Hello mga magaganda at gwapong sumusubaybay sa story ko!
Narito na naman si Emina Sakura Lucy Mikasa De Jesus Santos!
for short…Emi ;)
Nasa third year high school na ako. Mahilig ako sa anime at fictional books.
Takot ang mga tao at hayop sa akin. Palagi silang tumatakbo kapag nakikita ako.
Meron kasi akong aura na katulad ng saiyan form ni Goku.
Pero hindi siya yellow, black siya, dark aura kasi ang ni rerelease ng katawan ko eh. XD
Ito ang crazy adventure ng buhay ko.
Enjoy reading Otaku no Monogatari – The Story of an Otaku
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
11 PM na ng gabi. Nakakasuffocate ang tahimik ng paligid.
Tanging tunog lang ng matabang tuko ang iyong maririning.
Tayo ay live sa isang maliit na apartment na mayroong isang ilaw.
Sa loob nito ay may naninirahang isang babaeng may mahabang itim na buhok at waving bangs.
Nakaupo siya sa isang sulok ng apartment habang bumubulong ng animoy orasyon ng matatandang nagdadasal para sa kaluluwa ng namatay nilang manok.
“My precious! precious! Oh precious! Wicked, tricksey, false!”
Sabi ng babae habang may inaayos na something. Kilala niyo ba si Gollum/Smeagol ng Lord of the Rings? Iyon, nag aanimoy Smeagol itong babae na ito. Idol niya siguro si Smeagol. Well, bagay naman sa kanya.
“Precious…oh, my precious, diyan lang kayo precious ha. Promise di kayo magagasgasan diyan.”
Ulit niya habang may pinupunasan at sinasalansan sa kanyang munting shelf. Ang creepy naman nitong babae na ito. Mayamaya, bigla na lang tumayo si babae sabay sigaw ng
“Yoooossshhh!!! Ang kintab na ng mga precious manga at anime CD’s ko!”
Geez…akala ko kung ano na. Isa lang pala ito sa mga nagkalat na Otaku sa pilipinas.
Napansin ko lang, na sa pagpasok ng 21st century, dumarami na ang populasyon ng mga anime addict.
Sila ay tila dengue na kumakalat sa buong mundo.
Well, I cannot blame them, super ganda kasi ng anime.
Let us expect na in the future…mapuno na ng Otaku ang buong earth.
Ok, I give up. Pagod na akong mag narrate. -----
Emi’s POV
Ang saya ko despite of what happened yesterday with that tagos boy!
Alam niyo kung bakit? Nagpadala na kasi ang nanay ko ng allowance for this month kaninang umaga! Oh diba, mayaman na si Emi! And guess what kung ano ang pinaggagawa ko…
Pagkatapos na pagkatapos kong kunin ang padala ng mahal kong mga magulang sa Cebuana, kaagad akong dumiretso sa SM Manila,
Akyat ng second floor gamit ang umaandar na hagdan, ayaw ko kasi dun sa umaandar na pinto eh, elevator ata tawag dun, feeling ko kasi nahuhulog ako sa kailaliman ng mundo. May masamang experience ako sa elevator eh. Gusto niyo bang malaman?
May middle age lang naman na lalaki na nakasabay ko dun sa umaandar na pinto. Parehas kaming patungo sa 6th floor. Wow, destiny!
Medyo narelieve ako, kasi first time kong sumakay doon sa umaandar na pinto. Mangyan na mangyan ako nung time na yun. Pero di ako pa-obvious. Nanatili akong nakatayo habang nakahawak dun sa bakal. Gumagalaw kasi si pinto ng taas baba eh! Akala ko ba papunta itong six floor? Eh bakit may downward motion?! Ekkkk…naalala ko yung mga creepy elevator scene sa Another! I hope that never happens to me! You cannot do that to me!
Pero, shet! Nang inaakala kong magiging ayos na ang lahat dahil may kasabay na ako…
Mas lalo pa palang magiging worst ang pitiful situation ko…
Pitiful na nga, naging worst pa T_T Minamalas ako ngayon ah. Baka may balat ako sa puwet? Matanong nga nanay ko next time. Pero whatever, it’s not the time to think of it.
Halos isumpa ko
na nakasabay ko pa si Manong
Si Manong kasi…
Amoy tinapay!!! I mean yung brand ng tinapay na ‘putok.’
Ang tapang ng amoy ni Manong! Grabe, imaginin niyo na lang na combination siya ng isang patay na aso, mabahong paa na may alipunga, panis na laway mo sa umaga, at bulok na itlog.
Ganun ang amoy! At talagang kahit takpan ko pa yung ilong ko, pumapasok pa rin ung amoy. Gusto kaya akong patayin nito gamit ang suffocation?! Ilang taon na kaya itong di naliligo?
Kaya naman pagdating namin sa six floor, kaagad akong lumabas at nagpunta sa perfume section ng mall. I need fresh air. At simula noon, hindi na ako kahit kalian man sumakay doon sa umaandar na pinto. Mas masaya sa umaandar na hagdan, peaceful kasi at worry free….
Anyway, ano bang meron sa 2nd floor?
Pagkarating ko sa 2nd floor, na mesmerize ako sa ganda ng view na nakita ko
It seems that I saw heaven
Palagi kong nakikita ang heaven sa tuwing pumupunta ako dito sa second floor.
Kaya naman ‘2’ is my favourite number, and SM Manila is my favourite mall! Oh di ba, lahat ng things about me ay may origin? Parang iyong theory of Evolution lang ni Charles Darwin.
Pero nahulaan niyo na ba kung anong meron sa 2nd floor?
Eh ano pa ba kundi ang pinaka the best store in the universe
COMIC ALLEY!
Kapag ako nasa comic alley, papasok pa lang ako ay tila nakikita ko na sina Sebastian Michaelis ng black butler at Miketsukami Soushi ng inu x boku ss na nakangiti at inaalalayan ako papasok. Well, pareho silang butler kaya ganun. At pareho din silang gwapo XD
Ang comic alley ang aking secret base (Parang bata lang eh). Kadalasan nandito ako tuwing free time.
At most of the time, nandito lang ako para mag window shopping.
Hello? Di ako mayaman, yumayaman lang ako kapag pinadalhan na ng allowance, o kaya kapag siniswerte at nakakapulot ng pera sa daan.
Pero kahit dito sa mahal kong store, itinuturing pa rin akong abnormal.
One time nga, magtatanung sana ako ng price nuong jacket ni Papa Ryoma at Sweetheart Kuroko kay Kuya tindero
Kinudlit ko siya kasi naka talikod siya sa akin.
Nagulat na lang ako nung pagkaharap niya sa akin halos napa sigaw siya sa takot. Sa sobrang gulat ni Kuya, lumuwag yung jeans na suot niya, kaya nahulog pababa ng floor. Buti na lang naka boxer shorts siya, at guess what! Ang astig nung boxer short ni kuya, naka print dun si Haruka Nanase ng free. >////---Scene From the Anime I’m Currently Watching---
Hikaru: Kaoru, this is intorelable, having others touch your body just because they are doctors
Kaoru: What are you saying, we’re always playing the doctor game back at home,and you always play with my body to the fullest.
“Bwahahahahahaah! Gahahahahaha! Hihihihi!!! Lol lol lol lol lol! etc..”
At mas natawa pa ako ng sobra habang tumatagal. Nahulaan niyo na ba kung ano ang pinapanuod ko
Ouran High School Host Club! Grabe, ito talaga ang anime na halos walang minutes na dumaan na hindI ako tumatawa. Nasa paradise na ako, as in naglalakbay na utak ko nang biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Pambihira, pang abala! Ang ganda na ng mood ko eh. Hindi ko pinansin ung kumatok at nagpatuloy sa panunuod, habang tumatawa pa rin ng malakas with matching sound effects.
Pero nagpatuloy pa rin ung kumakatok, at ngayon mas may force na ung pagkatok niya. Pakiramdam ko parang may godzilla sa labas ng pinto. Epal naman oh. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ung inaabala ako kapag nanunuod ako ng anime. Mabigyan nga ito ng malupit kong evil stare.
I click the pause button before umalis sa puwesto ko at kaagad na akong dumiretso sa may pinto. Before I open my door, I check if naka ready na ung evil stare ko. Ok, check, ready na siya. I open the door,
“PWEDE BANG MANAHIMIK KA! MAY MGA NATUTULOG NA DITO! PARA KANG MANGKUKULAM NA NAGLULUTO NG TAO!”
Ang galit na sigaw ng matabang apartment lady na tinutuluyan ko. Galit na siya, namumula na nga ung mata niya eh, nagulat nga ako sa itsura niya. May isang pipino ung right eyes niya, tapos may pinturang puti ung buong mukha niya. Shet, eh mas nakakatakot itsura nitong apartment lady na ito kaysa sa akin. At saka sa angry mood niya ngayon, wa-effect ung evil stare ko.
Oo nga naman, 12:00 na ng gabi. Hindi ko napansin na hatinggabi na pala.
“Ah lola pasensiya—“
“Don’t call me Lola! Sa ganda kong ito mukha na ba akong lola?! at saka wala pa akong asawa no! Choosy ako!”
eeewww…feeling naman nitong matandang ito. Hindi ako pumapatol sa matanda, magagalang sa nakakatanda sa kanila ang mga anime eh. So pinagtiyagaan ko na lang si lola. I gave her a fake smile.
“Sorry po, sige po di na ako mag iingay. Matutulog na po ako promise.”
Bigla kong naalalang may pasok pa pala ako bukas. Bawal magpuyat, exam namin bukas. Nakapag review na naman ako kahapon eh. Tanda ko pa siguro yun. Sana nga lang hindi nawala ung mga nireview ko dahil sa sigawan nung mga adik kong schoolmates noong isang araw upon seeing Mr. Tagos.
“Mabuti!” sagot ni Apartment lady sabay talikod sa akin habang naglalakad paalis. Hay salamat umalis na rin ung halimaw. I closed the door, at naglakad papuntang TV. Papatayin ko na sana ung TV kasi nga I decided na matutulog na ako, pero…
di naman siguro masama kung manuod pa ako ng isang episode di ba? Isang episode lang naman, promise, pagkatapos nito matutulog na talaga ako.
So I happily sat on the floor again, at kumuha ng panyo upang ipangtali sa bunganga ko para makontrol ko ung pagtawa ko. Baka pagalitan na naman ako eh… I click the play button…
Kumakanta ako sa isip ko habang piniplay ung opening song. Astig kaya ng opening song ng mga anime. Nakakagaan ng pakiramdam, nakakapagpabago ng mood.
At noong matapos si OP, I started laughing again. Lol grabe, naiiyak na natatawa ako. Baka makaihi ako nito ah.
At nangyari nga siya.
I accidentally peed! I wet my shorts! Oh no, para akong bata! Makabili nga ng pampers next time, naiihi kasi ako kapag masyado akong tumatawa eh!
Pero never mind, di ko na lang pinansin, I just continue watching. Matuyo ka na lang diyan. Apartment ko naman ito eh, walang makakaalam. After 1000 years…natapos si episode. But I desperately wanted to watch the next one. So tinuloy ko, promise last na talaga ito.
Shit, naiinlove na ata si Haruhi kay Tamaki, ok one more. Promise last na last na talaga ito. Matutulog na talaga ako.
Pero pambihira, tumigil lang ako noong natapos ko yung buong series.
OMG!!! 4 AM nah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
May exam pa kami, 7 AM pasok ko, di pa ako nakakatulog ng maayos! So I forced myself to sleep, at I set my alarm clock na lang para may mangising sa akin.
Pero…
hanggang sa paghiga ko sa kama,
I still keep thinking of the Anime I watched awhile ago. At kahit wala na akong pinapanuod, tumatawa pa rin ako. Para na akong loka loka no? XD
Kring Kring Kring Tot tot tot Pot pot pot Tiktilaok Tiktilaok Kring Kri-
Nag alarm na (pasensiya na medyo weird tunog ng alarm clock ko), at noon ko lang na realize na hindi na pala ako nakatulog.
Kasi naman nag dadaydream na pala ako habang mulat ang dalawa kong mata! Ang adik ko na talaga, parang nagkakaroon na ako ng out of body experience ah.
So in the end, I got no choice but to stand up and get ready for school.