"Becka! What is this?! Bakit mo sinamahan sa pagkain ang customer na 'to?!"
Mula sa pag-aayos ng mga upuan ay napapitlag siya sa galit na boses ni Clinton na basta na lang sumulpot sa likod niya. Hawak pa nito ang tablet nito at mukhang tinitingnan ang kuha ng CCTV camera sa restaurant nito kahapon.
"Clinton, kasi—"
"Leila! Leila!" Hindi pa man siya nakakapagpaliwanag ay galit at pasigaw na tinawag nito ang manager. Sa lakas ng boses nito ay napalingon lahat ng empleyado na naghahanda para sa pagbubukas ng restaurant nito.
"Yes, Sir—"
"Why the hell did you allow Becka to eat with the customer?! Kung hindi ko pa tiningnan sa CCTV, hindi ko pa malalaman! What the hell is wrong with you people?! This isn't a f*****g nightclub!!" Dumagundong ang malakas at galit na galit na boses ni Clinton sa buong sulok ng restaurant. Napalunok siya at nakaramdam ng kaba. Ngayon lang kasi niya nakitang nagalit si Clinton tapos dahil pa sa kanya. At ngayon lang ito sumigaw sa kanya ng ganoon.
Aminado naman siya sa sarili niyang may mali siya, kaya aakuin niya ang pagkakamali niya. Nakulitan na kasi siya sa customer kahapon at nag-alala na gumawa ito ng eksena. Ayaw lang niyang madisappoint si Clinton, pero mukhang mas malala pa pala ang nagawa niya.
"Clinton, sorry na... Eh sabi kasi ng customer birthday niya, kaya nakiu—"
"I don't f*****g care! How could you allow this to happen, Leila? I'm so disappointed in you!" dinuro pa ni Clinton si Ms. Leila na tahimik na lang napaluha at napayuko.
"Clinton... Ako naman ang may kasalanan... Wag mo nang pagalitan si Ms. Leila... Please... I'm sorry. Hindi na mauulit."
"Hinding-hindi na talaga!"
Pagkasabi niyon ay padabog na nag walk-out si Clinton at tinungo nito ang opisina nito. Nakokonsensiya naman siya dahil napagalitan pa si Ms. Leila dahil sa kanya.
"I'm sorry Ms. Leila. Wag kang mag-alala, kakausapin ko ulit si Clinton."
"It's my fault. Hindi dapat ako pumayag sa gusto ni Mr. Angeles dahil hindi naman talaga iyon tama, kahit birthday pa niya o kahit loyal customer pa siya. Hindi na iyon sakop ng trabaho mo. I should've stood up for you, hindi 'yong nag-agree na lang ako gusto niya. Wag mo na akong alalahanin, Becka, mabait si Sir Clinton at alam kong hindi naman niya ako sesesantehin dahil don. Baka kasi nagseselos lang si Sir dahil kumain ka kasama si Mr. Angeles." Ang pag-iyak ni Ms. Leila ay nauwi na sa nanunudyong ngiti matapos ang huli nitong sinabi.
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin dito. Talaga ba, isiningit pa talaga nito ang birong iyon kahit napagalitan na ito? Napailing na lang siya at nagpaalam na kakausapin ulit niya si Clinton. Kasalanan naman talaga niya. Dapat nanindigan na lang siya na hindi iyon puwede at hindi na iyon kasama sa trabaho niya. Nadamay pa tuloy si Ms. Leila. Sa pag-iwas niyang magkagulo kahapon ay sila naman ang nagkagulo ni Clinton. Hayst.
Ilang minuto na lang ay magbubukas na ang restaurant at hindi yata niya maaatim na patagalin ang galit ni Clinton dahil sa kanya kaya pinuntahan na niya ito.
Tatlong beses siyang kumatok sa opisina ni Clinton at tinawag pa ito bago ito sumagot at pinapasok siya sa loob.
"Clinton... Sorry talaga... Naisip ko kasi na baka magalit at magwala ang customer kaya pumayag na lang ako sa gusto niya. Saglit lang naman iyon at wala naman gaanong customers non kaya hindi naman naabala ang trabaho ng iba. Wag ka nang magalit kay Ms. Leila... Ako naman ang kumumbinsi sa kanya na sabayan na lang sa pagkain si Winston..."
Akala niya ay ok na dahil tahimik lang na nakikinig si Clinton sa kanya. Pero nagulat na lang siya nang bandang dulo ay bigla itong tumayo at marahas na bumaling sa kanya. Tinitigan pa siya nito na tila ba sinusumbatan siya.
"So you're friends now with that asshole, huh?" sarkastiko nitong tanong. Bigla na naman tuloy siyang naalarma dahil halatang galit pa rin ito.Tsaka bakit asshole ang tawag nito doon sa customer? Kagalit kaya iyon ni Clinton? Pero bakit nagpapabalik-balik doon?
"Ha? Hindi, noh! Nakausap lang ng isang beses, friends na agad? Grabe ka naman. Tsaka hindi ko naman talaga siya kinausap sa totoo lang. Napilitan nga lang ako. Kaya nakinig lang ako sa kanya. Kahit tingnan mo pa sa kuha ng CCTV mo." pagrarason naman niya. Kilala niyang mabait si Clinton kaya umaasa siyang madali niya itong mapapalambot.
"Then why are you on a first name basis?" galit pa rin nitong tanong. Napakamot tuloy siya sa kilay niya.
"Hindi... Hindi ganon... Sinasabi ko lang kasi sa'yo ang point ko tsaka nakalimutan ko na ang apelyido niya. Mas madali kasing tandaan iyong Winston kasi pangalan ng sigarilyo, di ba?"
Tumalikod ito sa kanya at namulsa. Tsk. May pagkasuplado rin pala itong si Clinton. Parang may regla! Pero bakit ba kasi talaga ito nagagalit sa kanya? Hindi niya ito ma-gets!
Lumapit na lang siya rito at hinawakan niya ng dalawang kamay ang kaliwang braso nito. Nagulat naman ito sa ginawa niya sabay lingon sa kanya.
"Sorry na... Paano kita niyan ililibre mamaya kung galit ka? Malulugi ka na talaga sa akin niyan." mababa ang tonong turan niya. Baka nagpapalambing lang ang kaibigan niya. Tsk.
"Hindi na ako ulit magpapasaway, mahirap na kung paalisin mo 'ko. Sa kalsada na ako matutulog niyan."
Sa pagkagulat niya ay bigla na lang siyang hinarap at niyakap ni Clinton. Eyy?
Lihim siyang napangiti, mukhang effective ang biro niya na may konteng pagdadrama.
"I'm sorry too... Kung nasigawan kita kanina. Basta wag mo nang uulitin 'yon. You can only eat with me, at hindi kung kani-kaninong lalaki. Understood?"
Kahit bahagya siyang nalito sa sinabi nito ay tumango na lang siya rito. Mahirap na, at baka magalit na naman ito bigla.
"Oo na po, Sir!"
"Tss!" Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at kinurot ang magkabilang pisngi niya.
"Aww!"
"Take the day off. Dahil sa ginawa mo kahapon ay gagala lang tayo ngayon buong araw. Don't worry dahil bayad pa rin ang araw mo ngayon. And you can't say no because it's your treat! Pambawi mo rin ito sa akin."
Napanganga siya rito. Mukhang mapapagastos pa yata siya nito! Pero di bale, ang mahalaga ay hindi na ito galit at ngumingiti na ulit ito sa kanya.
"Come on, magbihis ka na." Inakabayan siya nito at inihatid sa kwarto niya.
Buong araw, gumala lang talaga sila kung saan-saan. Punta rito, punta roon. Parang wala man lang itong kapaguran sa pagda-drive!
Huli nilang pinuntahan ay ang sky garden sa Quezon City. Sayang, di niya pala naisip na kontakin si Liam para kasama na sana nila itong nagdinner. Pero sa kabilang banda, mas mabuti na rin sigurong sila na lang ni Clinton ang gumala at nagdinner doon dahil baka bigla na namang mag-iba ang mood nito. Pansin niya kasi na parang mainit ang dugo ni Clinton sa best friend niya.
Gabi na nang makabalik sila sa restaurant at sarado na rin iyon.
Akala niya ay tuluyan nang bumalik sa ayos ang mood ni Clinton dahil masaya naman sila sa pamamasyal maghapon pero biglang nabura ang mga ngiti nito nang mabungaran nila sa labas ng kwarto niya ang isang regalo at bouquet ng bulaklak na galing kay Winston. Iyon kasi ang nakalagay sa maliit na card na kalakip ng mga iyon. Hindi tuloy niya malaman kung kukunin niya ba iyon o hahayaan na lang doon?
"Why did he send you these?" galit na tanong ni Clinton.
"Aba malay ko." Nagkunwari siyang hindi apektado at walang pakialam kahit ang totoo ay nag-aalala na naman siya sa galit na nakikita niya kay Clinton. Ano na naman ba ang dahilan at nagagalit na naman ito? Ayaw ba nitong may nagpapadala ng regalo at bulaklak sa kanya? Para namang kontrolado niya iyon?
"Is he courting you?"
Natigilan siya at napatitig kay Clinton. Wala sigurong audio ang CCTV na pinanuod nito o baka hindi na malinaw sa audio ang mga sinabi niya at ni Winston kahapon.
"Court agad?"
"Just answer my question." mariin nitong wika. Naalarma na tuloy siya.
"Hindi, okey? Bakit naman siya manliligaw sa akin? Tsaka bakit naman ako magpapaligaw sa kanya eh hindi ko naman siya kilala?"
"Just throw it away, then." suplado nitong utos. Napataas tuloy ang kilay niya. Sayang naman iyong regalo! Baka mamahaling chocolates ang laman niyon o kung anong gamit! Sayang naman ang grasya kung itatapon lang!
"What? Ayaw mo?" Lalo pang tila nanggalaiti si Clinton. Problema ba nito?
"Teka nga, bakit ba nagagalit ka na naman? Eh malay ko bang bibigyan niya ako niyan? Tsaka sayang naman kung itatapon ko yan." Binuksan niya ang paperbag at nakita niyang chocolates ang laman niyon, iba't-ibang klase at halatang mamahalin! First time niyang makakakain niyon kung sakali! Siyempre bibigyan din niya ang mga katrabaho niya. Pero sa susunod na makita niya si Winston ay sasabihan niya itong wag nang magpadala o magbigay sa kanya ng kahit ano. Kung anuman ang sadya nito sa kanya ay mabibigo lang ito.
"Manhid ka ba talaga?!" galit na tanong sa kanya ni Clinton.
"A-Ano...?" Bakit naman biglang nasali sa usapan kung manhid ba siya o hindi??
"All this time, since we met... Hindi mo pa rin napapansin? Do I really have to spell it to you?"
S-Spell??
"N-Na ano?"
"That I like you! Gusto kita, Becka, matagal na! Hindi mo ba iyon maramdaman?"