Paakkkk! Isang malakas na sampal ang pinatama ko sa salaring bigla na lang nanghahalik sa leeg ko. Sa lakas ng pagkakasampal ko'y napabaling pa ang mukha nito patagilid. Ramdam ko pa ang panginginig ng kalamnan ko at sakit ng palad kasi ang tigas ng panga niya. Wala na ba itong gagawin kundi kamanyakan na lang? At ako pa pinagtitripang manyakan! "Pervert!" mahina kong sabi. Ayokong gumawa ng gulo dahil maraming kumakain pero hindi pa rin maiiwasan dahil may naririnig na ako na nagbubulungan at hula ko ito 'yong mga taong nakakita ng pagsampal ko sa lalaking biglang sumulpot na lang kung saan. Mahilig talaga sa ninja moves ang isang ito. Parang kabute, bigla-biglang nanggugulat. Ngumisi lang ito at ininda lang ang aking pagkakasampal. Kita ko pang nagmarka ang kamay ko sa kabilang pis