Chapter 11 - Jealous

2053 Words
"Alam mo mahal, I'm planning to put up another business here in the Philippines. Kapag sinagot mo na ako tapos nagpakasal na tayo, mas gusto kong dito na lang tayo sa Pilipinas tumira. Then we can just go outside the country for vacation. What do you think?" Napatingin siya kay Clinton. Ang dami na agad nitong pangarap para sa kanilang dalawa samantalang ni hindi pa nga niya nakikilala ang Mommy nito at ang iba pa nitong kamag-anak. Nag-aalala siya na paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito para kay Clinton? Paano kung gaya sa mga napapanuod niyang teleserye ay o-offeran siya ng pamilya nito ng malaking halaga ng pera para lang layuan si Clinton? Sa totoo lang, gusto na niyang sagutin si Clinton para maging opisyal na ang relasyon nila. Halos isang taon na rin naman mula nang umamin ito sa kanya kaya medyo matagal na kung tutuusin ang panliligaw nito sa kanya. Pero gusto muna sana niyang makilala ang kahit isa lang sa mga kamag-anak nito. Ayon kasi kay Clinton ay sa ibang bansa na naninirahan ang mga kamag-anak nito maging ang Mommy nito. "Ano namang negosyo kung sakali?" Sakay na lang niya sa binuksan nitong paksa. Day off niya at kasalukuyan silang tumatambay sa park nang hapon na iyon matapos kumain sa loob ng mall. Doon na lang muna nila piniling tumambay dahil palagi naman siyang niyayayang lumabas ni Clinton at gumala kung saan-saan. "I'm still thinking about it. Do you have any suggestion?" balik-tanong naman nito na nakangiti. Hindi pa man siya nakakaisip ng isasagot ay naagaw bigla ang pansin nilang dalawa nang biglang mag-ingay ang cellphone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita nilang tumatawag pala si Liam sa kanya. Napangiti siya at umasim naman agad ang mukha ni Clinton. "Liam, napatawag ka?" nakangiti niyang bati sa kaibigang bakla. Lately ay naging masyado itong busy sa pagpapayaman at bilang kaibigan ay masayang-masaya siya sa nakakamit nitong tagumpay. Tulad kasi niya ay mahirap lang din noon si Liam. Pero ngayon, unti-unti na itong yumayaman. Sana all na lang. "Bhe, wala kang trabaho ngayon, di ba? Nasa labas ka ba? Kasama mo si Clinton?" Mula nang manligaw na sa kanya si Clinton ay lalo na itong naging seloso kay Liam. Kahit hindi nito sinasabi ay nahahalata niya iyon, lalo pa nang marinig ni Clinton ang tawag na iyon sa kanya ni Liam. Kaya nga iniwasan na lang din niyang tawagin nang ganoon si Liam dahil ayaw naman niyang lalong pagselosin si Clinton. Wala naman talaga itong dapat ikaselos kahit kanino, lalo ngayong sigurado na rin siya sa sarili niyang parehas lang sila ng nararamdaman ni Clinton. "Oo, bakit?" Sinulyapan niya si Clinton na nakaupo sa tabi niya at magkasalubong na ang dalawa nitong kilay. Pinigilan na lang niyang matawa. "Umuwi ka na! Papunta ako sa'yo ngayon, miss na kita eh. Tsaka matagal-tagal akong mawawala kasi may event akong pupuntahan sa Cebu! Siguro isang linggo akong mag-i-stay doon. At pagkatapos noon, pupunta naman ako sa Korea! Oh, di ba, pang-international na ang business ko, bestfriend! Isasama nga sana kita, kaso alam kong bantay-sarado ka at di ka papayagan niyang future husband mo." Agad siyang natawa dahil sa sinabi ni Liam. Kapareho rin ito ni Clinton na masyadong advance mag-isip! Future husband agad? Nasa friendship/ligawan stage pa nga lang sila ni Clinton at hindi pa sigurado kung walang hahadlang sa kanilang relasyon. Nang lingunin niya muli si Clinton ay lalo lang nagsalubong ang mga kilay nito at nangunot ang noo. "Sira! Sige na, babalik na kami sa restaurant. See you na lang don." aniya at napataas ang isang kilay ni Clinton, halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niyang iyon. "Bilisan mo, malapit na ako! May pasalubong ako sa'yo!" sabi pa ni Liam kaya nailing na lang siya habang nakangiti. Palagi naman itong may pasalubong sa kanya sa tuwing binibisita siya nito sa restaurant ni Clinton, minsan nga ay damay pa ang mga katrabaho niya. Agad na ring natapos ang pag-uusap nila ni Liam pagkatapos ay binalingan niya si Clinton. "Bibisita raw si Liam, Clinton." simpleng pagbibigay-alam niya rito. Hindi na naman maipinta ang mukha nito. "Na naman? Buwan-buwan na lang bumibisita ang kaibigan mong yan. Sigurado ka bang hindi sa'yo yan nanliligaw?" masama ang loob nitong tanong. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti. "Hindi nga. Ikaw lang naman ang manliligaw ko. Tara na." "Tsk." Nang tumayo siya ay tumayo na rin agad ito. Wala na rin itong nagawa kundi bumalik sila sa restaurant nito. Naabutan nila si Liam sa opisina ni Clinton. Ayaw na ayaw kasi ni Clinton na papapasukin niya ito sa kuwarto niya. Palagi rin itong nakabantay sa kanila ni Liam kapag naroon ang bestfriend niya kaya hindi tuloy sila makapag-usap ng matino dahil kay Clinton. Palagi na lang nagpipigil si Liam na itago ang pagiging bakla nito dahil ayaw nitong mahalata iyon ni Clinton. Sabi pa ni Liam ay paraan din iyon para malaman nila kung gaano siya kamahal ni Clinton. "Bakit kasi di mo agad sinabing pupunta ka?" Usig niya kay Liam. Si Clinton naman ay busy na sa kung anumang ginagawa nito sa laptop nito. "Hindi rin expected na mapapadaan ako dito. May meeting kasi ako kanina diyan sa malapit tapos saka ko naalalang day-off mo, kaya naisip kong daanan ka rito. Oh, heto, nakita ko yang bag na yan tapos naalala kita. Sigurado akong bagay yan sa'yo." "Nag-abala ka pa. Tapos andami mo pang dalang sweets." "Right. Hindi mo naman kailangang magdala ng mga pagkain dahil marami niyan dito. As for gifts, ako na ang magbibigay kay Becka." Bigla ay sabat ni Clinton kaya sabay silang napatingin ni Liam dito. Nakikinig pala ito sa kuwentuhan nila ni Liam? Kanina pa kasi ito walang imik kaya akala niya ay nasa ibang mundo ang isip nito. "It's alright. Oo nga pala, Clinton, puwede ko bang hiramin muna si Becka kahit isang linggo lang? Isasama ko lang sana siya sa event na pupuntahan ko at nang makapamasyal naman kaming magkasama. Miss ko na kasi ang best friend kong ito." Lakas-loob na paalam ni Liam kay Clinton. Pinanlakihan niya ito ng mga mata dahil hindi niya inakala na sasabihin nito iyon kay Clinton! Si Clinton naman ay lalo lang nagsalubong ang mga kilay. "Bakit? Ano naman ang participation ni Becka sa pupuntahan mo? Tsaka busy kami sa mga susunod na linggo, kaya hindi siya puwedeng mag-leave." Suplado pang sagot ni Clinton. Lumingon sa kanya ang bakla at lihim siyang kinindatan. Mukhang gusto lang nitong pagtripan si Clinton. Tsk! "Ok, sa susunod na lang siguro. Kung gusto mo, sumama ka." Nakangiti pang anyaya ni Liam. "No, thanks. Becka and I are both busy." "Liam, wag mo na ngang kulitin si Clinton. Nakita mo nang busy ang tao." sabat na niya sa dalawa. Pasimpleng pangwawarning na rin niya iyon kay Liam. Mukhang natutuwa pa kasi ang bakla na inisin si Clinton. Nag-aalala siya na baka maubos na ang pasensiya ni Clinton dahil palagi na lang tila nananadya si Liam na pagselosin ito. Minsan din ay nawawala sa isip niyang hindi nga pala alam ni Clinton ang totoong kasarian ni Liam. "Nag-suggest lang naman. Next time, punta naman tayo sa beach. Di ba, isang beses ka pa lang nakapunta sa beach? Muntik ka pa nga non malunod kundi lang kita sinaklolohan." "OA mo! Muntik malunod ka diyan..." "Totoo naman ah, iyak ka pa nga ng iyak non kahit hanggang tuhod mo lang 'yong tubig. Paano, ang lakas ng alon non kaya tinangay ka papunta sa gitna." Bigla siyang natawa ng malakas nang maalala ang sinasabi ni Liam. Nasa grade 5 siguro siya nang mangyari iyon at talagang muntik na siyang malunod dahil sa alon. Ang dami pa nga niya noong nainom na tubig-dagat. Tsk. "Tse! Wag mo na ngang ipaalala!" "Basta punta tayo sa beach next time, it's on me!" "Yabang! Eh di ikaw na ang mayaman!" "Swerte mo dahil may mayaman kang kaibigan." Hindi na siya nakasagot dahil biglang tumunog ang cellphone ni Liam kaya nag-excuse muna ito para sagutin ang tawag sa labas ng opisina ni Clinton. "Why do you always look happy when that Liam is around?" Natigilan siya at napatitig kay Clinton. "Siyempre, kaibigan ko siya kaya natural na masaya akong makita siya." Sagot niya. Mabuti nga at nabibisita pa rin siya ni Liam kahit malayo ito sa kanya. "Is that really the reason? Sometimes, I wonder why hindi mo pa rin ako sinasagot hanggang ngayon. I know I said na maghihintay ako hanggang sa ready ka nang maging tayo. But I always feel insecure everytime that Liam is around. Parang nakakalimutan mo na ako. Parang siya na lang ang kinakausap mo. I know I have no right to get jealous but I just couldn't stop it. Why do I feel like he's more important to you than me? Why do I feel like you like him more than me? Gusto mo ba siya? Is he the real reason why you still can't accept me to be your boyfriend?" Napanganga siya sa litanya ni Clinton. Naku, kung alam lang nito ang totoong kasarian ni Liam! Gustung-gusto na nga sana niyang sabihin kay Clinton ang totoo pero ayaw naman ni Liam. Siyempre irerespeto niya pa rin ang desisyon ng best friend niya. "Hindi ganon 'yon, Clinton.. Minsan ko lang kasing makasama si Liam kaya—" "Yah, I get it now. You missed him. You missed him so much, don't you? I'll leave you two alone then para mas MAKASAMA mo siya ng matagal. Mukhang nakakagulo pa yata ako sa bonding ninyong dalawa." halatang masama ang loob na tumayo ito at lumabas sa opisina nito. Susundan na sana niya ito pero nakasalubong naman niya si Liam sa may pinto. "Ano'ng nangyari don?" nagtatakang tanong ni Liam. "Na-OP. Hayaan mo na, may regla kasi 'yon." naiiling niyang sagot sa bakla bago bumalik sa upuan niya. "Ikaw naman kasi, inasar mo." paninisi pa niya rito pero ngumisi lang ang bakla. "Aba malay ko... Oh heto't aalis na nga ako dahil malayo pa ang uuwian ko. Sige na, tumawag ang assistant ko at may kailangan akong asikasuhin ngayon." Humalik at yumakap ito ng mahigpit sa kanya at iyon ang eksenang nadatnan ni Clinton. Lalo pang sumama ang timpla ng mukha ni Clinton at ni hindi nito pinansin nang magpaalam si Liam. Tsk. Seloso! Malay ba kasi niyang babalik agad ito? "Clinton..." Hinabol niya ito nang akma din itong lalabas sa pinto. "I have to go, Becka, I'll just see you again tomorrow." Ayst! Feeling niya tuloy ay kasalanan niya. Alam niyang masama talaga ang loob ni Clinton dahil ngayon na lang siya nito ulit tinawag sa pangalan niya. "Clinton... Galit ka ba?" prangka niyang tanong dito na ikinalingon nito sa kanya. "Do I have the right to get mad? Just be honest with me Becka, once and for all, please... tell me.... Do you like that Liam more than you like me? 'Cause the way I see it, you look more happy with him than when you're with me. Siya ba mahal mo at hindi ako?" "Clinton... Hindi mo naiintindihan..." "Then make me understand! You allow him to hug and kiss you just like that! Samantalang ako... Just forget it." "Clinton..." Gusto niyang ipaliwanag kay Clinton ang lahat pero wala siya sa posisyon para ipagtapat ang sikreto ni Liam. Maaari kasing may dahilan din ang huli kaya gusto nitong ilihim sa lahat ang totoo nitong kasarian. "I have to get going." Laglag ang mga balikat na muli itong tumalikod sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkaalarma. "Clinton..." Tawag muli niya rito pero ni hindi na ito lumingon sa kanya. "Clinton!" Tila wala pa ring naririnig na tuluyan na itong lumabas sa opisina. Ayst!! "Clinton. Hindi nga ganon 'yon. Clinton!" Hinila niya ang braso nito at sa kagustuhang mawala ang tampo o galit nito ay hindi nag-iisip na kinabig niya ang batok nito. Pero dahil mas matangkad ito sa kanya ay hanggang doon lang ang nagawa niya at nagkatitigan na lang sila. "C-Clinton... A-Ano... Mali nga ang iniisip mo..." Walang babalang yumuko si Clinton at tuluyan nitong pinaglapat ang mga labi nila. Napakurap-kurap siya... Pero imbes na tumutol ay ipinikit na lang niya ang mga mata niya. Siguro, iyon na lang ang paraan na gagawin niya para iparamdam kay Clinton na handa na siya... Na mali ang iniisip nito at ito ang totoong mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD