KEYCEE'S POV Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at naisipan ko siyang i-kiss. Nang matauhan ako sa ginawa ko, agad akong lumayo, pero hindi pa 'ko nakakaupo nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya 'ko palapit ulit sa mukha niya. Then he kissed me, too. It's not just a normal kiss, but a longer one. Halos maghabol kami ng hininga nang bumitaw kami sa isa't-isa. At doon ko napansin na puro sauce na pala 'yong blouse ko. Dahil kasi sa pagdukwang ko sa kaniya, hindi ko namalayan na dumikit ang blouse ko sa pagkain naming nasa mesa. Nang tingnan ko si Ace, ngumiti siya. Ako naman ay nahiya kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng office niya without saying goodbye to him. Patakbo akong bumababa sa hagdan nang biglang may humarang sa harapan ko. Si Ryan. "Sa'n ka pu