Chapter 15 - New Life

1806 Words
After 5 years... "Rona, day off mo kahapon, di ba?" Nagtataka niyang tinitigan ang kaibigan niyang si Rona habang nag-aalmusal silang dalawa. Bukod sa kaibigan niya ito ay itinuturing na rin niya itong kapamilya. Noong umalis siya sa restaurant ni Clinton, pagkagaling sa Cebu ay hindi naman siya sumama kay Liam papuntang Korea kahit pinilit siya nito. Bagkus, naghanap siya ng bagong trabaho malayo sa restaurant ni Clinton. Sa awa ng Diyos ay natanggap siya sa isang BPO o Business Process Outsourcing Company bilang isang call center agent. Kasabay rin ng pagtatrabaho niya sa tuwing gabi ay nag-aaral naman siya sa umaga. Pinilit niyang makaya hanggang sa makapagtapos siya ng 2-year vocational course. At si Rona, nakilala niya ito sa isang jobfair. Nagkakuwentuhan lang sila, nagkapalagayang-loob at nasabi nila sa isa't-isa na naghahanap sila ng tutuluyan. Kaya ang nangyari, silang dalawa na ang nagsama sa isang boarding house. Simula noon, naging mas malapit na sila ni Rona . Mas matanda lang siya rito ng isang taon pero may mga pagkakataon na itinuturing na niya itong little sister niya. At si Clinton? Wala na siyang balita. Hindi niya alam kung nasa bansa pa ba ito at kung natuloy ba ang kasal nito sa Devine na iyon. Pero hindi na siya umaasa pa. Hindi rin naman boto sa kanya ang Mommy ni Clinton kahit pagbali-baliktarin niya pa ang mundo. Minsan naiisip niya na paano kaya kung ipinaglaban niya noon si Clinton at paano kaya kung nabuntis siya nito? Pero masyado pa siyang bata noon, 19 years old pa lang siya noon noong tumibok ang puso niya para kay Clinton. At sa estado ng buhay niya noon, idagdag pa ang pagiging ulila niya ay hindi niya masisisi ngayon kung naging mahina at takot siya bilang mas batang Becka. Hindi niya sigurado kung makakaya niyang panindigan ang kapausukan niya kung sakali. Napaangat naman bigla ang paningin ni Rona mula sa pagkain sa plato nito matapos ang tanong niya. Nahuli niya rin ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya. "Oo... Day-off ko..." Sagot nito sa kanya kaya napakunot-noo siya. "Hindi ka ba umuwi? Kasi noong isang gabi, wala ka pa noong umalis ako. Tapos kahapon ng umaga naman, wala ka pagdating ko hanggang sa umalis na naman ako kagabi." nagtataka niyang paliwanag dito. Hindi pa nagtatagal mula noong magbreak ito at ang ex nitong manloloko. Naglasing pa nga ang babaeng ito! Pero lately ay napapansin niyang parang may kakaiba sa mga ikinikilos nito, at isa na nga roon ang mga pagkakataon na hindi niya alam kung late lang ba itong umuuwi o kung umuuwi pa ba ito? Matino namang babae si Rona, kaya tiwala siyang hindi ito nagpapakapariwara dahil lang nasaktan ito. Virgin pa nga ito hindi kagaya niyang naisuko na ang bataan! Bihira ring uminom si Rona hindi kagaya niya na napapadalas ang pag-inom kasama ang mga katrabaho niya. "Bakit mo naman naitanong yan? Siyempre umuwi ako! Oo nga pala, bayaran na sa upa. Ibibigay ko na lang mamaya ang share ko ha! Sige, baka ma-late pa ako sa trabaho." nagmamadali na itong tumayo at nag-asikaso para pumasok sa trabaho. Mali ba ang napansin niya o talagang umiiwas sa kanya si Rona? Sa huli ay binalewala na lang niya ang kakaibang kilos ni Rona at tinapos ang pagkain niya. Inaantok na siya! Lumipas pa ang mga araw at linggo. Isang araw pag-uwi niya bandang tanghali ay tila na-highblood siya nang makita ang nakakalat na damit ni Rona pati na rin ang bra nito sa maliit nilang sala! Agad niyang naisip na baka naglasing na naman si Rona at sa sobrang kalasingan nito ay baka sa sala na ito naghubad ng damit sa pag-aakalang nasa loob na ito ng kuwarto nito. Labis siyang nag-alala sa isiping iyon. Paano kung mapahamak ito sa labas? Hindi ba nito naiisip iyon? Sana man lang ay sinabihan siya nito para nasamahan niya ulit itong uminom kagaya minsan pag trip nilang mag-bar! "Ronabeth Bonson! Ikaw na babae ka! Lasing ka na naman kagabi, ano? Sa sobrang kalasingan mo yata ay sa sala ka na naghubad ng mga damit mo tapos iniwan mo pa rito sa sala ang blouse at bra mong babae ka! Lumabas ka nga diyan!" Sa sobrang inis at pag-aalala niya ay bahagya siyang nagsisigaw. Ganon naman na siya, madalas na siyang maingay at sanay naman na sa kanya si Rona. Pero nang hindi siya makarinig ng sagot mula kay Rona sa loob ng kuwarto nito ay muli siyang sumigaw habang pinupulot ang damit at bra nito. "Rona! Ikaw na babae ka talaga! Sinabi ko sa iyong mag-enjoy ka ngayong single ka pero wag ka namang mag-asal lasenggera! Ano, ako pa ang magliligpit nitong bra mo rito? Lumabas ka nga riyan sa kwarto mo! Buksan mo itong pinto!" Nanggigigil talaga siya! Makakatikim talaga sa kanya ng malalang sermon si Rona! Kababaeng tao, burara! Ayst! Maraming beses na siyang nag-inom pero hindi naman umabot sa puntong hindi na niya alam ang mga ginagawa niya. Nagkokontrol siya lalo na kung alam niyang nalalasing na siya. Pero itong si Rona, kung kailan tumanda, porket natuto nang uminom ay biglang naging burara! Hindi muna talaga siya matutulog hanggat hindi niya ito napagsasabihan. Hindi puwedeng mauulit ang paglalasing nito sa labas nang hindi siya kasama dahil baka mapahamak pa ito. Wala pa naman itong masyadong kaibigan bukod sa kanya. "Rona! Tanghali na kaya bumangon ka na!" Sigaw pa niya habang papalapit na siya nang papalapit sa pinto ng kuwarto nito. Naaaburido na talaga siya kaya isasampal niya sa mukha ni Rona ang damit at ang bra nito! Masyadong makalat! Nakakairita! Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng pinto ay tila nakarinig pa siya ng mga boses na tila nagbubulungan. Sa pag-aakalang sa kapitbahay iyon ay agad na niyang binuksan ang pinto ng kuwarto ni Rona sabay sermon dito. At talagang hindi pa nag-lock ng pinto ang burarang babae na iyon! "Rona! Alam kong gising ka na! Itong bra mo--" Pero bigla siyang natigilan at para siyang biglang naestatuwa nang makita niya ang isang nakahubad na gwapong lalaki sa kuwarto ni Rona! Mabuti na lang at nakatakip ang unan sa private part nito kundi... Nanay ko po! Magkakasala pa sana ang mga mata niya nang hindi sinasadya! Pati ang malanding babae ay halatang nakahubad din at nababalot lang ng kumot! Shit! Kelan pa ba ito lumandi?? Hindi siya agad nakahuma habang napapatitig sa dalawa. Lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang yummylicious na katawan ng gwapong lalaki pero agad naman iyong tinabunan ng malanding kaibigan niya! Naalala niya bigla ang katawan ni Clinton dahil parang ganoon din iyon. Oh my God! Nang sa wakas at nakabawi na siya mula sa pagkagulat at agad siyang nag-iwas ng tingin sa mga ito. "Ah... K-kuwan... Wala akong nakita! Wala akong nakita! S-Sige, ituloy niyo na ang ginagawa--bye!" Natatarantang agad na lang siyang tumalikod at malakas na isinara ang pinto ng kwarto ni Rona. Shit! Hindi niya dapat iyon nakita! Kailan pa kaya isinuko ni Rona ang bataan nito?! Bakit hindi man lang nito itsinismis sa kanya? Ang akala niya ay broken hearted pa rin ito, iyon pala ay nakikipagk*ntutan na ito sa mala-adonis sa kagwapuhan at katawan na lalaking iyon! Pero napakunot-noo siya bigla nang maalala niya ang hitsura ng lalaking nasa loob ng kwarto ni Rona. Para kasing nakita na niya ito dati pa. Saka lang din niya naalala ang gabi noong may dare sila ni Rona.. Para kasing iyon din ang lalaking humalik noon kay Rona at ngayon lang niya na-realize na para talaga itong pamilyar sa kanya. Pero hindi naman niya ito maalala. Napailing na lang siyang napaupo sa sala. Ang dami naman kasing taong halos magkakamukha kaya baka nagkakamali lang siya. Pero in fairness ha, magaling nang pumili ang kaibigan niya! Di nagtagal ay magkasunod nang lumabas ang dalawa. Ang lalaki ay dumiretso sa sala samantalang si Rona ay nagbanyo muna. Ni hindi muna ipinakilala ni Rona sa kanya ang bisita nito. Tsk. "Hi. I'm sorry nga pala sa nadatnan mo kanina." tipid ang ngiting bati sa kanya ng gwapong lalaki. "Okay lang. Hindi ko lang talaga akalaing magdadala ng lalaki rito si Rona. Anyway, nasa edad naman na siya para sa mga ganyang bagay." sagot niya naman dito. Mukhang matino at mabait naman ito. Pero napansin niyang nakatayo lang ito at tila walang balak umupo sa sala. Nahihiya pa ba ito sa kanya matapos ang nadatnan niya? Tssk. "Upo ka muna." Agad na rin niyang alok dito. "Thanks, but... I'm leaving now—" "What? Hindi puwede iyan. Dito ka na kumain, saluhan mo kami ni Rona. For sure napagod kayong dalawa." Nginisihan niya ito at tipid na lang itong napangiti sa kanya. Aba at parang naaamoy niyang may tama ito sa kaibigan niya. "Alright." pagpayag din naman nito maya-maya. Gusto pa niyang makilala ang lalaking iyon. Hindi dahil sa pamilyar ito sa kanya kundi dahil malaking bagay na nakipagsex rito si Rona. Hindi puwedeng hanggang one night stand na lang ang mangyayari sa mga ito, kung ganoon man iyon. "Oo nga pala. Ako si Becka, friend at kasama ni Rona na nangungupahan dito sa boarding house." "My name's Bruce Axell. My friends call me Bruce but Rona prefers calling me Axell. Ikaw na ang bahala kung alin sa dalawa ang itatawag sa akin." Nakangiti nang pagpapakilala sa kanya ng gwapong lalaki. "Axell na lang din." nakangiti niya ring sagot dito. Mas magaan ang loob niya kay Axell kaysa doon sa ex ni Rona na manloloko kahit noong hindi pa niya alam na manloloko iyon. Lihim na lang niyang nahiling na sana ay itong kaharap niyang lalaki na ang nakatadhana kay Rona dahil deserve naman ng kaibigan niyang sumaya. Mukhang jackpot din si Rona kay Axell. Gwapo na at halatang mayaman din. Mukha ring mabait. Bigla na naman tuloy niyang naalala si Clinton. Kumusta na kaya ito? Masaya kaya ito? Siya kasi ay hindi pero hindi naman niya magawang magsisi sa desisyon niya noon. Pinili niya iyon, at ito na ang buhay niya ngayon. Malaki-laki na rin naman ang naipon niya sa bangko at gagamitin niya iyon sa pagpapaunlad ng buhay niya kapag nagsawa na siyang magtrabaho. "Ikaw ba iyong lalaki sa bar dati...? Iyong nilapitan ni Rona tapos..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil paano kung hindi naman pala ito iyon? Eh di lagot na. Haist, bakit naman kasi biglang naging malandi ang pa-demure na kaibigan niya? "The one who kissed her twice? Yeah, that was me." Tila proud pa nitong pagkukuwento. "Tumpak! Iyon naman pala!" Nagkatawanan na lang sila ni Axell at siya namang pagdating ni Rona. Pasimple pa nga nitong sinamaan ng tingin si Axell. Tssk. Nagseselos ba ito dahil nagtatawanan sila ng lalaki nito? Tss. Wala namang dapat ipag-alala si Rona dahil hanggang ngayon ay lihim pa ring may nag-iisang lalaking laman ang isip at puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD