"That I like you! Gusto kita, Becka, matagal na! Hindi mo ba iyon maramdaman?"
Natulala siya habang nakatitig kay Clinton matapos ang ipinagtapat nito sa kanya.
Gusto siya ni Clinton? Matagal na? Kung ganoon ay tama ang sinasabi ng mga tao sa kanya? Tama rin ang obserbasyon ni Liam una pa lang...
Hindi niya alam ang sasabihin niya. Bumuka ang bibig niya pero wala siyang makapang mga salita.
B-Bakit.. Hindi agad sinabi ni Clinton sa kanya? At bakit parang lumundag ang puso niya sa tuwa?
Pero... bakit siya? Karapat-dapat ba siya?
Sa huli ay iniwas lang niya ang paningin niya kay Clinton.
"B-Baka nagkakamali ka lang, Clinton." ang lumabas sa bibig niya. Ano naman ang magugustuhan ni Clinton sa kanya? Hindi naman siya masyadong kagandahan. Maganda ang balat niya, sexy rin naman siya, pero hindi naman yata nakakaangat sa iba ang gandang taglay niya lalo at simpleng babae lang siya.
"You think so? Sinubukan kong ituring kang kaibigan lang, Becka. Pero hindi ko mapigilang magustuhan ka. Palagay ko nga mahal na kita."
Lalo siyang natigagal sa mga sinabi ni Clinton. Mahal siya ni Clinton? Higit pa bilang isang kaibigan?
"Do you hear me? I said I might be in-love with you!"
Nagulat siya nang tumaas na naman ang boses ni Clinton sa kanya.
Pero tinalikuran niya ito nang wala pa rin siyang maisip isagot dito.
Kahit alam niya sa sarili niya na malalim na rin ang nararamdaman niya para Clinton, hindi pa rin niya malinaw sa sarili niya kung ano iyon. Masyado pang magulo ang isip niya! Ilang buwan pa lang mula nang mawala ang Nanay niya. Marami pa siyang gustong makamit sa buhay niya, marami pa siyang gustong patunayan sa sarili niya. Wala pa ang pag-ibig sa priority list niya.
Tsaka ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kanya kung ibabalik niya ang sinabi ni Clinton sa kanya? Baka masabihan siyang oportunista, gold digger, manggagamit o mapagsamantala.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya pero bago pa man siya makapasok sa loob ay kinabig siya ni Clinton at niyakap siya mula sa likod.
"Don't walk out on me after I confessed to you... I know, I can feel it... You feel the same for me."
Dahan-dahan siyang inikot ni Clinton paharap dito pagkatapos ay sinapo nito ang magkabilang pisngi niya. Pilit niyang iniiwas ang paningin niya pero hinawakan ng mariin ni Clinton ang baba niya hanggang sa wala na siyang nagawa kundi tingnan ito sa mga mata.
"Admit it..." udyok pa nito sa kanya.
"Clinton..."
Napasinghap siya nang masuyong ilapat ni Clinton ang hinlalaki nito sa mga labi niya. Kinakabahan siya. Parang nagririgodon na sa pagtibok ang puso niya.
Gustuhin man niyang itulak si Clinton o pigilin ito sa nakaambang paglapat ng mga labi nito sa kanya ay kusa nang pumikit ang mga mata niya.
Sa isang iglap, naramdaman niya ang mga labi ni Clinton sa mga labi niya. Masuyo ngunit walang pag-aalinlangan nitong hinalikan ang mga labi niya. Puno iyon ng malalim na kahulugan at walang bakas ng makamundong pagnanasa. Ramdam niya pa rin ang respeto ni Clinton sa kanya sa halik na iyon.
"I love you, Becka..." bulong ni Clinton sa mga labi niya nang saglit nito iyong pakawalan. Pero ang sumunod na paghalik nito sa kanya ay naging mas agresibo na at matagal. Sinipsip din nito ang pang-ibabang labi niya at ipinasok sa bibig niya ang pangahas nitong dila.
"Uhmm—" Sinubukan niyang makawala sa panghahalik ni Clinton dahil masyado siyang nagulat, pero lalo lang nitong pinalalim ang paghalik sa kanya at kinabig pa nito ang batok niya.
Pinakawalan lang ni Clinton ang mga labi niya nang parehas na nilang habol ang kanilang hininga.
"I won't say sorry. Matagal ko nang gustong gawin sa iyo yan, Becka. Since I first saw you on that bridge, you already stole my heart. Please, Becka, give us a chance..."
Ramdam niya ang sinseridad ni Clinton, pero...
"Hindi tayo bagay, Clinton. Tsaka wala pa iyan sa isip ko ngayon. Gusto ko pang mag-aral. Hindi puwedeng aasa lang ako sa iyo palagi. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Na ginagamit lang kita? Hindi ako ganyang tao, Clinton. At hindi ko hahayaang husgahan ako ng mga tao dahil lang nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko ngayon."
"Becka, I can wait... I can wait for you just promise me na ako lang... Na magiging tayo balang araw. Please, Becka. I get f*****g jealous everytime I see you with another man! I want you to be mine, Becka. At wala akong pakialam kung ano ang magiging opinyon o tingin ng iba. Para sa akin, ikaw lang ang babaeng bagay sa akin. So please give us a chance, Becka... Promise me that you'll give us a chance..."
Napatitig siya kay Clinton habang iniisip ang isasagot niya rito. Oo, mahalaga at espesyal sa kanya si Clinton.. Pero bata pa siya para makipagrelasyon. 18 pa lang siya at ayaw niya munang magfocus sa pagmamahal. Isa pa, masyadong maagwat ang estado ng buhay nila ni Clinton. Marami silang pagkakaiba sa isa't-isa at nag-aalala siyang kung susugal siya kay Clinton ay baka masira lang ang relasyon nila. Ito na lang ang mayroon siya at si Liam, ayaw na niyang may mabawas pa sa dalawa.
Nang hindi siya agad nakasagot ay hinawakan ni Clinton ang dalawang kamay niya at mataman siyang tinitigan.
"Fine... Hindi kita pipiliting mangako sa akin at hindi rin ako magdedemand sa iyo. Basta wag ka lang lalayo sa akin at hindi ka rito aalis. At sana wag mo akong pigilang iparamdam at patunayan sa'yo na mahal kita. Just give me that opportunity, Becka, please... Maghihintay na lang ako kung kailan handa ka nang ibalik sa akin ang damdamin ko sa'yo. No pressure. I know we will get there, anyway. I can feel it."
Napabuntong-hininga ito at pinisil ang mga palad niya. Mukhang napilitan lang itong sabihin iyon sa kanya dahil natakot marahil itong umiwas siya rito.
"S-Sige..."
Sa lahat ng nagawa ni Clinton para sa kanya ay nararapat lang naman sigurong hayaan niya ito at bigyan ng chance na ipakitang seryoso ito sa kanya. Hindi naman siya nagdududa kay Clinton. Nag-aalangan lang siya at masyado pang maaga para pumasok siya sa isang relasyon.
"What do you mean, sige? Na hahayaan mo na akong ligawan ka at maging vocal sa totoong damdamin ko sa'yo?" bigla ay nagliwanag ang mukha nito at nagkaroon ng pag-asa ang mga mata nito.
"Oo... Ano pa nga ba?" napaismid siya rito. Alangan namang bastedin niya ito eh nakikitira na nga siya rito, di ba? Tsaka bakit niya naman ito bibiguin gayong may espesyal na damdamin din siya para rito? Hindi pa nga lang talaga siya handa at kailangan pa niya ng lakas ng loob tanggapin ang magiging resulta ng damdamin nila para sa isa't-isa.
Siguro, pag nakatapos na siya sa pag-aaral niya ay puwede na... At least may maipagmamalaki na siya sa sarili niya.
"Oh, thank you, Becka! Thank you!" Hinawakan muli ni Clinton ang magkabilang pisngi niya at akmang hahalikan siya dahil sa sobrang saya pero mariin siyang umiling dito.
"Bawal ang kiss, Clinton." Agad niyang babala rito kaya napakamot na lang ito sa ulo nito. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti rito. Napaka-cute ng gesture na iyon ni Clinton! At napaka-maginoo nito. Puwedeng-puwede itong magtake-advantage sa kanya pero hindi nito ginawa. Bukod nga lang doon sa kiss kanina na nagustuhan din naman niya.
"Alright... Hug lang, pwede?" ungot pa nito kaya tumango na lang siya rito.
Hindi na ito nag-aksaya pa ng sandali at agad siya nitong niyakap ng mahigpit!
"You won't regret this, Becka..."
"Oy, hindi pa tayo ha, nililinaw ko lang..."
"Yeah, I know. Masaya lang ako dahil hinayaan mo akong—"
"Oo nga, oh tama na yang yakap. Namimihasa ka na ha."
Tumawa ito sa sinabi niya pero pinakawalan din siya. Kinuha naman nito ang bulaklak at ang regalo na galing kay Winston.
"Ano'ng gagawin mo diyan?" Taas-kilay niyang tanong dito. Sayang naman kung itatapon lang nito ang mga chocolates na iyon. Ang daming nangangarap makatikim ng ganoong chocolates! Di bale na iyong bulaklak dahil wala naman talaga siyang balak itago iyon.
"Uhm. Ako na lang ang magbibigay sa iyo ng mga regalo. Ipamigay na lang natin 'to sa mga katrabaho mo."
Inikutan niya ito ng mga mata pero hindi na niya ito kinontra. Siguro ayaw lang talaga nito na tumanggap siya ng mga regalo galing sa ibang lalaki. Seloso talaga. Wala pa sila niyang label ha, paano na lang kung meron na? Pero ang pagiging seloso nitong iyon ay nagpapatunay lang na seryoso ito sa kanya.
"Sige. Basta wag mong itapon, ha... ipamigay mo na lang. Sayang eh. Tsaka wag mo rin akong masyadong bigyan ng regalo. Ang dami mo nang gastos sa'kin."
"Masaya akong ibigay sa iyo kahit ano, Becka. Kung papayag ka nga, ibibili kita ng sarili mong bahay."
"Sige gawin mo yan at hindi na ako sa'yo magpapakita. Kalimutan mo na lang ako—"
"I said kung papayag ka. I won't do anything without your consent."
"Sige na, goodnight na. May trabaho pa tayo bukas."
Akmang tatalikuran na niya ito pero pinigilan naman nito ang braso niya.
"Wala bang goodnight kiss? Kahit sa pisngi lang?" ungot na naman nito sa kanya habang tila nakikiusap ang hitsura ng mukha.
"Bawal nga ang kiss, di ba?"
"Sa pisngi lang naman. Dati, nagpapa-kiss naman." bubulong-bulong pa ito pero narinig naman niya.
"Ano'ng sabi mo?" kunwari ay galit ang tono niya.
"Wala. Sabi ko, goodnight, uuwi na ako."
Laglag ang panga na tumalikod ito sa kanya kaya lihim na lang siyang napangiti. Ang cute naman nitong magtampo!
"Isa lang na kiss sa pisngi, tsaka ngayon lang 'to ha." bigla ay bawi niya sa sinabi kanina kaya gulat itong napalingon sa kanya. Itinuro pa niya ang kanang pisngi niya at ipinikit ang mga mata niya.
Tama nga naman si Clinton, normal naman na talaga ang goodnight kiss sa pisngi sa kanilang dalawa.
Mabilis na nakalapit si Clinton sa kanya at agad nitong inilapat ang mga labi sa pisngi niya. Medyo nagtagal pa iyon ng ilang segundo at nang dumilat siya ay sinalubong siya nito ng nakangiti at maaliwalas na mukha.
"Goodnight, mahal..." muli nitong paalam sa kanya bago ito nakangiting tumalikod.
Napahawak naman siya sa dibdib niya dahil lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya.
Mahal...
Kailangan na yata niyang masanay sa bagong tawag ni Clinton sa kanya.