KEYCEE's POV Solve. Lukot. Hagis. Sa gan'yan lang umiikot ang buhay ko ngayon. Wala akong pakialam kahit sobrang kalat na sa kwarto ko dahil sa mga papel na nilulukot at hinahagis ko sa tuwing mali ang ginagawa ko. Wala pa kasi akong naso-solve na tama kahit isa. Ilang oras na akong nakakulong sa kwarto at nagre-review. Sa isang araw na ang exam namin sa math. Paano na? Hindi pa naman ako p'wedeng bumagsak dahil sa deal namin ni Ace. "Yes, you heard it right. Eighty points. If you passed the exam, I'll grant you three wishes, but if you failed, you'll give me a baby. And that's a deal." Binagsak ko 'yong ballpen sa study table ko at saka ko sinabunutan ang sarili ko. Baby? Hell no! Natigilan ako nang may narinig akong katok sa pinto. Pagharap ko, nakasilip na ro'n si Ace. "Let's eat