Chapter 3. Jealous Teacher

2725 Words
KEYCEE'S POV Nang sumigaw ako ay agad na lumapit sa akin si Ace at tinakpan ang bibig ko. "Wag ka ngang sumigaw baka kung ano'ng isipin ni Yaya Miranda!" saway niya sa 'kin. Pilit kong tinanggal 'yong kamay niya at nagtatakbo ako palabas ng kwarto niya. Bakit ba kasi pumasok pa 'ko sa loob? "Oh, Keycee? Anong nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Yaya nang makita niya ako na hinihingal. "Eh, k-kasi po..." I stuttered. Paano ko ba sasabihin? Nakakahiya naman kung sasabihin ko na nakita kong nakahubad sa harap ko si Ace. Magsasalita na nasa 'ko pero nakita ko si Ace na pababa sa hagdan. Nakabihis na siya. He was wearing a plain white shirt and a khaki cargo short with a pair of flip flop slippers. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya. "Nand'yan ka na pala, Ace. Handa na ang pagkain," sabi ni yaya sa kaniya. Dumiretso na agad siya sa dining area. Ako naman naiwan na hinihingal sa couch. Napagod kasi ako sa pagtakbo. "Keycee, halika na," aya sa akin ni yaya pero dahil nilalamon ng hiya ang buo kong sistema ay nagpalusot na lamang ako. "Ayoko pa po kumain. Busog pa po ako," I lied. Umakyat na muna ako sa kwarto ko at doon nagkulong. Ayokong makaharap si Sir Ace ngayon. Grabe ang t***k ng puso ko kanina. Sobrang bilis sa kaba. First time ko siyang makita nang gano'n. I mean, ng walang pang itaas at...'yong towel dropped. My gosh! My eyes! Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Hinawakan ko 'yong puson ko at huminga nang malalim. Wala akong nakita. Wala. Wala. Wala! Akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron! My mind shouted. Tinakpan ko agad ang tainga ko dahil ayokong marinig ang sinasabi ng sarili kong isip. *** Alas onse ng gabi nang magising ako. Hindi ko inexpect na gano'n kahaba ang naging tulog ko simula nang pumasok ako sa kwarto. Kung hindi pa kumalam ang sikmura ko, hindi ko pa maiisipan bumangon. Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Hindi ko na sinindihan ang ilaw dahil kaya ko naman bumaba ng hagdan kahit walang ilaw. Nasa kalahati na 'ko ng pagbaba no'ng mapansin ko na maliwanag pa rin sa kusina. Gising pa ba si yaya? Usually kasi, kapag ganitong oras ay wala na dapat maraming ilaw na nakasindi sa dining area. Isang pinlight na lang dapat. Oh, baka naman nakalimutan lang patayin ni yaya bago siya matulog? "Ba't gising ka pa?" Agad akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko. Si Ace. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil tanging sinag na lang mula sa kusina ang tumatanglaw sa amin. At kahit hindi ko siya nakikita nang maayos, umatake ang hiya ko nang maalala ko 'yong pagpasok ko sa kwarto niya at pagkalaglag ng towel sa baywang niya. Sa sobrang hiya ko ay nagmadali akong bumaba para iwasan siya. Pero nagkamali ako nang tapak sa baitang kaya nadulas ako at gumulong-gulong pababa. "Aray," reklamo ko habang nakahawak sa parte ng paa ko kung saan parang may naipit na ugat. Narinig ko naman ang footsteps ni Ace, pero hindi para lapitan at tulungan ako. Ilang sandali pa, biglang lumiwanag ang paligid dahil sinindihan niya pala 'yong ilaw. Tiningnan niya 'ko. 'Yong mukha niya na laging walang emosyon biglang nagkaroon. Nakangisi siya habang nakatingin sa 'kin. 'Anong tinatawa-tawa mo jan?' sabi ko sa isip ko. Bumaba siya at inoffer ang kamay niya para tulungan akong tumayo. "Kaya ko sir," I said as I rolled my eyes. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. "Sabi mo kaya mo?" Natawa pa siya nang bahagya. "Kaya ko nga talaga...po," pinilit ko ulit tumayo. Pero gaya noong una, hindi ko pa rin nagawa. "Kaya pa?" nanunukso niyang tanong. Tumango na lang ako. Hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya. Hindi ako kakapit sa kamay niya kahit anong mangyari, kaya kong tumayo. Promise 'yan. Bumilang ako ng tatlo sa isip ko at saka ako tumayo. Pero napangiwi ako nang bahagya dahil masakit talaga. "Oh, 'di ba? Kaya ko, sir!" I said and gave him a smile, a forced one. "Okay. Kung gano'n, umakyat ka na. Gabi na," he said while staring at me intently. Hindi ako kumibo. Alam kong susubukan niya 'ko kung talagang kaya kong humakbang. "Mauna ka na. Sunod na lang ako." Ngumiti ako nang bahagya sa kaniya. "Sabay na tayo," bigla niyang inangat 'yong kamay niya, like parang inaabot niya 'yong kamay ko para akayin. Tiningnan ko 'yong hagdan at binilang kung ilang baitang 'yon. One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Nine. Ten. Eleven. Twelve. Thirteen. Fourteen. Fifteen. Sixteen. My eyes widened. Sixteen steps?! Seriously? "Alam ko na mahina ka sa math. Pero bakit ngayon mo lang nalaman kung ilang baitang ang hagdan na 'yan?" Lumingon ako kay Ace dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na narinig pala niya ang pagbulong ko. "Tara na, umakyat na tayo," aya niya ulit sa 'kin. Gusto ko sanang humakbang pero hindi ko kaya. Pinilit ko lang tumayo pero sa totoo lang gusto ko ng umiyak sa sobrang sakit nang paa ko. "Mauna kana," sabi ko kasabay nang bahagya kong pagyuko para sulyapan ang paa ko. "No. Sabay na tayo," sagot niya na para bang wala na 'kong ibang choice kun'di ang sundin siya. Tiningnan ko ulit 'yong hagdan. "Bakit ba kasi wala tayong elevator o escalator dito sa bahay?" I mumbled before I turned and face him. Tiningnan ko muna siya bago ako humakbang. Pero dahil nga masakit talaga, bigla akong napaupo. "Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Hindi ko talaga kaya," mahina 'kong sabi habang nakahawak sa ankle ko. He clicked his tongue and said, "Ang kulit mo kasi," and the next thing he did made me shocked. Binuhat niya ako. Bridal style. Nakatitig lang ako sa kaniya habang paakyat kami sa taas. Sinipa niya nang kaunti 'yong pinto ng kwarto ko para mabuksan 'yon. Hindi ko kasi isinara 'yon kanina. "Dito ka lang may kukuhanin lang ako," sabi niya nang maibaba ako sa bed ko at saka na siya lumabas sa kwarto. Pag alis niya, do'n pa lang ako naiyak. Hindi ko talaga mapigilan sa sobrang sakit. Ikaw ba naman malaglag nang pagulong-gulong sa hagdan, ewan ko lang kung hindi ka mabalian. Pagbalik ni Ace sa kwarto ko ay may dala na siyang maliit na bote. Pinagmasdan niya 'ko habang umiiyak. "Masakit ba talaga?" parang naasar pa 'ko sa tanong niya. 'Di pa ba obvious? Umupo siya sa kama at kinuha 'yong paa ko. Ipinatong niya 'yon sa lap niya. "Aray! Dahan-dahan naman!" Medyo napalakas ang boses ko. Binuksan niya 'yong bote na dala niya at pinahidan niya 'yong paa ko na masakit. Nang mapahiran niya 'yon ay bahagya niyang minasahe. "Ouch! Wag mo naman diinan, masakit!" reklamo ko. "A-aray...dahan-dahan naman!" hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sigawan siya samantalang pag nasa school ay takot ako sa kaniya. "Wag ka ngang maingay," saway niya sa 'kin pero mahina lang ang boses niya. "Masakit pa ba?" tanong niya habang mina-massage pa rin ang part na parang naipitan ng ugat. "Oo. I mean, opo...sir," bigla akong nahiya kasi naalala ko na teacher ko nga pala siya. "Kapag nasa bahay tayo okay na 'ko sa Ace. Sa school na lang ang sir," he said in a soft tone, still massaging my injured feet. "Okay. Ace," I said shyly. Luh, 'di ako sanay. "Ano? Masakit pa ba?" tanong ulit niya. "Hindi na masyado. Kaunti na lang," sagot ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang mina-massage 'yong paa ko. Hindi ko alam kung siya ba talaga 'tong nasa harap ko o baka ibang tao. Parang hindi kasi ako makapaniwala na ang teacher na kinatatakutan ng lahat sa school namin ay narito sa tabi ko at hinihilot ang paa ko. Siya ba talaga 'to o sinapian lang ng masamang espiritu? Napangiti ako nang bahagya. "Bukod pala sa pagiging teacher, manghihilot ka rin," sabi ko habang nagpipigil nang tawa. He then raised his head and gave me a warning look. 'Yon ang tingin na binibigay niya sa mga estudyante niya bilang warning kapag hindi siya natutuwa kaya tumahimik na lang ako. "Mawawala na 'yan bukas," he reassured. "Sige na matulog ka na." Tumayo na siya at dahan-dahang inilapag ang paa ko sa kama. "Paano kapag hindi nawala 'yong sakit? P'wede ba 'kong umabsent?" mahina kong tanong. Pumayag ka, please. "Kapag hindi nawala, magpapa-xray tayo," he said, and I sighed. Akala ko pa naman makakalusot na ako. "Sige na, matulog ka na." Naglakad na siya papunta sa pinto pero bago siya tuluyang lumabas, nilingon niya pa ulit ako. "Good night," he said before he closed the door. Good night? Bakit parang kakaiba 'yong good night na 'yon? Ang sarap pakinggan. Tipong parang ayoko na yatang gumising sa kinabukasan. *** Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Nakakalakad na 'ko pero medyo masakit pa rin ang paa ko. Pumasok ako sa bathroom at nag-shower. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako ng uniform. Binobotones ko pa lang 'yong blouse ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ace. Tumalikod agad ako, as well as him. "Bumaba ka na. Ready na 'yong breakfast." 'Yon lang ang sinabi niya at saka na siya umalis. Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na rin agad ako sa kwarto. Wala naman siguro siyang nakita dahil nakasuot na sa 'kin 'yong blouse ko kanina, 'di ba? Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at pumunta sa dining area. Umupo ako sa harap ni Ace. "Good morning, Keycee," bati sa 'kin ni yaya. "Good morning po," I greeted back. Nagsimula na rin akong kumain. Maaga pa naman, makakakain pa 'ko nang maayos kahit papaano. Minsan kasi lagi akong hindi nakakapag breakfast lalo na kapag nale-late ako ng gising. Nakakadalawang subo pa lang ako nang biglang tumayo si Ace. Kinuha na niya ang mga gamit niya na nakapatong sa dining table tapos lumabas na. Tiningnan ko ulit 'yong relo ko at- 8:40 AM! Bakit ba lagi akong nale-late ng gising? Kainis naman. Tumayo na rin ako para lumabas na. Gustuhin ko man magmadali ay hindi ko magawa dahil medyo masakit pa rin ang paa ko. Naabutan ko na naman si Ace na nakahinto sa tapat ng gate. Lumapit ako dahil parang ako yata ang hinihintay niya. Assuming na kung assuming! "Get in," utos niya nang makalapit ako. Medyo mabagal 'yong kilos ko dahil medyo masakit pa rin ang paa ko. "Are your legs still hurts?" tanong niya noong nasa loob na 'ko ng sasakyan niya. Kahit papaano ay mukha naman siyang nag-aalala. Istrikto lang siya pero mayroon pa rin pala siyang puso. "Medyo," sagot ko naman. Hindi na ulit siya nagsalita, nag-drive na lang siya. Pagdating namin sa school, of course bumaba na naman ako dahil baka may makakita sa amin. Nang tuluyan na makapasok ang sasakyan ni Ace sa loob ng gate ng school, humakbang na 'ko para makapasok. Pero dahan-dahan pa rin ako sa paglalakad dahil sa paa ko na medyo masakit pa rin. "Okay ka lang?" someone behind my back, asked. "Oo. Okay la—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang pumwesto sa harap ko at tiningnan ako. Anaknang siomai mami! "You're not looking okay," sabi niya at napailing pa nang bahagya. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa good night ni Ace kagabi kaya hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Ryan. "May dumi ba sa mukha ko?" Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. "W-wala," mahina kong sagot. Isang word na nga lang ang sinabi ko, nautal pa 'ko. I sighed. Ryan's effect. "Halika, hatid na kita sa room mo." Hinawakan niya ang isang balikat ko at inalalayan akong maglakad. Lahat tuloy ng madadaanan namin ay nakatingin sa amin. Mga marites talaga. Ilang sandali pa, napahinto kami pareho sa paglalakad nang biglang may tumunog. "Tiyan mo ba 'yon?" natatawa niyang tanong. At mahinang tawa lang ang naisagot ko. "Sa cafeteria muna tayo. Mukhang hindi ka pa yata nag-almusal." "Hindi na!" apila ko agad. "Hindi p'wede. Kailangan ko kasing pumasok sa math ngayon. Kilala mo naman siguro si Ac- I mean, si Sir Lee, 'di ba?" "Sige. Mamaya na lang after ng math niyo, sabay na lang tayo mag-lunch." Tumango ako kaya naman napangiti siya. Grabe. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag ngumingiti. His white teeth and his dimples are perfectly match. And yes, siya 'yong crush ko na inilagay ko sa slam book ng kaklase ko. Fourth year din siya pero magkaiba kami ng section. Section A siya, section B naman kami. Pagdating namin sa room ni Ace nakapasok na lahat ng mga classmates ko. "Late ka na yata," sabi ni Ryan. Nasa tabing pinto kami ng room ni Ace. Nabaling sa 'kin ang tingin ni Ryza na nasa loob ng room at sinenyasan niya ako na pumasok pero hindi ko ginawa. "Miss Pangilinan?" Narinig ko si Ace na tinawag si Ryza. "Bakit ka nakatingin sa labas? Gusto mo nang umuwi?" "Hindi, sir. Si Keycee po kasi-" Hindi naituloy ni Ryza ang sasabihin nang biglang tumayo si Ace at lumakad papunta sa pinto, sa amin. "Good morning, sir," bati ni Ryan kay Ace nang lumabas siya sa pinto. "Miss Dela Vega, why are you late?" Nag-angat agad ako nang tingin sa kaniya. Para namang hindi niya alam! "She couldn't walk properly, sir," si Ryan ang sumagot para sa 'kin. "Pumasok ka na Miss Dela Vega. You can go, Mr. Dela Cruz," sabi ni Ace sa 'min ni Ryan. Pero bago ako pumasok sa loob, bumaling pa 'ko kay Ryan at nginitian siya. At noong nasa loob na 'ko, lahat ng classmates ko ay sa akin nakatingin. Bakit? May ginawa ba 'kong mali o masama? Ah, alam ko na! First time in the history kasi na may pinapasok siyang late. *** Nakatayo si Sir Lee sa harap habang nakatingin sa aming lahat. Nagqu-quiz kasi kami. Hindi nga namin inexpect na may quiz kami ngayon. Basta noong pagkatapos niya 'kong papasukin at noong pumasok na rin siya, bigla na lang niyang sinabing, 'get one whole sheet of paper!' At syempre nganga kaming lahat dahil ang ipina-quiz pa niya ay 'yong idi-discuss pa lang dapat niya sa amin ngayon. 'Yong iba kong kaklase ay nagsasagot na. Ako naman nagsusulat pa lang ng pangalan ko. Hindi ako makapag concentrate dahil sa tiyan ko na kanina pa nag-aalarm. "Take your time, 'wag niyong madaliin ang pagsasagot," sabi ni Ace na ngayon ay lumalakad paikot sa aming lahat. Napansin ko nga na nagmamadali 'yong iba. "Ang pagsasagot sa math problem, parang pagbaba sa hagdan." Nagulat agad ako sa sinabi niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kung magmamadali kayo pwede kayong magkamali at bumagsak," he continued. Nasa bandang likuran ko na siya. Sa lahat ba naman ng p'wedeng gawing example, 'yong pagkahulog pa sa hagdan. Nang-aasar ba siya? "Pero 'di ba sir, mas madaling bumaba sa hagdan kaysa sagutan 'tong math problem?" tanong ko habang nakatingin sa papel ko. Lumakad si Ace at huminto sa tapat ko. "Exactly!" he started. "Mas madali ngang bumaba sa hagdan kaysa i-solve ang math problem. Pero bakit may nahuhulog pa rin?" Inangat ko 'yong ulo ko para tingnan siya. "Katulad ng ginagawa ng iba sa inyo ngayon, na nagmamadali sa pagsasagot. I'm sure mayroong mga mali sa sinusulat n'yo ngayon," he continued. "Naiintindihan mo na ba ang ibig kong sabihin? Ms Dela Vega?" nang-aasar niyang tanong. "Yes, sir. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkaintindi ko sa mga sinabi mo. Kaya sa susunod hindi na rin ako magmamadaling bumaba sa hagdan para hindi ako bumagsak at masaktan," dire-diretso kong sabi. "At about sa pagsasagot, hindi rin ako magmamadali para sure ang maging sagot ko." "Alam kong hindi ka talaga nagmamadali, dahil wala ka pa naman nasasagutan kahit isa sa mga problem na ibinigay ko." Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya. "Quiet!" inis kong sigaw sa kanila. Bumalik na ulit si Sir sa harap at umupo sa chair niya. Tahimik na ulit ang buong room. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nanggigigil. Gutom pa naman ako ngayon tapos ginano'n niya 'ko! Huh! Humanda ka mamaya sa bahay! Isasantabi ko muna 'yong pagkatakot ko sa'yo dahil sa pagiging istrikto mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD