Chapter 3

1573 Words
CHAPTER THREE ADAM MEADOWS "SO? Is she your type?" Henry asked as I was staring at his mobile screen. Picture ng babae. Pangatlo na 'to sa mga babaeng inirereto sa akin ng mga kaibigan ko. 'Yong una at pangalawa ay hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong picture dahil kilala ko. Ate siya ni Jenna, ang dating kaibigan ni Jazzlene. Natatawa na lang akong sa mga kaibigan ko na ibinubuyo ako kung kani-kaninong babae. Gusto kasi nila na magkaroon na ako ng girlfriend, someone na I can be with lalo na kapag alam n'yo na. But I don't do girlfriend. Hindi naman porke wala akong girlfriend ay dry na ang s*x life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. At hindi sila basta-basta dahil hindi ako pumapatol sa kung kani-kanino lang. Tulad na lang ngayon, wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko lalong-lalo na 'yong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dress, she looked like the type who expected sweet nothings and lovemaking in bed. I didn't do sweet nothings and gentle lovemaking. My style was distinct, appealing only to a specific type of woman. I preferred raw passion, no frills, just pure intensity in bed. Hindi rin ako nakikipaghalikan sa mga babaeng ikinakama ko. Ayoko rin nakikita ang mga mukha when we do it, kaya I always made sure na we do it dog style. Tss. "Ayoko," tipid kong sagot at ibinalik sa kaniya ang cell phone niya. "Kay Gerald mo na lang ipakilala. Sigurado hindi niya 'yan tatanggihan." I motioned toward Gerald na katabi ni Zane sa sofa. Nagsama-sama kami ngayon dito dahil magkakalayo na naman kaming magkakaibigan. Lilipad na naman silang apat next week. Si Zane, six months siyang mawawala, while 'yong tatlo, four months. Ako lang ang maiiwan sa bansa dahil hindi naman ako piloto katulad nila. Isa pa, Meadows Group is here, so I need to be here. "May I see?" Natatawang inabot ni Gerald ang phone niya. Pero sa aming lahat, si Zane talaga ang masasabi kong malakas ang charisma, at tinaguriang sweet guy. Maraming naa-attract sa kaniya. Kabi-kabila ang mga babae pero walang official girlfriend ang loko. Katuwiran niya, ayaw niya pa ng commitment dahil nag-e-enjoy pa raw siyang magpahabol sa mga babaeng halos sambahin siya. Mabait si Zane. While I tended to keep people on edge, he had a knack for putting them at ease, especially with women. His approach was the opposite of mine—more was always merrier in his book. Kung i-co-compute nga ang mga babaeng naikama na niya, probably, half of the city na. And he's proud of it. "Woah. Men, look. Ang lusog, oh. Yumyum!" Nakangisi si Gerald habang zino-zoom ang screen. "And her ass . . . bilog na bilog din! Sarap i-spank nito." "Teka? Hindi ba't kapatid 'to ng kaibigan ni Jazzlene noon?" Nakasilip na si Zane sa screen kaya napuna na rin niya 'yong picture. Akala ko ako lang ang nakakilala. "H'wag n'yong patulan 'yan at baka pag-untugin ko pa sila ng kapatid niya," he added, annoyed. I could feel his concern toward his sister. Mapang-asar lang siya kay Jazz pero overprotective siya sa kapatid niya. In fact, noong nalaman niya na niloko si Jazz ng ex-bf nitong Vince ang pangalan, six years ago, at ng best friend nitong si Jenna, siya ang gumawa ng paraan para magkahiwalay ang dalawa. Pero siyempre, tinulungan ko siya. "Ano na naman 'yang pinagpipiyestahan n'yo?" Napalingon silang lahat sa pagdating ni Jazzlene, maliban sa 'kin. Deretso lang ang tingin ko sa center table dahil narito kami sa maluwang nilang sala. Hinintay ko siyang makalapit. May dala siyang tray na may lamang pagkain. Newly baked blueberry cookies at lemon juice. Alam kong siya mismo ang nag-bake ng cookies na 'yon. She loves baking. I mean, not just baking. She loves cooking and everything related to food. Kaya rin siguro HRM ang kinuha niyang course. Habang inihahain niya sa 'min ang meryenda, I took my time to study her. Nakaligo na siya. Nakasuot ng floral pink na pajama at maluwang na white t-shirt. Basa pa ang buhok niya na sinuklay papalikod. No make-ups on, but still, beau—hell no. Mukha siyang manang kapag nasa bahay. Ibang-iba ang hitsura niya kapag nasa labas at kasama ang mga kaibigan niya. "Nanonood kayo ng porn, 'no?" Masama ang tingin niya kina Gerald at Zane na naabutan niyang nakatutok sa screen ng cell phone. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Nakasabit sa balikat niya ang jacket ko na ipinahiram ko sa kaniya kanina bago siya bumaba sa sasakyan. "Porn? No." Mabilis na umiling si Gerald. "May tinitingnan lang kami. New business." He laughed a bit, pero halatang hindi niya napaniwala si Jazz. "Business?" Tinawanan niya 'yong dalawa 'tsaka niya ipinokus ang tingin kay Zane. "Baka monkey busniess. Siguradong babae 'yan. Maniniwala lang akong business 'yan kung si Adam ang nagsabi. Siya ang tunay na business minded. Kayo, puro mga dede at puwet lang ang laman ng mga utak n'yo!" "Bibig mo, Jazz, ah! Umalis ka na nga!" Inis siyang ipinagtabuyan ni Zane, pero hindi siya kumilos. Kinuha niya ang jacket kong nasa balikat niya. Alam kong sa 'kin na siya babaling kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Ito na pala 'yong jacket mo." Inabot ko 'yon at saglit siyang sinulyapan. "Salamat na rin sa pagsundo." Tipid na pagtango lang ang isinagot ko. Agad rin naman siyang tumalikod para iwan na kami. "Jazz, teka!" tawag ni Zane bago pa man makalayo si Jazz. Huminto siya at nilingon si Zane. "Bakit?" "Ano'ng katangahan na naman ang nagawa mo kanina at nagpasundo ka? 'Di ba kasama mo mga kaibigan mo? Don't tell me pinagkaisahan ka na naman nila? Niloko ka na naman ba ng boyfriend mo at ipinagpalit ka? Kanino? Kay Camille? Kay Violet? Kay Leigh?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi siya nakasagot at napayuko. My eyebrows furrowed and I sensed something. Did she lie? Ang sabi niya sa 'kin kanina no'ng tinanong ko siya, masama raw ang pakiramdam niya. Hindi ba 'yon ang totoong dahilan? "Hoy, sumagot ka!" Zane raised his voice. Unti-unting umangat ang mukha niya and "H-Hindi sa kanila. Sa lalaki. Sa lalaki niya 'ko . . . pinagpalit." Silence. I don't know how long. Natapos lang ang katahimikan nang marinig na naming lumalakas na ang paghikbi ni Jazz at sunod-sunod na ang pagsinghot nito. "Lalaki?" Zane asked in disbelief. "Ipinagpalit ka ng boyfriend mo sa kapwa niya may bayag?" Bahagyang tumango si Jazz and that's when she broke down. And for some inexplicable reason, I felt an urge to salvage someone and watch them crumble into ashes at my feet. Tumayo si Zane sa upuan niya at nilapitan ang kapatid. He hugged his sister and patted her back. "Ano'ng sabi ko sa 'yo noon? 'Di ba binalaan na kita sa lalaking 'yon? Noon pa naamoy ko nang hindi straight 'yan. Pero 'di ka nakinig sa 'kin. Pinairal mo 'yang karupukan mo." Napailing siya. Maging sina Gerald at Henry ay hindi na rin naiwasang umiling. Bumitiw siya sa Kuya niya at mahinang nagsalita habang humihikbi. "H-Huwag mo 'kong isusumbong kay Mommy." "Hindi ikaw ang isusumbong ko. 'Yong magaling mong ex. Moooom! Mommyyyy!" "Kuya, ano ba!" I saw how Jazz panicked. Parang gusto ko tuloy dagukan si Zane sa ginagawa niya. "Moooom!" "Tumigil ka—" Bago pa man niya maabot at matakpan ang bibig ng kuya niya, narinig na sila ng mommy nila. "Yes?" Palapit na ito sa direksiyon namin. 'Laging seryoso ang mukha ni Attorney Franxine Hart, pero mabait ito. Anak na rin ang turing niya sa akin, sa aming magkakaibigan. "Bakit? Napapa'no kayo?" "Itong si Jazz, mom, broken," Zane said. "Ipinagpalit siya ng boyfriend niya." "Na naman?" Tita Franxine asked in disbelief and turned her gaze to her daughter. She looked at her with pity. "What happened?" Ayaw pa ring magpaawat ni Zane at siya pa rin ang sumagot sa Mommy nila. "Not with her best friend this time. Sa lalaki, Mom. That Dom is a bisexual! Noon ko pa talaga duda 'yon at sinabihan ko na rin 'tong si Jazz noon, but she didn't listen." "Oh, my daughter. Are you okay?" Attorney Hart opened her arms at agad namang yumakap sa kaniya si Jazz. "I'm not, mommy. Masakit pa rin . . ." Kung kanina ay bahagya siyang tumigil sa pag-iyak, ngayon ay nagtuloy-tuloy na naman sa pagbagsak ang luha niya. "Let's go uptairs. Pag-usapan natin 'yan." Binalingan kami ni Attorney Hart nang bumitiw sa kaniya si Jazz. "Boys, iaakyat ko muna si Jazz sa taas. Enjoy lang kayo, ha? At walang aalis sa inyo. Dito na kayo mag-dinner. Oh, sorry. Maliban kay Henry dahil may asawang naghihintay d'yan." She laughed a bit. "It's okay, tita. Dito na lang din ako kaka—" "Shut up, men. Umuwi ka sa asawa mo kung ayaw mong abugbog Berna," humahalakhak na sabi ni Gerald. "T*ngina talaga ng Dominic Francisco na 'yon. 'Wag kong makakasalubong 'yon, babasagin ko talaga mukha no'n. Tatanga-tanga na nga 'yong kapatid ko, sinaktan pa ng hay*p! May araw rin sa 'kin 'yon." Inabot niya ang isang baso at sinalinan ng lemon juice 'tsaka nilagok. I took my phone out of my pocket and type a message for my male secretary. "I need every detail on Dominic Francisco. Get it to me in fifteen minutes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD