KEYCEE'S POV
After ng math class, nagklase pa kami sa Physics. Pagkatapos ng Physics, break time na. Kasama ko si Ryza at Christia. Lumabas kami sa room pero may tumawag sa pangalan ko.
"Si Ryan, oh," sabi ni Ryza habang nakatanaw sa papalapit na si Ryan.
"Ayiiiieeee!" pang-aasar naman sa 'kin ni Christia sabay sundot sa tagliran ko.
"Excuse me, p'wede ko bang hiramin muna si Keycee?" tanong ni Ryan paglapit niya sa amin. He still has those charismatic smiles on his face.
"Ano ka ba! Syempre naman! Kung gusto mo sa'yo na lang siya, kahit 'wag mo ng ibalik," sabi ni Ryza at nagtawanan pa sila.
"Hoy, ano ba kayo?!" saway ko sa kanila. Natawa naman din si Ryan.
"Sige. Una na kami sa cafeteria. Maiwan na namin kayo." Nagpaalam na sila sa amin ni Ryan.
"Ano nga pa lang kailangan mo?" tanong ko no'ng kami na lang dalawa ang magkasama.
"Ikaw," he said without hesitation.
"Ha?" kumunot naman ang noo ko.
"Wala, halika na nga. Samahan mo na lang ako." Hinila na niya ako kung saan. Wala na 'kong nagawa kun'di ang sumunod sa paglakad niya.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa 'kin.
"Wag kang magagalit, ah. Pero...p'wede bang mag audition ka? Please...?"
"Audition saan?"
"Malapit na kasi ang intrams. Searching for muse na sila. 'Yong muse na mapipili, siya ang magiging kasama namin kapag lumaban kami sa ibang school," he elaborated.
"Pero bakit ako?" I asked, confused.
"Ikaw lang kasi ang nakikita kong maganda sa buong school." Speechless mode muna 'ko. Ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yon galing sa kaniya. But I don't know if he's being serious or what. "Ano payag ka na?"
"Ah, eh...p'wedeng pag-isipan ko muna?"
"Kapag pinag-isipan mo pa baka tumanggi ka lang. Kung pipilitin kita ngayon wala ka ng choice," he said and smiled again.
Sh*t. Ang g'wapo!
Pero papayag ba 'ko? Paano kapag nalaman 'to ni Ace? Teka. Bakit ko nga ba siya iniisip? Wala naman pakialam sa akin 'yon. Hindi niya rin naman pinapakialaman 'yong mga ginagawa ko.
"Pag-iisipan ko muna," I told Ryan and that made him sigh.
"Akala ko pa naman mapipilit kita. Pero okay lang. Tara kain na lang tayo." Hinila niya ulit ako papunta sa cafeteria.
Pagdating namin doon inaasar na naman kami ni Ryza at Christia.
"Bro, bago mo?" tanong ng isang lalaki kay Ryan pero hindi niya 'yon sinagot at nag-smile lang siya.
Nakaupo kami sa table ni Christia at Ryza, magkatabi kami ni Ryan. "Aminin niyo nga," tumingin kami pareho ni Ryan kay Christia. "Ano'ng mayro'n sa inyong dalawa?" tanong niya.
"Wala," sagot ko. Si Ryan naman tahimik lang.
"Ikaw lang ang sumagot Keycee. Gusto rin namin malaman ang sagot ni Ryan, at saka, 'di ba matagal mo na s'yang crush?" Nagulat si Ryan sa sinabi ni Ryza, kahit ako nagulat rin.
Tiningnan ko nang masama si Ryza at sinenyasan ko siya na bawiin ang sinabi niya. Hindi talaga mapagkakatiwalaan sa sikreto 'tong si Ryza. Kapag nangati ang bibig, ilalaglag ka na. Ang hirap nang may kaibigang kampon ni satanas.
"Totoo?" tanong ni Ryan nang humarap siya sa akin. Hindi ako nakasagot. Hay! Pahamak talaga 'tong dalawang to! Kainis! "Matagal mo na ba talaga 'kong gusto?" Hindi pa rin makapaniwala si Ryan.
Kinuha ko 'yong inumin ni Christia at mabilis na tinungga 'yon. Pagkatapos kong magpakabusog sa tubig, tiningnan ko siya. "Magagalit ka ba kung malaman mong oo?" nahihiya kong tanong.
"Hindi," he smiled.
"Tama sila. Gusto nga kita," I confessed.
"It's an honour for me. I like you too." Ako naman ang natulala. Hindi nga? Biglang nag-ingay si Ryza at Christia. Inaasar nila kami kaya naman pati ibang mga estudyante ay sa amin na nakatingin. "I said I like you too. Will you be my girl?"
Oh no! Am I dreaming? Is this real?
Bigla akong nakarinig ng sigawan sa paligid namin.
"SAY YES! SAY YES! SAY YES! SAY YES!" sigaw nilang lahat.
Teka? Paano na? Ano'ng gagawin ko? Bakit parang ang bilis naman yata? Matagal ko na nga siyang crush pero kanina lang kami nagkausap sa personal, noong tinulungan niya ako papunta sa room. Tapos ngayon tinatanong na niya 'ko nang ganitong bagay?
"SAY YES! SAY YES! SAY YES! SAY YES!!!" Hindi pa rin sila tumitigil sa sigawan.
Kung hindi ako sasagot magiging kahiya-hiya si Ryan sa lahat. Kung sasagot naman ako...paano si Ace?
"Will you?" tanong ulit ni Ryan tapos hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
Mahilig naman ako sa bahala kaya...
BAHALA NA.
"Y-yes," nahihiya kong sabi sabay yuko.
Lalo pang nagsigawan ang mga estudyante sa paligid namin. Si Ryza at Christia naman halos himatayin sa kilig. Pero nahihiya ako sa sarili ko, ni hindi man lang ako nagpaligaw, oo agad? Ang kinatatakot ko pa, paano kapag nalaman nila na may asawa na 'ko?
***
Nakangiti akong pumasok sa bahay habang napapa-humming pa.
"Mukhang masaya ka, hija. Mayroon bang magandang nangyari?" tanong sa 'kin ni yaya kaya huminto ako.
"Wala naman po," sagot ko sa kaniya habang nakangiti pa rin.
Kung p'wede ko lang sanang sabihin, baka kanina ko pa ginawa. Pero inaalala ko pa rin si Ace. Paano kaya kapag nalaman niya 'to? Pero kung ako ang tatanungin niyo...masaya 'ko. It's Ryan Dela Cruz, hello!
Papasok na ako ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto ng room ni Ace. Pareho kaming natigilan at napatingin sa isa't-isa. Magkatabi lang kasi ang kwarto namin. Actually nga dapat one room lang kaming dalawa dahil 'yon ang gusto ng lolo niya. Kaya lang ayaw namin pareho na magsama kaya nag-decide kami na separate rooms na lang. At dito sa katabi ng room niya ako pinag-stay para mabilis akong makalipat sa kwarto niya tuwing pupunta rito ang lolo niya.
Gusto ko sana siyang batiin man lang, hi or hello, pero di 'ko magawa kasi nahihiya ako sa kaniya, and since hindi niya rin naman ako binati kaya dimiretso na lang ako sa kwarto ko. Sa tingin ko naman wala pa siyang alam sa nangyari kanina. Sana lang 'wag niyang malaman. Ayoko naman siyang lokohin pero wala akong choice kanina. Mayroon man akong choice but, it's only yes or yes. Kaya naman YES ang lumabas sa bibig ko dahil ayoko rin mapahiya si Ryan. Besides, 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari dati pa.
Nakadukdok na naman ako sa study table pero hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano dahil kinikilig ako. Hindi talaga ako makapaniwala.
Iniangat ko na lang ang ulo ko at humarap sa loptop ko. Nag-open ako ng social media account at nag-post ako ng selfie ko with a caption; Good evening.
At laking gulat ko nang sunud-sunod ang nag-react sa post ko at bahain 'yon ng comment. Isa-isa kong binasa 'yong mga comment nila.
"Totoo ba na kayo na ni Ryan?"
"Congratulations to the new girlfriend!"
"Swerte mo girl."
"Kaya pala blooming, may inspiration."
"Totoo ba ang balita na kayo na?"
"Kakabreak lang namin, kayo na agad? Such a player."
"Ryan is mine. Just so you know."
"Congrats, girl!"
Hindi ko na kinaya pa na basahin ang ibang comment dahil bigla akong nataranta nang maisip kong maaaring makita ni Ace ang mga 'yon.
Nagsunud-sunod pa ang notifications ko na lalong naging dahilan para mataranta ako.
Ano kayang ginagawa ni Ace? Nabasa na niya kaya 'yong mga comment?
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumapat sa pinto ng room niya. Wala akong naririnig na kahit ano sa loob. Tulog na kaya siya?
Pinihit ko 'yong doorknob at sumilip sa loob. Nasaan kaya siya?
Bigla kong narinig ang tunog ng tubig sa bathroom niya. He's showering. Ibig sabihin ba hindi pa niya nakikita? Iginala ko 'yong tingin ko sa loob ng room niya at natanaw ko 'yong phone niya sa kama. Kung hindi niya pa nababasa 'yong mga comment, kailangan ko ng gumawa ng paraan.
Kailangan mahawakan ko ang phone niya at i-unfriend ang sarili ko sa account niya, or maybe i-block? I shook my head in disagreement. No. Masyadong obvious kapag blocked ang ginawa ko. I will unfriend myself na lang using his account para hindi niya makita 'yong mga comment or post ko in the future.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya at lumapit sa kama. Kinuha ko agad 'yong phone niya para gawin ang misyon ko.
And shocks! May code! Paano ko 'to mabubuksan ngayon? Hindi ko alam ang password niya.
Think, Keycee. Think!
Ano ba'ng p'wede niyang maging password? Naririnig ko pa rin and lagaslas ng tubig sa bathroom kaya sure ako na hindi pa siya tapos. Birthday niya kaya? P'wede naman 'yon diba? Pero kailan ba 'yong birthday niya? Ang malas ko! Ni birthday ng sarili kong asawa, hindi ko alam. Eh, kung birthday ko kaya? Tsk. Masyado naman yata akong assuming? Pero try ko rin baka p'wede.
Tinype ko na ang numerong 0805. Meaning August 05. At nagulat ako nang bumukas 'yon. Birthday ko nga 'yong code niya. Pero bakit? Who am I to deserve this?
Hindi ko muna inintindi 'yon at inasikaso ko muna ang talagang misyon ko kung bakit ako narito. Nang ma-open ko na ang social media account niya ay agad kong sinearch ang sarili ko para i-unfriend.
"Mission accomplished," bulong ko.
Lumabas na agad ako sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama. Kinabahan ako do'n. Buti na lang hindi niya ako nahuli. Pero...0805? Bakit niya ginawang code ang birthday ko? Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko man lang alam kung kailan ang birthday niya. Samantalang 'yong sa akin, ginawa pa niyang code sa phone niya.
Nakahiga pa rin ako sa kama nang marinig ko ang pagkatok ni yaya sa kwarto ko.
"Keycee dinner na." Agad naman akong lumabas at bumaba sa dining area. Hindi pa bumababa si Ace kaya kami pa lang ni Yaya Miranda ang magkasama.
Nakita kong may inaalis si yaya sa ulam. "Bakit niyo po inaalis 'yan?" tanong ko.
"Hindi kasi kumakain si Ace ng carrots," sagot ni yaya. Menudo na naman kasi ang ulam. Magkasunod na araw na kaming nag-ulam ng menudo at mukhang hindi nagsasaawa si Ace. Pero bakit kaya hindi siya kumakain ng carrots? Samantalang ako kinakain ko pa 'yon nang hilaw minsan. Nang umalis si yaya para kumuha ng tubig sa refrigerator, may naisip agad akong kapilyahan. Tiningnan ko ang paligid ko. Wala pa si Ace. Si yaya naman ay nakatalikod pa rin sa 'kin. Tumayo agad ako sa upuan ko at pumunta sa pwesto ni Ace. May kanin na sa plate niya kaya kumuha ako ng ilang pirasong carrots. Tinabunan ko 'yon sa ilalim ng kanin ni Ace. Ito na ang magiging ganti ko dahil sa ginawa mo sa 'kin kanina na pagpapahiya sa room. Bumalik agad ako sa upuan ko at nagkunwaring kumakain. Naramdaman ko na si Ace na papalapit dahil sa footsteps niya. Agad siyang pumunta sa pwesto niya. Si yaya naman ay laging hindi sumasabay sa amin kaya kami lang dalawa ang magkaharap. Nakita kong sumubo na si Ace mula sa plato niya. Tumingin siya sa 'kin bigla kaya agad akong yumuko para ituon ang atensyon ko sa sarili kong pagkain. "Kumakain ka na pala Ace," sabi ni yaya nang makalapit siya sa amin. Sinalinan niya kami ng juice ni Ace sa baso. Nakita ko 'yong sumunod na sinubo ni Ace at nasama ro'n 'yong carrots na nilagay ko sa plato niya. "Okay na 'yang pagkain mo, natanggal ko na ang carrots. Alam ko naman na allergy ka ro'n."
Susubo na sana 'ko nang mabitawan ko ang hawak ko na kutsara dahil sa sinabi ni Yaya Miranda.
Allergy siya?
Tumayo agad ako sa upuan ko at mabilis na pumunta sa pwesto ni Ace. "Iluwa mo!" utos ko sa kaniya habang nakahawak ang isa kong kamay sa chin niya at 'yong isa naman nakahawak sa labi niya para mabuksan ko ang bibig niya.
"What are you doing?!" inis niyang tinabig ang kamay ko. Pati si yaya ay labis ang pagtataka habang nakatingin sa 'min.
"Basta iluwa mo!" pinalo-palo ko pa siya sa likod. "May carrots kasi d'yan!"
"Narinig mo si yaya, 'di ba? Tinanggal na niya," sagot niya. Tinuloy na niya ulit ang pagkain. Habang pabalik ako sa pwesto ko, nakatingin pa rin ako sa kaniya. Hindi ko naman alam na allergy pala siya do'n. Akala ko maarte lang talaga siya sa pagkain.
***
Kahit na gaano kasarap ang tulog ko nagising pa rin ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kwarto ni Ace. Kanina pa kasi siya ubo nang ubo. Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko and it's past eleven. Kailan pa siya nagkaroon ng ubo?
Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Paglabas ko sa pinto sakto rin ang paglabas niya kaya nagkatapat kami. At nagulat ako sa itsura niya. Pawis na pawis siya tapos parang nanghihina. Ubo pa rin siya nang ubo.
Lumapit agad ako sa kaniya at pumwesto sa harapan niya. Hahawakan ko pa lang sana siya sa forehead para i-check kung mayroon ba siyang lagnat, nang bigla siyang bumagsak sa 'kin. Pati tuloy ako bumagsak rin sa floor dahil sa bigat niya.
"Ace, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Tumayo ka," utos ko sa kaniya dahil alam ko na kahit papaano ay may malay pa siya dahil sa pag-ubo niya. Itinulak ko siya para makaalis sa ibabaw ko. Umupo ako at hinawakan siya sa noo. Wala naman siyang lagnat. "Ace? Ace? Sir Lee? ACE LEE!" sunud-sunod kong tawag sa kaniya pero hindi siya sumasagot. Bumaba agad ako para tawagin si Yaya Miranda sa kwarto niya. "Ya, si Ace po!" Nagulat pa si yaya sa pag sigaw ko.
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Hindi ko po alam..." Bumangon agad si yaya at sinamahan akong umakyat sa taas. At habang paakyat kami, hindi ko maiwasang makunsensya dahil parang alam ko na kung ano'ng dahilan.
'Yong nilagay kong carrots.