Chapter 3 - Her Loss

1381 Words
"Good evening!" Nakangiting sinalubong si Becka ng guwapo pero nakakainis na lalaki sa dating lugar kung saan sila unang nagkita nito noon. Pero nilampasan niya lang ito nang salubungin siya nito. Medyo nagtataka at nawiweirduhan na siya sa lalaking iyon dahil halos gabi-gabi na lang ay nadadaanan niya ito roon. Tapos ay panay ang papansin sa kanya. Hindi naman niya ito ginayuma pero bakit panay ang lapit at kulit nito sa kanya? "Ang suplada mo naman. Hindi ka ba naaawa sa akin? I always wait for you to pass by even if it's late at night. Tapos ni hindi mo man lang ako pansinin o ngitian?" Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi nito at hindi niya napigilan ang sariling harapin ito at pamaywangan. "Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na pumunta ka rito at hintayin ako?" Pero imbes na mabahala sa pagsusuplada niya ay ngumiti pa ang loko. Lalo lang tuloy nagsalubong ang mga kilay niya dahil parang inaasar pa siya nito. "Siraulo ka ba talaga? kung wala kang magawa sa buhay mo, wag ako ang pagtripan mo dahil busy ako!" Naiinis niyang asik dito. Pero may parte sa kanya na parang gusto na lang matawa sa kakulitan nito. Grabe naman kasi ito kung magpapansin! Sinadya ba nitong inisin siya ngayon para pansinin niya ito? "Sabi ko naman sa'yo, gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo, di ba?" Nang muli na siyang naglakad pauwi ay sinabayan siya nito. Hindi na siya sumagot at napailing na lang siya. "Ako nga pala si Clinton. Ikaw?" Kunwari ay walang naririnig na tuluy-tuloy siya sa paglalakad. Pero nang malampasan na niya ang nakaparada nitong kotse ay tumigil na ito sa paglalakad at pumasok na sa kotse nito. Mabuti naman at mukhang naliwanagan na ito na wala itong mapapala sa pangungulit sa kanya! Sana nga ay umuwi na lang ito at lubayan na siya nang tuluyan. Pero nagkamali siya ng akalang tatantanan na siya ng papansin na lalaking iyon dahil sumakay lang pala ito sa kotse nito pagkatapos ay sumunod sa kanya. Bumusina pa ito nang nasa likod na niya ito kaya nilingon niya ito at inirapan. "Sumakay ka na. Ihahatid na kita miss suplada." Pakiramdam niya ay umusok ang tenga niya sa pagkainis! Kaya lang naman talaga siya nagiging mataray at suplada ay dahil sa mga lalaking kagaya nito na super kulit! "Hindi ako suplada!" Muli niya itong tinalikuran at binilisan ang lakad niya. Panay pa ang salita nito at kung minsan ay sinasadyang sabayan ng kotse nito ang lakad niya pero nagkukunwari na lang siyang hindi niya ito naririnig at nakikita. Kailangan niyang makauwi agad dahil may lagnat na naman kaninang umaga ang Nanay niya. Pero hindi pa rin siya sasakay sa kotse ng papansin na lalaking iyon, noh!Tumawag naman siya kaninang hapon sa kapitbahay nila at pinakiusapan itong silipin ang Nanay niya. Mabuti at tulog naman daw kanina ang Nanay niya pero hindi niya talaga maiwasang mag-alala. Lately kasi ay sobrang bilis na talagang mapagod ng Nanay niya kaya ang bilin niya rito ay magbed rest na lang ito. Tapos, maputla na rin ang Nanay niya. Minsan ay nahihirapan din itong huminga. Hayy. Sana ay mabuti na ang pakiramdam ng Nanay niya pag-uwi niya. Ayaw na rin naman kasi nitong magpadala ulit sa doctor dahil gastos lang daw iyon. Ilang minuto pa ang nakalipas at sa wakas ay nakauwi na rin siya! Panay pa rin ang sunod sa kanya ng baliw na lalaking iyon pero hindi na lang niya ito pinansin hanggang sa makauwi na siya. Pinuntahan niya agad ang Nanay niya sa kuwarto at nakita niya itong natutulog. Napangiti siya pero agad nabura ang ngiti niya nang mapansing tila lalong pumutla ang Nanay niya at tila hirap na rin itong huminga. May maliit na pamunas na naman din sa mesa na may mantsa ng dugo. "Anak...." Alerto siyang lumapit sa Nanay niya at hinawakan ang kamay nito na akmang inaabot siya. Gising pa pala ito at mukhang hinihintay talaga ang pagdating niya. "Nay..." Mahina niyang tawag sa pangalan nito. "Dadalhin kita sa doktor..." Naiiyak siya pero pinipigilan niya ang pagsungaw ng mga luha niya. Alam naman niyang malapit nang bawian ng buhay ang Nanay niya, pero sana, wag naman ganon kaaga.... 18 pa lang siya.. Ang dami pa niyang gustong maabot at magagandang bagay na iparanas sa Nanay niya. Kung sana ay lumaban pa ito para sa kanya, para sa kanilang dalawa... "Anak... Hindi ko na kaya..." Hinihingal nitong daing sa kanya na may pilit na ngiti. "Alam mo bang lagi ko nang napapanaginipan ang Tatay mo? Isinasama na niya ako, anak.. Hirap na hirap na ako..." Umiling siya nang paulit-ulit sa Nanay niya lalo na nang pumipikit ito habang hinihingal na nagsasalita. "Lumaban ka, Nay!" Hindi na niya napigilan ang mga luha niya at bigla na lang ang mga iyong pumatak. Namamaalam na ba talaga sa kanya ang Nanay niya? Ayaw niya.. ayaw niya pa! "Dadalhin kita sa doktor, Nay!" Tatalikod na sana siya rito pero kahit nanghihina na ito ay humigpit ang kapit nito sa kamay niya. "Matagal nang bumibigay ang katawan ko, anak... Halos hindi na rin ako makakain... Pagod na pagod na ako. At alam kong ikaw rin." Bumalong na rin bigla ang mga luha sa mga mata ng Nanay niya pero muli siyang umiling dito. Hindi pa niya kayang mabuhay mag-isa! Kahit isang taon pa sana... Hindi... Dalawa o tatlo... lima hanggang sampung taon... Sana mabuhay pa nang ganoon katagal ang Nanay niya! "Mahal na mahal kita Nay, at gagawin ko ang lahat para makasama pa kita ng matagal!" Tinalikuran niya na ito at lumuwag din naman ang hawak nito sa kamay niya. "Mahal din kita anak... Patawad..." Lalong bumuhos ang luha niya pero hindi na niya nilingon ang Nanay niya dahil desperada siyang makahingi ng tulong para madala ito sa hospital. Lihim niyang nahiling na sana ay nasa labas pa ang makulit na lalaking iyon. Patakbo siyang pumunta sa kalsada at natanaw pa niya ang kadaraan lang na kotse ng lalaking makulit. Natagalan yata ito sa pagyu-U-turn kaya ngayon pa lang ito pauwi. "Clinton! Clinton! Tulungan mo ko! Clinton!" Sigaw niya habang hinahabol ang kotse nito. Mukhang napansin naman siya ng lalaki kaya tumigil ang kotse nito at agad itong lumabas mula roon. Napayuko naman siya at napahawak sa mga tuhod niya habang hinihingal dahil sa pinagsama-samang pagod, takot at labis na pag-aalala. "Oh. Hindi mo ako pinapansin kanina tapos ngayon maghahabol ka." pabiro pa nitong sabi pero nang iangat niya ang mukha niya ay napalitan ng pagkagulat at pag-aalala ang ekspresyon nito sa mukha. "What happened?" "Tulungan mo 'ko... Dalhin natin sa hospital ang Nanay ko..." Pakiusap niya rito at agad naman itong tumango. Ilang metro pa lang naman ang layo nila mula sa bahay nila ng Nanay niya kaya tinakbo na lang nila papunta roon. Agad niyang iginiya si Clinton sa kuwarto at agad naman nitong binuhat ang Nanay niyang wala na yatang malay. Dali-dali nitong isinakay sa likurang bahagi ng kotse nito ang Nanay niya at nang parehas na silang nakasakay ay pinaharurot na nito ang kotse nito. Wala na nga yata itong pakialam kahit magasgasan ang kotse nito habang palabas sa eskinita. Pagdating nila sa hospital ay isinugod agad sa emergency room ang Nanay niya. Napahagulgol na siya nang makitang tila nire-revive ang Nanay niya. Napayakap na lang siya sa estrangherong si Clinton nang lumapit ito sa kanya. Ang tanging nararamdaman niya lang ng mga sandaling iyon ay paghihinagpis sa sinapit ng Nanay niya, ang paninisi sa sarili niya dahil hindi niya naipagamot ng maayos ang Nanay niya at galit dahit sa kanilang kahirapan. "Stay strong.. I know you're strong... Everything will be alright..." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ni Clinton. Nakatulong din ang magaan nitong paghaplos sa likod niya para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Kung sa ibang pagkakataon lang ay hinding-hindi siya yayakap dito at hinding-hindi niya ito hahayaang hawakan siya ng ganoon. Pero ngayon ay parang kailangan niya pa iyon. "Time of death, 12:23 AM." Napakalas siya kay Clinton at napalingon siya sa doktor dahil sa sinabi nito. Nilapitan niya agad ang Nanay niyang nakahiga na putlang-putla na. "I'm sorry. Hindi na kinaya ng katawan ng pasyente." Hingi nito ng dispensa sa kanya at muli na lang siyang napahagulgol at napayakap kay Clinton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD