Chapter 1

1502 Words
CHAPTER ONE Six years later. JAZZLENE TAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung sino sa mga Kuya ko ang dapat kong tawagan para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan. It's just that... nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kami ng mga kaibigan ko dito sa isang hotel and resort. Ako, sina Camille, Violet at Leigh. Nakaugalian na namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin. Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Out of curiosity ay sumilip ako sa mga siwang ng mga halamang naroon. And to my surprise, doon ko nasilip si Dominic, my boyfriend. He was flirting with someone, someone na hindi ko akalain na papatulan niya. Lalaki! The way they hold hands, there was something between them! Hindi 'yon maikakaila kung paano nila tingnan ang isa't isa at kung paano sila magngitian. I was hurt. So hurt. Parang nanghina ang buong katawan ko at hindi kinaya ang nakita ko kaya umahon ako agad-agad sa swimming pool at nagpaalam sa tatlo kong kaibigan. Nagpalusot ako na biglang sumama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang umuwi. Gusto rin nilang umahon at samahan ako sa kuwarto namin pero pinigilan ko sila at sinabi kong ako na lang. Hindi sila puwedeng sumama. Kung sasama sila, paano ako iiyak? Siguradong bu-bully-hin lang nila ako kaysa damayan, lalo at pang-asar sila. Dinampot ko ang cell phone ko sa sunlounge at nagawa kong umalis mag-isa nang hindi na sila nagpumilit pa. Pero on my way sa room namin, narinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Jazzlene?" When I looked back, I was taken aback when I saw him. Ang walang-hiyang si Dominic. Kasama niya ang lalaking katabi niya kanina na halos kaedad niya rin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nilang magkahugpong at nang mapansin niyang nakatingin ako ro'n ay agad siyang bumitiw sa kamay ng kasama. "Babe—" "Don't babe me!" I yelled, cutting him off. Naiiyak na ako. Nanginginig ang katawan ko sa galit. "Kadiri ka, Dom! Yuck! All this time pala niloloko mo na lang ako? Nagpapanggap kang lalaki?!" My tears fell. Mas okay pa sana kung sa babae siya nag-cheat, pero mas masakit pala kapag sa lalaki. Bakit? Ano ba'ng kulang sa 'kin? May dede at pepe ako! Itong lalaking 'to, wala! So, why?! "Babe, I... I..." he stammered. Humakbang siya palapit sa 'kin at noong aabutin na niya ang kamay ko, sinamantala ko ang pagkakataon at pinalipad ko ang kamao ko sa mukha niya. Yes. Suntok ang ginawa ko imbes na sampal. Sinadya ko 'yon lakasan, tipong magkakaroon siya ng black eye. Napaingit siya sa sakit ng suntok ko, pero bago pa man siya makapagsalita, hinablot ko ang puting t-shirt na nakasukbit sa balikat niya, 'tsaka ako mabilis na tumakbo palabas sa hotel. Habang palayo, iniladlad ko ang t-shirt na kinuha ko sa kaniya at 'yon ang idinoble ko sa suot kong two-peace. Nakapaa ako at hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako puwedeng pumunta sa room namin ng mga kaibigan ko dahil kapag nakita nila akong umiiyak doon, siguradong magsisimula na ang World War 4. Dahil may motto kaming, 'Ang kaaway ng isa, kaaway ng lahat.' Kaya ngayon ay na stuck ako rito sa bus stop. I mentally scrolled through my limited options. First, walang bus na dumaraan sa lugar na 'to kapag weekend. Wala ring taxi. Second, kahit may maligaw na isa, I don't have my wallet. Naiwan 'yon sa room sa hotel. Third, kung sasakay ako sa taxi na ganito ang hitsura ko, baka mapahamak lang ako. Litaw na litaw ang legs ko at bakat ang katawan ko sa manipis na t-shirt, lalo pa at halos kaaahon ko lang sa pool. I only had one option left—one I really didn't want to take—but beggars couldn't be choosers, right? Dahil sa pagkakataong 'to, ito na lang ang choice ko kahit na kabado ako. Inangat ko ang cell phone na hawak at in-scan ng mata ko ang mga pangalan sa contacts ko. Kuya Zane. Kuya Zero. Kuya Zian. I bit my lower lip. Dahil si Kuya Zane ang panganay, siya ang naisipan kong tawagan. Pagdating sa ikatlong ring ay 'tsaka pa lamang siya sumagot. "Hey. What's wrong?" I sighed in relief nang sa wakas ay sumagot siya after a decade or two. "What's wrong? What makes you think something is wrong?" He snorted. "Because you called me. Hindi ka naman tumatawag, unless may katangahan ka na namang nagawa or nasa bingit ka ng kamatayan." "Kuya Zane . . ." I started, not knowing how to continue. "Mamaya ko na lang ikukuwento. Sa ngayon, baka puwede mo 'kong sunduin? I need your help." "Help? Ano na namang katangahan 'yang ginawa mo, Jazz?" He sounded pissed. Patunay pa ro'n ang pagtawag niya sa pangalan ko. Si Mom at Dad lang ang tumatawag sa 'kin ng Jazz. Pero silang tatlong Kuya ko ay Prinsesa ang tawag sa 'kin. At 'yong pagtawag niya sa 'kin ng tanga ay normal na rin. Ganito talaga kaming magkakapatid. Sanay na kaming nagsasabihan ng "tanga", "tatanga-tanga ka na naman", "napakatanga mo", o 'di kaya'y "gumawa ka na naman ng katangahan". Gano'n kami ka-close. "Wala akong ginawa." Humina ang boses ko dahil sa lungkot. "Nasaan ka ba kasi?" May narinig akong mga tawanan ng lalaki mula sa kabilang linya at nabosesan ko ang ilan sa kanila. Bukod kay Kuya Zero at Kuya Zian ay mukhang kasama niya rin ang mga barkada nila ngayon. Wala ba siya sa bahay? Napabuntonghininga ako bago sabihin kung nasaan ako. "Hindi kita masusundo. May mga bwisita sa bahay. Andito si David at Gerald. Pero 'wag kang aalis d'yan. Stay put and he'll be there in a minute. Pag-uwi mo, 'tsaka natin pag-uusapan 'yang katangahan mo." "Anong katangaha—hoy! Kuya!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil binabaan na niya ako ng telepono. Malungkot at masakit na nga ang loob ko, dinagdagan niya pa ng sama ng loob. Dapat pala ay si Kuya Zian na lang ang tinawagan ko. Siya ang pinakamalambing sa mga Kuya ko dahil siya ang bunso sa lalaki. Sumunod ako sa kaniya. Pero sa bagay, hindi ko masisisi si Kuya Zane. Nalaman nila ang nangyaring issue tungkol kay Vince at sa ex-best friend kong si Jenna. Well, nalaman nila dahil sa best friend niyang sinlamig ng yelo na si Adam. Kahit binilinan ko na ang nagyeyelong si Adam na huwag nang banggitin sa mga kapatid ko ay sumige pa rin siya. Kaya naman inis na inis ako sa aroganteng Adam na 'yon. Grabe ang galit nila Kuya noon hindi lang sa 'kin kundi mas lalo sa ex ko at sa mga kaibigan kong konsintidora. While kino-comfort ako noon nina Mommy at Daddy, ang tatlong Kuya ko naman ay pinagalitan ako. Binilinan pa nila ako na huwag nang makipag-communicate kina Sheena at Abigail, that's why wala na akong balita sa kanila since then. Even sa lokong ex ko na si Vince ay wala na rin akong balita, maliban sa alam kong break na sila ni Jenna. Buti nga sa kanila. Pero hindi ko masisisi ang mga kapatid kung bakit ganito sila kahigpit sa akin at ka-overprotective; ako lang ang nag-iisa nilang kapatid na babae at bunso pa. Pero ganunpaman, kahit gaano kami ka-close, maraming bagay pa rin kaming hindi napagkakasunduan. Magkakaiba kasi kami ng ugali. Kuya Zane was my opposite. I prefer to have a small group of close friends. Kuya Zane, on the other hand, wants attention so much he could power a spotlight. He was the life of the party, and the after-party too. Siya ang male version ng Marites sa kanilang magkakaibigan. Why? Dahil sa dami ng babae niya, marami siyang mga nasasagap na balita sa kanila, na siya niya namang ihahatid sa dalawa ko pang Kuya at mga kaibigan nila. Si Kuya Zero naman ay parang si Kuya Zane lang din, very friendly at approachable. Ang pagkakaiba lang nila ay hindi babaero si Kuya Zero. Then, ang bunso sa lalaki na si Kuya Zian ang masasabi kong pinaka-sweet at mahaba ang pasensya. Pero teka? Ano'ng sabi ni Kuya Zane? "Hindi kita masusundo. May mga bwisita sa bahay. Andito si David at Gerald. Pero 'wag kang aalis d'yan. Stay put and he'll be there in a minute. Pag-uwi mo, 'tsaka natin pag-uusapan 'yang katangahan mo." Tatlo lang ang alam kong kaibigan nila. Si David, Gerald at... wait? Ibig sabihin si— Agad akong napayuko nang masilaw sa maliwanag na ilaw ng sasakyang tumama sa direksiyon ko. And the person driving was the last person I expected to pick me up. Adam Meadows. The cold and arrogant guy I kissed six years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD