KEYCEE's POV Pagkatapos namin mag-dinner pumasok agad si Ace sa room niya. Sa narinig ko kanina sa pag-uusap nila ni Yaya Miranda, mukhang magche-check siya ngayon ng test paper. Kailangan ko nang makita 'yong result ng exam ko as soon as possible bago pa 'ko mabaliw kakaisip kung nakapasa ba 'ko o hindi. Kakatok pa lang sana 'ko sa kwarto niya nang bigla niyang binuksan 'yong pinto. "Kung ano man 'yang binabalak mo, 'wag mo nang ituloy. Alam kong alam mo na magche-check ako ng papers ngayon, at kung iniisip mong masisilip mo 'yong sa'yo...nagkakamali ka." Bigla niyang isinara ang pinto at narinig ko rin 'yong pag-lock niya sa loob. Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik na lang sa kwarto ko. Kailangan ko talagang hintayin na lang ang kinabukasan para malaman kung ano'ng score ko.