CHAPTER TWO
JAZZLENE
TAMA nga ang kutob ko, ang aroganteng si Adam Meadows ang susundo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or maglalakas-loob na lang na bumalik sa hotel. Hindi niya 'yon direktang sinabi pero ramdam ko sa malamig niyang pakikitungo noon pa.
Saglit akong napayuko at ibinaba ang tingin sa mga paa kong marumi dahil nakayapak akong pumunta rito. Nakatayo na ako sa harap ng kotse niya. As I bit my lower lip, kasunod din no'n ang pagbaba ng salamin sa bintana ng shotgun seat.
"Get in," aniya sa malumanay na boses. "O gusto mo pang pagbuksan kita?" he said in a very cold tone. I felt my body froze in a bit.
"Salamat sa pagsundo sa 'kin," I said, almost a whisper bago umayos ng upo at ipinulupot nang mabuti ang t-shirt na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nanginginig ako sa lamig o dahil sa presensiya ng frozen guy na ito.
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya, hindi ko naririnig. He didn't respond or even glance at me as he expertly navigated the twists and turns of the road to my house. He drove with the same precision and intensity as he walked, talked, and breathed—steady and controlled, yet exuding an unmistakable aura of danger, warning anyone reckless enough to challenge him that they'd be signing their own death warrant.
Saan ba siya napulot ng mga Kuya ko? Bakit sila nagkasundo?
Ibang-iba kasi siya sa mga kapatid ko, kaya nga hanggang ngayon ay isang malaking puzzle sa isip ko kung paano niya nakasundo 'yong tatlo kong Kuya. Maliban kasi kay Gerald at David, itong si Adam ang pinakamalapit sa mga kapatid ko. Gano'n din si Adam. Ang tatlong Kuya ko ang pinaka-best friends niya.
Hindi ko alam kung bakit sila nag-click. Dahil ba matalino si Adam at sobrang yaman? Pero, I doubt, hindi naman materyoso ang mga kapatid ko.
As I said, he's pretty d*mn rich at the age of twenty-seven. Sabi nila Kuya, mga business tycoon ang parents ni Adam. Ang mas magilas pa, ang yaman nila ay napalago niya nang limang beses noong tumuntong na siya sa legal age na twenty-one.
He has an IQ of 180 at in-invest niya ang kaniyang katalinuhan sa makabagong teknolohiya. Sa pagkakatanda ko pa nga ay nakaimbento siya ng tatlong financial modelling software at isang security software bago siya maka-graduate ng high school. Kaya naman that time, seventeen pa lang siya ay kinilala na siyang multi-millionaire at naging laman pa siya ng mga balita mapa-TV man or internet. At sa edad na twenty-seven, ay kinikilala siya bilang pinakabatang bilyonaryo sa bansa.
Now, at his age, he's the CEO of one of the country's most renowned and successful electronics companies. Isa siyang alamat, and he knew it. Kaya siguro ako nayayabangan sa aura niya.
Ang mga Kuya ko naman ay puro pilot. Same age si Adam at Kuya Zane. Si Kuya Zero naman ay twenty-six, at si Kuya Zian ay twenty-five. Naging kaibigan nila si Adam simula noong high school pa sila. Nagkahiwalay lang sila ng landas dahil pilot school ang kinahinatnan ng mga kapatid ko sa kagustuhan nilang sundan ang career ni Daddy. Pumasok naman sa business school si Adam. Sina David at Gerald naman ay nakilala nila Kuya sa pilot school bago naging tropa. Nang maipakilala nila Kuya si Adam sa dalawa, nagkasundo agad sila.
Saglit kong sinulyapan si Adam habang nagmamaneho. Kung hindi lang siya masungit at parang yelo ang aura baka nagustuhan ko pa siya. Ang guwapo naman kasi talaga. Tall, not very dark and handsome ika nga. Nasa kaniya na ang lahat.
Kung bibilangin ang taon ng pagkakaibigan nila ng mga Kuya ko ay halos hindi ko na mabilang, pero masasabi kong hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Sila lang naman kasi nila Kuya ang close. Not us. Kapag nasa bahay siya ay hindi naman kami nag-uusap.
"P-Pupunta ka ba sa bahay? Or ipinasuyo lang ako ni Kuya Zane sa 'yo?" I finally asked, trying to break the awkward atmosphere between us.
"Papunta dapat ako sa inyo no'ng tumawag siya." Okay. Still cold.
Noong nai-park na niya ang sasakyan niya sa tapat ng gate ng bahay namin, hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pagbukas ko ng pinto sa side ko.
Napalunok ako. "Bakit? Narito na tayo sa bahay. Bababa na 'ko. Thank you."
"Lalabas ka nang ganyan?" A subtle flicker of disapproval played at the corners of his mouth.
Nang hindi ako kumibo, he inclined his head toward my legs and chest. Nagbaba ako ng tingin doon at bahagyang namilog ang mga mata dahil nakabakat na sa basang t-shirt ang katawan ko. Bakat na bakat ang dibdib ko at litaw naman ang legs ko, obvious na wala akong short at naka-underwear lang. At salamat sa malamig na aircon dahil kanina pa pala niya binuhay ang magkabila kong n*****s.
I instinctively crossed my arms over my chest, my cheeks blazing heat. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi? You could've told me sooner." Nilingon ko siya at napansin kong nasa legs ko ang mga mata niya na lalong nagpainit sa mukha ko. "H'wag ka ngang tumingin! Isusumbong kita kina Kuya, sige! Sasabihin kong minamanyak mo 'ko sa isip mo!" medyo inis kong sabi.
He smirked. "Magsumbong ka. Hindi ka naman nila paniniwalaan dahil alam nilang hindi kita type." Nahiya ako bigla sa sinabi niya. Well, it's a tie naman. "Anyway, ano'ng ginagawa mo sa bus stop kanina? Bakit mag-isa ka ro'n? Tapos ganyan pa suot mo?" Muli niya akong sinulyapan, this time ay sa dibdib ko siya tumingin, pero saglit lang. Iniwas niya rin agad ang tingin.
I sighed. "May bonding kami ng mga friends ko sa resort. Tapos . . ." Napaisip ako kung itutuloy ko ba. What if sabihan niya uli ako ng, "buti nga sa 'yo" like noong kinuwento ko sa kanya noon ang nangyari sa amin ni Vince? Nakahihiya pa kung malalaman niyang nag-cheat sa akin ang boyfriend ko sa kapwa nito lalaki. "Sumama ang pakiramdam ko kaya umalis agad ako sa hotel para magpasundo kay Kuya Zane. Pero hindi raw kasi siya makakaalis sa bahay dahil may mga bisita, kaya siguro ikaw ang pinakisuyuan."
Napabuntonghininga siya at hinubad ang suot niyang itim na leather jacket at hinagis sa kandungan ko. "Suot mo 'yan. 'Di ka puwedeng lumabas na walang balot. Baka nariyan na sa loob sina Gerald."
Pagkasabi no'n ay nauna na siyang lumabas sa sasakyan, iniwan akong mag-isa sa loob. Mula sa bintana ng sasakyan ay tinanaw ko siya. Hindi naka-lock ang gate namin kaya nagawa niya 'yon itulak at pumasok. Ang loko, feeling niya ay rito na rin siya nakatira.
Napatitig ako sa jacket niyang iniwan sa akin. Wala sa sariling dinala ko 'yon sa ilong ko para amuyin.
Amoy Adam.
Amoy ng masarap magmahal.
Amoy masarap baby-hin.
Huy!