Chapter 2 - Annoying Stranger

1586 Words
"Oh, anak, bakit medyo natagalan ka yata sa pag-uwi?" Agad lumapit at nagmano si Becka sa Nanay niya na agad umupo sa kama nito mula sa pagkakahiga nang makita siya. Ayon sa doctor ay may sakit na Chronic Leukemia ang Nanay niya. Matagal na rin nitong iniinda ang sakit na iyon pero hindi na nila naipagamot dahil wala naman silang sapat na budget para roon. "May dinaanan lang po ako saglit, Nay. Bakit po gising pa kayo?" Pilit niyang pinasigla ang boses niya para hindi isipin ng Nanay niya na napagod siya. Kahit sa ganoong bagay man lang ay maiiwas niya itong mag-alala. Inalalayan niya itong muling mahiga at naagaw ang pansin niya ng basahan sa mesang nasa tabi ng kama na may mantsa na naman ng dugo. Napabuntong-hininga na lang siya at itinago ang lungkot. "Nakatulog na ako anak at nagising lang ako pagdating mo." "Na-miss niyo lang yata ang kagandahan ko, 'Nay! Matulog na po kayo ulit." Ngumiti pa siya rito matapos ayusin ang kumot nito. "Pasensiya ka na anak dahil may sakit ang Nanay at—" "Nay, magulang kita kaya gagawin ko ang lahat para sa iyo. Ikaw talaga, 'Nay. Wag na po kayong mag-drama. Sige na po, matulog na po kayo ulit at baka magkaiyakan pa tayo. At wag po kayong mag-alala sa akin. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Malakas yata ako!" itinaas pa niya ang kanang braso niya at pinisil ang maliit niyang muscle. Napangiti na lang din ang Nanay niya bago ito pumikit at muling natulog. Nang makalabas siya sa kuwarto nila ng Nanay niya ay napabuntong-hininga na lang ulit siya. Alam niyang hindi na magtatagal ang buhay ng Nanay niya kaya kahit nahihirapan siya at gusto na lang niyang umiyak at sumuko minsan ay pinipilit pa rin niyang magpakatatag. Kung sana ay buhay pa ang Tatay niya... Kaya lang ay nauna pa nga itong namatay dahil din sa sakit. Parehas ang Nanay at Tatay niya na elementary lang ang tinapos. Kaya hindi rin nakakuha ng mas maayos na trabaho ang mga ito. Ang Tatay niya ay naging construction worker at minsan ay drayber ng jeep samantalang ang Nanay naman niya ay tumanggap ng labada ng mga kapitbahay, minsan na rin itong nangatulong sa isang mayamang pamilya pero sa malas ay hindi naging maganda ang trato ng mga naging amo nito rito. Muli siyang napabuntong hininga. Kahit mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral ay pilit niyang kinakaya para balang araw ay makakanap siya ng mas maayos na trabaho at mas malaking kita. Matapos linisin ang mga pinagkainan at ilang kalat ay natulog na rin siya. Pero bago iyon ay marahas muna siyang bumuntong hininga habang pinapalakas pa lalo ang loob niya! Hindi siya puwedeng sumuko! Laban lang ng laban! Kinabukasan ay gaya ng routine niya kahit walang pasok sa iskwela ay naghanda muna siya ng breakfast nila ng Nanay niya bago siya naghanda para pumasok sa trabaho. Kapag Sabado at Linggo ay buong araw ang pasok niya sa grocery store. Tapos minsan ay may sideline pa siya kapag gabi gaya ng pagtitinda ng balut, pagbabantay sa isang burger stand, o kahit anong puwede niyang pasukan puwera lang sa mga trabahong medyo delikado. May sakit na nga ang Nanay niya at malapit na itong mawala sa mundo, bibigyan niya pa ba ito ng problema? Mabuting siya na lang ang mamroblema sa lahat huwag lang ang Nanay niya. Gaya ng mga nakaraang gabi ay hatinggabi na nang matapos ang lahat ng trabaho niya. Mas late pa nga siya ngayon ng 30 minutes bago umuwi kaya 11:30 na natapos ang trabaho niya, kagabi ay saktong alas onse. Late na rin kasi nagsasara iyong burger stand na pinagtatrabahuhan niya. Kahit pagud na pagod at inaantok na siya sa maghapong pagtatrabaho niya ay pilit niyang ginigising at pinapasigla ang diwa niya dahil uuwi pa siya. Sana lang ay hindi bumigay ang katawan niya sa araw-araw niyang pagpupuyat at pagtatrabaho dahil kailangang-kailangan pa siya ng Nanay niya. Nang dumaan ulit siya sa highway kung saan mayroong tulay at kailangan din niyang dumaan doon ay nagulat pa siya nang makitang nandoon na naman iyong kotseng pag-aari ng gwapong lalaki kagabi. Medyo iginala pa niya sa paligid ang mga mata niya dahil hindi niya nakitang pagala-gala o tumatambay sa labas ng kotse iyong gwapong lalaki kagabi. Madilim din ang loob ng kotse nito kaya hula niya ay wala ito sa loob. Hindi kaya tuluyan nang nagpakamatay iyong lalaki? Tumalon na kaya ito sa ilog? Anak ng teteng naman! Sabi nito ay hindi naman talaga ito magpapakamatay. Ano ba talaga kuya Rudy?! At dahil madadaanan naman niya iyong nakaparadang kotse ay sumilip muna siya sa baba ng tulay. Jusko Marimar! Ang dilim sa baba! Kahit siguro kakatalon lang nong baliw na lalaking iyon at tumalon rin siya sa baba para sagipin ito ay hindi niya rin ito mahahanap! Baka malunod pa siya kahit marunong naman siyang lumangoy! Paano na lang ang Nanay niya kung sakali? Baka mauna pa siyang matigok kaysa rito. "What are you doing?" "Ay butiki!" Bahagya pa siyang napatalon at napabitaw siya sa railings ng tulay nang bigla ba namang may nagsalita sa likod niya! Lechugas! Nilingon niya at matalim niyang tiningnan ang estrangherong baliw na lalaking maang na nakatingin sa kanya. Nakakainis! "Bakit ba bigla ka na lang nanggugulat?!" asik niya rito. "I didn't mean to startle you. I just wondered what you're doing here and what are you looking for down there." nagtataka naman nitong sagot. Ngali-ngali na niya itong sapukin! "Wala ka nang pakialam don! Buwisit ka!" Tinalikuran na niya ito at nagmartsa siya palayo rito. Mabuti pang umuwi na siya. Dapat talaga ay hindi na lang siya naging concerned citizen! Minsan talaga dapat hindi na lang siya nakikialam sa buhay ng iba dahil naaabala lang siya. "Why? Akala mo ba tumalon ako? I told you, wala akong balak magpakamatay. Were you worried about me?" Siya naman ang napamaang dito dahil nahimigan niya ang panunudyo sa tono nito. "Feeling mo naman!" muli niyang pagtataray rito at muli itong tinalikuran. Kapal ng mukhang itanong kung nag-alala siya rito! Curious lang siya, CURIOUS! "Just kidding. I just came here to see you again." Anito at muli siyang natigilan. "At bakit naman?" "I... think you're a good person and I'd like to be friends with you." Ilang segundo siyang napatitig dito matapos nitong sabihin iyon. Gusto nitong makipagkaibigan sa kanya?? At bakit naman kaya? "Bakit? Bakit ako? Wala ka bang friends? Busy ako. Wala akong oras makipagkaibigan sa'yo. Isa pa, mahirap lang ako at halatang mayaman ka. Hindi rin tayo magki-click." Inirapan niya ito pagkatapos ay tinalikuran ulit. Halos wala na nga siyang oras para sa sarili niya, makikipagkaibigan pa siya? Tapos sa isa pang lalaki? Wag na, uy! May kaibigan rin naman siya kahit papaano, si Liam. Iyong matalinong kabigan niyang bakla. "Don't you know the saying 'Two opposite poles attract to each other'? It think we can get along just fine. Mukha kang jolly and I think I need a friend like that. May friend naman ako kaso masyado 'yong seryoso." Muli ay saglit na naman siyang napatitig dito. Paano naman kaya nito nasabing jolly siya eh lagi nga siyang nagtataray dito? Tapos ay balak pa siya nitong gawing clown nito, ganon? "Wala akong pakialam. Sabi ko nga busy ako, di ba? Kaya wala akong oras makipagkaibigan sa iyo. Sige na. Maghanap ka na lang ng ibang kakaibiganin mo." Siguro, kung walang malubhang sakit ang Nanay niya at buhay pa ang Tatay niya ay may oras siya para gumala kasama ng maraming kaibigan niya. Siguro ay palagi siyang gagala at tatambay. Natuto na rin siguro siyang uminom kung wala lang siyang ibang prayoridad at baka nagkaboyfriend na rin siya. Baka nga natuto pa siyang magdroga kung sakali. Tsk. Siguro, kung wala lang siyang malaking problema ngayon ay easy go lucky lang siya kumbaga. Pero hindi ganoon ang sitwasyon niya. Siya na ang bread winner sa pamilya niya at may malubhang karamdaman pa ang Nanay niya. Kaya paano pa siya mag-eentertain ng kaibigan sa buhay niya? Igugugol na lang niya lahat ng oras at pera niya para sa Nanay niya, para bago man lang ito mawala sa mundo ay maibigay niya rito lahat ng makakaya niya at maiparamdan niya ang pagmamahal niya. Muli ay tinalikuran niya ang estrangherong lalaki at naglakad na siya palayo rito kahit paulit-ulit ito sa pagtawag sa kanya. Palala na ng palala ang sakit ng Nanay niya... Kung puwede nga lang na hindi na siya aalis sa bahay nila para maalagaan at maasikaso niya ito maghapon. Kaso, paano naman ang pagkain at mga pangangailangan nila? Kung di man mamatay sa leukemia ang Nanay niya ay sa gutom naman ito mamamatay. Dalawa pa sila! Pagkauwi niya ay naabutan niyang natutulog na ang Nanay niya. Mabuti na lang at mukhang payapa naman ang tulog nito sa kabila ng karamdaman nito. Pabalik-balik na kasi ang lagnat nito at nagkakaroon ng mga pantal sa katawan nito. Mabilis na rin itong mapagod at minsan ay may dugong lumalabas sa ilong nito. Nang lumabas siya sa kuwarto para magligpit at maglinis sa kusina ay wala sa loob na sumilip siya sa bintana at gulat na nakita niyang dumaan sa harap ng bahay nila iyong lalaki sa may tulay. At ano na naman kaya ang ginagawa nito roon? Sumunod na naman ba ito sa kanya para siguraduhing makakauwi siya ng maayos? Puwes kung balak nitong magpalapad ng papel sa kanya para payagan niya itong kaibiganin siya ay nag-aaksaya lang ito ng oras nito sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD