Chapter 1 - Helping A Friend

2115 Words
"Bhe, are you sure about this? You can still back out..." "Yes bhe, I'm sure about this. Let's do it!" "Pero paano—" "Let's just get married. Don't worry about me." Nginitian ni Becka ang kaibigan niyang si Liam bilang paninigurado rito na ayos lang maging asawa nito. Oo, magpapakasal siya sa ibang lalaki kahit si Clinton ang mahal niya. Bakit? Dahil kailangan siya ng kaibigan niyang si Liam. May malubhang sakit si Liam at may taning na ang buhay nito. Ayaw naman nitong iwan ang mga ari-arian nito sa nag-iisang kamag-anak nito dahil sa paniniwala nitong lulustayin lang ng Tito nito ang lahat ng kayamanang maiiwan nito kaya hinanap siya nito at pinakiusapang magpakasal silang dalawa. Mas mapapanatag raw ito na iwan ang lahat ng ari-arian nito sa kanya dahil alam nitong hindi siya mukhang pera at aalagaan niya lahat ng iiwan nito sa kanya. Liam is her boy-bestfriend eversince their childhood. Correction, he's not really a boy coz he's a gay. Pero siya lang ang tanging nakakaalam noon. Siya lang din ang tanging nakakaalam na malapit na itong bawian ng buhay. Dati na rin itong pinagselosan noon ni Clinton pero sa kagustuhan niyang pangalagaan ang sekreto ng kaibigan niya na babae ang puso nito idagdag pang ikakasal na noon sa iba si Clinton ay hinayaan na lang niyang magkahiwalay silang dalawa. Wala naman talagang sila ni Clinton in the first place. They were just friends who developed deeper feelings for each other hanggang sa hindi na nila napigilan ang sarili nila at may nangyari sa kanila. Pero hanggang doon lang iyon dahil nakatakdang ikasal si Clinton sa isang mayamang katulad nito, na siyang gusto ng Mommy nito para rito. Siya? Isa lang kasi siyang dukha. Sakitin pa ang Nanay niya noon hanggang sa tuluyan na nga siyang naulila. He pushed Clinton away then and left him. At ngayon, parang naulit na naman ang pangyayari noon. Ang pagkakaiba nga lang ay siya na ang ikakasal sa iba, hindi na si Clinton. Maybe it's really their destiny to be separated and marry someone else. "Puwede mo pa naman siyang balikan–" "Stop it, bhe. Wala rin naman kaming patutunguhan." Aniya habang naaalala kung gaano ka-ayaw ng Mommy ni Clinton sa kanya. Hindi na lang nagsalita si Liam at sabay na nilang tinungo ang Mayor's office kung saan sila ikakasal. Hindi rin masyadong nagtagal ang kasal nilang dalawa at agad siyang naging si Mrs. Becka Miranda Seres Molina. Molina... Dala na niya ang apelyido ni Liam. Pinangarap niya noon na Del Fierro ang pumalit na last name niya dahil iyon ang apelyido ng mahal niya. Pero mukhang hindi talaga sila ni Clinton ang itinadhana para sa isa't-isa. Imbes na mag-celebrate gaya ng karaniwang nagaganap pagkatapos ng kasal ay umuwi na lang sila sa Mansiyon ni Liam. Nagbayad lang din naman sila ng magiging witness sa kasal nila. Kailangan na rin kasing magpahinga agad ni Liam dahil hindi na nito kinakaya ang masyadong magpagod. Nagtungo na siya sa kuwarto niya at habang nakahiga ay muli niyang inalala ang nakalipas nila ni Clinton... Kung paano nagsimula ang lahat hanggang sa maging maganda ang pagtitinginan nila na nauwi sa malungkot na paghihiwalay katulad noon.... 6 years ago... Pauwi na si Becka mula sa pagtatrabaho niya bilang helper sa isang grocery store nang may madaanan siyang isang binata na nakatayo sa gilid ng tulay at akmang tatalon. Dahil naglalakad lang naman siya ay mabilis siyang tumakbo papunta rito para pigilan ito sa pagtalon! "Kung anuman ang binabalak mong gawin, 'wag mong itutuloy!" Sigaw niya sa lalaki kaya napalingon ito sa kanya. Una niyang napansin ang mahahaba nitong pilik-mata at makakapal na kilay na bumagay sa maganda nitong mga mata na parang tagos kung tumingin. Matangos din ang ilong nito at parang ang lambot ng mga labi nito. Sa madaling salita, gwapo— hindi, napakagwapo ng binatang nasa harap niya! Halata ring matangkad ito at malaki ang katawan! Kinuha niya ang pagkakataong tumingin ito sa kanya at mabilis siyang lumapit dito sabay hila dito pababa mula sa pagkakasampa nito sa gilid ng tulay. Nagpaubaya naman ang lalaki sa kanya habang nananatili lang itong nakatitig sa kanya. "Alam mo... Kung anuman ang problema mo, hindi sagot ang magpakamatay!" Malakas niyang sermon dito kahit hindi niya ito kakilala. Aba, iisa lang ang buhay at pag nagpakamatay ito ay hindi malabong mapupunta ito sa impiyerno! "Baka nga mas malaki pa ang problema ko kaysa sa iyo. Alam mo bang may malubhang sakit ang Nanay ko? Pero sinisikap niya pa ring lumaban kahit hirap na hirap na siya. Sa totoo lang, pinipilit ko ring magpakatatag kahit parang gusto ko nang sumuko sa buhay. Sabi kasi ng doktor, may taning na ang buhay ng Nanay ko. Pero bilang anak, hindi agad ako susuko. Kaya ikaw, wag kang magpapakamatay! Habang may buhay, may pag-asa! Sayang naman yang ka-gwapuhan mo kung kakainin ka lang ng mga isda." Dire-diretso niyang sermon sa lalaki at sa pagkagulat niya at unti-unti itong napangiti sa kanya. Bigla tuloy siyang nalito. Parang ang bilis naman yatang magbago ng mood at isip ng lalaking kaharap niya? Magpapakamatay pa lang ito, tapos pangiti-ngiti na ito sa kanya?? Napakurap-kurap tuloy siya rito. "T-Teka... May sayad ka ba??" Binitawan niya ang kamay nitong hawak pa rin pala niya at umatras siya ng dalawang beses palayo rito. Pero hindi na pala pantay ang sementong inaatrasan niya kaya na out of balance siya at lalagapak na sana patihaya sa kalsada, mabuti na lang at alerto din ang binata at agad nitong nahapit ang baywang niya! Bigla tuloy siyang napayakap dito at di nakaligtas sa kanya ang napakabango nitong amoy! Lihim pa nga niya iyong sininghot-singhot. "Mag-ingat ka kasi." Paninisi pa nito sa kanya nang maalalayan na siya nitong makatayo ng maayos. Teka... Di ba at ito ang may balak na magpakamatay? Bakit bigla ay siya na ang pinagsasabihan nito? Kumunot ang noo niya at nagpasyang tarayan ito. "Eh ikaw nga itong may balak magpakamatay! Kung hindi kita pinigilan, baka pinagpipiyestahan ka na ng mga piranha diyan sa ilog sa baba!" Kunot-noo niyang pagtataray rito. Pero napamaang siya nang muli na namang unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Lalo tuloy itong gumuwapo! Napaawang ang mga labi niya sa pinagsamang pagkamangha at pagkalito kaya nauwi na sa tawa ang pagngiti-ngiti ng lalaki sa kanya! Weirdo! Pero lalo pa itong gumuwapo! As in! Mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin nito at bahagyang inihip ng hangin papunta sa kanya ang hininga nito. Ang bango, besh! "Hindi ako magpapakamatay... At walang piranha rito." Napapangiti pa nitong sabi kaya kinunutan ulit niya ito ng noo. Eh sa may napanuod siyang movie na maraming piranha kaya iyon agad ang naisip niyang sabihin kanina! "I was just looking at the view... May iniisip lang ako but I have no plan to commit suicide. I'm sorry if I alarmed you... Though I'm not really sorry at all." Dagdag pa nito na pabulong na lang ang pagkakasabi sa huling pangungusap pero nakaabot pa rin sa pandinig niya. Ano daw, tumitingin lang ito sa view pero nakatayo pa talaga ito sa gilid ng tulay na akmang tatalon? Tapos, naisipan pa nitong tumingin ng view gayong maghahatinggabi na?? Eh baliw yata talaga ang lalaking kaharap niya! Tapos ano daw? Nagsosorry ito pero hindi rin nito mini-meant ang sorry? Ah, baliw nga talaga siguro! Sayang, guwapo pa naman at macho. Mukha pang mayaman. Mukha ngang foreigner eh! Umasim ang hitsura niya habang nakatunghay dito. Sa inis niya ay tiningnan na niya ito ng masama. "Hindi ka naman pala magpapakamatay! Sige, aalis na ako! Naabala pa tuloy ako dahil sa'yo." Pagtataray niya at tatalikuran na sana ito pero bigla nitong hinawakan ang kanan niyang braso para pigilan siya sa pagtalikod dito. "Wait! Bakit parang mas gusto mong magpapakamatay dapat ako?" Muli na naman siyang natigilan. Hindi naman iyon ang gusto niya... Ang ipinupunto lang niya ay naabala pa siya sa pag-aakalang magpapakamatay ito, tapos tumitingin lang pala ito sa view! Bakit kasi nasa taas pa ito kung titingin lang ng view? Puwede namang sa baba na lang habang nakatayo gilid ng sa kalsada! Pinaglololoko ba siya ng lalaking ito?! Nabubwisit na tuloy siya! "Eh bakit kasi diyan ka pa nag-viewing?! Tapos hatinggabi na, ganyan pa ang trip mo? Malay ko bang nagsa-sight seeing ka lang pala diyan para tingnan ang mga ilaw!" Muli niyang pagtataray sa lalaki habang salubong na ang mga kilay niya. Sa inis niya ay tuluyan na niya itong tinalikuran sabay hila sa braso niya. Tsk! Imbes na nakauwi na siya at na-check kung gising pa ba ang Nanay niya ay nandito pa siya at kausap ang lalaking iyon na mukhang may maluwang na turnilyo sa ulo. Tsk! Sayang talaga ang kagwapuhan nito! Ngayon sigurado na siya na walang perpektong tao sa mundo. Guwapo nga may sayad naman kahit mayaman. Siya, maganda pero mahirap lang tapos malapit na ring maulila. Haay buhay... Sige lang.. Pasasaan ba at malalagpasan din niya ang lahat ng pagsubok sa buhay niya. Giginhawa rin balaw araw ang buhay niya... sana lang sa mga panahong iyon ay kasama pa rin niya ang Nanay niya kahit mukhang malabo na iyon mangyari. "Wait! Saan ka uuwi? Delikadong maglakad mag-isa lalo't malalim na ang gabi. Ihahatid na lang kita." Maang siyang napatitig dito nang sabayan siya nito sa paglalakad. Natigil pa siya sa paghakbang nang muli na naman itong ngumiti sa kanya. Eh baka nga mas maging delikado pa siya pag sumama pa ito sa kanya. "Hindi na! Sanay na akong umuwi ng ganitong oras at dumaan dito. Wala namang masasamang tao dito at loko-loko. Ngayon lang." Aniya at muli na siyang naglakad. "Where? There's no one else here except for the two of us." Anito kaya muntik na siyang mapahagalpak ng tawa. Eh ang slow pala nito eh! Gwapo nga, may sayad naman. Ang slow pa! Tsk! Hindi ba nito napansin na ito lang naman ang tinutukoy niya? "Alam mo... Sayang ka. Guwapo ka sana eh." Nakangisi niyang wika nang hindi tumitingin dito at napailing-iling pa siya. "What? Sandali nga.. Saan ka ba talaga uuwi? I can use my car over there." Itinuro pa nito ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa bandang unahan lang nila. Muli na naman siyang napatigil sa paghakbang at tumingin dito. Mayaman nga! "Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin." Tanggi niya. "I insist. Sabi mo may sakit ang Nanay mo, di ba? Halika na, sumakay na lang tayo para mabilis kang makauwi sa inyo. Pambawi ko na lang sa'yo dahil naabala pa kita." Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya at parang bigla na naman siyang natulala. Ang guwapo talaga! Hindi naman talaga siya mabilis ma-attract sa isang lalaki. Kaya nga kahit 18 years old na siya ay never siyang nagkaroon ng crush sa isang lalaki noon dahil na rin siguro busy siya sa pag-aaral at sa pagwo-working student. Naisip nga niya noon na baka silahis siya o tomboy. Pero ngayon ay napagtanto niya na lalaki pa rin naman pala ang gusto niya. "Baka matunaw na ako niyan." Napakurap siya nang marinig ang sinabi nito at nang mapansin ang sariling nakatitig na pala siya rito. "Hmp. Tinitingnan ko lang kung may masama kang iniisip. Malay ko ba sa'yo, hindi naman kita kilala. Tsaka wag na, maglalakad na lang ako pauwi." Muli niya itong tinalikuran at mabilis na naglakad palayo rito. Sumabay muli ito sa paglalakad niya at pinipilit siyang ihatid na lang nito pero nagbingi-bingihan na lang siya. Ilang hakbang pa ay nalampasan na niya ang nakaparada nitong kotse. "Miss! Halika na! Delikado nang maglakad sa daan kapag ganito nang oras!" "Miss! Come on now. I promise, ihahatid lang talaga kita pauwi. I'm not a bad person. Miss!" Narinig pa niya ang mga pagtawag sa kanya ng artistahing lalaking iyon pero hindi na talaga siya lumingon dito. Sanay naman na siyang maglakad pauwi nang ganoong oras. 30 minutes na lakad lang naman mula sa pinagtatrabahuhan niya ay makakauwi na siya kaso naabala siya ngayong gabi kaya aabutin pa siguro siya ng kalahati pang oras bago makauwi. Buwisit kasing lalaki iyon! Nang nasa eskinita na siya papunta sa bahay nila ng Nanay niya kung saan medyo madilim na sa parteng iyon ay napansin na lang niya ang ilaw na nakasunod pala sa kanya. Paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya nang makilala na iyon ang kotse ng baliw na lalaki kanina! Bukas din ang ilaw sa loob ng kotse nito kaya nakita pa niyang ngumiti at kumaway ito sa kanya! Sinusundan ba siya nito?? Bakit? Para siguraduhing makakauwi siya ng maayos at ligtas? Dahil ba nakokonsensiya itong naabala siya nito? Hmp! Hindi naman niya kailangan ang tulong nito! Tiningnan niya ito ng matalim pagkatapos ay inirapan. Papansin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD