Kabanata 6: ❤Magnanakaw ng halik.❤

1054 Words
"So, where are we going now?" Tanong ni Luhan sakin ng makitang nakalayo na kami ng school. "And why are you running away Shayna as if someone is after you? " Yeah...may humahabol nga sa akin. Isang halimaw ang may tangka sa buhay ko. Nais ko sanang isatinig pero tinatamad akong magsalita. Ang lakas ng t***k ng puso ko parang may mga kabayong nag-uunahang tumatakbo palabas mula rito. Isinandal ko ang likod ko para naman kahit paano'y marelax ako at ang naghuhuramentado kong puso. Feeling ko kanina katapusan ko na, buti maraming estudyanteng palabas na rin ng gate kaya hindi ako naabutan ng halimaw. Mukhang natabunan pa nga ito sa dami ng tao kanina sa gate. Ganito nalang ba gagawin ko? Ang takasan siya? Eh wala naman akong atraso sa kanya. Siya nga itong may atraso sa akin. Sa totoo lang hindi ko ugali ang takbuhan kahit sino. Dahil palaban akong tao, pinalaki ako nina mommy at daddy na walang dapat kinatatakutan dahil sa estado namin sa buhay. I don't know, kung bakit ako nakakaramdam ng kaba sa halimaw na 'yon. Hello? Sabi mo nga halimaw siya 'di ba? Nakakatakot kaya ang mga halimaw. Pero sa kaso ni Lei, isa siyang gwapong halimaw. Aminin!!! tudyo ni Brain. Stop it! Pumunta ka munang Jupiter at makipagtsismisan ka muna doon. Sus... Parang ang lakas kasi ng aura niya, nakaka-intimidate. At balak pa akong gawing s*x playmate? Duh! As if papatulan ko siya!!! I value my virginity so much, this is the best gift that I will give to my husband in the near future. And I respect my body... Hindi naman kasi ito laruan na pwedeng gamitin nalang kung kelan gustuhin. Hays, starting tomorrow I'll face that mighty beast. Ipapakita kong 'di ako natatakot sa kanya at hindi mangyayari ang binabalak nitong gawin. Itataga ko sa bato. Ooopppsss! Kanta yun ah? Napaigtad ako ng may mga kamay na kumakaway sa harapan ko. "Hey, kanina pa ako salita ng salita dito but you're not listening," untag ni Luhan sa'kin. Masyado na pala akong wala sa sarili. "Ano na nga pala sinasabi mo?" "Sa'n tayo pupunta? Tsaka you didn't answer my question awhile ago? Why are you running at hinila mo pa talaga ako?" "I'm sorry if hinila kita, wala kasi yung sundo ko naflat daw yung gulong ng kotse ko kaya dinala muna ng driver ko sa talyer." "Oh is that so?" Tila 'di ito naniniwala sa sinabi ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na wala 'yong sundo mo don't you remember I offered you a ride to take you home?" Oo, may nabanggit nga ito kanina. But its not the reason why we end up running. S'yempre 'di ko sasabihin ang tunay na dahilan. Wala lang talaga akong choice. Kasi 'di ko kayang magcommute mag-isa. Delikado sakin lalo na't sikat na business man ang daddy at mommy ko. Atleast my kasama akong magcommute, right? "I'm sorry, nawala sa isip ko." palusot ko nalang. "What now? Gusto mo na bang umuwi or you want to go somewhere before you go home?" Sinipat ko ang wristwatch ko. Alas singko palang naman pala. Maaga pa naman. Hmmnn.... San kaya kami pupunta? Shopping? Eh marami pa akong stock ng bagong damit at sapatos, naisip ko baka mabored lang ang kasama ko. Nakaramdam ako ng gutom, tama, kakain nalang kami. "Yeah. Punta tayo ng Gothic Grill I 'll treat you para kapalit ng paglilig--I mean pagsama mo sa'kin." "I love to, but I'll be the one to pay." "No. It's my treat." "No. I'll be the one Shayna," magproprotesta pa sana ako pero mukhang wala itong balak magpatalo. Itinaas ko ang isang kamay ko tanda ng pagsuko. "Manong sa Gothic Grill po kami." Andito na kami ni LuHan sa Gothic Grill na isa sa mga favorite Grill Restaurant ko. Sabi niya lagi daw sila dito ng panganay niyang kapatid dahil mahilig daw ang kapatid niya sa mga grilled foods. Ang dami na nga naming napag-usapan na tungkol lahat sa mga buhay-buhay namin. Pero siyempre except sa mga importanteng mga impormasyon. Kung anu-ano lang kasi mga tinanong namin sa isa't isa parang question and answer portion lang pero kung ayaw mong sagutin ang katanungan eh okey lang. Private matters na kasi yun. Napag-alaman kong apat silang magkakapatid, Half korean ang tatay niya at half-korean ang mama niya kaya labas ang features ng pagiging koreano niya. Well, marami din siyang natanong sa'kin na kesyo ano favorite color ko bakit 'di nalang daw ako nagmodel coz I've got the face and body at kung anu pa na magiliw ko namang sinasagot. Natigil lang ang pagdadaldalan namin ng dumating ang order namin na agad kong nilantakan. Tulo laway na kasi ako, hindi ko na nga pinansin na may kasama ako at nakatanga lang sakin. "Hindi ko na-imagine na ang katulad mong babae ay malakas kumain. Look at you, you are so thin pero ang takaw kumain." Natawa naman ako sa sinabi ni LuHan. Malakas talaga akong kumain hindi kasya ang isang cup ng rice sa akin lalo na't kung ang ulam ko ay mga inihaw which is my favorite. "Malakas kasi metabolism ko." "Pero you're cute while eating, nakakatuwa kang pagmasdan parang busog na nga ako eh," saka ito ngumiti na nagpalabas ng mga pantay at puting -puting ngipin. Uminit na naman ang pisngi ko sa hayagan nitong pamumuri. Pasimple ko na namang kinapa ang panty ko, ayun makapit pa naman. Nakakatulala naman kasi 'yong ngiti niya. Nakakatunaw. "Kumain ka na nga d'yan," irap ko kunwari. Natawa naman ito sa pag-irap ko nakaagaw na naman tuloy ito ng pansin dahil nagbubulungan ang mga katabi naming nasa kabilang table. Pero deadma nalang, ang sarap ng kinakain ko para mapansin pa ang nasa paligid ko. "Heto na kakain na po mahal na prinsesa." Mabuti naman at natuon narin ang pansin nito sa pagkain. Tuloy lang ako sa pagkain ng biglang may umupo sa tabi ko. Deadma nalang sana ako dahil baka lumipat lang ng upuan si Luhan. Pero kasi ang sikip eh, halos magkadikit na ang katawan namin at 'di ako komportableng kumain. Magrereklamo na sana ako dahil 'di ako makagalaw ng maayos ng biglang halikan niya ang leeg ko. Babatukan ko na sana dahil tsansing na 'yon at 'di kami ganoon kaclose para halikan ako doon. Sa leeg ko pa talaga? Pagtingin ko si...si...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD