Sa Bayan ng Katahimikan ... Humahangos at pawis na pawis ang magkakapatid na Julz at JC pagkauwi nila sa kanilang tahanan. Sinalubong sila ng kanilang inang si Teresa at taking-taka sa ekspresyon ng kanilang mukha. Tila nakakita ito ng multo sa daan kaya ganoon na lamang ang pamumutla ng dalawa. "Anong nangyari sa mga mukha ninyong dalawa? Para kayong nakakita ng multo. Bakit pareho kayong namumutla at pawisan? Saan pa ba kayo pumunta ha?" tanong nito sa kanila. Hingal na hingal pa rin ang mga ito at hindi halos makahinga. "Galing ... po ... kami ... sa gubat, ina," paputol-putol na wika ni Julz habang habol-habol ang paghinga. Kunot naman ang noo ng ilaw ng tahanan nang magsalita ito. May bahid ng kaba at takot ito nang muling magsalita sa mga bata. "Anong ginawa ninyo roon? Mahigpit