Hinihingal ako na tumigil sa isang tagong bench malapit sa parking area ng university. Panay rin ang ginagawa kong paglinga sa paligid dahil baka nasa paligid lang si manyak s***h kapre s***h devil at bigla na lang akong umbagan ng suntok dahil sa ginawa ko kanina.
Kanina ko pa tinatawagan ang driver ko pero 'di man lang magawang sagutin ang tawag kong umabot na 'ata sa sampung missed call. On the way na kaya iyon o nilamon na ng hi-way?
Pinunasan ko ang pawis na tumutulo na sa gilid ng patilya ko. Pansin ko lang sobrang init ng panahon ngayon parang summer pa rin. Nauuhaw narin ako, ikaw ba naman tumakbo nang mabilis na parang may demonyong humahabol sayo. Well, demonyo naman talaga kasi. Pero 'di naman talaga niya ako hinahabol ayoko lang magkrus muli ang landas namin kasi nga ayoko siyang makita lalo na't nanggagalaiti ito sa galit sakin.
Napalunok ako nang ilang beses. Uhaw na uhaw talaga ako huhu...ayoko namang pumunta sa canteen dahil ang layo mula rito sa kinaroonan ko. Titiisin ko na lang muna hanggang dumating ang driver ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Sino kaya itong nagtext? Agad kong binasa baka kasi importante ito.
Princess medyo late ko po kayong masusundo flat po kasi itong gulong nang kotse at dinala ko pa sa talyer. Mga isang oras pa po ako dito pasensya na po.
Hay naku naman Mark! Bakit kailangang ngayon pa na-flat 'yang kotse? Ngayon pang may tinatakasan akong halimaw! Hello?!!Isang oras mo akong paghihintayin? agad kong reply na labis na nanggigil ako sa inis. Anumang oras ay magsisilabasan na ang mga eatudyante at 'di malabong ganoon din si halimaw s***h manyak s***h kapre slah devil. Oh, ha, ang haba na ng tawag ko sa kanya.
Agad namang nagreply ang bwisit kong driver.
Sensya na po Princess pakihintay na lang po ako saglit.
Hindi ko na nireplayan dahil sa sobrang banas ako dito. Gigil na isinilid ko ang cellphone sa bag ko at nagmartsa palabas ng unibersidad. Gumilid ako sa isang sulok ng waiting shed na medyo tago.
Kung magcommute na lang kaya ako? Pero 'di ko alam magcommute eh. Wala pa naman akong sense of direction.
No choice, mag-aantay ako dito ng isang oras siguro naman hindi ako mapapansin ni halimaw dito.
Tama 'yun na lang muna itatawag ko sa kanya bagay sa kanya BEAST sana kaya lang masyadong sosyal.
Nagbibilang ako ng dahon ng narra at mahogany nang biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko si Koreano lang pala, tulala na naman ako sa nakakalusaw garter panty niyang ngiti.
Pasimple kong kinapa ang panty ko baka nahulog na sa paanan ko. Nang masigurong mahigpit pa ang kapit ng panty ko ay saka ko siya binigyan ng makalaglag brief 'ding smile.
Pansin ko lang pagbusy ako sa narra at mahogany ay bigla na lang itong sumusulpot. Hindi kaya eh engkanto itong kaharap ko?
"Hindi ako engkanto."
Woahhhh! Napamulagat ako nababasa niya ba sinasabi ko?
"Hindi ko nababasa nasa isip mo. Sinasabi mo kaya ito nang malakas," amuse nitong sabi sakin.
Naramdaman kong sobrang init ng pisngi ko 'di ko namalayang naisatinig ko pala nasa isipan ko ng 'di ko namamalayan.
Nakakatulala naman kasi kagwapuhan nito eh.
"Ahmmmn...s-sensya na Luhan," wala sa sariling wika ko at binawi ang tingin sa kanya.
"How did you know my name? "nanlalaki ang matang tanong nito sa akin.
Wow!
Coincidence nga naman at Luhan nga talaga pangalan niya, eh magkahawig talaga sila. Kung wala lang sana ang nunal sa taas ng kilay nito na malaki, although nagpadagdag pa ng appeal sa features ng face nito ay mapagkakamalan talagang si Luhan ang kaharap ko.
"Do you know Exo?"
"Yeah. I love that candy," may dinukot ito sa bulsa at tadaaa X.O candy pala!
Natampal ko ang noo ko at napailing. Exo at X.O magkatunog nga naman.
Napahagikgik ako.
"I mean Exo from Korea."
Natawa rin ito."Yah. I heard about them. My girl classmates told me I look like him and we have the same first name coz my name is Luhan Lee Kim."
"I see."
"So, what are you doing here? You're not going home yet," usisa nito nang pamansing natahimik ako.
"Obviously, I'm waiting for my driver," medyo mataray yata pagkakasabi ko dahil pansin kong medyo nalaglag ang panga nito.
"Sorry...wanna come with me? I'll take you home." Napataas ako ng kilay sa tinuran ng kaharap ko. Take home? Ano ako pagkain? "I mean ihahatid kita."
Gustuhin ko man sana kaya lang nahihiya ako eh we're not friends at tanging pangalan lang niya alam ko.
Mahirap pa namang magtiwala sa ngayon, maraming kalaban si Daddy at Mommy sa business world.
Malay ko baka kidnaper siya di ba?
"I'm not a kidnaper," natatawang sabi nito.
Natampal ko na naman ang noo ko bakit 'di ko namalayang nasabi ko pala 'yon.
Apologetic akong tumingin sa kanya at nagpeace sign.
"Tell me, mukha ba akong kidnaper?"
"Ahmmn...medyo," biro ko na lang para mapagtakpan ang kahihiyan ko.
Napahalakhak ito ng malakas dahilan para lumabas ang maliit na dimple sa gilid ng labi niya at pagsingkit pa lalo ng singkit na mata nito.
Napansin kong nakatingin na sa gawi namin ni Luhan ang mga estudyanteng napapadaan at parang kinikilig pa ang mga ito.
Namataan ko rin si Halimaw na napatingin din sa gawi namin na may kasamang dalawang lalaki at dalawang babae na nakaabrisiete sa magkabila nitong braso. Napasimangot ako sa dalawang babae na nakalingkis sa kanya. Nagpapaloko itong dalawang ito sa kanya? Ang babata at mukhang yayamanin ang mga babaeng ito.
Nagkatitigan kami at agad 'kong nakita ang pagdidilim nang mukha nito.
Tinanggal nito ang kamay nang dalawang babaeng nagtatakang nakatingin lang kay Halimaw.
Bigla na lang itong tumakbo sa gawi ko at iniwan ang mga kasama nito.
Naalarma naman ako, bago pa siya makarating sa kinaroroonan ko ay bigla ko na lang hinila si Luhan at tumakbo nang sobrang bilis.
Litong nakatingin naman sa akin si Luhan at nakikitakbo na rin papunta ng kalsada.
Nang makarating kami sa kalsada ay agad 'kong pinara ang taksing unang pumarada, binuksan ko ang pinto saka wala sa loob na itinulak si Luhan sa loob.
Hinila naman niya ako papasok tsaka niya sinabihan ang driver na patakbuhin ang taxi palayo doon.
That's it!
Natakasan ko siya!
Nakangiti ako habang nakatingin kay Halimaw na masama ang tingin sa akin habang nagmumura ng malulutong. Padabog na tumalikod ito at naglakad papunta kung saan.