PROLOGUE
"JAZZLENE, wait!"
Rinig ko ang pagtawag sa akin pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung paanong hindi ako nadadapa sa kabila ng panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang umaagos sa aking mga mata.
"Jazzlene!"
Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makaharap. Masakit at parang hindi ko kayang tanggapin. Kaya ba hindi ako invited sa birthday ni Jenna?
Jenna is my best frie—no. It should be past tense. Was. Dahil simula ngayon hindi ko na rin siya kayang harapin. She was my best friend. We're both fifteen. Limang taon na kaming magkaibigan at para ko na rin siyang Ate kaya naman ngayong araw—sixteenth birthday niya ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang niya ako inimbitahan.
Last week ay napag-usapan namin ni Jenna ang tungkol sa birthday niya kasama pa ang dalawa naming kaibigan na sina Sheena at Abigail na hindi na maghahanda. Wala kasi ang parents niya at nasa Thailand pa kung saan naka-base ang business nila. 'Tsaka na lang daw siya mag-ce-celebrate once na makauwi ang mga magulang.
Pero dahil sobra siyang malapit sa akin, gusto ko siyang sorpresahin at dalhan ng regalo kaya naisipan kong pumunta sa kanila nang mag-isa. Hindi kasi nag-re-reply sa mga chat at tawag ko sina Sheena at Abigail.
Nang makarating sa kanila, laking pagtataka ko dahil maraming sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay nila. Hindi pa man ako nakabababa ng taxi ay tumambad sa harapan ko ang mga tent na maayos na nakahilera sa maluwang nilang garden. Nakabukas ang gate ng bahay nila at doon inayos ang mga lamesa. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang catering na nasa gitna at ang mga taong kani-kaniyang huntahan at kainan sa bawat mesa.
Nalilito man ay dali-dali akong bumaba ng taxi habang bitbit ang shopping bag kung saan naroon ang swimsuit na binili ko sa kaniya bilang regalo. Nabanggit niya kasi sa amin noon na gusto niyang swimsuit ang matanggap sa birthday niya. Sa isang kamay naman ay bitbit ko ang box ng cake.
Malaya akong nakapasok dahil bukas ang gate at hindi rin napansin ng ibang tao ang presensya ko hanggang sa makarating ako sa maluwang nilang terrace. Doon pa lamang ako napansin ng ate ni Jenna na kalalabas lang sa main door. Bahagya pang namilog ang mga mata nito na tila ba nakakita ng multo.
"J-Jazzlene?"
"Hi, Ate Laira. Nasaan si Jenna?" tanong ko at saka kiming ngumiti.
Hindi pa man niya nasasagot ang tanong ko nang makarinig ako ng pamilyar na tawa mula sa loob. Tawa ng isang babae at lalaki na sinabayan ng pagtawa ng sa palagay ko ay mga magulang ni Jenna. Maglalakad na sana ako papasok nang muli ay makarinig ako ng pagtawa—boses nina Sheena at Abigail. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Andito sila?
Itinuloy ko ang paglapit sa main door na nakabukas ngunit agad akong napahinto nang makita kung sino ang naroon sa loob—sa sala, magkakaharap at masayang nagtatawanan habang may mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan sina Sheena, Abigail, ang parents ni Jenna...at si Vince, my boyfriend na dikit na dikit kay Jenna na nakaabrisyete rito.
Ramdam ko ang tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko papunta sa aking ulo. Tila ako kinilig hiindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit na naramdaman ko. Tila eksena sa isang pelikula na agad bumagsak ang luha ko. Nakita kong inakbayan ni Vince si Jenna, kung paano nila tingnan ang isa't isa, malagkit at may pagmamahal na tila ayaw nang humiwalay sa bawat isa.
Nabitiwan ko ang cake at shopping bag na hawak ko, dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatayo si Vince sa kaniyang kinauupuan, gayundin sina Jenna, Sheena at Abigail na namimilog ang mga mata.
"Jazzlene . . ." sabay-sabay at mahina nilang tawag sa 'kin. Pero nanatili akong tahimik. Ang bigat ng pakiramdam ko. My boyfriend betrayed me with my best friend and I got betrayed by my so-called best friends.
"Jazzlene!" Narinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Vince noong nagsimula na akong tumalikod at tumakbo palayo. Wala na ang taxi na sinakyan ko kanina kaya binilisan ko na lamang ang takbo, hoping na may madaanan akong kahit anong masasakyan. Kahit na puting van ay okay lang. Mas mabuti nga siguro 'yon na i-chop-chop na lang ako ng mga nangunguha ng bata para wala na silang problema. Para hindi na nila kailangan pang itago ang relasyon nila kapag nawala ako.
Pero walang puting van akong nadaanan. Instead, isang Matte Black na Aston Martin ang huminto sa tapat ko. Kusa rin akong napahinto dahil kilala ko kung kanino ang magarang sasakyan na 'yon. Sa kaibigan ng mga Kuya ko... si Adam.
Hindi nga ako nagkamali dahil bigla siyang lumabas sa driver's seat wearing his college uniform.
"Jazzlene?" Blangko ang mukhang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit ako tumatakbo. I don't know. Ang tanging alam ko lang ay malapit na sa akin si Vince and all I wanted to do was to hurt him ten thousandfold.
"Adam . . ." Nanginginig ang boses ko dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kanya. Sa lahat ng mga kaibigan nila Kuya, siya ang pinakakinatatakutan ko dahil sa pagiging cold niya. Hindi mo mababakas sa mukha niya kung galit ba siya, masaya, malungkot, o ano. And that was the reason kung bakit para sa akin ay nakatatakot siya at hindi approachable. "I'm ready to die in your hands. But first . . ." I took a step forward, "—let me kiss you."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Lumapit ako kay Adam. At dahil matangkad siya, kinailangan ko pang tumingkayad bago humawak sa magkabila niyang balikat.
"Jazz—" Hindi naituloy ni Vince ang pagtawag sa akin nang makita niya ang paglapat ng labi ko sa labi ni Adam.
Mint. Amoy mint ang bibig ni Adam. Sweet.
Lasang candy rin—
"He's gone." Kasunod noon ay naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa akin palayo sa katawan niya. Nang lumingon ako, wala na nga si Vince. Gaano ba katagal nagkadikit ang labi namin?
"Why the hell did you kiss me? And why are you crying?"
"K-Kasi . . ."
"Kasi . . .? What?"
"K-Kasi . . ." I started to sob.
Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. All I wanted to do right now was to go home and rest. Pagod na pagod hindi lang ang katawan ko kundi lalo na ang puso ko. And I hate it. But before I could ask Adam to take me home, I felt his arms in my body, hugging me tightly as if telling me to calm down and everything would be okay.
I don't know what happened pero naramdaman ko na lang ang sarili kong kusang yumakap pabalik at umiyak nang umiyak sa dibdib niya.
"Kung sinunod mo lang ang Mommy, Daddy at mga Kuya mo na 'wag munang mag-boyfriend... hindi ka sana nasasaktan ngayon." Si Adam. At parang bata na lalo akong napaiyak habang humahagod sa likod ko ang isa niyang kamay.