Sa School…
Naroon na ako sa corridor ng school namin, nasa first floor lang kasi yung classroom ko eh. As if naman may second floor. Ang panget kasi ng schools dito sa Pilipinas, karamihan walang upper floors, katulad na lang nitong school ko. Gusto ko pa naman mandin umupo doon sa may gilid ng classroom.
Doon kasi kadalasang umuupo ang mga bida sa anime eh. Pa-emo effect lang. Pero pabihira, bulok talaga itong school ko! Naka arm chair lang kami! I wanted a solo table and a chair! Tapos wala pang glass windows!
Kaya hindi ko tuloy mapagmasdan ang magandang view sa labas. And most of all,
WALANG ROOOOOOOOFFFFFFTTTTTOOOOOPPPPPP!!!!
How I dreamt of eating there with a Filipino version of obento T_T
Kahit itlog at tuyo lang with matching sawsawan na toyo at kalamansi, ok na! Basta nakalagay sa lunch box at nakabalot sa panyo.
Ito ang mga bagay na kadalasang iniisip ko habang naglalakad papunta sa aking panget na classroom.
Noong medyo nakabalik na ako sa reality,
Oh, bigla kong napansin na parang mas iniiwasan ako ng mga tao ngayon ah!
Lahat ng mga nakakasalubong ko ay lumalakad na parang robot. Yung iba sinisiksik yung sarili nila sa gilid. Meroon ding nag aalternate route kapag nakita ako. Kahit nga ang mga teachers eh, iniiwasang magkaroon ng eye contact sa akin. Naligo naman ako,
Ano kayang problema ng mga ito? Well they behave differently the usual way they do.
Anyway, medyo favourable naman sa akin ito. Para tuloy akong Princesa na dumadaan sa red karpet. No one dares to block my way.
Sumasakay na lang ako sa daloy ng pangyayari.
Feeling ko talaga ako ang Duchess of Cambrige na si Kate Middletown. Este Middleton
Pero biglang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.
Galing ung voice sa likuran ko. Hindi ko na lang pinansin, huwag nga siyang pang abala! Nasa dreamland ako. I pretend na wala akong naririning. Lala!
Tapos may biglang nangbatok sa likod ko. Aba, sumusobra na ito ah. Feeling close. Mabigyan nga ng evil stare ng madala. Lumingon ako sa likod ko…
(Evil stare is activated, please close your eyes)
“Yo!”
Si Mister Tagos pala! Himala, may school uniform na kaagad siya. Yun nga lang masyadong napalaki ata yung suot niyang polo. Hindi tuloy bagay sa kanya. Muntikan na akong mapatawa, buti na lang I manage to control my emotions. Nakangiti siya sa akin at masyadong malapit yung mukha niya sa aking makinis na face. FC talaga ito. I did not remove my evil stare. Weird kasi itong tao na ito. Siya ang pinaka unang nakilala kong stranger may lakas ng loob na makipag-interact sa akin.
Bigla siyang tumawa.
“Why are you laughing?! What is so funny?!”
Sabi ko, nakakairita siyang tumawa. Parang tawang nanlalait. He stop, but still he is smiling.
“Ang corny kasi ng stare mo. Kamukha mo yung asong galit na nakita ko kanina.”
Sabi niya sabay kamot sa ulo.
Ano daw?!!! Ako? Itong napakaganda at napakinis kong face kamukha ng asong galit?! Loko ito ah! Biglang kumulo ang blood ko. Ni-ready ko ang sarili ko. Buti na lang aking naalala kung paano sumipa si Mei ng Sukite ii nayo. I imitated her stunt while Mr. Tagos is wondering what I intend to do.
Yapaaak!!!!
Sinipa ko siya sa may stomach niya. And then sabay talikod ko, while I continue walking. Kunwari walang nangyari. Nagulat na lang ako ng pag lingon ko, may mga girls pa lang nanunuod. OMG, nakita nila yung ginawa ko kay Mr. Tagos. Idol pa naman nila yun.
Biglang nagsalita yung isang girl habang nanginginig yung tuhod. Alam kong napilitan lang siya magsalita.
“Ang s-sama mo talaga halimaw! Wala kang p-patawad! Pati yung bago lang na transfer dito sinaktan mo! You’re a g-g-ross!!-“
Sigaw niya sa akin. May sasabihin pa sana siya pero pinigilan siya nung kasama niya
“Uy, stop that…baka tayo naman ang isunod niya.”
Sabi niya habang nangingilig yung boses. Nagtinginan sa akin yung iba pang dumadaan. Pinagbubulungan nila ako. Alam kong puro masasama yung sinasabi nila. Ayaw ko itong marinig. Alam ko namang mali yung ginawa ko. I’m about to approach them at sabihin na hindi ko naman sinasadya. Tapos magsosorry din ako kay Mister Tagos. But, they suddenly screamed. Akala siguro nila sasaktan ko sila.
Parang biglang nag froze yung katawan ko. Labis na lungkot ang aking naramdaman. I hate myself! Bakit ba palagi na lang akong kinatatakutan? Tears started to fall from my eyes. Feeling ko mag co-collapse ako, nang biglang pumunta sa may unahan ko si Mr. Tagos while facing the girls.
“And who told you na nasaktan ako? Masyadong kayang mahina yung sipa niya. Ni lamok hindi mapapatay noon eh.” Sabi niya with a serious face…
Oh my god! Ang kyut ng serious face niya! It’s my first time seeing them.
Tapos humarap siya sa akin at sabay na inakbayan ako. Bigla akong nag blush lalo na nung inilapit niya ung mukha niya sa akin. Ipinikit ko mata ko. Hahalikan ba ako nito?! OMG! Huwag mong nakawin first kiss ko!
Hinga kayo guys, pinahiran lang niya ung mga tears ko using his soft hands. Na shock yung mga taong nanunuod sa amin. Yung scene kasi eh parang shooting ng Romeo and Juliet! Teka this person definitely reminds me of someone!!! Hmpfh!
“Your beautiful eyes doesn’t deserve to cry. So please, stop bullying her.”
Wow, maganda daw ang mata ko?!!! Shet, it’s my first time to hear from other people na maganda ang mata ko. Bigla tuloy akong nagblush. Sumunod naman sa kanya yung mga girls. Umalis na lang sila. Wow, lakas talaga ng charisma ito sa mga babae!
Noong nag alisan na ang lahat, he set me free from his arms. (Uwaa, bakit mo ako pinakawalan, nag eenjoy kaya ako XD) Pero I need to say sorry, so I force myself to talk kahit medyo nahihiya ako
“A—a—ano, sorry.” I said with a blushing face. Bigla niya ulit nilapit face niya. Ano ba to malabo ang mata. Stop that please, baka malaglag panty ko ! XD
“Hmmmm…ok lang yun. Ang ganda mo kasing pag tripan eh…Emi.”
Hala paano niya nalaman name ko!
“How come you know my name!? Stalker ka ano?” I shouted back at him, at sa sobrang gulat ko. Bigla na lang akong …
Napautot.
Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Nakakahiya! Napakinggan niya yun. Tapos ang baho pa! Amoy paang may alipunga!
At ayun, bigla siyang napatawa ng sobrang lakas, halos napapagulong na nga siya sa sahig eh. Ako naman parang kamatis na namumula.
“Ang baho (laugh) ang baho ng utot mo (laugh)” halos di na siya nakapag salita ng maayos.
“Siyempre! Walang mabangong utot!” Ang kaagad na response ko, shak! Nakakahiya naman ung reply ko. Parang pinanindigan ko talagang umutot ako. Oh Emi, nawawala ka na sa sarili mo!
“Pasensiya ka na. Ok yan! Proud ka dapat sa utot mo. Gas happens to be one of the most sought after resources in the world and you’re giving it away for free (TG) (laugh)!”
Aba marunong sumagot! Well, kahit na!Nakakahiya pa rin! And take note, noong isang araw tagos ko ang nakita niya, tapos ngayon utot naman?! Anong sunod ha? He definitely reminds me of someone! Yung tipo niyang nakakairita pero gentleman. Pero may kulang pang isang traits eh.
“Oh by the way, I am Ren, Ren Dela Cruz. Ikaw Emi, what’s your complete name?” tanong niya habang nakikipag shake hands. Eh, saan kaya nito napulot nickname ko?
“Masyado mahaba name ko. Huwag mo ng tanungin. At saka iba ka rin no! Hindi ka talaga natatakot sa akin?” Sabi ko habang namumula pa rin
“Eh, aaminin kong medyo may dark aura ka nga. Pero hindi ka naman nakakatakot. Para kasing you remind me of someone I can’t remember. Para bang sanay na ako sa mga type mong babae. Ung tipo na feeling masochist. Anyway, what’s your real name?” Inulit niya. Wow loko talaga ito. Palaging nang iinis yung mga comments niya.
“Fine, Emina Sakura Lucy Mikasa De Jesus Santos! Oh masaya ka na?” sagot ko, ang kulit kasi, hindi ako tatantanan nito kapag di ko sinabi. Binigyan niya ako nung super nakakainis niyang smirk.
“Ang haba naman XD… Emina Sakura Lucy Mikasa De Jesus Santos. Pero unique name mo. Yun nga lang, parang kinuha mo na lahat ng unique na pangalan sa mundo. Astig ka rin no? Sige, malalate na ako. Bye.” Sabay alis niya.
Wow ha, naalala niya ung complete name ko. Matalas siguro memory nun. Pero he definitely reminds me of someone.
Naalala kong may klase pa pala ako, at kaagad na tumakbo papuntang room.
Pareho kami ng room ni Ren, tapos nagulat din ako dahil magkatabi lang yung chair namin. I look at him, aba, easy going. Nag review kaya ito? Sumisipol sipol lang eh. Haha, wala siguro laman utak nito. Utak unggoy siguro ito? Humanda ka, gaganti ako sayo mamaya. You’ll see how great Emi-sama is!
Tapos may biglang lumapit na girl. May dala siyang kwek kwek na nakatuhog sa stick. Nag blu-blush yung girl. Nanginginig din yung tuhod. Aba, mukhang may crush it okay Ren ah. Inactivate ko ung ma ala ninja kong tenga upang mapakinggan conversation nila.
Tumingin si Ren dun sa girl, with a blank expression on his face. Whoa, pero iba siyang tumingin sa akin kanina. Anyway, baka bad mood lang. Malas mo girl!
“Ah, ano, Ren. Gusto mo ng kwek kwek? Nakita kasi kita last time na kumakain ka ng kwek kwek, so, sayo na lang ito!” sabi nung girl habang nangingilig yung boses.
Mahilig pala ito sa kwek kwek? Eh, favourite ko rin yun, lalo na yung pula sa gitna! Tinitigan lang siya ni Ren mula head to toe. Na conscious tuloy si girl.
Tapos…kaagad niyang inalis tinggin niya. Kunwari wala siyang narinig o nakita. Naiyak yung girl, kaya tumakbo palabas. Aba! Nagpapaiyak pala ito ng girl. Hoy, sayang yung kwek kwek! Feeling super gwapo siguro nito! After awhile may narinig akong bulong bulungan…thanks to my ninja ears!
“Alam niyo ba na hindi namamansin yang si Ren? Parang wala siyang interest sa kahit ano.” sabi nung isang kong classmate na may mahabang baba. Siya yung president namin na nanalo dahil nag offer ng pera. Kahit dito sa loob ng classroom, sikat ang vote buying!
Pero whe? Ang daldal kaya ni Ren! Ang kulit pa nga eh, di ako tinatantanan hangga’t di ko sinasabi ung real name ko! That’s impossible!
“Eh! Nakipag usap kaya yan kay Emi kanina. Mukha ngang close sila eh.” sabat nung isang bading kong classmate. Ang dami talagang tsismosa dito sa earth.
“Oh? Ang dami na kayang nag confess diyan! Ang daming may crush jan no. 10 na siguro. Pero lahat yun dinedma niya lang, tapos papansinin niya yang nakakatakot na Emi na yan? You’re kidding me.” sagot noong isa pang bakla. (Daming bakla no?) Naku! Feeler talaga itong bakla na ito. Masasabunutan ko to eh.
Pero ang weird ha, kung totoo yung gossips na yun, ibig sabihin sa akin lang siya nakikipag usap? whoa, na shock naman ako dun. Pero impossible, I don’t wanna set my hopes too high. Baka mahulog lang ako.
Napansin ni Ren na pinagmamasdan ko siya. Kaya naman tinitigan niya ako tapos binigyan ng napakatamis na kindat at ngiti. OMG! Parang tinamaan ako ng 2 palaso ni Cupid! Hala, pumapasok na itong lalaking ito sa puso ko! Lakas ng tama ko dito! He definitely reminds me of someone! Pero bawal ma inlove si Emi! Taken na siya!
I’m already in a long distance relationship with someone in the anime world. Ayaw kong maging taksil!
Nakita ito nung mga taong nagbubulungan kanina. Na shock sila! They cannot believe what they saw. So it’s really true na sa akin lang si Ren nakikipag usap ng matino? That’s unbelievable! Pero there’s an evidence! Oh shet, what’s happening to my life? Am I still day dreaming?
Ok, biglang pumasok si Prof. dala dala ung test papers. Excited na akong mag test! Sarap kaya ng feeling na palagi akong highest sa lahat ng exams namin. And take note, simula 1st year hanggang sa ngayon, wala pang nakaka break ng record na yan!
And so, we took the exam for almost five hours.
Ang dali ng exam! Piece of cake! Bwahahaaha! Tapos na exams, I’m now currently walking in the corridor, mamayang hapon malalaman yung results. Excited na ako! Pag rank one na naman kasi ako, mag dodoble allowance ko. Yay! Which means more money for anime stuffs! I’m so very competent in myself.
Then suddenly nagulat na lang ako ng biglang nasa tabi ko na si Ren! Saan ito nanggaling? Parang nagteleport ito sa tabi ko ah!
“Yo, Emi! Kamusta exam?” sabi niya while smiling, naalala ko yung gossips kanina. Ma subukan nga kung totoo yun.
“Oh, piece of cake.” I replied in a very proud tone. Sure naman talaga ako na ako ang highest eh. Mga bobo kasi yung mga classmates ko, tamad mag aral. At siguro (stare at him)…you’re no different. Tapos binigyan ko siya ng mapang akit, ay este mapang lait na ngiti.
Nagulat ako ng bigla na lang niya akong akbayan. FC talaga ito!
“Oh? Sige nga, pustahan tayo kung sino ang makakuha ng highest score sa atin... dapat sundin nung loser yung demand nung winner. Oh ano, ready ka? Oh baka naman natatakot ka?” tanong niya.
Lakas ng loob nitong hamunin ang long time defender champion! Ako matatakot sa asong katulad mo?! Not in a million years! Napakalayo mo pa para pantayan ang utak ko! Utak ata ito ni Einstein! Susundin ng looser ang kahit anong demand ni winner ha? (smirk) Game! Paghuhubarin kita sa tapat ng lahat ng girls dito! This is the time I’m waiting for, makakaganti na rin ako sa iyo.
“Game! Huwag kang iiyak kapag natalo ka ha? Ayaw kong maguilty.” sabi ko habang nakatawa. I’m really confident na mananalo ako. Eh mukhang utak unggoy itong kaharap ko eh. He got no chance on winning.
“Oho, iyan ang gusto ko sayo Emi! Masyado kang believe sa sarili mo!” Iba yung tone ng pagka bigkas niya.
Loko talaga ito, palaging pinapakulo yung dugo ko. Well, makikita mo kung sino ang uuwi sa atin ng luhaan.
“(smirk) I’ll make sure na magsisisi kang hinamon mo pa ako!” I said, binigyan niya lang ako ng matamis niyang ngiti. Uwaaa, nakakatunaw talaga ngiti niya! Ang weird! He really reminds me of that person! Matagal ko ng crush yun eh! Magkahawig talaga sila!
“Let us see. Huwag kang uutot pag natalo ka ha. See ya!” Sabi niya habang papalayo sa akin.
GRRRRRRRRR… nakakainis talaga siya! Matatapunan ko na talaga ng tae mukha niya eh. Magdadala pala ako sa susunod!
At dumating na ang oras na pinaka hihintay ko! Naka post na sa bulletin board yung ranks sa bawat subject. I immediately hurry up to look for my name!