Chapter 7 - New Work

2054 Words
Matapos mailibing ang Nanay niya ay sinalubong ni Becka ang bawat umaga na mag-isa na talaga siya. Madalas siyang bisitahin ni Clinton at minsan ay niyayayang kumain sa labas, sa karinderya o sa mga fast food chain na hindi masyadong mamahalin. Pumapayag na lang din siya dahil bukod sa nakakalibre siya ay nakakapaglibang din siya kahit papaano. Si Liam naman ay tuluyan nang bumalik na sa bahay nito. Nasa Quezon City kasi ang bahay nito at medyo malayo na sa Muntinlupa kung saan siya nakatira. Idagdag pa ang traffic. Kaya madalas ay nagti-text o tumatawag na lang ito sa kanya para mangumusta. Si Clinton naman ay taga-Taguig daw, kaya mas malapit talaga ito sa kanya kaysa kay Liam. Makalipas pa ang ilang linggo ay sa wakas tapos na ang pasukan. Nagpaalam na rin siya sa may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang grocery store at dumating na nga ang huling araw niya sa trabaho niya roon. Halos alas siyete na ng gabi, kaya magsasara na rin sila ng mga katrabaho niya sa store. "Mami-miss ka namin, Becka." ani Mikmik, habang isinasalansan na nito ng maayos ang mga grocery basket. "Oo nga. Pero naiintindihan ka namin, kaya suportahan ka namin. Para sa ekonomiya!" Pasigaw namang sang-ayon ni ate Malou, isa sa mga cashier roon. Ito rin ang pinaka matagal nang nagtatrabaho roon at ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng may-ari ng store na iyon. "Mababawasan na tuloy ang magaganda rito." Sabi naman ni Gascon, isa sa mga bodegero roon. "Tigilan mo na yan, Gascon. Becka, nandiyan na ang sundo mo." Kinikilig pang baling ni Mariel sa kanya bandang dulo. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Halos araw-araw na kasi siyang sinusundo roon ni Clinton. Para sa kanya ay friendly gesture lang naman iyon lalo at mabait naman talaga si Clinton. Hindi rin naman ito nagpapahaging sa kanya ng kung ano. Nakakahiya naman kung pag-iisipan niya pa ito ng masama eh tumutulong na nga ito sa kanya, di ba? Tsaka ang sabi nito ay libangan na rin nitong sunduin siya dahil nakakaburyo raw na magbantay sa restaurant buong araw. Nakakapagkuwentuhan pa sila. Pero kapag minsang may lakad naman ito at hindi raw siya masusundo ay nagtetext o tumatawag naman ito agad sa kanya. "Siguro, magsasama na kayo ng boyfriend mo? Tama yan, Becka! Be practical! Sa panahon ngayon ay mahirap ang buhay. Hindi ka naman mapapakain ng pagmamahal lang. Ang suwerte mo nga sa boyfriend mo dahil bihira na ang ganyang lalaki ngayon. Gwapo na, mayaman pa tapos mabait at sweet pa! Oh, di ba? Saan ka pa?" Napailing na lang siya sa sinabi ni ate Malou. Kahit ilang beses na niyang sabihin na hindi nga niya boyfriend si Clinton ay iba ang pinaniniwalaan ng mga ito. Tsk. Hinayaan na lang niya. Mabuti na lang at hindi napipikon si Clinton sa tuwing may mga pagkakataong tinutudyo sila ng mga ito. Game pa nga itong sumasakay sa biro ng mga katrabaho niyang abnoy. Tsk. Matapos magpaalaman ay nauna na siyang lumabas sa grocery store. Sina ate Malou na ang bahalang magsara niyon. Sinalubong naman agad siya ni Clinton na nakangiti. "Are you excited?" "Hmmm.. Oo pero medyo kinakabahan ako. Baka kasi pumalpak ako." Tukoy niya sa pagtatrabaho bilang crew sa restaurant ni Clinton. Magiging waitress raw siya roon, puwede rin daw sa kaha na lang siya kung gusto niya, bilang cashier o kung gusto niya ay sa kusina na lang siya bilang assistant cook. Taga hiwa ng mga gulay, karne at kung anu-ano pang lulutin doon. "Don't be. It's not a high-end restaurant, I told you. Binili ko lang iyon para libangan ko rito. You have nothing to worry about." Nakangiti namang sagot ni Clinton. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse nito at nang makasakay na sila parehas ay kaagad na nilang binagtas ang daan papunta sa kanyang boarding house. Nakahanda na ang mga gamit niya at noong gabi mismong iyon ay lilipat na muna siya pansamantala sa restaurant ni Clinton. "Wow! Ito na ba ang restaurant mo, Clinton? Diner's Point. Hindi masyadong sosyal tingnan pero halatang mamahalin pa rin. Parang hindi naman yata ako bagay dito—" "Tss. Come on. wag ka nang magdrama, pumapangit ka." natatawa nitong inagaw mula sa kamay niya ang dala niyang bag. Dala na rin nito ang travelling bag niya na kinalalagyan naman ng mga damit at ilang personal na gamit niya. Napanganga pa siya dahil bukod sa card ang gamit na pambukas sa pinto ng restaurant at may biometrics pa iyon, kaya hindi basta mabubuksan iyon ng kung sino kung hindi naka-register sa biometrics na nandoon. "As early as tomorrow morning, ire-register natin ang thumb mo." nakangiti nitong sabi habang papasok na sila sa loob. Hindi niya maiwasang mamangha. Mas maganda pa pala sa loob ang restaurant na iyon. White at may kaunting mint green ang kulay ng pintura niyon sa mga pader sa loob. May magagandang paintings na nakasabit at mga kung anu-anong design sa gilid na nakapatong naman sa cute na table. May mangilan-ngilan ding napakagagandang lagayan ng mga ilaw na nakasabit sa taas na kung tama ang alaala niya ay chandelier ang tawag. Napakaganda naman! Ang mga upuan at mesa naman ay puro puti at nababalot din ng puting mantel na may magandang disenyo. Ang mga upuan ay mayroon ding foam na siguradong malambot. Tapos bawat mesa ay may flower vase sa gitna na may mga bulaklak na parang nalalanta na. Araw-araw kayang pinapalitan iyon ng mga tunay na bulaklak? Ang gastos naman non! Mga disenyo at palamuti pa lang, ang gastos na! Paano pa iyong mga ilulutong pagkain? Ang pasahod sa mga empleyado at pagbili ng mga kasangkapan doon? Iba talaga pag mayaman. Tsk. Siguro, milyones ang ginastos ni Clinton sa restaurant na iyon. Sana all na lang! Pero magsusumikap din naman siya para balang araw ay magiging successful din siya! Para kahit papaano ay makabili rin siya ng sarili niyang bahay at makapagtayo kahit maliit na negosyo lang para pag nagretiro na siya sa pagtatrabaho ay may pagkakakitaan pa rin siya. Tama, ganoon nga ang gagawin niya! "Ang yaman mo pala talaga Clinton. May mga negosyo na nga kayo sa ibang bansa, tapos may sarili ka pang resturant dito. Siguro, wala ka nang problema. Palagi siguro kayong masaya." kumento niya pero tipid namang ngumiti si Clinton sa kanya. "Having a lot of money doesn't mean you're always happy. Sometimes, it may even be a cause of a broken familly." Napansin niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Clinton pero saglit lang naman iyon dahil muli na itong ngumiti sa kanya at hinila na siya papunta sa kusina. Mula sa malaking kusina ay dinala naman siya ni Clinton sa magiging kwarto niya. Dalawa raw ang kuwarto roon pero wala namang gumagamit ng mga iyon. Bukod sa kwarto ay mayroon ding lugar ng pahingahan ng mga empleyado, may mga upuan at mesa din iyon. Napaka-generous naman talaga ni Clinton. Hindi lang puro pagpapayaman ang nasa isip nito dahil may malasakit din ito sa mga empleyado nito. "Ok na ba sa iyo ang kwartong ito? Just tell me if you don't like the furnitures or anything, papapalitan ko." "Woi, ano ka ba? Ang ganda na nga at ang laki ng kwarto na 'to. Mas malaki pa nga ito sa kwarto namin ni Nanay noon, di ba? Tsaka bakit may TV dito kung wala namang gumagamit nitong kwarto? Gumagana pa ba yan? Baka sira na yan." "Of course not. Kakabili ko lang niyan—" "Ano? Bakit ka pa bumili niyan? Sayang pa ang kuryente diyan. Tss. Naku Clinton baka mamihasa na ako niyan dito ha. Sige ka baka hindi na ako umalis." "Mabuti nga 'yon para araw-araw na kitang makikita at makakasama." "Ano??" "Nothing." "Tsk. Bubulong-bulong pa kasi diyan." Nailing na lang siya kay Clinton habang sinisipat ng maayos ang magiging kwarto niya. Ang ganda talaga. Malinis. Halata ring bago lang ang pintura na combination ng while at egg yellow na kulay. Sliding glass ang bintana ng kwarto at may grills sa labas. Ang kama ay bakal at may malambot na foam, mayroon ding mesa sa tabi ng kama sa bandang ulunan niya. May dalawang cabinet na malalaki at matataas. May TV na nakapatong sa lamesita at may dalawang kahoy na upuan. Tapos may sariling banyo pa siya sa loob. Parang sobrang ganda naman yata niyon para maging tulugan lang ng empleyado roon. Daig pa ang inuupahan nilang bahay noon ng Nanay niya. "Don ba sa isang kwarto may CR din don?" naisip niyang itanong nang maupo siya sa kama na may malambot na foam. Sosyal. Ang bait naman ng friend niya. Hulog talaga ito ng langit sa kanya. "Ahm.. Wala. Tsaka hindi pa iyon masyadong naaayos so for the meantime it is used as the stock room." Napatangu-tango siya kay Clinton. Siguro, mag-iipon lang siya ng sapat na pera para makalipat din siya agad. Nakakahiya naman kasi rito kung doon na talaga siya maninirahan. "Magkano pala ang ibabayad ko sa'yo kada buwan? O ibabawas mo na lang ba sa sahod ko? Mas mabuti pa nga kung ibawas mo na lang para hindi ko na iisipin—" "Wait, wait.... What do you mean na ibabayad?" "Eh di ba dito ako tutuloy pansamantala?" "Yes. But it's for free. I told you, parang magiging care taker ka nitong restaurant ko. So you don't have to pay me for anything. You get your salary in full." "Huh? Eh paano naman ang gastos ko sa kuryente mo? Sa tubig? Baka malugi na ang restaurant mo dahil sa pagtira ko rito." Bigla namang tumawa si Clinton dahil sa sinabi niya. Ano'ng nakakatawa? Eh, totoo naman ang sinabi niya. Libre na nga ang tutuluyan niya, pati kuryente at tubig, libre pa? Pati pagkain makakalibre din daw siya. Eh di ang suwerte naman niya kung ganon! Pero parang mali naman yata iyon..? Parang namimihasa na siya niyon..? "I told you, you can stay here for absolutely free! Isipin mo na lang na kapalit na lang iyon para sa pagbantay mo dito sa restaurant ko." Napakunot-noo siya. Sa seguridad ng restaurant nito ay mukha namang hindi na kailangang may titirang bantay roon. Parang may hinala na tuloy siya kung bakit gusto siyang patirahin doon ni Clinton. Pero hindi siya abusadong kaibigan! At lalong ayaw na niyang maging pabigat kahit kanino. "Kung ayaw mong bawasan ang sahod ko para sa pagtira ko rito ay aalis na lang ako! Hindi ako oportunista, Clinton, at ayaw kong—" "Fine! Bilang kapalit, ilibre mo na lang ako kada sahod mo. That will be twice a month. Ok na ba 'yon?" Napaisip siya. Kung magpapalibre lang sa kanya si Clinton ay ayos lang, para na ring binawas nito sa sahod niya ang ipangkakain nilang dalawa. Pero paano kung hilingin ni Clinton na sa mamahaling kakainan o pasyalan sila pumunta? OMG! Hindi haya kulangin pa ang sahod niya?! Pero knowing Clinton, hindi naman ito ganoon. "Deal!" sagot niya. "Alright, that's better." Nagkamay pa sila na pagkatapos ay nagtawanan na parang mga engot. "Ahm, so... I'm going now... kailangan mo na ring magpahinga. Ok ka na dito, ha? Call me if you need anything. Ok?" "Oo na, boss." "Hey!" "Eh bakit? Boss na kita kasi dito na ako magtatrabaho, di ba?" nginisihan niya ito. Binibiro lang naman niya ito. "I'm not your boss. I'm your friend." "Eh di boss friend." muli niya itong nginisihan. "Bakit di mo pa gawing boyfriend? mas maganda pang pakinggan." "Eh?" "Just kidding. Sige na. Mag-ingat ka dito. I'll call you when I'm home. Goodnight." "Sige.. mag-ingat ka sa pagda-drive mo. Salamat talaga Clinton ha.. Good night." Nginitian niya ito pero ginulo naman nito ang buhok niya. Sasawayin na sana niya ito pero hinalikan lang nito bigla ang pisngi niya. Nagulat siya pero hindi na lang siya nagkumento. "Friendly kiss lang. Masanay ka na. Bye." Napatanaw na lang siya kay Clinton nang tuluyan na itong lumabas mula sa kwarto niya. Hindi na rin ito nagpahatid sa pinto dahil baka mapagod pa raw siya. Magpahinga na lang daw siya. Tss. Mabilis na niyang inilagay sa cabinet ang mga damit niya pagkatapos ay nag-asikaso na siya para matulog. Humiga na rin agad siya sa kama dahil excited na siya sa magiging trabaho niya! Sana lang ay magawa niya ng maayos ang trabaho niya at balang araw ay makabawi rin siya kay Clinton sa lahat ng tulong nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD