Chapter 5. Indirect Kiss

1937 Words
KEYCEE'S POV Nasa classroom kami at may exercises kaming sinasagutan sa book. Si Ace naman nakaupo sa upuan niya. Naka-cover ng panyo 'yong bibig niya dahil paminsan-minsan ay umuubo pa rin siya. Pumasok pa rin kasi siya kahit na ganito ang sitwasyon niya. Hindi ko naman kasi alam na allergy pala siya sa carrots at gano'n ang nagiging effect sa kaniya. Buti na lang natawagan agad ni yaya ang doctor niya. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil narinig ko na naman siyang umubo, pero medyo mahina na lang at hindi na kasing dalas katulad kagabi. Tiningnan ko 'yong papel ko at wala pa akong nasasagutan kahit isa dahil nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Noong marinig ko na naman siyang umubo ay agad kong kinuha ang phone ko sa bag at patagong nag-type ng message sa kaniya. "Ayos ka lang ba?" I was about to send it nang maalala ko 'yong sinabi niya sa amin noong first day of school regarding sa paggamit ng phone sa klase. Bawal kayong gumamit ng cell phone sa klase ko unless makita niyo 'kong nagce-cell phone. 'Yon ang sinabi niya dati, at kapag may nahuli siyang gumagamit ng phone during class, pinapatayo niya sa likod at lalagyan niya ng tig-dalawang encyclopedia sa magkabilang kamay habang nakadipa. Napailing na lang ako nang ma-imagine ko ang sarili ko sa gaanong sitwasyon. Nakadipa with encyclopedia sa kamay. Pero paano 'yon? Hindi ako makapag-concentrate nang dahil sa kaniya. Tulad ngayon, narinig ko na naman siyang umubo. Napailing na lang ako sabay bulong ng bahala na at saka ko sinend ang message ko sa kaniya. Pinagmasdam ko siya habang nakatingin siya sa labas ng room. Hindi niya alam na nag-text ako. Paano na? Hindi niya rin 'yon mababasa. Hihintayin ko na lang siyang tumingin sa 'kin. Maya-maya pa, umikot ulit ang tingin niya sa 'min. Nang sa akin na siya nakatingin, bahagya 'kong itinaas ang kamay ko at ipinakita ang cell phone ko. Sumenyas ako na nagtext ako sa kaniya. Pagbaba ko ng kamay ko, nakita kong kinuha niya 'yong phone niya sa bulsa ng pants niya at binasa ang text ko. "Just mind your own thing!" He replied quickly. I texted him again saying, "Gusto ko lang malaman kung okay ka ba?" "Sagutan mo na lang ang pinapagawa ko!" He replied again. Kahit sa text ay para bang naririnig ko pa rin ang boses niyang nagagalit. "Paano naman ako makakapag sagot? Nag-aalala 'ko sa'yo. Hindi ako makapag-concentrate." Matagal siyang hindi nag-reply pero alam kong nabasa niya ang text ko dahil nakatingin siya sa screen ng phone niya. "Miss Dela Vega, turn off your phone," sabi niya sa akin na naging dahilan para magtinginan na naman sa 'kin ang lahat ng classmates ko. "Just give me a seconds, sir. Emergency lang po," sabi ko at nagtext ulit sa kaniya. Narinig ko na naman siyang umubo habang nagta-type ako ng message. "Kapag sinabi mo na okay ka na, saka pa lang ako matatahimik." I sent it. "I'm okay. Just finish your work," reply niya. Tinabi ko na 'yong cell phone ko at tiningnan ko ulit siya. Kahit sinabi niyang okay na siya, parang hindi pa rin. Magsasagot na sana ako pero narinig ko na naman siyang umubo kaya tumayo na ako at lumapit sa kaniya. "Sir, may I go out?" tiningnan niya 'ko nang may paagtataka. "I'll be back in..." tumingin ako sa relo ko, "in twenty minutes," I continued. Nagtinginan ulit ang mga kaklase ko sa akin. Oo nga naman, sino ba naman ang teacher na papayag na lumabas ang estudyante niya at bumalik after twenty minutes? "Fifteen minutes, sir?" Sinubukan kong tumawad ng five minutes pero mukhang hindi pa rin siya payag. "Sige na po, sir," I begged. Umiling siya at pinabalik ako sa upuan ko. Pero dahil worried talaga 'ko sa kaniya kaya naman mabilis akong tumakbo palabas. "Promise sir, I'll be back in fifteen minutes!" sigaw ko noong nasa labas na ako. Mabilis akong tumakbo papunta sa gate. Wala akong choice kung hindi ang sumakay ng tricycle kahit ayaw ko. Pinabilisan ko ang pagda-drive ni manong para makauwi agad ako sa amin. "Yaya! Yaya! Yaya Miranda?!" sigaw ko pagdating sa bahay. "Oh, hija, bakit napasugod ka agad nang ganito kaaga?" nagtatakang tanong ni yaya nang lapitan niya 'ko. "Mayroon po bang gamot si Ace sa allergy niya? 'Yong makakawala po ng ubo niya?" natataranta kong tanong. "Bakit may nangyari na naman ba?" Bakas rin sa mukha niya ang pag-aalala. "Wala po, pero sa tingin ko kailangan niya ulit uminom ng gamot." "Ang alam ko nasa kwarto niya 'yon." Hindi raw alam ni yaya kung saan ang eksaktong pinaglalagyan no'n kaya umakyat na lang ako para hanapin. Mag e-explain na lang ako sa kaniya mamaya kapag nagtanong siya kung bakit parang ginyera ang kwarto niya. Noong mahanap ko na ang gamot ni Ace ay nagmadali na akong bumaba. Hindi na 'ko nakapagpaalam kay yaya dahil sa pagmamadali ko. Kailangan ko pa rin tuparin 'yong pangako ko na fifteen minutes. ACE'S POV "Paano naman ako makakapagsagot? Nag-aalala 'ko sa'yo. Hindi ako makapag concentrate." Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya kaya hindi ko na lang siya nireplyan. Alam kong nag-aalala talaga siya sa 'kin dahil kagabi pa lang hindi na niya alam ang gagawin nang makita niya ang nangyari sa 'kin. Hindi rin sana ako papasok ngayon pero narinig ko ang pag-uusap nila ni Yaya Miranda kaninang umaga. Nakikiusap siya kay yaya na pilitin ako na huwag na lang pumasok at hindi rin daw siya papasok para bantayan at alagaan ako since siya naman ang may kasalanan sa nangyari sa 'kin. I don't want her to missed her class just because of me, especially their exam is coming up. Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, pinilit kong pumasok para hindi na rin siya umabsent. "Miss Dela Vega, turn off your phone," I said, giving her a warning look. "Just give me a seconds, sir. Emergency lang po," giit niya. Ilang sandali pa, muling nag-vibrate ang cell phone ko at binasa ang text niya. "Kapag sinabi mo na okay ka na saka pa lang ako matatahimik." "I'm okay. Just finish your work." I replied. Ayaw ko rin siyang makitang nag-aalala dahil lalo itong nawawala sa focus kaya sinabi ko na lang na okay ako. Pero ilang sandali pa, bigla siyang tumayo at lumapit sa 'kin. "Sir, may I go out?" tiningnan ko lang siya. "I'll be back in..." she turned to her wristwatch. "in twenty minutes," I furrowed my eyebrows. No. "Fifteen minutes, sir?" pangungulit niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta at gano'n katagal ang hinihingi niyang oras. At dahil hirap akong magsalita, umiling na lang ako bilang pagtugon sa kaniya at sinenyasahan siya na bumalik sa sarili niyang upuan. Akala ko susundin niya ako pero nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palabas sa classroom. "Promise sir, I'll be back in fifteen minutes!" KEYCEE'S POV Pagkatapos kong bayaran ang tricycle na sinakyan ko, mabilis na akong tumakbo pabalik sa room. Pagpasok ko sa room ni sir Ace, wala na 'yong mga kaklase ko. Oo nga pala, Physics na! Lumapit agad ako kay Sir Ace. "Sir...'yong gamot...mo!" I said in between my heavy breathings. Daig ko pa ang kabayong nakipagkarera sa Edsa kung hingalin. "Bakit ka pa umuwi?" tanong niya sa 'kin. "Ayaw kasing huminto nang ubo mo," I replied as I walked towards my seat. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ko 'yong tumbler na may tubig at saka ulit ako lumapit para iabot 'yon sa kaniya. "Tungkol sa pag-alis mo nang walang permission ko—" "I know sir, I know," I cut him off. Sa tono niya kasi alam ko na agad na kailangan kong tumanggap ng parusa. "Sa bahay mo na lang ako parusahan. Sa ngayon kailangan mo munang inumin ang gamot mo," I said. Medyo hinihingal pa rin ako dahil sa pagtakbo. Inilagay na niya 'yong gamot sa bibig niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay agad niyang ibinalik sa 'kin ang tumbler ko. "Alam mo sir, ginamit ko 'tong tumbler kanina. Kaya para na rin tayong nag-kiss. Indirect kiss," sabi ko kay Sir Ace habang natatawa. Tiningnan niya lang ako nang walang ka-emo-emosyon. "Go to your next class," utos niya sa 'kin. "Sige po," I responded, smiling. Masaya 'ko dahil nakainom na siya ng gamot at least hindi na ako masyadong mag-aalala sa kaniya. "Wait," tawag niya sa 'kin no'ng malapit na 'ko sa pintuan para lumabas. Nang humarap ako sa kaniya, agad niyang hinagis sa akin 'yong panyo niya. "Pawis mo." "Thank you, sir." I smiled again bago ako tuluyang lumabas sa room niya. Umakyat na ako ng second floor para sa Physics namin. Buti na lang before dismissal nagche-check ng attendance ang teacher namin do'n kaya hindi ako maa-absent. Pagkatapos no'ng huling klase namin naisipan ko na itext si Sir Ace. "Okay ka na? Nasa bahay ka na ba?" Hinintay ko siyang mag-reply pero wala akong natanggap kaya pinuntahan ko 'yong room niya. Wala din siya ro'n. Nasa'n kaya siya? I texted him again. "Sir, bakit wala ka sa room mo? Nasaan ka ba?" Still no response kaya hinanap ko siya kahit saan. Sa library, sa cafeteria, sa faculty room, sa admin building, etc. Tinext ko ulit siya pero hindi na naman siya nag-reply. Nasaan na ba siya? Hindi kaya namatay na siya kakaubo? Baka may dugo na lumabas sa bibig niya, hindi kaya? Pero imposible naman 'yon dahil napainom ko na siya ng gamot. Ace, nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na nag aalala ko? Bulong ko sa isip ko. Tinawagan ko si Yaya Miranda at tinanong kung nasa bahay na si Ace, pero wala pa raw. Naisipan kong magtanong sa student assistant na nakita ko sa faculty room at sinabi nila sa akin na nakita raw nila na pumasok sa sariling office si Sir Ace. 'Di ba nga lolo niya ang owner ng school kaya naman mayroon siyang special office dito. Pero hindi pa ako nakakapasok do'n kahit minsan. Wala kasi akong lakas ng loob. Pumunta agad ako sa office niya. Sa third floor pa 'yon kaya sumakit ang binti ko lalo na at tumakbo pa ako kanina. Pagdating ko sa office ni Sir Ace, hinarang agad ako ng guard na naka-duty at binawalan akong pumasok. Hindi raw p'wedeng pumasok ang mga estudyante sa office na 'to dahil mahigpit daw na bilin 'yon ni Ace sa kaniya. Nag-isip ako nang magandang palusot at sinabi ko na may importanteng ibinilin sa 'kin si Ace. Nang tanungin niya ako kung ano ang bilin ni Ace, hindi ako nakasagot. Pero agad kong dinukot ang bulsa ko para kuhanin ang panyo ni Ace na hinagis niya sa 'kin kanina. "Dalhin ko raw po sa kan'ya 'tong panyo niya," sagot ko sa guard. "Ako raw po ang magdala at tuloy ipapadala niya raw sa 'kin 'yong mga quiz namin kanina para ipamigay sa mga kaklase ko," I lied. Mukhang napaniwala ko naman siya kaya agad niyang binuksan ang pinto para makapasok ako. "Sir Lee," tawag ko sa kaniya noong nasa loob na 'ko nang maluwang niyang office. "Sir Ace?" I called again. Wala pa rin sumasagot. "Ace?" Iginala ko ang paningin ko. Wala siya sa desk niya, wala rin sa couch. Akala ko ba nandito siya sabi ng student assistant at saka no'ng guard? Dahil sa sobrang luwang at sobrang laki nang office niya, kailangan ko pang gumala-gala sa loob para matunton kung saan siya nagtatago. May isang pinto pa akong nakita sa loob ng office niya kaya lumapit ako ro'n para buksan. At pagsilip ko sa loob nagulat ako sa nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD