"Tangina ka! Tanga!" Sumubsob ako sa sahig nang makatikim nang malakas na sampal mula kay Papa. Agad na nanginig ang katawan ko nang malasahan ang dugo sa gilid ng labi ko. Napahagulgol na lang ako ng iyak nang hiklatin niya ang buhok ko saka tinadyakan sa mukha. "I sent you there to spy on him, not to f*****g b***h around! Ano pa't pinapunta kita roon?! Wala akong napala! Nagsinungaling ka pa sa'kin! Lahat ng sinabi mo sa aking impormasyon, walang kwenta!" Hinila ako nito patayo gamit ang buhok ko at walang abog na sinuntok ako, muli akong sumubsob sa sahig. Nanginginig na napahawak na lang ako sa pisngi ko habang umiiyak. Sinimulan ako nitong pagtatadyakan. Mabigat ang bawat tadyak nito sa akin na pakiramdam ko mababali ang lahat ng buto sa katawan ko. Wala akong nagawa kundi ang lumu