasal baka ikamatay na talaga ng puso ko iyon…” Gusto niyang idugtong pero wala siyang lakas na loob na sabihin iyon.
“Kasi?”
“Kasi gusto ko lang hanapin ang sarili ko at ang lalaking magmamahal sa akin gaya ng nagmamahal sa kakambal ko. Ayaw ko tumatandang dalaga ano, kaya’t lalakbay ako para hanapin ang para sa akin mukha kasing wala rito sa bayad natin.” Nakangiting pagtatapos niya.
“Advance congratulations nga pala sa inyo, pasensya na kung baka hindi ako makaka-attend,” aniya ng hindi sumagot ang lalaki.
“Thank you…”
Tumango siya at kinagat ang ibabang labi sapagkat ramdam niyang nag iinit na naman ang kanyang mga mata. Tumingala siya para huwag malaglag ang luha namumuo sa kanyang mga mata, nang hindi siya makuntento ay tumayo siya.
“Pasok na tayo sa loob baka hinahanap ka na ni Amara at baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko,” giit niya at tumalikod.
“Yana…”
Napahinto siya sa paghakbang nang marinig niyang tinawag siya ng lalaki sa nickname na binigay nito sa kanya ng una nilang pagkikita rito din mismo sa pwesto nila. Oo, nagkita na sila noon ng lalaki, isuot pa niya noon ang bestida ni Amara dahil pinilit siya ng nanay nila dahil may bisita raw silang darating at importanteng presentable ang itsura niya. Magkahawig din ang bestida na sinuot ni Amara noong araw na iyon. Nang makita sila ni Ice nang araw na iyon ay kaagad na hulog loob niya sa lalaki sapagkat bukon sa gwapo ito ay matalino ang lalaki at maalaga ngunit nagulat na lamang siya nang sa sunod na pagkikita nila ay nanliligaw na ito sa kakambal niya at galit na ito sa kanya sa ‘di niya malamang dahilan.
“Hmmm?”
Bumuka-sara ang mga labi ng lalaki pero walang lumalabas mamaya pa ay napabuntonghininga ito.
“Nevermind, balik na tayo sa loob,” sabi nito at nalagpasan siya.
Hindi siya kaagad nakakilos sapagkat nanghihina ang tuhod niya at napaupo uli siya sa kinauupuan niya kanina at kaninang mga luha na pinipigilan niyang malaglag ay nagsisi-unahan na ngayon.
To be Continued….
Binibining Mary