Kabanata 3: ❤Kama sutra❤

1083 Words
Dahil sa hinimatay ako kaninang umaga at samahan pa ng matagal na pagmamakaawa kay Hanz para ibigay ang mga schedules ko. Heto ako ngayon at bored na bored nang nakikinig sa propesor naming engross na engross sa pagle-lecture sa harapan. Ganado siya sa pagtuturo samantalang ako sobrang bored na bored na. Wala sa lecture nito ang isipan ko dahil lumilipad na naman si Brain sa Jupiter at nakikipagtsismisan sa mga Jupiterians. Eh, sa napag-aralan ko na kasi ang tinuturo niya kabisado ko na ang laman ng librong tinuturo niya dahil bago pa lang mag-start ang pag-e-enrol nagpapadala na si Mommy ng mga librong aaralin ko. Binabasa ko na ang mga ito at iniintindi ang mga aralin. Ito kasi ang libangan ko bukod sa pagsa-shopping at pagpo-food trip. Nainis nga ako minsan kasi iyong ibang pinapadala niya ay hindi naman pinag-aaralan sa kursong kinukuha ko ngayon. Ikaw ba naman padalhan ng mga Cook Books? Tell me kasali ba iyon sa kurso kong business administration? At 'eto pa ang malala noong magpadala siya ulit ng mga books na galing pang US, excited pa naman ako noon dahil marami na naman akong maidadagdag sa box of knowledge ko. Pagbukas ko ng box, heto lang naman mga title Sleeping Beauty, The Little Mermaid, Snow White and the Seven Dwarfs. Balak 'ata akong ibalik ni Mommy sa pagkabata. The Holy Bible at balak yata niya akong papasukin sa kumbento at ito ang pinaka-worst. Kelan pa ako naging fan ni Dora para mag-color ng Coloring Books na si Dora the Explorer pa ang character. Napasigaw ako ng wala sa oras ng makita ang kahuli-hulihang laman ng kahon KAMA SUTRA!!! Balak ba ni Mommy na pag-aralan ko lahat ng posisyon na nandoon? Wala sa vocabullary ko ang salitang S*X! Seriously asking, kasali ba 'yon sa dapat kong pag-aralan sa college? May subject ba na pang fairy tales na kung saan pag-aaralan ang buhay ni Snow White, Belle, Aurora, Ariel at kung sinu-sino pa. Hind ako naniniwala d'yan. May tao bang kayang matulog ng isandaang taon kung na-comatose maniniwala pa ako. Angpagtulog ng isang daang taon 'di kapani-paniwala 'di ba? Kaya nga fairy tale kasi 'di mangyayari sa tunay na buhay. Nang araw din na makita ko ang laman ng box ay agad kong tinawagan si Mommy kahit alam kong madaling -araw pa lang sa kinaroroonan nila. "Hello Mom!" inis kong sigaw nang sagutin nito ang telepono sa panglimang tawag. I know naman na tulog pa sila sa ganitong oras pero hindi na ako makapaghintay na makumpronta siya. "Why are you calling Princess? It's still midnight here, kasarapan pa ng tulog. And why are you shouting at your mom?" malambing nitong tanong kahit mukhang gusto na rin nitong sumigaw. I know my Mom kahit na galit na ito ay hinding-hindi nito magagawang sigawan ako. "Mom, why did you sent me this kind of books? I am not a kid anymore to read fairy tales story, colored some dora's coloring book and read the holy bible. I know you know that I memorized what's written in the Luma at Bagong Tipan! And what about this kadiri books KAMA SUTRA?!!!" Narinig kong humagikgik si Daddy na nakikikinig marahil sa usapan namin ni Mommy, pati si Mommy ay naririnig ko ring pinipigilang bumunghalit ng tawa. "Mom, can you please explain why did you sent those stuff, I don't need this!" mahinahon ko ng sabi kahit inis na inis pa rin ako. "Just try to read those stuff, surely ma-e-enjoy mo ng basahin ang mga 'yan para 'di ka maging ignorante sa mga bagay na 'yan. Bye Princess, we love you." "But Mom-," bago pa ko makapagprotesta binabaan na niya ako ng telepono. Hay, pinagtripan na naman nila ako. Naalala ko 'yong huling sinabi niya 'yong KAMA SUTRA ba tinutukoy ni Mommy? Gross! Napangiti na lang ako nang maalala ang kalokohan ng Mommy ko. Miss na miss ko na sila, isang buwan ba naman silang hindi umuuwi ng Pilipinas. Nasanay na ako pero iba pa rin 'yong nandito sila at alam kong nasa malapit lang sila. Kakalungkot tuloy umuwi sa bahay, kakain mag-isa, manonod ng favorite movies ko na mag-isa, at matutulog na walang goodnight kiss mula sa kanila. "Ahemmn..." narinig kong tumikhim si Sir. Nabalik tuloy ako sa reyalidad nang wala sa oras. Kaagad naman akong umayos ng upo at tumingin dito. Pinamulahan ako ng mukha nang mapansin kong nakangisi ito sa akin, nahuli kaya ako ni Sir na ngumingiti mag-isa? Baka iniisip nitong nababaliw na ako o kaya marahil iniisip niya na nag-iimadyin ako ng kung anu-ano. Napaiwas na lang ako nang tingin ng wala sa oras. Napansin ko lang ang gwapo pala at mukhang bata pa si Sir. Sabagay, kadalasan sa mga propesor ngayon bata, gwapo, at single. Parang iyong mga nababasa ko sa mga nobela na kadalasan ay mga nakakatuluyan nila ay mga estudyante nila. Nakinig na lang ako sa lecture niya at nagkunwaring iniintindi ito. Mahirap na baka masabihan akong pasaway at umabot pa ito kay Hanz. Di bale, konting oras na lang ang titiisin ko. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo, fifteen minutes na lang at matatapos na rin sa wakas ang lecture ni Prof. "Ang ganda ng bagong transferee pare." "Ano na nga name niya 'di ko masyadong narinig ng pinakilala siya ni Sir Ryan kanina." "Shayna Rainne pare, pati pangalan maganda." Narinig kong bulungan ng mga kaklase kong lalaki sa likod. Tss... Magbubulungan na nga halos 'yong marinig ko pa. "Siya 'yong buhat-buhat ni Lei kanina 'di ba girls?" "Pustahan tayo siya na isusunod ni Lei na isasali sa mahabang listahan nito ng s*x toys niya." "I agree ganyan mga type ni Lei." Isa pa tong mga babaeng ito parang wala ako sa paligid kung pag-usapan ako. Bigla na naman akong nakadama ng inis ng mabanggit ng mga ito ang pangalan ng bwisit na lalaking iyon. Isasali sa listahan nito ng s*x toys? Ako? In his dreams. Never in my wildest dream na magiging s*x toy lang ako ng kung sino. Hindi ako pinanganak sa mundo para maging ganyan ang role ko. I am born to be a princess. Tagapagmana ng mga Mendrez at future business woman someday. Magtatayo ako ng sarili kong empire at makikilala ang pangalan ko sa buong mundo. Riiiinnnnggggg! Sa wakas nag-bell na makakauuwi na rin ako. Agad akong tumayo at sinukbit ang shoulder bag kong Prada at saka naglakad palabas ng room ignoring those guys who's calling my name and those girls throwing daggers to me. Paki ko sa inyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD