Part 3

1176 Words
Minsan Pa AiTenshi   Part 3   Ang buhay sa loob ng koreksyunal kasama ang mga katulad kong menor de edad noong mga panahong 1960s ay tila isang bangungot. Lalo't ang karamihan sa mga nagbabantay ay mga manggagawang espanyol. Bagamat matagal na panahoon na noong matapos ang digmaan ay mayroon pa rin mga dayuhan katulad ng hapon, amerikano at espanyol na naiwan dito sa bansa. Hindi naman maitatanggi ang bansa noong 1960s ay ang may pinakamalaking ekonomiyang tinatamasa pangalawa sa bansang Japan. Nakamit ng bansa ang pinakamalaking pag unlad ng ekonimiya nito noong mga taong 1972 hanggang 1979. Kaya maraming negosyante taga ibang bansa ang nagtutungo dito kabilang na rin ang mga dayuhang manggagawa.   Ngunit kabila ng kaunlaran ng bansa, wala ni isa ang nakaramdam nito sa loob namin kinalalagyan. Basta umaga palang ay papa pilahin na kami upang kumain ng lugaw na walang lasa, dadalhin sa isang malaking palikuran, ang lahat ay nakahubot hubad saka tatapatan ng malaking hose ng tubig. Nagtatawanan ang mga tagabantay dahil para silang nagdidilig na halaman, kung minsan ay nilalakas pa nila ang pagsumpit ng tubig na parang mga bombero lumalaban sa mabangis na apoy. Tumutumba kami sa sahig, at kung minsan ay halos nalulunod sa kanilang ginagawa pero ang lahat ay katuwaan lang sa kanila.   Ang koreksyon para sa menor de edad ay paghahanda sa aming paglipat sa totoong kulungan. Sa mga simple araw ay pinapadalo kami sa pag-aaral, bumasa at sumulat. Kinakausap rin kami ng iba't ibang espesyalista upang hindi daw kami matrauma at hindi magkaroon ng malalang tama sa utak, iyan ang kanilang terminolohiya. Pero kadalasan ang aming ginawa ay mga dekorasyon, mga inukit na kahoy o na bato. Mga salaming pinagdikit dikit na ginagawang produkto ng koreksyunal upang maging pondo namin. Bagamat kadalasan ay sa kanila lamang rin itong mga bulsa nauuwi. Ang buhay ko doon ay parang pelikulang paulit ulit lamang. May kaunting ngiti, may kaunting saya pero kadalasan ay purong lungkot na lalo't naalala ko ang aking pamilyang naiwan. Sumasagi lagi sa aking isipan kung kumusta na sina Meg at si inay. Kung nakakakain ba sila ng maayos? May katulong ba sila sa bahay? Ang buhay namin ay mahirap lamang at lalo itong hihirap noong nalayo ako.   "Malungkot ka tol?" tanong ni Ariel, siya yung kasamahan ko sa loob ng isang maliit na silid. Tahimik lang ito noon at walang kibo kaya't ako lang ang kumakausap sa kanya. Nahuli si Ariel na nagtutulak ng ipinagbabawal ng gamot at ang masaklap ay sinasabing siya ay gumagamit nito kahit hindi naman talaga. Magkasing edad lang kami noong mga sandaling iyon at siya madalas pagtampulan ng tuwa ng mga kasamahan namin dahil maputi at makinis ito na parang babae, ang kanyang pamilya kasi ay lahing espanyol kaya may pagka-meztiso ang kanyang anyo. Sinasabi nila bakla ito o kaya anak ng mga mananakop kaya madalas rin akong napapaaway dahil wala namang ibang nagtatanggol sa kanya kundi ako lang rin.   "Kaarawan ni Meg ngayon, naalala ko dati ay binibilihan ko siya ng kahit isang maliit na cake kapag sumasapit ang kanyang kaarawan. Ngayon ay nalulungkot ako sa mga bagay na hindi ko magawa," ang wika ko habang nakatulungkot sa gilid ng pader, habang nakatanaw sa mga kasamahan naming naglalaro ng bola.   "Wala tayong magagawa kundi ang sanayin ang ating sarili sa sakit at kalungkutan hanggang isang araw ay magising tayo na balewala nalang ang lahat. Ako? Tinanggap ko na rin na kinalimutan na ako ng aking pamilya, kung sabagay isang malaking kahihiyan ang aking ginawa. Pero iyon ay dala lang ng kagipitan at kahirapan dahil wala naman akong ama na nagsusuntento sa aming magkakapatid. Ako lang ang nagtatrabaho para sa pamilya ko," ang wika niya sabay tapik sa aking balikat.   "Ang lakarang ito ay mahaba, naisip mo na kung anong mangyayari sa atin makalipas ang ilang taon?" tanong ko sa kanya.   Nagkibit balikat siya, "alam mo El, sa kalagayan natin ngayon, kahit ang bukas ay ayoko na ring isipin pa. Kahit pangangarap na makalabas dito at maging malaya ay parang sinusuko ko na rin," ang sagot niya sa akin habang nakapako rin ang tingin sa direksyon kung saan akong nakatanaw.   "Hoy kayong dalawa diyan, magtrabaho na kayo at huwag kayong tumanganga lang. Malapit na ang simbang gabi, kailangan gawin niyo yung mga dekorasyon upang maibenta na sa merkado!" ang bulyaw ng taga bantay sa amin kaya naman mabilis tumayo at nagtungo sa silid para gumawa kaysa naman pareho kaming katukan ng batuta.   Habang nagtatrabaho ay apura pa rin ang sermon ng mga nagbabantay na parang sila na ang may-ari ng mundo. Ang kanilang mga salita ay nakakatakot at dumarating sa punto na ayaw ko nang makinig pa. "Ang lahat ng ginagawan niyo ay paghahanda lamang doon sa tunay na piitan. Iyan ang napapala niyo sa paggawa ng katakot katakot na krimen at kagaguhan. Mas mahirap ang buhay doon sa kulungan kasama ng mga matatandang halang ang bituka. Tiyak na ang iba sa inyo ay doon na rin tatanda KUNG kayo ay suswertehin o ang malala ay doon na rin kayo mamatay ng mas maaga. Kaya nga hindi kami nagpapapunta ng menor de edad doon dahil pananagutin pa namin kapag kayo ay natigbak sa matinding hirap. Kaya dito palang ang maipapayo ko na sa inyo ay magsimula na kayong patibayin ang mga sikmura ninyo para mas maging matatag kayo pagdating doon sa impyernong inyong kasasadlakan isang taon o dalawang taon mula ngayon!"   "Hindi ako takot mamatay, dahil ako kapag kinanti ay lalaban ako!" ang wika nung isang pinakamaliit doon sa dulo.   "Iyang itsura mong iyan? Anim na buwan lang ang itatagal mo doon sa loob ng piitan kasama ang mga matatandang kriminal at pagkatapos noon ay "shhhik", iyon ang mangyayari sa ito," ang sagot ng taga bantay sabay lagay ng batutang hawak sa kanyang leeg na ang ibig sabihin ay gigilitan o kaya ay pupugutan.   Tawanan sila samantalang kami ay tahimik lamang.   Alas 7 ng gabi noong kami ay makabalik sa aming maliliit na silid. Agad kong nilagyan ng tali ang paltos at makirot na sugat sa aking kamay dulo't ng ilang oras na pag-uukit. Ang aking paltos ay nagtubig na at noong sumabog ito ay lalong mas masakit. Pero gayon pa man katulad na sinabi ng taga bantay kanina, kailangan sanayin ang sarili sa sakit at kailangan maging matibay ang aking sikmura. Gusto kong makauwi sa amin, gusto kong makasama sila Meg at Inay. Hindi ako susuko kahit gaano katagal pa ang abutin o kahit gaano pa kahirap. Kung aaray ako sa sakit ngayon ay paano ko pa iindahin ang mga susunod na pagsubok? Ang na susunod sugat?! Ayokong maging mahina, at lalaban ako hanggang sa kaya ko.   Noong mga sandaling iyon ay itinalaga ko sa aking sarili na magiging malakas, magiging matatag at hindi susuko. "Kailangan kong makalabas ng buhay dito, kailangan kong makauwi sa amin," ang wika ko sa aking isipan at bigla nalang tumulo ang luha sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan. Oo nga't matatag ang aking isipan pero hindi ganoon ang aking puso. Paano kapag hindi nagkasundo ang dalawa? Anong bahagi ang susundin ko?   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD