Chapter 6. The Visitors

1879 Words
KEYCEE'S POV Almost one week ko nang hindi pinapansin si Ace simula nang magpunta ako sa office niya. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya quits lang kaming dalawa. Isa pa, malapit na ang examination week kaya pareho kaming busy. Sa math lang ako bobo pero sa ibang subject pumapasa naman ako lalo na kapag nagrereview. Tulad ngayon, nakaharap ako sa laptop ko habang binabasa 'yong mga ipinadala ni Ryza at Christia na reviewer sa email ko. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naisipan ko munang lumabas para kumuha ng tubig. Pagbukas ko sa pinto, nakita ko si Ace, palabas din. Nagkasabay na naman kami. I put my arms under my chest and rolled my eyes as I walked past him. Nakakainis talaga siya! Naramdaman ko rin ang pagbaba ni Ace. Pareho kami ng direksyon at nagkasabay pa kaming pumunta sa harap ng refrigerator, pero walang gustong magbukas no'n sa amin. Hinihintay ko siya na mauna na lang pero mukhang gano'n rin ang plano niya. Nang hindi pa rin siya kumikilos ay ako na ang nauna, pero bigla rin siyang kumilos kaya nagkasabay kami at nahawakan niya 'yong kamay ko. Agad ko 'yon binawi at inis akong nagmartsa pabalik sa kwarto ko. Hindi na lang ako iinom. Hihintayin ko na lang na ma-dehydrate ako hanggang sa mamatay ako. Pabagsak akong nahiga sa kama at nagtago sa loob ng kumot at pumikit. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok nang biglang may kumatok sa pinto. Narinig ko 'yon na bumukas. "Are you asleep?" boses ni Ace ang narinig ko. "Keycee, what happened?" he asked again. Pero mataas ang pride ko kaya hindi ako umalis sa ilalim ng kumot. Alam kong nakatayo siya sa gilid ng bed ko kaya nagpanggap pa rin akong tulog. "Keycee, may problema ba? Why are you avoiding me?" Dahil feeling ako ay wala siyang balak tantanan ako kaya napilitan na 'kong sumagot, pero tipid lang. "Wala." "I know you. You wouldn't act like that for no reason. Something must have happened. Tell me." Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. This time tinanggal ko na ang kumot na nakatakip sa mukha ko at bumangon para harapin siya. "P'wede bang kahit ngayon lang ako naman ang maging masungit?" inis kong sabi. "Noong time na may allergy ka, alam ko na ako ang may kasalanan no'n! Inaamin ko! But do you know how much I think of you? Hindi ako mapakali dahil akala ko mamamatay ka na! Pero—" I let out a deep sigh para pigilan ang inis ko. Kalma, Keycee. Kalma. "Pero...what?" curious niyang tanong sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago ituloy ang sasabihin ko. "No'ng pumunta ako sa office mo," I started. "Office ko?" kumunot ang noo niya. Oo, hindi niya alam na nagpunta 'ko dahil umalis rin agad ako no'ng time na 'yon. "You went to my office?" "Yes. I did. I was so worried about you that I couldn't calmed myself down, so I went to your office that time to check on you if you're okay but you were sleeping like a prince!" Binato ko siya ng unan dahil sa inis ko nang maalala ko ang time na 'yon. Imagine, nilibot ko na yata ang buong campus para lang hanapin siya. Tumakbo pa ako nang tumakbo sa sobrang pag-aalala na baka namatay na siya sa kakaubo niya, pero payapang-payapa lang pala siya sa office niya. "Your sleeping position was like an alien position! Alam mo ba 'yon?!" Binato ko ulit sa kaniya 'yong isang unan. "Alalang-alala 'ko sa'yo! Hinanap pa kita kung saan-saan tapos nasa office ka lang pala at nagpapahinga na! Hindi mo man lang ako tinext at sinabing okay ka na. Samantalang ako, kunsensyang-kusensya dahil sa nagawa ko. Napakasalbahe mo!" mahabang litanya ko. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa inis. "That's it?" tanong niya habang nagpipigil ng tawa. At nakuha niya pa 'kong tawanan ngayon? "Get out, sir!" I said when I calmed down a bit. Nahiga na ulit ako at nagtalukbong ng kumot at saka pumikit. "Okay. Good night...Mrs Lee." Good nightin mo mukha mo! Napabalikwas bigla ako ng bangon no'ng ma-realized ko ang huli niyang sinabi. Mrs. Lee? Parang may mali sa sinabi niya. Ano ba'ng tawag niya sa 'kin sa school? Miss Dela Vega, 'di ba? Dahan-dahan akong lumingon para tingnan siya pero nagulat ako dahil hindi pa pala siya nakakalabas sa kwarto ko. "Ano pa'ng ginagawa mo d'yan? 'Di ba sabi ko lumabas ka na?" Nakatayo pa rin siya at nakatingin sa 'kin. "Paano ba 'ko makakabawi sa'yo?" Natahimik ako napalunok sa sinabi niya. Babawi siya? Paano nga ba? Teka. 'Di ba malapit na ang exam namin? Ah, alam ko na. Magpapa-tutor na lang ako sa kaniya. "'Di ba malapit na ang exam? Kung gusto mong makabawi, itu—" "No. Not that," he said, cutting me off. "Anything you want except tutoring." Agad naman akong sumimangot. "Sabi mo babawi ka? Paano kung 'yon lang ang way para makabawi ka?" "Hindi na lang ako babawi." Umirap ako dahil sa sinabi niya. "Akala ko pa naman mabait ka na, hindi pa rin pala. Sige na, umalis ka na. No thanks na lang sa sinasabi mong pagbawi!" Nahiga na ulit ako at tumalikod sa kaniya. Naramdaman ko na rin ang paghakbang niya palabas pati ang pagbukas at sara ng pinto. Kainis lang! As in talagang ayaw niya 'kong i-tutor? HUH! Edi 'wag! As if naman gusto ko talagang magpatutor sa kaniya! *** Pagkatapos ng huli naming klase, nagpunta kami nila Ryza sa library, kasama rin namin si Christia. Kung itatanong niyo kung ano ang nangyari sa math class ko? Edi hayun, still strict pa rin si Sir Ace. Asa naman kayo na maging mabait pa 'yon. 'Yong pagiging mabait niya once in a blue moon lang. Tulad kagabi 'di ba, medyo naging mabait siya. Pero nakakairita pa rin dahil ayaw niya 'kong itutor! "Keycee, nag-review ka na ba sa math?" tanong sa 'kin ni Ryza. Nagbubuklat siya ng libro. "Hindi pa nga, e. Pero okay lang. Manghuhula na lang ako ng sagot," sabi ko habang nakapangalumbaba. "Gaga ka talaga! Hindi p'wedeng manghula do'n! Kailan ba nagbigay si Sir Ace ng exam na multiple choices? Puro problem solving ang pinapa-exam niya, hello!" litanya naman ni Christia habang nagre-retouch. "At baka nakakalimutan mo, two seats apart tayo kaya wala tayong choice kun'di ang mag-review talaga. Gustuhin man kasi natin mangopya, 'di natin abot ang langit dahil malayo," sabi naman ni Ryza. Napabuntong-hininga na lang ako. "Bahala na," sagot ko na lang sa kanilang dalawa. Kapag bumagsak ako sa math, isusumbong ko na lang si Ace sa lolo niya at sasabihin ko na pinag-iinitan niya ako kaya niya ako ibinagsak. "'Yan naman ang lagi mong sinasabi, puro ka bahala na. Kapag bumagsak ka, bahala ka rin! Basta kami magre-review!" si Ryza ulit. Hindi na 'ko kumibo habang ipinagpatuloy naman nila ang pag-aaral. Akala mo naman talaga mga seryoso sa buhay. Pero kapag exam na, lahat ng nireview nila nakakalimutan rin nila. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo at nag-iisip. Namimiss ko na si Ryan. Hindi kami masyadong nagkikita dahil busy siya sa practice nila. Malapit na kasi ang laban nila sa ibang school. 'Yong about sa searching ng muse nila, hindi ako pumayag. Okay lang naman daw dahil mayro'n ng ilan na nag-audition. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ng palda ko. "Come over to my office." Text ni Ace sa 'kin. Pero ano naman ang gagawin ko ro'n? Hindi kaya nakunsensya na siya at naisipan na niya akong itutor? Napangiti ako nang bahagya sa naisip ko. Nagpaalam agad ako sa dalawa. Sinabi ko na bibili lang ako sa cafeteria. At dahil napaniwala ko ang dalawang bruha, nagbilin pa sila at nagpapabili ng fries. Tumango na lang ako para hindi nila ako pagdudahan. Pagdating ko sa office ni Ace, hinarang ulit ako ng guard. Pero hindi para sitahin like before. "Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni sir." "Galing pa po ako sa library," sagot ko na lang. "Sige na, pumasok ka na." Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Pinihit ko 'yong doorknob at sumilip. "Come in," sabi niya nang maramdaman niya 'kong nakasilip. Pumasok ako at nakita ko siyang may tinatype sa loptop niya. "Take a seat," he motioned the couch beside his desk kaya naupo ako ro'n. Ano kaya'ng gagawin ko rito? Papanoorin ko lang siya? "Sir, ano'ng ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Mukha kasi siyang seryoso sa ginagawa. Pero bakit naman niya 'ko papupuntahin dito kung may importante pala siyang ginagawa? "Exam nyo," he replied, his eyes still on his laptop screen. "Talaga?" Tumayo agad ako at humakbang palapit sa kaniya. Pero bago pa ako tuluyang makalapit ay agad na niyang ibinaling sa ibang direksyon 'yong laptop niya para hindi ko 'yon makita. Pilit ko pa rin sinisilip 'yong ginagawa niya but he gave me a warning look. "Bakit mo ba 'ko tinawag, sir?" Bumalik na 'ko sa couch para maupo na lang ulit dahil wala naman akong pag-asa na masilayan man lang 'yong exam na ginagawa niya. Sayang. "Si mommy, si dad at si lolo," he started. "Ano?" tanong ko. "Pupunta sila sa bahay mamaya." Nagulat ako sa sinabi niya. "As in mamaya na talaga?!" "Can you keep your voice down?" naiinis niyang sabi. "Okay. Pero...pupunta talaga sila?" tanong ko ulit para masiguro na hindi siya nagbibiro, at sinagot niya naman ako sa pamamagitan ng pagtango. *** Sabay kaming umuwi ni Ace sa bahay. Baka kasi kung ano'ng isipin ng lolo niya kapag hindi kami magkasama. Kilala ko 'yong lolo niya, sobrang bait sa 'kin no'n, pero may times na masungit din. Depende sa hormones niya 'yong mood niya. "Good evening, lolo." Lumapit ako sa lolo ni Ace at nagmano. Nakipagbeso naman sa 'kin ang mommy niya pati 'yong dad niya. "Buti naman nakauwi na kayo. Akala ko magche-check in kayo sa hotel dahil ayaw niyo kaming kasama rito," sabi ng lolo niya habang natatawa. Tiningnan ko si Ace pero hindi siya nakatingin sa 'kin. "Gabi na kasi kaya akala ni papa hindi na kayo makakauwi," sabi naman ng mommy ni Ace. Ginabi kami nang uwi dahil marami pang ginawa si Ace sa office niya. Gustuhin ko man na umuwi mag-isa, hindi niya 'ko pinayagan dahil magagalit ang lolo niya kapag nakitang hindi kami magkasabay. Lumapit sa 'kin ang lolo ni Ace. "Kumusta ka na, iha? Hindi ka ba pinapahirapan ng apo ko?" tanong niya habang inaakay ako papuntang kusina. Nilingon ko si Ace and gave him a 'tulungan-mo-ako-please' look. Alam ko kasing hanggang mamaya na naman ako dadaldalin ng lolo niya. Ang mga sinasabi lang naman ay gusto na raw niyang magkaroon ng apo. Waah! Kaya ayokong nagpupunta rito ang lolo ni Ace, e! "Ayos lang naman po ako. S'ya nga pala, gabi na po," sumulyap ako sa relo ko, "baka maabutan po kayo ng traffic." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ako na ang gumagawa ng paraan para paalisin sila. "Don't worry, iha, bukas pa naman kami uuwi." "PO?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit? Ayaw mo ba na mag-stay dito ang lolo?" "H-hindi naman po." I faked a laugh. Dito sila magpapalipas ng gabi? So, paano 'yon? Kailangan namin magsama ni Ace sa iisang kwarto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD