Chapter 4

1898 Words
CHAPTER FOUR ADAM MEADOWS MAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Magkatabi ang parents nila Zane. Napagigitnaan naman ako nina David at Gerald at sa tapat naman ang tatlo. "Malapit na OJT ng kapatid n'yo." Si Attorney Hart. Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz. "OJT? Where?" Zane asked. "La Vienna Hotel." Nagsalubong ang kilay ni Zian. "La Vienna? Ang layo naman, Mom." He was right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now. "Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad n'yo kapag nagsimula na siya. Alam n'yo naman 'yang kapatid n'yo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Tita. I agree. "Ayoko nga sana s'yang payagan na doon mag-OJT," panimula ni Tito Angelo, ang Daddy nila. "Pero doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan niya. Sama-sama raw sila." He shrugged. "Kailan?" Zero asked, curious. "Three months from now." Si Tita Franxine. "Three months pa pala. Akala ko next week na. Kung three months pa, siguro kahit hindi na siya lumayo. May bagong hotel na bubuksan dito sa Aloha, 'di ba? Mas malaki pa 'yon sa La Vienna at sigurado 'kong makikilala rin 'yon." Bumaling sa 'kin si Zane. "Nakikita mo 'yong lagi nating nadadaanan? 'Yong M-Power Hotel?" Tumango ako bago niya ibinaling muli ang tingin sa mga magulang. "Nakita ko sa social media na magbubukas na 'yon next month. Kumbinsihin n'yo na lang si Jazz na baka puwedeng do'n na lang s'ya mag-OJT. 'Di rin ako mapapanatag kung lalayo pa 'yong tanga na 'yon. Baka mamaya ano pang mangyari sa kanya kung mga kaibigan niya lang kasama niya." "Makatanga ka naman, Kuya!" Nabaling ang tingin naming lahat sa kadarating na si Jazz. Kunot ang noo niyang tumayo sa tabi ng Mommy niya, nakahawak siya sa ibabaw ng sandalan ng upuan habang nakikipagtalo kay Zane sa pagtawag nito sa kaniyang tanga. Habang nagpapalitan sila ng sagot, hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Nakasuot siya ng yellow dress. What a pity. The dress was exquisite, but my mind flashed back to our car ride when her damp shirt had molded to her, and her n*****s had peaked against her swim bra. Bakat na bakat din ang underwear niya and her beautiful legs were on display. I mean, she's not exactly my usual type, but I couldn't deny I enjoyed the scenery. Sa isip ko nga, ini-imagine ko ang sarili ko na inaangat ang manipis niyang t-shirt para laruin ang katamtamang dibdib. I could imagine myself tugging her bra aside and closing my mouth around those sweet, hardened nipp— "Adam?" F*ck. "Yeah?" I said, out of myself nang tawagin ako ni Tita. "Sabi ko kain na tayo. May problema ba?" she added, looking at me with concern. Hindi ko kasi namalayang nagsisimula na pala silang kumain. Ge. Daydream pa. Hay*p. "Uhm. No. I'm fine." Bahagya akong umiling para alisin sa isip ang pagnanasa kay Jazz na nagsisimula nang umusbong sa aking isip. What the f*ck is wrong with me? Kabaligtaran siya ng babaeng gusto kong ikinakama. Malayong-malayo siya sa standard ko at kahit kailan hindi niya 'yon maaabot. "Jazzlene, darling. Tama ang Kuya mo. Doon ka na lang mag-OJT sa hotel na magbubukas dito sa Aloha," baling ng daddy nila sa kaniya. "Next month, mag-o-open na raw 'yon. Mukhang mas malaki pa 'yon sa La Vienna." "Daaad~," she whined. "Nag-usap-usap na kami ng mga kaibigan ko. Na-finalize na namin na sa La Vienna kami mag-o-OJT. Wala nang bawian 'yon." "Pero malayo 'yon. Paano kung emergency at kailanganin mo kami ng mom mo? Three hours ang biyahe papunta ro'n, hindi ka namin mapupuntahan agad-agad. Buti sana kung may kapangyarihan kaming mag-teleport para mapuntahan ka na 'sing bilis ng kidlat." "Daddy, malaki na 'ko. Kaya ko sarili ko. 'Tsaka wala namang mangyayari sa 'kin do'n. Isa pa, may kaibigan akong artista. Si Camille. Alam n'yo namang always may bodyguard na kasama 'yon, 'di ba? Kaya wala kayong dapat ipag-aalala. Hangga't kasama namin si Camille, pati kami damay na rin na binabantayan." "Pero si Camille ang priority ng bodyguard niya, hindi kayo." She rolled her eyes. "Dad, please. Malaki na 'ko. I'm already twenty-one. Hindi na 'ko bata. Kaya ko na ang sarili ko. Promise!" Inabala ko ang sarili ko sa pagkain habang nakikinig sa kanilang pamilya tungkol sa usaping OJT. We have fried chicken for dinner at guisadong mais. Isa 'to sa dahilan kaya hindi ako tumatanggi kapag dito ako pinakakain ng parents nila. Masarap magluto si Attorney Hart. Halatang sa kaniya namana ni Jazz ang skills sa kusina dahil kapag si Jazz ang nagluluto rito sa kanila, umuuwi rin akong masikip ang pantalon dahil sa dami ng nailalaman ko sa tiyan ko. Minsan ang daddy nila ang nagluluto. Si Zane, Zero at Zian lang ang walang talent sa kusina kaya sila lagi ang bumabagsak sa paghuhugas ng pinagkainan. Alam ko ang mga bagay na 'yon dahil simula pa high school ako, maraming beses na akong dito kumakain. Bawat sulok nga ng bahay nila ay kabisado ko na rin. As I savored fond memories, a tinkling laugh echoed through the air, capturing my attention and leading my gaze to its origin. Jazzlene. "Masyado kayong pabida sa buhay ko. Ang laki-laki ko na kaya! Alalahanin n'yo mga Kuyang, type B ang dugo n'yo, hindi O... A. Okay?" Tinawanan niya uli ang mga kapatid. Hindi ko alam kung ano na'ng pinag-uusapan nila. After the dinner, naunang nagpaalam sina David at Gerald sa parents nila Jazz. Naiwan naman ako dahil nakasanayan ko na rin na nagpapahuling umuwi sa aming magkakaibigan. Why? Dahil hindi pumapayag si Zane na wala akong ambag pagkatapos naming kumain. Hindi raw kasi ako iba sa kanila kaya pinaghuhugas niya ako ng mga pinggan. Ngayon, pareho na kaming nakaharap sa sink. Siya ang tagakuskos at tagasabon, ako naman ang tagabanlaw. Si Zero at Zian naman nasa upuan pa rin nila, nagkakape. I heard him tsked, so I asked, "Why?" "Aalis na kami next week. Pa'no kaya si prinsesa kapag wala na kami sa tabi niya?" "What about her?" "I'm worried about her, man." His expression grown serious. "Alam kong nasa legal age na siya. Pero kahit na ilang beses pang lumabas sa bibig niya ang salitang kaya na niya ang sarili niya, duda pa rin ako. Sa tuwing may problema 'yan, imbes na sila Mom at Dad ang tawagan, kaming tatlo ang binubulabog dahil ayaw niyang mapagalitan. Pa'no ngayon kapag umalis kaming mga kuya niya at anim na buwang mawawala?" In all our years of friendship, I've come to anticipate where conversations with Zane are headed. And honestly, I didn't like it one bit. "Hire her a bodyguard. Simple." Zane snorted. "Bodyguard? Wala akong tiwala sa mga ganyan. Nakalimutan mo na bang kinuhanan din siya noon ng bodyguard nila Mom? And it didn't go well." Oo, natandaan ko. Noong seventeen years old si Jazz ay muntik na itong ma-kidnap. Hindi siya ibinaba ng taxi na sinasakyan niya at umiba ito ng ruta. Base sa statement ng taxi driver noong nahuli siya at na-i-report, balak niyang pagsamantalahan si Jazzlene. Buti na lang no'ng time na 'yon, naging malakas ang loob ni Jazz at sinipa-sipa niya ang salamin sa bintana ng backseat kung saan siya nakaupo hanggang sa mabasag 'yon. Nakasigaw siya at nakahingi ng tulong. Na-trauma siya that time kaya simula no'n nag-hire si Attorney Hart ng driver s***h bodyguard niya dahil no'ng panahon na 'yon, hindi pa retired ang Daddy nila at palaging wala dahil sa trabaho. Silang tatlong lalaki naman, nasa pilot school na no'ng time na 'yon kaya wala talagang titingin sa kaniya dahil busy rin ang mommy nila. Noong nag-eighteen si Jazz, 'yong gagong bodyguard niya ay nagkaroon din ng pagnanasa sa kaniya. Hindi siya physical na minolestiya. Pinadalhan ng mga obscene text messages si Jazz and she got scared kaya noong nagkaroon siya ng chance na kontakin si Zane, isin-end niya rito lahat ng screenshot ng messages ng bodyguard niya at ipinasa naman sa 'kin ni Zane. Bago pa may mangyaring hindi maganda, kinausap agad ni Zane ang parents nila kaya nasisante agad ng Mommy nila 'yong lalaki at ipina-blotter. I let out a sigh. "No need to fret. Aloha is secure now, and around here, the crime rate is practically nonexistent." "I know. Pero mas mapapanatag pa rin ako kung alam kong may titingin-tingin sa kanya. Lalo na anim na buwan kaming mawawala." F*ck. I knew it. Alam ko na talaga ang likaw ng bituka nitong gag*ng 'to. Alam ko na kung ano'ng susunod niyang sasabihin, and I swear, isusumpa ko siya kapag tama ako. "Alam kong busy ka. You're a CEO with a mountain of tasks on your plate. Pero alam mo rin na tanga ang kapatid naming si Jazz. So, if you could keep an eye on her, just to make sure na hindi siya ulit maki-kidnap ng taxi driver at momolestyahin sa text message ng kung sinong loko-loko, tatanawin ko 'yong malaking utang na loob." "Bakit ako?" I asked, my brows furrowed. "Dahil nakampante ako sa 'yo simula nang sabihin mo kaninang hindi mo tipo si Jazz at hinding-hindi ka pipila sa kanya para manligaw." Mula sa likuran namin ay natawa si Zero. Nakatayo na pala siya ro'n at nakikinig sa 'min. "That's right. Because you know what, man? I was just messing with you earlier when I said I wanted you for our baby sis. Sinusubukan lang kita kung kakagat ka." He slung an arm over my shoulder, leaning in close to murmur, "Thing is, sometimes I catch you looking at our princess a little differently, so I thought I'd throw out some bait. Well, yeah. You passed. Lalo nang sabihin mong kapatid lang ang turing mo sa kanya. Kaya pumayag ka na. Sa 'yo lang kami kampante na ipagkatiwala ang tanga naming kapatid." Right. That's exactly what I'd said when they asked why I wouldn't get in line to court her. Told them they're all family to me—and Jazz? She's like a little "stupid" sister. I shook my head and let out a sigh. "I don't know, man. I could probably help you find someone better suited to look out for her. Someone with no criminal record, for starters. But me? I've got too much on my plate as it is. Isa pa, hindi kami magkakasundo. Alam n'yo namang maikli pasensya ko pagdating sa mga tanga at lula. I'd be old before my time if I had to keep up with your sister." "Ayaw lang kasi namin siyang ipagkatiwala sa kahit kanino. Madaling utuin si Jazz kaya malapit sa kaniya ang disgrasya. Kahit nga twenty-one na 'yan, kapag binigyan mo 'yan ng candy at dinaldal mo nang kaunti sa mga bagay na interesado siya, sasama 'yan. Gano'n 'yan katanga," Zane added. "Bakit ba kasi ako pa? Ako lang ba puwede n'yong hingan ng pabor?" "Marami kaming puwedeng hingan ng pabor. Pero sa lahat, ikaw lang may mataas na puntos para pagkatiwalaan namin. Isa pa, ikaw ang pinakamalapit kay Jazz. Malalayo mga kamag-anak namin." Zane again. I sighed. "Kung hindi n'yo kayang iwanan, isama n'yo na lang sa flight n'yo. Turuan n'yong mag-drive ng eroplano at isama n'yo lagi para panatag kayo," I answered, shaking my head at them. Do they have any idea that I was mentally undressing their sister earlier? These guys are clueless. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD