Part 4

1147 Words
Minsan Pa AiTenshi   Part 4   Gusto kong makauwi sa amin, gusto kong makasama sila Meg at Inay. Hindi ako susuko kahit gaano katagal pa ang abutin o kahit gaano pa kahirap. Kung aaray ako sa sakit ngayon ay paano ko pa iindahin ang mga susunod na pagsubok? Ang na susunod sugat?! Ayokong maging mahina, at lalaban ako hanggang sa kaya ko.   Noong mga sandaling iyon ay itinalaga ko sa aking sarili na magiging malakas, magiging matatag at hindi susuko. "Kailangan kong makalabas ng buhay dito, kailangan kong makauwi sa amin," ang wika ko sa aking isipan at bigla nalang tumulo ang luha sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan. Oo nga't matatag ang aking isipan pero hindi ganoon ang aking puso. Paano kapag hindi nagkasundo ang dalawa? Anong bahagi ang susundin ko?   Tahimik ulit.   Habang nakatapat ako sa gasera ay hindi ko namamalayang nakatingin na pala sa akin si Ariel. "Huwag kana umiyak, basta ako? Napagod na ako, ubos na yung luha ko, ubos na rin yung pagod ko, yung takot ko ay said na. Kung mamatay ako? Edi mamatay hindi daw masamang mamatay basta tanggap mo lang ito para matahimik ang kaluluwa mo," ang wika nito, hindi ko akalaing lalabas ang ganitong salita sa kanyang bibig habang ang mukha ay blanko at walang emosyon.   "Sana lahat kasing tapang mo, sana ganyan rin ako," ang tugon ko sa kanya.   "Sinuko ko na ring yung pangarap kong makita ang hinaharap, kung ano ang itsura ng year 2000. 60 anyos palang sana ako noon at gusto kong patunayan kung totoo ba talaga yung haka-haka na sa year 2000 daw ay magugunaw na ang mundo dahil matagal na ito. Magkakaroon din daw ng mga may kulay na sinehan at telebisyon, mga malalakas na radyo at mga matataas na gusali na kakaiba ang desenyo. Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata ay parang nakikita ko ang hinaharap. Kaya ako? Kapag namatay ako yung kaluluwa ko ay tatawid doon at sisilipin ko ito. Huwag kang mag-alala dahil kapag dumating ang oras na iyon ay mumultuhin kita at ibabalita ko sa iyo kung maganda doon o katulad lamang din nitong ating panahon," ang natatawang wika niya sabay higa at kinumutan ang kanyang sarili.   "Bakit kailangan mo pang mamatay para masilayan ito? Pwede naman nating mapuntahan ito sa panaginip o sa pangarap kaya? O pwede rin naman sa imahinasyon mo."   "Nagawa ko na iyan, matulog kana dahil bukas sabog nanaman ang katawan natin sa trabaho," ang tugon niya sa akin kaya naman lumapit ako sa gasera at hinipan ito.   Dumilim sa buong silid at nahiga na rin ako. May maliit na liwanag na nasisilayan sa labas, dito lamang nakapako ang aking mata hanggang sa tuluyang bumigat ang aking talukap at ako ay makatulog.   Kinabukasan, alas 7 ng umaga habang kami ay nakapila ay isa isang tinawag ang mga pangalan ng mga lalaki sa kabilang silid. Paglabas ng mga ito ay agad silang inabutan ng bag at ilang baryang pabaon. Habang nakatunghay ako sa pangyayari iyon, inakala kong sila ay malaya na at napawalang bisa ang kanilang pagkakasala ngunit mali iyon. "Ang mga lalaking iyan ay mga nasa wastong edad na para dalhin sa ibang piitan doon na sila ililipat dahil parating na yung ibang menor de edad na bagong salta. Hindi ko ba malaman kung bakit parami ng parami ang mga kabataang nakakagawa ng pagkakasala ano ba ang ginagawa ng mga otoridad natin?" ang wika ng aming taga bantay.   "Mamatay na po ba sila?" ang tanong ko naman dahilan para matawa ito. "Iyan ay depende sa kanila, ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na ang magiging puhunan niyo para kayo ay makaligtas at makaalpas sa mga pagsubok ay ang inyong lakas ng loob, tibay ng katawan at tapang ng sikmura."   "Bakit po may sikmura pa?" tanong isang aming katabi.   "Dahil masyadong malaki ang piitan doon sa labas, marami kayong mga bagay na mararanasan, mga kasamaan at kalokohang makikita sa paligid kaya't hindi maaaring mahina ang sikmura ninyo. Bawal ang kabado, bawal nasusuka, nagkakalat at umiihi sa katawan kapag natatakot. Iyan ang tinatawag na "tibay ng sikmura" yung kaya mong indahin ang kahit na anong sakit at ibabato sa iyo ng kapalaran," ang sagot niya habang pinagmamasdan namin ang mukha ng mga taong paalis sa tarangkahan.   "Tiyak na sa pitong taong iyan ay isa lang ang mabubuhay at tatagal. Pero makalipas ang ilang buwan ay hindi na rin niya kakayanin," ang wika ni Ariel.   "Bakit ba laging kamatayan ang bukambibig mo? Ganyan ka na ba ka negatibo Ariel? Bakit ba ganyan ang pananaw mo sa buhay? Basta ako? Mabubuhay ako at uuwi sa amin!" tanong ko sa kanya.   "Elric, ang sinasabi ko ay posibilidad na magaganap sa kanila at sa atin. Bakit ko kailangan bigyan ng huwad na pag-asa ang aking sarili kung sa unang palang ay alam ko na ang resulta labanang ito na kung saan hindi pa ako nagsisimula ay talo na agad ako? Ayokong paasahin ang aking sarili sa mga bagay na hindi naman mangyayari, sinaktan ko na nga pagkatao o ay niloko ko pa ito."   "Basta ako? Mabubuhay ako, uuwi sa sa amin at iaayos ko ang buhay ko. Saka pwede ba Ariel huwag mo na dagdagan pa itong negatibong enerhiya sa paligid nating dalawa. Alam kong tinanggap mo na ganito nalang lang nga tayo pero may magagawa pa tayo para sa mga sarili natin. Huwag ka ngang ganyan!" ang galit kong sagot sabay layo sa kanya.   “Ah basta inihanda ko na ang aking sarili sa mga posibilidad na iyan, ang selda kasama ang mga matatandang haling sa bituka ay isang malaking impyerno, iyan ang sabi ng mga drug adik doon sa kanto minsan nang mga nakulong,” ang dagdag pa niya pero hindi ko na siya pinansin pa. dumistansiya nalang ako upang hindi mawala ang aking positibong pag-iisip.   Magbuhat noong mga oras na iyon ay iniwasan ko na ang pakikinig kay Ariel. Kapag nagsasalita siya tango nalang ang aking isinusukli o kung minsan ay mas pinili ko nalang ang maging mapag-isa. Sa ganitong paraan ay mas mapapaghandaan ko ang bukas na parating at yung mga araw na walang kasiguraduhan.   Minsan ay nagtataka siya kaya naman kinukulit ako at sa mga gabing kasama ko siya sa higaan ay wala itong ginawa kundi ang kwentuhan ako ng mga krimen sa kanyang paligid kaya naman ang ginagawa ko ay nagtatakip ako unan sa aking tainga hanggang sa wala na akong marinig pa.   Lumipas ang mga ordinaryong buhay naming sa koreksyunal ng mga menor de edad ang lahat ay maayos naman, araw araw ay may dumarating, araw araw naman ay may umaalis, kaya’t araw araw rin akong naghahanda para maging matatag at mas matapang.   At noong matapos ang tag-araw, kasabay ng unang pagpatak ng ulan ng Marso ay kumatok sa amin ni Ariel ang taga bantay at sinabing, "dumating na ang araw ninyong dalawa, maghanda na kayo."   Itutuloy.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD