KEYCEE'S POV Nakahiga ako sa kama, nakatagilid at nakadantay sa isang unan. Nakabalot ako ng kumot pero nakalabas ang mukha ko. Hinawakan ko 'yong labi ko. Tuwing iisipin ko 'yong nangyari kagabi kinikilig ako. Nagtalukbong ako bigla at nagwala sa ilalim ng kumot. Ilang minuto pa bago ko tinanggal ang kumot sa mukha ko. Pero pagtanggal ko, nakita ko si Ace na nakatayo sa harap ko. "Can't get over?" nanunukso niyang tanong. Inayos ko agad ang sarili ko at mabilis na bumangon. Hindi ko na siya pinansin at nagtatakbo na ako sa banyo para maligo. Nakakahiya tuloy. Pero ang nakakatuwa, nangako siya sa 'kin na itu-tutor na niya ako, but only with his free time lang. Naaawa raw kasi siya sa 'kin kung babagsak ako sa exam lalo na sa subject niya. Nang pareho na kaming makagayak, bumaba na ka