[Sa loob ng timeless space..]
[Emi’s POV]
Ohhhhh myyyy Goddddd! Aking tinatawag ang mga taong nasapian at sinasapian ng spirit ng fangirling diyan!
Halika at samahan niyo ako dito! Hindi naman ako selfish eh kaya naman gusto ko sanang i-share itong paradise na kasalukuyang nakikita ko.
My God guys! I really can’t believe this. Isa ito sa mga itinuturing kong reward ng pag accept ko ng misyon na ito.
I never expect na makikita ko ang isa sa pinakasikat na bishounen ng generation ngayon.
It is just that ang phantom sixth man ng kiseki no sedai (generation of miracles), at ang bida ng isa sa pinaka hit na anime which definitely made a legend in its history ay nasa harapan ko ngayon in flesh! No other than Papa Kuroko Tetsuya!
Can you imagine na ikaw ang nasa posisyon ko ngayon?
Ooops, wait, I suggest don’t.
Kung babae ka kasi, I know na baka may tumulong dugo diyan sa butas ng ilong mo, delikado, baka ako pa ang maging dahilan ng leukemia mo. Walang pambayad ng hospital bill ang Ate Emi niyo.
Pwede ka rin mahimatay habang binabasa ito. That’s dangerous too. Baka mapasama bagok niyang ulo mo at matuluyan ka.
Pwede rin namang biglang mag release yang katawan mo ng bilyon-bilyong s*x hormones at iyong imagining na nire-r**e mo si Kuroko. Mas lalong delikado.
Susmaryosep! Magiging killer at cause of arousal pala ako kapag nagkataon.
Kyaaaa, tindi talaga ng imagination ko.
Kaya reminder guys,
Kalma lang.
End of Kapitulo 17.
Joke lang, sobrang iksi naman nun. Wala pang nangyayari eh tapos na kaagad si Chapter.
Bwahahaha! Anyway, let me describe to you kung ano ang itsura ng Kuroko Tetsuya na kasalukuyang nakikita ko.
Hmmm…
I am now seeing a skull. Yep, there is a skull. As in may mga bungi-bunging ngipin at may gasgas yung cheek bone.Tapos may dalawang buto na naka cross shape sa harapan.
Teka…I am suppose to see blue hair with sparkling blue eyes, and a poker face. But why am I seeing a strange looking skull sa harapan ko.
Hindi naman ganito ang itsura ni Kuroko ah.
Hindi naman…
Shit! Oh my! Don’t tell me…
Are we…
too late to save him?
Ganito ba ang result kapag naabot nila ang time limit dito sa earth?
Bigla tuloy bumilis t***k ng puso ko. Super kinakabahan ako. Feeling ko masisiraan ako ng ulo.
So, ibig sabihin…
I killed Kuroko Tetsuya?
“Waaaaaaaaaahhhhh!!!!” hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya bigla na lang akong napasigaw.
I killed him! Nakapatay ako ng isang anime character! What’s worst?! I killed one of the most handsome!
Baka ako ma-torture ng mga fangirls nito!
Hindi ko dapat tinanggap ang misyon na ito in the first place! I must know already na pwede akong maging killer in disguise.
Sorry Kuroko. Nahuli akong iligtas ka.
Gomen-nasai. Hanggang sa naramdaman kong umiiyak na ako.
It hurts. Ang sakit-sakit isipin na napatay ko si Kuroko.
Napatay namin si Kuroko.
“Hoy, okay ka lang?” narinig ko ang boses ni Xavier. Sarado mga mata ko dahil ayaw ko muling makita yung bungo na nasa aking harapan.
Parang tanong ng loko yun ah, hindi ba obvious na hindi ako okay? Iiyak ba ako kung okay ako? Ano ako shunga lang?
Syempre hindi. At bakit parang hindi man lang affected itong si Xavier sa tono ng boses niya?
Sheeet, oo nga pala. I know na he find satisfaction knowing na patay na si Kuroko. Kasi iniisip niya na pinatay ni Kuroko ang kanyang Mommy.
“I hate you, Xavier.” I hate him for being like this.
Akala ko nabago ko na ito with that super habang lecture ko kanina, pero hindi pala. Nothing change in him. He still hates Kuroko. He still hates anime.
An akuma remains as an akuma forever. Mukhang tama iyon.
“Huh? Anong ginawa ko sa iyo? Nasisiraan ka na ba ng bait, panget? OA mo naman. Nakita mo lang yun tinakasan ka na ng ulirat mo. He is no big deal you know-“
Pak!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya automatic na lumipad ang kamay ko papunta sa mukha ni Xavier at nasampal siya.
Magrereklamo sana, pero ng makita niya ang super depress umiiyak kong mukha, andun na naman ang unexplainable expression sa mukha niya.
“Wala kang puso. I never expect na ganito kahirap sa iyo ang magpatawad! So balewala lang pala yung super habang lecture ko kanina! Nag effort pa mandin ako doon ng sobra sobra! Tapos no effect lang pala!” sigaw ko sa kaniya habang sinusuntok suntok ang kaniyang dibdib.
Hindi naman niya ako pinapatulan, and he has this ‘what the heck expression’ in his face. What a despicable guy.
“What the hell are you talking about?!” sagot niya sa akin.
“So ganun lang pala. Nakalimutan mo na lahat ng sinabi ko?! So nagpapanggap ka pa ngayon na ulyanin thinking that pwede yun maging excuse mo? No way! Hindi po yan valid excuse para wala ka man lang maging pakialam sa pagkamatay ni Kuroko!” sigaw ko,
Mas lalong lumalala ang ‘what the heck’ expression sa face ni Xavier. Ay bwisit, I really can’t understand him!
“I think we are having a misunderstanding here for some reasons.” sagot ni Xavier. Ay hala, binabago ang usapan. Mag luksa ka naman oh please. Huwag yang ‘I don’t care’ mode mo ang ipakita mo sa akin.
“Shut up. Ang sa akin lang naman ay magkaroon ka man lang ng kahit konting pakiramdam diyan sa puso mo. Kahit konting lungkot man lang sa pagkamatay ni Kuroko!” sabi ko habang umiiyak pa rin,
But there was this familiar voice who interfere,
Hindi siya boses ni Xavier, at mas lalong hindi siya galing sa akin.
What’s happening? Bakit may isa pang tao dito sa timeless space, and how can he move.
“At bakit naman ako mamamatay?” this is what he said,
Ngayon lang nagka-sense sa akin ang sinabi niya. Masyado kasi akong focus kanina na kami lang dalawa dito ni Xavier sa timeless space.
Isa lang ang ibig sabihin ng boses na iyon,
Kaagad akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Nasa likod ko siya.
I was really echanted and surprise to see this person,
Nakatayo lang naman sa harapan ko ngayon,
ang buhay na buhay na Kuroko Tetsuya.
“Ku-Ku-ro-ko? Uwa, thanks goodness! Buhay ka.” sabi ko. Uwa, sarap sa feeling. Pakiramdam ko, nawala ang isang milyong tons ng baka na buhat buhat ko kanina.
Napaupo tuloy ako ng wala sa oras. Napagod ako sa kaka-emote kanina. Anyway, what the heck is really happening in here?!
I’m sure na nakakita ako ng mga buto ng tao kanina. Nasaan na kaya iyon? Kung hindi iyon si Kuroko, then ano yun?
Lumingon lingon ako sa paligid. Pero hindi ko makita yung mga bones.
“Grabe panget, akala ko nasiraan ka na ng ulo kanina. Ano ba ang nangyari sa iyo at inakala mong namatay na si Kuroko?” tanong ni Xavier,
Oh my, ang laki ng kasalanan ko dito kay Xavier. Kung anu-ano ang pinag iisip kong masama kanina tungkol sa kanya. Nasaktan ko pa ata. Grabe ka Emi, nakakahiya.
“Akala ko naman may lovers quarrel na nagaganap.” dagdag ni Kuroko,
“WE’RE NOT LOVERS!” ang magkasabay naming tugon ni Xavier.
Waaaa, pangalawa na ito. Nung una si Natsu, tapos ngayon si Kuroko naman?! Bulag ba kayo guys? Itong anyo namin na ito, never in a million years na magiging compatible kami!
“It’s weird. Inakala kong patay na si Kuroko dahil nakakita ako ng bungo at 2 pieces of bones kanina. Wait lang, parang pamilyar ang symbol na yun ah. Hmmmmm. Sou ka! Nakakita ako ng symbol ng poison or pirate kanina. Bungo na may dalawang buto sa harapan! Pero hindi ko na siya makita ngayon, nag hallucinate lang kaya ako?” sabi ko,
“Hmmm, parang may nakita rin akong ganyan,” sabi ni Xavier.
Uwa, so hindi iyon hallucination?! So ano yun?! Hooyy author, ireveal mo na kasi! Pinapatagal mo pa eh!
“Ako rin, at nakikita ko siya ngayon.” dagdag ni Kuroko,
“Really?! Nasaan Kuroko? Nasaan?” tanong ko habang ang bilis ng pag ikot ng paningi ko sa paligid.
“Ayun oh,” itinuro ni Kuroko, uwa, grabe ang talas naman ng paningin ni Papa Kuroko. Mas lalo tuloy kitang naging idol.
Sinundan ko ang direksyon na itinuturo ng daliri niya,
and I was shocked that it is pointing at…