Kabanata 4: _❤In your dreams.❤

1087 Words
Naglalakad ako nang umagang iyon papunta sa first subject kong hindi ko napasukan kahapon dahil nga sa nangyari kahapon. Mabagal ang ginawa kong paglakad dahil maaga pa naman, alas-otso pa lang dahil alas-nuebe pa ang klase ko. Balak ko sana na daanan si Hanz sa office niya pero sa huli tinamad na ako dahil baka busy siya at malayo ang office niya sa building namin. Busy ako sa pagtingin sa mga nagtataasan na puno ng nara at mahogany nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "How are you beautiful?" anang baritonong tinig. Napaharap ako rito at nakita ko ang isang lalaking mukhang koreano na kahawig ng isang sikat na lead korean singer. Napakagwapo niya, ang tangkad, at may kaputian. Medyo mahaba ang kanyang buhok at sobrang bumagay dito ang singkit niyang mga mata. Lilingunin ito ng kahit sinong babae at titilian ito nang malakas ng mga bakla. Medyo natulala pa nga ako dahil ang ganda ng ngiti niya---makalaglag panty.. Tapos ang puti ng ngipin, pantay-pantay, at ang pula ng bibig. Hula ko hindi ito naninigarilyo. Mukhang very, very clean ito at sobrang bango. At teka, parang may namumukhaan ako sa ngiti niyang iyon. Parang si ano, si Lei---ay ano ba 'yan! Bakit ba bigla na lang pumapasok sa isip ko 'yong kapreng 'yon? Magpapa-cute na sana ako, I mean magsasalita sana ako nang 'di sa kalayuan ay natanaw ko ang lalaking ayaw na ayaw kong makakrus nang landas. Sa lahat ba naman ng makikita ko ay ang lalaki pang ito. Kung minamalas nga naman ako! Nginitian ko ang kaharap ko, este sino nga ba 'to? Basta 'yon na nginitian ko siya at walang paalam na umalis bago pa ko maabutan ng demonyong bigla na lang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. Patay! Nakita yata niya ako. Pero baka hindi naman ako ang sadya niya? Hindi kami magkakilala at walang dahilan para ako'y lapitan niya. But still, ayokong magkrus ang mga landas namin. It's better to ignore him. At ayaw ko rin na na ma-involve sa kanya. Sasabunutan ako ng maraming babae lalo na at marami itong dying-hard-fans. Ayoko ng may kasamaan ng loob at pagtsismisan araw-araw ng mga babaeng patay na patay sa kanya. "Shayna, wait!" sigaw ng isang tinig mula sa aking likuran. Kumunot nang bongga ang noo ko nang marinig na galing iyon kay Koreano. Kilala niya ako? Mabilis na binalewala ko iyon at pinagpatuloy ko ang paglakad nang mabilis. Malapit na si Kapre at mukhang ako nga ang sinusundan niya. "Anong---" paliko na ko sa hallway nang biglang may kamay na bigla na lang humila sa baywang ko dahilan para masubsob ako sa dibdib ni...hay sino pa nga ba? Nahabol pa rin pala niya ako? "Aray! Ano ba?! Ba't ka ba nanghihila?" sunud-sunod na singhal ko sabay tulak ko sa kanya palayo sa akin. "Hmmmmnn...your hair smells so good," aniya sa malambing na tono. Inamoy-amoy niya ang buhok ko at tangka sana akong hawakan muli, pelero mabilis pa sa alas-kwatrong tinulak ko siya palayo sa akin. "Lumayo ka nga akin! Pwede ba h'wag kang lapit nang lapit sa akin! " iritadong sabi ko. Sira na 'ata tuktok nito. Umagang-umaga inaatake ng kamunduhan. "I do what I want to do," aniya. Nakita kong ngumisi ito nang nakakaloko at inilang hakbang ang pagitan namin. Hinila niya akong muli at napasubsob ako muli sa dibdib nito. "Manyak ka! Pwede ba bitiwan mo ko!" sigaw ko nang malakas. Sinigurado kong mabibingi siya sa ginawa ko, ngunit ni hindi man lang natinag ang loko. "Hmmmnnn....I want to hold you like this even though I can feel the stiffness of my thing below me,"1 bulong niya sa tenga ko na nagpakilabot sa buong sistema ko. Pakiramdam ko umakyat lahat nang dugo sa ulo ko. Iyong inis ko sa kanya ay sumabog na lang bigla. Walang sabi-sabing kinagat ko ang dibdib niyang kanina pa nagbibigay sakin ng nakakalitong pakiramdam. "AHHHHHHHHH! hiyaw ni Kapre. Ayaw niya akong pakawalan. Pwes, ako na ang gumawa nang paraan para lumayo siya sa akin. Dahil sa pagkagat ko sa kanya ay agad niya akong nabitiwan at nanlilisik ang mga mata niya sa matinding galit sa akin. "f**k! You b***h! I will make you pay for this!" aniya na galit na galit habang sapo ang dibdib na aking kinagat. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makatakbo at makalayo mula rito. I know he won't forgive me for what I did. Kasalanan niya iyon. Sino ba namang babae ang matutuwa kapag harapan ka nang binabastos! Ibahin niya ako sa mga babaeng nagkukumahog sa paanan niya. I won't praise him! Never, as in never! Fuck! Ahhhh... f*****g s**t!" Dinig na dinig ko pa ang walang tigil niyang pagmumura habang tumatakbo ako nang mabilis. Well, amanos na tayo ngayon. Hindi ko masupil ang ngiti sa mga labi ko dahil for sure babakat ang pagkakakagat ko sa dibdib niya. Sana ma-rabis! Natawa ako nang malakas sa naisip ko. Bagay lang sa kanya 'yon dahil minanyak niya ako. "You'll gonna pay for this b***h!" gigil niyang hiyaw. Ayaw talaga paawat. "Isusunod na kita sa mga s*x playmates ko! Tandaan mo 'yan!" I smirked. "In your dreams...asshole!" I doubt kung narinig pa niya ang sinabi ko, kita ko kasing naglakad na rin ito palayo habang inis na nagmartsa kung saan. Tumigil ako sa pagtakbo. Nagpahinga ako sa isang bench na nadaanan ko at huminga nang malalim. Nakakapagod tumakbo. Paano kaya sa susunod na pagkikita namin. Ano kaya ang gagawin niya sa akin? Dapat na maging handa ako. Alam ko naman na hinding-hindi niya makakalimutan iyong pagkagat ko sa kanya. Masakit iyon at maaring magkapasa siya. Hay naku! Ano ba naman itong napasukan ko? Umalis ako sa Saint Claire dahil sa isang taong obsessed sa akin. Tapos heto na naman. Same case na naman. Saan kaya ako magta-transfer? Sa States na siguro this time. Pangalawang araw ko pa lang ito pero ganito na naman ang nangyayari. Paano pa kaya sa susunod na araw? Wala na ba akong magiging katahimikan. Ganoon ba ang epekto ko sa mga lalaking nagkakagusto sa akin? Mukha ba akong manyakin? Alam ko naman na may itsura ako pero may mas magaganda pa riyan at sobrang kaakit-akit. Nagpasya akong pumasok na sa aking klase kahit thirty-minutes pa ang hihintayin ko. Mas safe sa maraming tao kaysa nandito ako at nagtatago. Magbabasa na lang ako ng mga librong paborito ko. Oh, kaya naman mag-scroll na lang ako sa cellphone ko. Manonood na lang ako ng mga video sa isang social media site o 'di kaya'y magbabasa ng romance stories sa isang free platform.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD